Napapalunok si Mia ng isa-isang nagsipaglapitan ang mga naka-hood na aswang sa kumukulong tubig. May orasyon silang ginagawa sa pangunguna ni Mariano. Nagtataas sila ng kamay at parang sinasamba nila ang kumukulong tubig habang nakasabit pa rin ang mga kaibigan niya. May sinasabi rin silang salita na hindi niya maintindihan na tanging sila lang ang nakakaalam. Pinipilit niyang kumawala sa pagkakatali. Subalit sa higpit nito na pati paa niya ay mayroon ay hindi niya matanggal-tanggal. Ubos na rin ang luha niya sa pag-iyak sa maaaring kahinatnatan ng kanilang buhay. Nasaksihan niya kanina ng may nagdala na ng katawan at ulo ni Sally. Kahit ganoon ang naging pagtrato sa kanila ng dalaga, nalulungkot pa rin siya sa sinapit nito at ng iba pang kaibigan niya. At maaaring pati na rin siya! Mat