Nanlumo ako nang makuha ko na lahat ang mga gamit ko sa dorm. Well, sa mga natirang gamit ko dahil ang iba ay sunog na. Some are salvageable, pwedeng patuyuin. My legal documents are safe, but my reading and studying materials just barely made it. Most of my clothes are okay, I'll just wash it off at a laundry shop malapit rito. Hawak ko ngayon ang aking phone na hindi ko nakuha dahil sa sobrang takot ko kagabi. Ikaw ba naman ang nakulong sa kwarto at iniwan na lang ako ng roommate ko. Mabuti na lang dumating ang isang malakas na fireman, na bukod sa gwapo, ang bait pa. I mean nakasuot lang talaga ako ng manipis na nighties kaya halos makita na ang buong kaluluwa ko. He whisk me away like a knight in shining armour. Nang makalabas na kami, pinasuot niya pa sa akin ang kanyang tshirt para hindi siguro ako mapahiya sa aking suot.
Syempre matutulog na ko at that;s the only time that I got to wear them. Para naman sa aking pagtulog ay nagfi-feeling sexy ako. Sana lahat ng lalake katulad niya. He didn't take advantage of me, although I wanted to. I know those hot firefighters at lagi ko silang nakikita dahil malapit lang ang firehouse dito sa college. Minsan nga dumadaan kami roon ng mga kaibigan ko para lang masilayan sila. But now, one of them saved me, the sexy captain, Blayz Swelter. Everyone knows them by their name at lagi naming inaabangan ang kanilang ginagawang calendar every year. They are the living fantasies of us young girls in this school. Sila ang bumubuhay sa aming katawang lupa. Puro babae lang kami dito sa college, so it's quite boring.
Pero dahil nasunog ang dorm namin, gumagawa ngayon ng paraan ang admin kung saan kami ililipat. Wala pang announcement kung saan but I hope na hindi kami mapipilitan na mag-rent ng apartment dahil wala naman akong gaanong pera. I am just living off with my scholarship at kasama ang pagtira ko rito sa dorm. May part-time job ako sa isang cafe at sapat lang ang kinikita ko doon sa pang-araw-araw. Wala na rin akong mga magulang at mga grandparents ko ang nagpalaki sa akin. Sadly, they died bago pa ako nag-attend ng college. May iniwan naman silang konting pera sa akin which I really appreciated a lot.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at umupo ako sa foam na naroon na sunog sa ibang part nito. Hawak ko ang aking lumang phone, crack ang screen nito dahil nadaganan ito ng mga kahoy. I long press the power button at natigilan ako nang mag-on pa rin ito. Natuwa ako kahit na ba crack screen ito, napipindot ko pa rin ng maayos. Salamat naman at may phone pa rin akong gagamitin! Niyakap ko ito at biglang sumulpot ang isa sa kaibigan ko dala ang ilang mga gamit niya.
"Oh, ano pang dinadrama mo rito?" tanong sa akin ni Emberlyn. Napatingin siya sa hawak ko na pinakita ko naman. "Gumagana pa rin?" tumango ako.
"Yeah, buti na lang talaga!' tumayo ako at kinuha ko na rin ang ilang mga gamit na nasalba ko mula sa sunog. naglakad kami palabas sa sunog na dorm. "Mabuti ka pa naisip mo agad na kunin ang phone mo."
"Ito ang una kong naisip, eh. Pero mas traumatizing naman ang experience mo. Nakulong ka ba naman sa kwarto niyo."
"True! Hindi man lang ako tinulungan ng roommate ko. Ni hindi niya ako ginising na nasusunog na pala ang dorm. Alam naman niyang deep sleeper ako. Mas galit talaga sa akin 'yon, eh."
"Hay naku, mas maganda ka kasi kaya naiinggit 'yon sa'yo. Hayaan mo na, ang mahalaga ay buhay tayong lahat at walang gaanong nasaktan. Alam mo, swerte mo pa rin dahil niligtas ka ng isang hot at sexy fireman." bahagya ko siyang tinulak at napatawa naman siya.
"Bakit? Ikaw rin naman, ah! Baliw ka rin! Imbes na tumakbo ka patungo sa fire exit, sa terrace ka ba naman lumabas. Mabuti na lang at mabilis na dumating ang tulong." napatawa siya ulit na animo'y kinikilig.
"At least I had a great experience being in one of those firemen's big arms. Nawala ang takot ko at puro kilig na lang. Natulala pa nga ako, pero buti hindi na ako naglaway." nagkatawanan naman kaming dalawa. "Teka, nakita kong nakasuot ka ng malaking tshirt kagabi? Kanino 'yon?" napakagat labi naman ako at nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
"Nakasuot lang kasi ako ng manipis na nighties kagabi. No'ng nilabas niya ako sa nasusunog na dorm, hinubad niya ang tshirt niya at sinuot sa akin." sabi ko na nahihiya. "Kay Captain Blayz 'yon…" pabulong kong sabi sa kanya. Namilog naman ang kanyang mga mata at nagulat ako nang bigla siyang tumili. "Hoy, babae ka! Ang ingay mo!" saway ko sa kanya. Tumigil naman siya at tumawa ulit habang tinutulak-tulak niya ako.
“Langya ka! Ni wala ka man lang sinasabi! Mas nakakakilig naman pala ang nangyari sa’yo. Ang captain pa talaga ang nag-save sa frenny ko!” kinikilig niyang sabi at napailing lang naman ako. “May sinabi ba siya sa’yo?”
“Ha? Wala naman… Pero hiningi niya ang number ko. Speaking of number, may tumawag ba sa’yo?” tanong ko at pakunot noo siya.
“Tumawag? Waley! Sino naman ang tatawag sa akin? Tsaka hiningi niya ang number mo?!” tumango ako.
“Yeah, pero binigay ko rin sa kanya ang number mo. In case lang na baka masira ang phone ko. But it’s still okay, crack nga lang ang screen.”
“As in?! Wala pang tumatawag, pero bakit kinuha niya ang number mo?” bumuntong hininga ako at kitang-kita ko ang kislap sa mga mata ng aking kaibigan.
“Just too make sure that I am okay. Akala niya yata magiging sobrang traumatized ako sa nangyari sa akin. Nagulat nga ako, eh.” napaaray ako nang bigla niyang kurutin ang aking tagiliran. “Aray naman!”
“Naku! Kurutin kita sa singit, eh! Hindi pa ba obvious na baka gusto ka niya ulit makita! Huwag ka ngang painosente dyan! Nakuha mo ang pansin niya dahil siguro sa suot mo. Sinadya mo ‘no?” namilog naman ang aking mga mata at siya naman ang kinurot ko.
“Ano ‘yon sinadya kong magsuot ng sexy nighties dahil alam kong masusunog ang dorm at iliigtas niya ko? Tumigil ka nga, Em, may problema pa tayo ngayon dahil hindi natin alam ung saan atyo mag-stay.”
“Oh, hindi mo ba nabalitaan? Plano ng admin na mag-stay muna tayo sa dorm ng kabilang university. Magkalapit lang naman ang campus natin at gagawin na nilang co-ed one.” natigilan naman ako at hinawakan ang kanyang braso. Tumigil kami sa paglalakad at nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
“You mean may mga makakasama tayong lalake?” tanong ko.
“Not in one room but in one dorm. Okay lang naman ‘yon, tsaka makakapili pa tayo ng roommate kaya nilista ko na tayong dalawa kasama si Sohlar. Three persons daw in one room. Huwag kang mag-alala, ano ka ba. We can handle some boys but not thosse hot firemen daddies!”
“Hay naku, tumigil ka na at may makarinig talaga niyan sa’yo. Hindi naman ako nag-aalala, I just feel awkward dahil may kasama na tayong mga lalake sa dorm. At salamat at gusto mo kong maging roommate. Teka, nasabi mo na ba kay Sohlar? Baka iba ang gusto ng babaeng ‘yon.”
“Oo, nasabi ko na… Tapos sila Flair naman ang magkakasama sa iisang kwarto. Magkatabi pa, kaya naman makakapagchismisan na tayo buong gabi dahil tayong magkakaibigan ang magkakasama. Wala na tayong mga roommates na killjoy!”
“Okay na ‘yon kaysa naman magrenta pa tayo. Alam mo naman na walang-wala ako. Tsaka pansamantala lang naman hindi ba?” tumango siya. “Still, kinakabahan pa rin ako. Alam mo naman ang mga lalake. Tingnan mo lang akala nila may gusto ka na sa kanila. No wonder nakahiwalay tayo sa kanila.”
“Subukan lang nila! Masasaktan talaga sila sa akin!” tumawa ako. “Kung ayaw mo talagang mag-stay doon, pwede naman sigurong tumira ka pansamantala kay Captain.” pabiro niyang sabi at tumawa ulit ako.
“Baliw ka! Hindi naman gano’n kakapal ang mukha ‘no. Nakaharap ko lang siya kagabi, kinuha niya ang number ko. Pangarap ko na nga lang na mapalapit sa kanya. Also, with a man like him, sigurado ako na may girlfriend na siya.”
“Wala! Mg ambisyosang mga babae lang ‘yon na nangangarap na maging girlfriend niya. Samantalang ikaw, lamang ka pa nga dahil kinuha niya ang number mo. Sana all na lang talaga! Sana kinuha rin ng fireman na nagligtas sa akin kagabi ang number ko. Nagsuot rin sana ako ng nighties, eh para mapansin din ako.”
“Hoy! Hindi ko ginawa ‘yon para magpapansin.” sasagot sana siya nang marinig na may tumatawag sa amin. Napalingon kaming pareho at nakita si Sohlar na palapit sa amin.
“Mabuti naman at nakita ko na kayo… Pinapatawag tayong lahat sa auditorium para daw sa paglipat natin sa kabilang dorm. Wala ng bawian, ah, roommate niyo ko.” sabi ni Sohlar at napangiti naman ako. Kumapit siya sa aming mga braso at lumakad na kami patungo sa auditorium.
“Oo naman! Tayong mga magaganda ang dapat magsama!” sabi naman ni Emberlyn. Natigilan ako nang tumunog ang aking phone. Tumingin ako sa screen at nakita ko ag nuber lang ang naroon. “Sagutin mo, baka si Captain na yan!” binelatan ko siya pero sinagot ko rin naman ang call. Napakagat labi ako nang marinig ang deep at sexy na boses ni Captain Blayz.