Miles Point Of View*
Nakasuot ako ngayon ng uniform dahil papasok ako ngayon sa school at napatingin ako sa damit ko dahil pinagawa ulit nila ako ng bagong uniform. Umikot ako sa salamin at nakangiti ako habang nakatingin doon. Di ko inaakala na dadating sa punto na magbabago ang buhay ko.
Napatingin ako sa mga pasa pasa sa maputi kong balat at visible ito! Paano ba ito mawawala?
"Milady! Eh? Nakabihis ka na agad? Bakit di mo ko tinawag."
Lumapit si Anna sa akin at nanlalaki ang mga mata niya. Oo nga pala mahilig kasi akong mag long sleeves kaya di halata ang mga pasa sa katawan ko.
"M-Milady."
Hinawakan niya ang kamay ko at parang mangiyak ngiyak siya habang nakatingin sa mga pasa ko.
"Ako po ang bahala sa mga pasa niyong yan. Gagawin ko po ang lahat wala lang yan. Hubadin niyo po ulit ang damit ninyo. Lalagyan ko po yan ng ointment at ng concealer para hindi halata."
Napangiti ako at tumakbo siya papunta sa banyo para kunin siguro ang first aid kit doon.
Napangiti na lang ako at kagaya ng sinabi niya ay hinubad ko ang damit at ang palda ko. At ang naiwan na lang ay sando at shorts sa baba at lumabas na siya sa banyo at napatingin siya sa katawan ko. Alam ko na nagugulat pa din siya dahil mas madami ang pasa ko sa katawan ko.
"Milady, all these years. Ginaganito ka ng babaeng yun? At ang payat payat mo din."
Napangiti ako at pinat ang ulo niya.
"No need to worry ayos lang ako lalo na't nandidito na kayo sa tabi ko at lalo na din si Tito, Anna."
Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi niya at tumango tango naman siya.
"Di kita iiwan, Milady! Hanggang sa huling hininga ko ay gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang."
"Thank you."
Agad niyang nilagyan ng ointment ang mga pasa ko at di naman ako gumalaw dahil sanay na ako sa sakit at hapdi ng mga iyon.
"Masakit po ba?"
Inihipan naman niya ang sugat ko at ngumiti ako at umiling.
"Sanay na ako."
"Ehh!"
"Milady, kung masakit ay ipalabas mo ang sakit na nararamdaman mo. Wag mong itago."
"Ayos lang ako."
Biglang may luhang lumabas sa mga mata ko na di ko namamalayan at niyakap niya ako.
Hindi ba ako normal?
Matapos ang gamutan ay nilagyan niya ng concealer ang mga pasa ko at nagulat ako dahil para wala na siyang walang mga pasa sa katawan ko.
"Wow, ang galing mo, Anna. Thank you."
"Ano ka ba wala yun. Tulungan ma kitang magbihis."
"Okay."
Matapos na kaming magbihis at lumabas na kami ng kwarto at agad kong nakita si Tito Max na nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape.
"Bakit ngayon lang kayo nakababa?" tanong niya sa amin.
"May inayos lang kami, Tito."
"Ano yun?"
Nagkatitigan naman kami ni Anna at iniba ko ang topic.
"Tito, gutom na ako kanina pa."
"This is your house kaya umupo ka na. By the way mamaya mamimili tayo ng mga pangangailangan mo dito sa bahay."
Umupo naman ako at nagtataka ako sa sinabi niya na mamimili.
"Mamimili? Wala akong pera."
"Anong wala? Lahat ng perang pinagtrabahuan ko ng ilang taon sa Kompanya ninyo ay pera mo ang lahat ng iyon."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Po? Pera ko?"
"Hmm, wag kang mag aalala. Hindi mauubos ang pera mo mamimili lang ng ganun."
"Teka Kompanya ko?"
"Yes, don't worry, tuturuan kita sa bagay na yun. Dahan dahanin kong ipaintindi sayo ang mga bagay bagay. Hindi ka naman mahirap turuan dahil business naman ang course na kinuha mo."
Dahan dahan naman akong tumango pero di nga! May Kompanya ako! I mean may kompanya ang pamilya namin?
"Hindi ko alam ang bagay na yun."
"Hindi din naman yun alam ng Tita mo."
Dahan dahan na lang akong tumango at nagsimula ng kumain at napatingin ako sa kanya at napanganga ako dahil ang hot niya pag umiinom siya ng coffee.
Napalunok naman ako at bigla siyang napatingin sa akin na kina ubo ko at agad naman akong binigyan ng tubig ni Anna at napabuntong hininga naman siya habang nakatingin sa akin.
"Dahan dahan lang sa pagkain. Wala namang ibang uubos sa pagkain na nasa lamesa."
Napapout naman ako sa sinabi niya. Naman eh!
"Okay."
Kumain na ako. Nakakahiya naman sa crush ko na nagkaka ganito ako!
Natapos na kaming kumain ay tumayo na ako at napatayo din siya at lumakad.
"May lakad ka din, Tito?" tanong ko sa kanya.
"Hatid ka sa school."
"What!"
Napahinto ako at tumingin ako sa kanya at agad napailing iling.
"No thanks. Di na kailangan at magaling na ako kaya magbibisekleta ako papunta sa school."
Napakunot na naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Really, kaya ko na ang sarili ko at isa pa di ko muna ipapakita na ako ang tagapag mana ng Parkins Family."
Napatingin naman siya sa akin na parang malalim ang iniisip sa mga sinasabi ko.
"Please?" ani ko sa kanya.
"With bodyguards."
"Nope, disagree ako sa bagay na yan. Please mas lalo yan nakakaattract ng mga masasama ang loob."
Napabuntong hininga na lang siya.
"Okay, fine."
Napangiti naman ako sa kanya.
"Thank you!"
Agad ko siyang niyakap. Minsan minsan din kailangan magtsansing din ako ng wala sa oras noh.
"Bye, una na ako!"
Agad kong kinuha ang bike ko at agad akong nagbisekleta palabas ng mansion.
"This is my new life! Babaguhin ko na ang hinaharap ko!"
Nakarating na ako sa school at binati ko ang mga Bodyguards na nagbabantay sa entrance.
"Good Morning po!"
"Good Morning din, Miles."
Binuksan naman nila ang harang sa gate at pinapasok ako.
"Thank you po!"
Agad na akong pumadyak and by the way scholar ako sa school na ito and also kasali din ako sa diciplinary officers. Sinabi kasi ng Dean na kailangan kong mag participate sa mga ganung bagay at agree naman ako sa bagay na yun.
Dumiretso ako sa opisina namin at by the way kasama ko ang mga Student council kasi kasali nga ako doon pero ako ang nag lead sa diciplinary officers. Officers kasi nila ako dahil gagraduate na ko sa katapusan.
Pero ang weird noh? Binubugbug ako sa mansion pero sa school ay ako ang leader sa diciplinary officers.
Pumasok ako sa opisina namin at napatingin ako sa kanila.
"Good Morning," bati ko sa kanila.
Nagulat naman silang napatingin sa akin.
"Waaa! Miles, bakit ka absent kahapon!" nagpapanik na ani nila sa akin.
"Uhmm, may lagnat ako kahapon. Pasensya na talaga."
Biglang lumapit sa akin ang cold naming President sa Student Council na si Oliver Henderson. Wala pa din siyang emosyon na lumapit sa akin na kina atras ko at napasandal ako sa lamesa.
"Pres, pasensya dahil di ako nakadalo kahapon at sabi mo pa nga na importante ang meeting kahapon sa mga officers."
Bigla niyang tinapat ang kamay niya sa noo ko na kinalunok ko.
"Nasaan ang medical certificate mo?"
Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Namutla naman ako sa sinabi niya.
"Pres, alam niyo naman na di pwede si Miles sa mga Hospital,' ani ng Secretary namin na si Stacy.
"Oo nga. Naalala ko pa nga na nawalan talaga siya ng malay nung tumungtong pa lang tayo sa Hospital."
Nakatingin naman si Oliver sa akin. Kahit nga sa clinic ay ayokong pumunta doon.
"Okay, I understand. Hindi sa pinapalagpas ko ang pag absent mo kahapon. Mamayang hapon ay wag kang umuwi dahil ipapakliwanag ko ulit sayo ang lahat ng mineeting namin kahapon. Naintidihan mo?"
Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. May lakad kami ni Tito ko mamaya. Date na yun eh!
"Bakit?" tanong niya sa akin.
"N-Nothing po. Pasensya na po kung uulitin niyo po ang meeting ninyo kahapon."
"Gusto ko lang maintindihan ninyong mga officers ang role ninyo sa school na ito."
Waaa ang cold niya talaga kahit papaano! Cold din naman si Tito Maxwell pero iba ang cold niya ay yung may worry eh.
"Dismiss."
Agad naman silang nag alisan dahil oras na ng klase at ako ay aalis sana nang tawagin niya ako.
"Miles, maiwan ka muna."
Waa bakit na naman!
"Yes, Pres?"
Lumapit ako sa kanya at may kinuha siya sa medical kit at binigay sa akin ang gamot na hawak niya at binigay din niya ang mineral water na hawak niya.
"May mild fever ka pa."
Eh? Teka lang bakit niya pa ako hiningian ng Medical Certificate kung naramdaman pala niya an may lagnat pa ako kahit kaunti lang?
Iba din trip niya eh no?
"Ah, salamat po."
Kinuha ko naman at aalis sana ako nang tawagin na naman niya ako.
"Miles, did I say na aalis ka na hindi mo iniinom ang gamot mo?"
Napalunok naman ako sa sinabi niya. Naman eh!
"Inumin mo ang gamot na yan ngayon baka makalimutan mo na naman na inumin ang gamot mo at ilang beses ko bang sabihin na alagaan mo ang sarili mo ha?" kunot noong ani niya sa akin.
"Waaa! Pres, inaalagaan ko naman po pero..."
"Sumasagot ka pa? Bakit ka naman nilagnat kung inalagaan mo ang sarili mo?"
Kinurot niya ang pisngi ko na kinapout ko at binitiwan naman niya ang pisngi ko. Trip niya talaga ang pisngi ko!
"Pasensya na po! Iinumin ko na po ang gamot ko po."
Agad kong ininum ang gamot at pinakita ko naman sa kanya na wala na ang gamot sa bibig ko at tumango naman siya.
"Mauna na po ako."
"Go."
Agad na akong tumakbo palabas at napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa pisngi ko. Kawawa naman ang pisngi ko!
Lumakad na ako nang napansin ko ang Anim na itim na kotse ang pumasok sa school at natigilan ako nung lumabas doon si Tito Maxwell. What the! Anong ginagawa niya dito!
**********
LMCD22