PROLOGO

255 Words
”Parang… parang awa mo na, pakawalan mo na ako. Pangako, walang makakaalam ng lahat ng ito.” Halos gumagapang na ang babae papunta sa paanan ng isang lalaki. Nanatili namang tinitingnan lang ito ng lalaki at imbes na maawa sa nakikitang babaeng duguan ay nginisihan lang niya ito. “Sige. Bubuhayin kita, kung susunod ka sa gusto ko.” Naupo ito sa tapat ng babae at hinaplos ang puno ng dugo, luha at sipon nitong mukha. “Bigyan mo ako ng supling. Supling na siyang magpapatuloy ng aming lahi.” Patuloy ito sa paghaplos sa mukha nang nagulat na babae. Nanlalaki ang mga matang umiling-iling ito at nahihintakutang pinipilit na umatras habang nakadapa. Nais niyang mapalayo sa lalaking ngayon ay galit na. Nanlilisik ang matang hinawakan ng lalaki ang braso ng babae. Napaigik sa sakit ang babae dahil nararamdaman na niyang bumabaon na sa balat niya ang matutulis nitong kuko. “Ayaw mo? Sige, ito na ang katapusan mo!” At sa isang iglap at sinakal nito ang hindi man lang nakapiyok na dalaga. Tinusok nang matutulis nitong kuko ang leeg ng babae. Habang galit na galit ang mukha nitong pinagmamasdan ang unti-unting pagkawala ng hininga nito. Sabay nang pagbagsak niya sa katawan nito ay ang pagpasok ng kakambal sa kuwebang kinaroroonan nila. “Ako ng bahala. Sisiguraduhin kong hindi mauubos ang lahi natin.” Sabay-sabay na nagngisihan ang mga naroon. Sana nga ay magtagumpay ito kung anuman ang plano nito. Dahil kaunti na lang sila at ayaw naman nilang tuluyang maubos. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD