Matuling lumipas ang mga araw at buwan. Gamay na gamay ko na talaga ang trabaho ko sa bar. Madami na rin akong mga kaibigan. Kagaya ng lima kong makukulit, baliw, at tunay na kaibigang sina Angie, Ayen, Thummy, MJ at Shen. Apat sa kanila ay sa kusina nagta-trabaho, habang kami naman ni Thummy ay sa dining area.
Madalas kapag pang-umaga kami, magkakasama kaming tumatambay sa Chillax Restau-bar. Well, si MJ ang palaging lugi. Dahil sa apat silang nasa kusina, hindi naman puwedeng sabay-sabay sila ng schedules. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko ang pagtatampo minsan ni MJ. Akala talaga namin tunay, ang loka uma-acting lang pala.
“Janice, isang decadent cake and double espresso for table 101!” pukaw sa akin ni Thummy.
Automatic namang napasulyap ako sa table 101. Parang may magnet ang lalakeng nakaupo sa table na iyon nang magtama ang mga mata namin. He’s the most handsome man that I’ve ever saw in my entire life.
His eyes were very expressive, his lips looks yummy sa sobrang pula niyon, his nose were so tangos na parang sa mga kastila, at ang kinis ng kaniyang kutis. Tipong mahihiya ka kapag dumikit ka sa kaniya. Nakadagdag pa ang manipis na bigote’t balbas nito at parang napaka-wild niyang tingnan, sa manipis nitong bigote’t balbas na maayos at malinis ang pagkaka-shave. Raawwwrrr!!!
“Huyyy, friend baka naman matunaw si sir niyan. Saka ‘yong coffee baka lumamig. Tapos palagyan na rin ng vanilla ice cream itong cake.” Doon naman ako natauhan nang ipaalala sa akin ni Thummy na may orders nga pala ako.
Agad kong ginawa ang coffee niya, at naglagay ng isang scoop ng ice cream sa tabi ng cake. Inayos ko iyon saka inilagay sa ibabaw ng tray. Nakangiti akong bumaling kay Thummy.
“Ito na po. Thank you!” sabi ko pa sa kaniya.
Muli akong napasulyap kay table 101, at nahuli ko siyang nakangiting nakatingin din sa akin. Agad naman akong nagbawi ng tingin saka tumalikod. Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang mapatili. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement. Ang pogi naman kasi niya. Eeeeiiii!
Dahan-dahan pa akong humarap at nagkunwaring nagpupunas sa bar. Pagsulyap ko sa table 101, shemay! Nakatingin siya ulit sa akin! Kaya naman nginitian ko na lang siya para naman hindi obvious na affected ako. Mabuti na lang naging busy na rin kami kaya naman panandalian ko siyang nakalimutan. Echos!
“Yes Sir?” tanong ko sa table 101 nang makita kong nagtaas ito ng kamay.
“Ahm, can I pay my bill?” alangang tanong nito sa akin.
“Ahm, Okay po. I’ll get it for you Sir, mukhang busy silang lahat eh,” nakangiti kong tugon sa kaniya matapos kong ilibot ang aking paningin.
Nakita ko kasing hindi magkanda-ugaga sila Thummy sa pag-aasikaso ng iba pang mga guests. Tutal wala naman na akong orders, ako na lang ang kukuha ng bill ni sir. Lumabas ako ng bar at nagtungo sa cashier upang kunin ang bill ni Sir. Nang ma-print ang bill niya, agad akong bumalik sa puwesto ni Sir pogi.
“Here’s your bill Sir!” Nakangiti ko pang iniabot ang bill jacket sa kaniya.
Para pang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan, nang mahawakan niya ang kamay ko. Napatingin siya sa akin sabay bawi ko naman sa aking kamay. Naramdaman din kaya niya iyon?
“Here. Keep the change—” Agad pa akong napatakip sa dibdib ko nang dumako ang mata niya roon.
Bahagya naman siyang natawa sa ginawa ko. Napa-awang naman ang bibig ko nang makita ko siyang tumawa. Lalo kasi siyang gumuwapo sa paningin ko.
“I’m just trying to read your name,” maya-maya ay saad niya sa akin.
“Ahhhh!” Iyon naman pala gusto lang niyang makita ‘yung pangalan ko.
Oo nga naman nasa bandang dibdib nga naman nakakabit ‘yung name plate ko. Kaya naman nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sabay ngiti sa kaniya. Hinawakan ko pa ang name palte ko saka iyon iniharap sa kaniya.
“Janice, Sir. Sorry po,” sabi ko sabay hinging paumanhin na rin sa kaniya.
“It’s okay. As I’ve said, keep the change.” Kumindat pa ito at ngumiti, saka ako iniwang nakasunod lang ng tingin sa kaniya.
Shocks! Crush ko na si Sir table 101. Ano kayang pangalan niya? Hayyy, sana bumalik ulit siya soon. Single pa kaya si Sir? Pero sa pogi niyang iyon, malamang taken na siya. Nasa ganoon akong pag-iisip nang lapitan ako ni Thummy.
“Uyyy, Janice para kang wala sa sarili riyan. Nabudol ka ba? Nagbayad na ba si Sir?” magkasunod na tanong niya sa akin, kaya naman iniabot ko na lang sa kaniya ‘yung bill jacket.
“Oh-em-gee! Totoo ba ito? Nag-tip si Sir ng almost half ng binayaran niya? Ang laki naman ng tip niya!” Namimilog pa ang mata ni Thummy ng sabihin iyon sa akin.
Hindi ko naman kasi chineck kung magkano ‘yung inilagay ni Sir eh. Kaya naman inagaw ko kay Thummy ‘yong bill jacket, upang silipin kung magkano ang inilagay roon ni sir. Namilog din ang mga mata ko nang makita ko kung magkano lang dapat ang babayaran ni Sir. Napakagalante naman niya. Hindi kaya nagkamali lang siya ng bigay ng bayad?
“Hala Thum, hindi kaya nagkamali lang si sir ng bigay ng bayad?” tanong ko pa kay Thummy.
“Ayyy, walang gano’n. Walang laban, bawi. Nabigay na niya eh!” sabi pa ni Thummy saka naglakad na papuntang cashier.
Napailing na lang ako at pumasok na rin sa bar. Uumpisahan ko nang maglinis at baka ako pa ang ma-late sa linisan. Pero promise para akong nagayuma ni Sir. I can’t take him out of my mind! Ang pogi naman kasi talaga niya tapos simple lang manamit. Kanina nga nakamaong pants lang siya, white v-neck t-shirt, white bull cap at white din ang rubber shoes niya. Ang linis niyang tingnan ‘di ba?
Hayyy, kailan kaya siya babalik ulit? Ang bango-bango rin niya. Siguro mamahalin ang pabangong iyon. Anyway, sa ngayon focus na ulit sa work. Kailangan ko ng maglinis talaga at wala na rin halos guest.
“Janice, ang pogi ni Sir table 101 ‘no? Ang bait pa, ang laki ng tip niya eh!” nakangising saad ni Thummy habang nagbibihis na kami sa locker.
“Oo nga crush ko na nga yata siya eh,” pabirong sabi ko sa kaniya habang nagsusuklay.
“Loka-loka ka talaga! Pero seryoso, ang bait niya at napaka-simple. May-ari raw pala ‘yun ng sikat na modeling agency eh. Tapos ito pa, may sarili rin daw siyang TV network. Bongga!” Kuwento pa ni April sa amin.
“Talaga? Kanino mo naman nasagap iyang tsismis mo Abril?” tanong ko naman dito.
“Well, ayon sa aking source lang naman. Basta mayaman iyon si Sir table 101. Regular dito ‘yon pero hindi ko matandaan iyong pangalan niya,” sabi pa nito habang nag-aayos ng bag. Natawa naman kami ni Thummy sa sinabi niya.
Kaya naman pala artistahin si Sir dahil anak mayaman, tapos may-ari pa ng modeling agency at may sariling network? Saan ka pa? Hayyy nakaka-inggit naman maging mayaman. Sana all! Matapos kami sa mga ginagawa namin, magkakapanabay na kaming nagtungo sa dining area.
Ilang minuto rin kaming naghintay ng oras para mag-uwian. Masuwerteng may kasabay ako ngayon, si April. Pareho kasi kaming pa-Fairview, mauuna nga lang siyang bumaba. Pero okay na rin iyon at least hindi boring. Madaldal at kalog kasi si April kaya paniguradong maganda ang magiging biyahe namin.
Pagdating ko sa bahay, naabutan ko pang gising ang sumunod sa akin. Gumagawa pa ito ng assignment. Saglit akong nagtungo sa kusina para uminom ng tubig at agad din namang bumalik sa sala.
“Ano iyang ginagawa mo?” humihikab kong tanong sa kaniya. Sinilip ko pa ang sinusulat niya. Baka kasi love letter lang iyon, at hindi naman talaga assignment. Eheheh.
“Last na po ito ate, madami kasi akong ginawa kaninang project eh. Sabay-sabay pa ang submission,” nagkakamot pa sa ulong tugon nito sa akin.
“Halika at tulungan na kita riyan. Ano pa ba ang kulang mo?” Pinake-alaman ko na ang mga gamit niya at nag-umpisang tulungan siya.
“Salamat ate! Alam ko pagod ka na rin sa trabaho, pero heto’t nakukuha mo pa akong tulungan,” sabi pa niya sa akin.
“Sus, pasalamant ka at pang-gabi ako this week. Kung hindi, mag-isa kang maglalamay rito ngayon!” Ginulo ko pa ang buhok nito.
Tinapos na namin ang huling ginagawa ng kapatid kong si Jeorgie. Naaawa naman ako kasi halatang antok na antok na ito. Kaya naman nang matapos na niya ang huling bahagi ng kaniyang ginagawa, inutusan ko na siyang matulog. Ako na ang nagligpit at imis ng mga kalat sa sala.
Matapos kong maayos ang lahat, naghilamos na rin ako at nag-tooth brush. Pumasok na rin ako sa kwarto at naghanda ng matulog. Konting panahon pa at mapapagtapos ko na ng pag-aaral ang mga kapatid ko.