Chapter 8- Injury

1426 Words
Miles Point Of View*' Naglalakad ako at napansin ko ang mga itim na sasakyan na dumating sa school at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa unahan na may lumabas na isang lalaki at yun ay si Max. I mean Tito Max! Anong ginagawa niya ngayon dito! Napatago ako sa may punuan at napahawak ako sa puso ko. Ano naman ang ginagawa niya dito? Bakit siya nandidito ngayon sa school ko? Kailangan di niya ako makita! Dahan dahan akong lumakad hanggang sa tumakbo ako nang di ko napansin na may bato kaya nadapa ako! Jusko! Ang batong ito paepal eh! Napahawak ako sa tuhod ko dahil dumudugo iyon. Napatingin ako sa unahan at mabuti di ako napansin ni Max. "You dummy, klase mo ngayon diba? Bakit nandiyan ka sa damuhan nag picnic?" Napatingin ako sa President namin sa Student Council na si President Oliver. "Uhmm, hindi ako nagpipicnic. Nadapa lang ako." Napatingin naman siya sa tuhod ko at napahawak siya sa ulo niya. "Kailan ka pa naging lampa, Miss Parkins?" Waaa oo nga naman! Hindi naman ako lampa at hindi dapat ako makita ng mga estudyante sa kalagayan ko na ito! "Pasensya na po. May bato po kasi kaya di ko nakita." Tinuro ko ang malaking bato. Nakita ko napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa bato. "Sa laki ng batong ito ay di mo napansin na may bato dito? Don't tell me lumilipad na naman ang isipan mo?" Waaaa ganyan talaga siya sa totoo lang! Pranka kung magsalita! Sa simula ay nasasaktan talaga ako pero tinatago ko lang hanggang sa masanay na ako. "Pasensya na po! Tatayo na.. ack!" Nanlalaki ang mga mata ko nung sumakit ang paa ko. Waaaa don't tell me na sprain ang paa ko! Napatingin ako sa lugar kung nasaan kanina si Max at mabuti wala na sila. Napatingin ako kay Oliver. "Una ka na. Susunod lang ako sa room." Nakangiting ani ko sa kanya at nakatingin pala siya ngayon sa paa ko! Napalunok ako. "Bakit di mo masabi sabi na may sprain ka sa paa?" Natigilan ako nung lumapit siya sa akin at binuhat ako bigla na kinakapit ko sa kanya baka ihulog niya ako! "Pres!" "Are you shouting at me?" Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya sa akin. "No! I mean hindi po. Baba niyo po ako." Di na niya ako pinakinggan at lumakad na siya at nakikita ko ngayon ang magandang mukha niya at ang panga niyang parang mga model ang datingan. "Namamangha ka na sa mukha ko?" Natigilan ako at napatingin ako sa kanya. "Po? Hindi..." Napansin ko na nasa harapan kami ng clinic na kinalaki ng mga mata ko at agad akong yumakap sa kanya at ramdam ko na din ang panginginig ko ngayon. "Miles, hey." Lumayo naman siya sa clinic at hinihingal ako ngayon at naramdaman ko na umiiyak na ako ngayon. "Kahit clinic ay takot ka?" Di ako nagsalita at napaiyak na lang ako at umupo siya sa bench at inupo niya ako sa binti niya galing sa pagkaka buhat niya sa akin. "Okay, pasensya na. Di ko na ulit gagawin iyon." Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan niya ang luha ko. Di ko gustong magsalita at yakap yakap ko pa din siya. Di ko alam kung bakit may ganung phobia ako sa mga Hospital. "Tahan na." "Miles." Narinig ko ang isang boses at dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakita ko si Max na nag aalalang nakatingin sa akin. "Tito..." Lumapit siya sa akin at bigla niya akong binuhat na kinakapit ko sa batok niya. "What happened?" "Boss, mukhang kagaya sa phobia ni Milady at nasa harapan tayo ng clinic." Napatingin naman si Max kay Oliver. "Dinala mo siya sa Clinic?" "May sprain siya at may sugat siya sa tuhod niya dahil sa pagkaka dapa niya at di ko alam na pati ang clinic ay may phobia din siya dito." "W-Walang kasalanan si Pres, Tito," nanghihinang ani ko kay Tito habang yakap yakap ko siya. "Okay, okay, ako na ang gagamot sayo sa kotse." Tumalikod si Max nang magsalita si Oliver. "Sino ka ba at kaano ano mo si Miles?" "She's mine." Napatingin ako sa kanya dahil as sinabi niya. Bumilis din ang t***k ng puso ko habang nakatingin ako sa walang emosyon niyang mukha. Napatingin siya sa akin. "She's my niece." Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Waaa bakit yun lang ang tingin mo sa akin? Kumurot naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Tumalikod siya at lumakad palayo kay Oliver at ako naman ay tahimik lang at dahan dahan akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at nakatingin ako sa kamay ko na nilalaro ko. "Bakit ka ba nadapa?" Napatingin ako sa kanya at nanlalaki ang mga mata ko dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Napatingin ako sa malambot na labi niya. "Marshmallow..." wala sa sariling banggit ko na kinatigil niya sa paglalakad. "What?!" Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ko. Anong marshmallow! "Dahil sa marshmallow kaya ka nadapa?" "Ha! Hindi! Dahil sa bato." Yung lips mo ang marshmallow eh! Napahawak na lang ako sa mga ulo ko dahil pakiramdam ko ay napakasalanan kong tao dahil ganito ako sa sariling Tito ko! "Bato?" "Nadapa ako sa garden kanina papunta sana ako sa room ko at di ko napansin na may bato kaya nadapa ako at mabuti nandodoon si Pres at tinulungan niya ako. At di ko napansin dinala niya ako sa Clinic." "Kaya nakita kita na nakayakap ka sa kanya habang nakaupo ka sa binti niya? Di ko alam na ganun ka pala sa mga taong nakikilala mo at kahit sino na lang ang niyayakap mo." Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Po? Hindi ako ganun! At teka napaupo ako sa binti ni Pres! Di ko napansin yun dahil blanko ang isipan ko kanina at ang gusto ko makalayo sa lugar na yun!" Napabuntong hininga naman si Max at napatingin sa akin. "Bakit ba prone ka sa accident?" Napapout ako hanggang sa makarating kami sa sasakyan at pinaupo niya ako sa upuan. "Hindi ko din alam kung bakit." Nagulat ako nung kinuha niya ang binti ko na kinalaki ng mga mata ko. "Tito!" "Stay put ka lang diyan." Nag stay naman ako at tiningnan ko siya na mukhang marunong siya sa mga sprain. "Marunon ka pala sa ganito, Tit--- aahhh!" Napakapit ako sa upuan nung biglang tumunog ang binti ko at nagulat ako dahil hindi na masakit! "Tito, di na masakit." "Mabuti naman." Kumuha siya ng first aid kit at nilinisan muna ang sugat ko at napaigik ako dahil ang hapdi nun at agad naman niyang inihipan at di na gaano masakit at matapos nun ay nilagyan niya ng cream at napapout na lang ako hanggang sa matapos na. "Okay na." Dahan dahan ko namang ibaba sana ang mga paa ko pero biglang hinila pabalik ni Max ang paa ko. "Wag mo munang igalaw ang mga paa mo." "Okay." Naalala ko kung bakit nandoon sila sa school kanina. "Tito, bakit po ba kayo nasa school kanina?" "May binisita lang ako sa office." "Eh? May kilala ka?" "Hmm, my Uncle. Siya ang Dean ng university na ito." Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, as in?" "Yes, matagal tagal na kaming hindi nagkita kaya pinuntahan ko na lang siya dito." "Close din kami ni Dean. Siya ang tumulong sa akin na magkaroon ng scholarship. Napakabait ni Dean sa akin." "Really?" Tumango naman ako sabay ngiti. Pero naalala ko ang sinabi sa akin kanina ni Pres. "Mamayang hapon babalik ako sa school dahil may meeting ako with Pres. Absent kasi ako kahapon kaya dadalo ako mamaya." "Meeting?" "Yes, officer din kaya ako." "Di halata." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What the!" Natawa naman siya ng mahina dahil sa sinabi ko. Pero tumawa siya? "Ang gwapo niyo naman po talaga pag tumatawa po kayo, Tito." "I already know that. You don't need to say that." Napapout naman ako sa sinabi niya. Mahangin din pala ang isang ito? Napansin ko na hindi sa mansion ang punta namin ngayon. "Saan tayo, Tito?" "Sa Kompanya mo." Nagulat ako sa sinabi niya. "Po?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Oo nga naman. Pero sana wag niyo po munang sabihin na ako po ang nag mamay ari dahil di pa ako handa at marami pa akong dapat matutunan sa larangan ng business." "That's my plan." "Thank you po." "Let's go." Nanlalaki ang mga mata ko dahil ang napakamalaking building pala na ito ay sa pamilya ko pala! Di ko alam! ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD