Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. My heart is fluttering with glee at ito na yata ang sinasabi ng iba na butterflies in my stomach. Kinakabahan ako at sobrang bilis at lakas ng tib0k ng puso ko ngayon lalo na nang binigyan niya ako ng halik kanina. Isa pa, kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mukha nang sabihin ko sa kanya na tinatanggap ko na ang kanyang alok na tumira ako sa bahay niya. Bakit ko pa ba patatagalin kung sobrang naiinis ako sa pagtira sa co-ed na dormitary. Sa totoo lang lahat kaming mga girls maraming reklamo dahil sa pangpa-prank ng mga ibang lalake roon. Kahit yata pagsabihan sila ng admin, wala pa rin, kaya nagtitiis na lang kami.
Pero sobra din akong natakot kanina dahil sa pagsunod sa akin ng isang lalake na hindi ko naman kilala. Hindi ko siya napansin simula nang lumabas ako ng college at naglalakad ako papunta sa trabaho. Mabuti na lang talaga at tumitingin ako sa likod ko at nakita ko nga siya. Ilang beses ‘yon hanggang sa napansin ko na sinusundan niya talaga ako. I am so relieved dahil dumating si Blayz at niligtas niya ko sa kung anuman ang balak na gawin ng lalakeng ‘yon. Actually, it’s one of the reasons kung bakit na rin ako pumayag. Dahil alam kong mas safe ako sa kanya. Napatingin ako sa kanya tapos ay sa hawak niyang kamay ko. Sobrang kinikilig lang ako talaga!
Maya-maya, nag-park na ang kanyang sasakyan sa harapan ng isang gate. May pinindot siya sa kanyang manibela at kusang nag-slide pabukas ang gate at pinasok naman niya ang kanyang sasakyan. Napaawang ang aking bibig nang makita ko ang malaki niyang bahay. Hindi ko inaasahan iyo and to think na nag-iisa lang siya na nakatira rito. Ipinasok niya ang kanyang malaking sasakyan sa garahe at pinatay na niya ang makina.
Nauna siyang lumabas at pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya ako na bumaba at hawak niya ulit ang kanyang kamay, iginaya niya ako papasok ng bahay. May pinindot ulit siya at nagliwanag ang buong bahay. Kung gaano ito kalaki sa labas, ang lawak naman nito sa loob na neutral lang ang colors. It looks clean and so manly na bagay na bagay kay Blayz.
“Welcome to my home…” nakangiti niyang sabi sa akin. “At mula ngayon, bahay mo na rin ito. You can do anything you want here at walang lalakeng makakalapit sa’yo. Well, me as an exeption.” bahagya niya akong hinila papaunta sa living room at pinaupo niya ako sa couch. “So, what do you think?”
“Blayz, ang laki pala ng bahay mo. sigurado ka ba talaga na ayos lang na tumira ako rito?” tanong ko at pinisil naman niya ang aking kamay.
“Ilang beses mo na bang tinanong yan? Of course, you are welcome to live here. Malaki ang bahay at nag-iisa lang naman ako rito. Masaya nga ako na pumayag ka dahil bukod sa may makakasama na ako rito. The house wouldn’t feel so empty anymore. Actually, hinanada ko na nga ang kwarto mo kahit hindi ka pa pumapayag. You know, just to be ready.” hindi naman ako makapaniwala sa kanyang sinabi. “Halika, at ipapakita ko sa’yo.” tumango lang naman ako. Tumayo ako at dinala niya ako sa taas.
May ilang pinto ako na nakikita roon, binuksan niya ang isa at namangha ulit ako sa lawak ng magiging kwarto ko. May sarili pa akong banyo at isang pinto naman ay malawak na closet pala. May study table, upuan, mini sofa, may maliit na flat screen TV at queen size na kama. Malalaki rin ang mga bintana na nakapaligid which is an awning type. Kitang-kita ko sa labas ang likod ng bahay and I was surprised nang makita ko ang isang pool, hindi siya kalakihan pero hindi rin naman maliit. Totoo ba talaga ito? Hindi ko akalain na mayaman pala si Blayz. I mean he is the captain but I didn’t expect t like this lalo na at mag-isa lang siya.
“Do you like it?” tanong niya sa akin. Lumingon ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na naglalakad na pala ako sa buong kwarto. Mabilis akong lumapit sa kanya at bigla ko siyang niyakap.
“Gustong-gusto ko, Blayz! Maraming salamat!” tuwa kong sabi sa kanya. Niyakap niya rin ako at hinalikan niya ang aking ulo. “Hindi mo naman kailangan na handaan ako ng ganitong kwarto. Okay lang sa akin kahit simple lang. Makikitira na nga lang ako sa’yo, eh.”
“Huwag mo ng isipin ‘yon. I want you to be comfortable and I also want to impress you.” humiwalay ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi tapos ay nagpalamat ulit ako. Pinisil naman niya ang tungki ng aking ilong at napabungisngi ako. “I was kind of nervous. Akala ko hindi mo magugutuhan.”
“Blayz, ano pa bang mahihiling ko. May tirahan na nga ako, may kwarto akong maganda tapos may kasama pa akong mabuting lalake na tulad mo. Ang swerte ko talaga sa’yo.”
“Maswerte din naman ako dahil ako ang nagligtas sa’yo.” niyakap niya ako ulit. “Sige na, magpahinga ka na. May klase ka pa bukas?”
“Oo, maaga ako kaya dapat maaga rin akong pumunta sa dorm para makapagpalit.” sagot ko.
“Ihahatid ulit kita. Teka at kukuha ako ng isusuot mo ngayong gabi. You can use the shower, may sabon, shampoo at toothbrush na akong nilagay dyan. May towel at slippers na rin.” nagpasalamat na naman ako. Hinanda niya talaga ang lahat para sa akin. Mas na-excite tuloy ako na lumipat sa bahay niya.
Iniwan niya ako sandali para kumuha ng extrang damit para sa akin. Lumapit naman ako sa study table at in-slide ang kamay ko doon. Tumingin ako sa bunong room at napangiti ako na parang maiiyak. Hindi pa kasi ako nakaranas ng ganitong kwarto. I was dreaming, wishing of it, at binigay ito ni Blayz sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib at sobrang happy ko ngayon. Bumalik siya na may hawak ng mga damit na binigay sa akin.
“Pasensya na, yan lang kasi ang naliitin ko ng mga damit. I hope it’s okay.”
“Blayz, okay na okay ito. Pamalit ko lang naman at pantulog.” hinawakan ko ng mabuti ang shirt at short na kanyang binigay and they feel so soft.
“May iba ka pa bang kailangan? Teka, kumain ka na?” tumango ako. “By the way, binili ko toh para sayo.” may nilabas siya mula sa kanyang likod at natigilan ako nang makita itong isang bagong cellphone. “Sira na kasi ang screen ng phone mo at baka masira na ito ng tuluyan. Use this, at huwag ka ng tumanggi dahil hindi ko na maibabalik yan.” agad niyang sabi dahil alam niya talagang tatanggi ako.
“Blayz… Sobra-sobra na ‘to.” sambit ko at pinipilit ko talaga na huwag umiyak. Bukod sa mga grandparents ko, wala ng ibang nag-trato sa akin ng ganito. Oh my gosh… I am feeling overwhelmed. “Thank you, thank you so much…” hinaplos niya ang aking pisngi at tumingin naman ako sa kanya. May tumulong luha sa glid ng aking mga mata at pinahiran niya ito.
“Don’t cry, sweetheart…” malambing niyang sabi.
“You are so nice to me. Hindi ko alam kung paano ko ito susuklian, Blayz.” lumapit siya sa akin at tinitigan niya akong mabuti.
“Just stay with me, okay?” tumango ako at ngumiti. “Magpahinga ka na, maaga ka pa bukas.” he gave me a brief kiss on the lips at sinara na niya ang pinto. Narinig ko ang yabag ng kanyang mga paa palayo. Nanginig naman ang aking mga tuhod, lumapit ako sa kama at napaupo ako roon.
Tinitigan ko muna ang aking bagong phone na mukhang mamahlin pa. My gosh! Totoo ba talagang nangyayari sa akin ito? Tinapik-tapik kong aking pisngi at hinawakan ko ang aking labi na hinalikan na naman niya. Tahimik akong napatili at gusto kong tumalon sa tuwa pero pinigilan ko ang aking sarili. Ang next kong ginawa ay kunin ang aking lumang phone mula sa luma kong messenger bag. Inalis ko ang sim at sd card nito para ilipat sa kabili. Naka-connect na ito sa wifi kaya naman tinawagan ko ang aking group naming magkakaibigan through messenger. Sumagot ang mga kaibigan ko at sinabi kung nasaan ako. Kinuwento ko rin sa kanila ang pagsunod sa akin ng isang lalake kanina.
“For the second time, niligtas ka na naman niya. Mabuti na lang talaga at nagbago ang isip mo at tinanggap mo ang pagtira sa kanyang bahay.” sabi ni Emberlyn sa akin.
“Ang laki ng bahay niya as in!” tumayo ako at pinakita ang buo kong kwarto. “Sobrang swerte ko talaga sa kanya.” tinutok ko ang phone sa bintana kung saan nakikita ang pool. “May swimming pool pa.”
“Loka ka! Kung tinanggihan mo, you’ll miss out on all of this! Sana may Captain Blayz din ako.” sabi naman ni Glowria.”
“Humanap ka ng sayo, Glow, may mga ibang kasama pa naman si Captain. Ipakilala mo kami sa kanila, ah!” sabi naman ni Lumina at mahina lang akong napatawa. “Oh siya, kita-kits na lang tayo bukas. Ikuwento mo lhat sa amin pag nandito ka na.” nagpaalam naman ako at in-end ko na ang call. Dumiretso ako sa banyo para maligo at nang matapos ako at suotin ang shirt ni Blayz, para akong batang paslit dahil sa laki ng tshirt niya. To think na maliit na daw ito sa kanya. Hindi na lang ako nag-short, matutulog na rin naman ako. Humiga na ako sa kama matapos akong maligo at mag-toothbrush. Sobrang lambot ng higaan at amoy na amoy ko ang scent ni Blayz dahil sa suot kong tshirt niya. Dahil doon, madali lang akong nakatulog na may ngiti sa aking mga labi.