Tila tahimik ang gabi namin ngayon. Araw kasi nang Lingo, at kapag ganitong araw sa umaga lang halos ang matao. Pagdating sa gabi, humuhupa na ang mga tao kasi Lunes na naman kinabukasan. Back to work ang karamihan sa mga guests namin.
Napatingin ako sa entrance ng coffee shop nang tumunog ang chime. Biglang tumigil ang mundo ko, nang magsalubong ang mga mata namin ni Sir table 101. Shocks! Feeling ko wala siyang ibang nakikita sa paligid kundi ako, at tanging kaming dalawa lamang ang nandito sa coffee shop.
“Sis ang bibig mo itikom mo ng kaunti lang, baka tumulo ang laway mo eh.” Bigla akong natauhan nang bumulong sa akin si Lheng.
Ipinilig ko ang aking ulo at saka pinalitan ng ngiti, ang kanina’y pagnganga ko kay Sir. Kasunod noon ay ang pagtalikod ko at pag-upo, upang pakalmahin ang sarili ko. Nagkunwari akong may hinahanap sa cabinet sa baba ng counter dahil ang lakas ng pagkabog ng aking dibdib. Nang humupa ang pagkabog ng dibdib ko, saka ako tumayo at huminga nang malalim bago humarap muli sa bar.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang nakatingin sa espresso machine. Hindi rin muna ako lumilingon sa table 101 dahil alam kong nakatingin si Sir sa akin. Hindi ako feeling, malakas lang talaga ang radar ko! Eheheh. Ayaw ko siyang tingnan kasi baka kung anong maging reaction ko. Feeling ko maiiyak ako na matatawa kapag humarap ako kay Sir. Kaya mas pinili ko na lang na yumuko muna at mag-focus sa orders.
“Sis, double espresso and decadent cake for Table 101 please. Pa-serve na rin kasi medyo busy, and ayan lang naman ang table ni Sir,” sabi ni Lheng sabay layas sa harapan ko.
My goose neck! Hindi pa ako ready humarap kay Sir eh! What to do? What to do? Self kalma tayo ha? Si Sir lang iyan hindi ka naman kakagatin niyan. Kung sakali man, okay lang pakagat tayo, guwapo naman siya eh! Eeeiii! Ang landi ko ‘no? Pinapakalma ko ang sarili ko habang nagwa-warm ng cake. Nang matapos ay inayos ko na ang mga orders ni Sir sa tray na nakapatong sa counter, saka ako lumabas ng bar.
“Hi!” nakangiting bati sa akin ni Sir table 101.
“Hi Sir—”
“Rusty. Rusty Montereal.” Nabitin ang pagsasalita ko nang magpakilala si Sir table 101.
“...here are your orders po,” halos pabulong na ang pagkakasabi ko niyon.
Kasi naman si Sir table 101 nambibigla eh! Na-caught off guard tuloy ako. Kaya naman medyo nanginig pa ang mga kamay ko nang inilalapag ko ang mga orders niya. Mabuti na lang at hindi natapon ang mga iyon.
“Enjoy your dessert and coffee Sir Rusty!” tanging sambit ko sa kaniya sabay ngiti nang matamis sa kaniya.
Ngumiti lang siya sa akin bilang tugon. Kaya naman umalis na ako sa harapan niya, at bumalik sa loob ng bar. Dahil wala pang orders, naglinis na ako ng bar area para mamaya ready to go na lang. Matapos akong maglinis, napatingin ako ulit sa table 101. Busy si Sir sa pagbubutingting ng kaniyang cellphone kaya naman malaya ko siyang natititigan. Grabe ang gwapo lang niya talaga!
I wonder if ilang babae na kaya ang napaluha niya? Hmmm, on the other thought, mukha naman siyang mabait. Parang siya ‘yung tipo ng lalakeng hindi magpapaluha ng babae. Napaka-amo ng mukha niya. Parang ang sarap haplusin ng makinis niyang pisngi. Agad akong napayuko nang tumingin ito sa kinaroroonan ko. Nagpanggap akong may ginagawa kahit wala naman, napatingin lang ako ulit sa kaniyang table, nang tinawag niya ang pangalan ko. Nakangiti pa siya sa akin ng tingnan ko siya. Nang-aakit ba si Sir? Kung oo, aba naaakit ako!
“Yes Sir?” magalang kong tanong sa kaniya.
“Can I pay my bill? Mukhang busy pa sila eh.” Sabay tingin niya sa mga kasama kong may kani-kaniyang ginagawa.
“Okay Sir,” mabilis kong tugon sa kaniya. Agad akong nagtungo sa cashier para kuhain ang bill niya at mabilis ring bumalik sa table ni Sir Rusty. “Here’s your bill Sir!” Nakangiting inabot ko sa kaniya ang bill jacket. Tinanggap naman niya iyon saka naglagay ng pambayad.
“Thank you Janice,” nakangiting wika niya, sabay abot pabalik ng bill jacket sa akin.
Patayo na sana siya nang pigilan ko siya. Bakit? Kasi kagaya noong nakaraang kumain siya rito, malaki na naman ang halagang inilagay niya sa bill jacket. Okay naman sanang mag-tip siya kasi mayaman naman siya, kaso ako ‘yong nanghihinayang. Para kasi siyang nagtatapon ng pera kapag ganoon.
“Sir Rusty, sobra po ang ibinayad niyo. Here.” Sabay abot ko sa kaniya ng labis na halaga.
Ngumiti lang siya saka ibinalik sa bill jacket, ‘yong perang isinoli ko sa kaniya. Pinilit kong ibalik ulit sa kaniya ‘yong pera, pero hindi na niya inabot iyon.
“Janice, keep the change. Kapag ipinilit mo pa ulit na ibalik sa akin iyan, sa susunod ikaw na ang pagbabayarin ko ng o-order-in ko.” Nakangiting banta niya sa akin.
“Sir kasi—” Itinaas na niya ang kaniyang hintuturo at inilapat iyon sa kaniyang labi.
‘Why so sexy Sir?’ tanong ko pa sa isip ko.
“No more buts. Sige ganito na lang, next time babawasan ko na. Promise!” saad pa niya sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa sa harapan ko.
“Okay po. Thank you for coming Sir! Have a good night! Keep safe.” Medyo mahina ang pagkakabanggit ko sa huling katagang sinambit ko, pero tila narinig niya iyon. Dahil ngayon ay ngiting-ngiti na siyang nakatingin sa akin.
“I will. Thank you. See you soon!” Sabay kindat pa niya sa akin.
Oh my goose neck! Pangalawang besses na niyang ginagawa sa akin iyon. Ganoon kaya siya talaga? Kinikindatan ang lahat ng servers, or rather lahat ng mga babaeng nakakausap niya? ‘Di naman kaya manerism na iyon ni Sir? Hayyy, kahit ano pa man, makalaglag panty siya sa kapogian!
“Janice, akin na iyang bayad ni Sir nang ma-close ko na ang cashier. Linis ka na rin para makapagbihis na tayong lahat,” untag sa akin ni Lheng na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin.
“Ayyy! Oo nga pala. Sorry Lheng, ito na oh.” Inabot ko na sa kaniya ang bill jacket sabay pasok sa loob bar.
“Uyyy, sis! Totoo ba ito? Ganito kalaki mag-tip si sir table 101?” namimilog ang matang tanong nito sa akin.
“Opo.” Napapailing na lang ako habang nakangiting sumagot sa kaniya.
“Hala! Ginayuma mo ba iyon? OA sa laki ng tip ha! Parang dalawang beses siyang kumain no’ng mga inorder niya!” hindi pa rin makapaniwalang saad ni Lheng habang nakatingin ito sa bill jacket na hawak nito.
Tinawanan ko na lang siya sabay tuloy sa aking ginagawa. Matapos akong maglinis ay wala na talaga kaming mga guests. Sabay-sabay na kaming nagtungo sa locker at nag-ayos, nagbihis, at kung ano-ano pa. Matapos kami sa locker ay sabay-sabay na rin kaming lumabas ng cofee shop.
“Hayyy, thank you po! Finally, off tomorrow!” nakadipang saad ni Lheng habang nakatingala sa kalangitan.
“Oo nga, finally, off na natin,” sang-ayon ko naman dito.
Madami-dami rin akong gagawin bukas. Kapag off ko kasi, nagge-general cleaning ako at naglalaba. Alam niyo na parehong barako ‘yong mga kapatid ko, kaya ayun ako pa rin ang gagawa ng mga gawaing iyon. Pero marunong naman sila, ako lang din ang makulit at mapilit. Kaya tinutulungan na lang nila ako. Hmmm, pahi-pahinga rin kapag may time. Kakapagod din naman mag-work, aminin niyo iyan. Ehehehe. Anyway masaya naman ang araw ko today. Bukod sa nakita ko si sir table 101, nalaman ko pa ang pangalan niya. Crush ko na talaga si Sir grabe!