Chapter 9- Favorite Dish

1570 Words
Miles Point Of View* Nakanganga ako habang nakatingin pa din sa Kompanya at pumasok na kami at maraming mga nakatingin kay Maxwell. Dahil sino naman ay hindi makakatingin sa kanya eh sobrang gwapo ng Tito ko. Jusko bakit ba kita naging Tito! Waaaa! Sa malalim ko na pag iisip ay bigla ang nabangga sa likod ni Jeson. Siya ang right hand ni Tito Maxwell. At dahil matigas ang likod niya ay ma out of balance ako kaya napaupo ako sa sahig. Waaa bakit ang malas ko ngayon! At nanlalaki ang mga mata ko dahil basa ang inuupuan ko ngayon. Nakita ko na nabuhos ang balde na may tubig ng Janitor dito. Bakit ang malas ko ngayong araw na ito! "Ma'am, ayos lang po ba kayo?" agad na ani sa akin nung Janitor. "Ah opo. Pasensya na po." Agad lumapit sa akin ni Jeson at dahan dahan siya sa paglapit baka madulas siya at inanalayan niya akong tumayo at napatingin ako kay Tito Max na nakatingin sa akin at napahawak siya sa ulo niya. Agad niyang hinubad ang suit niya at agad niyang inilagay sa balikat ko. "So clumsy." "Sorry po." Lumakad na siya at ako naman ay gusto nang maiyak dahil sa kahihiyan. Madami nang nakatingin sa amin. Inanalayan naman ako ni Jeson na lumakad kasunod kay Tito Max papasok sa elevator. Basa na ang palda ko at pati na din ang panty ko. Jusko wala akong extra! Teka may panty ako sa bag ko! In case na may menstruation ako ay may dala agad akong emergency. Pero ang palda ko. "Milady, may masakit po ba sa inyo?" tanong ni Jeson sa akin at namumula naman akong napailing iling. "Wala naman. Pasensya na talaga." "Ano ba ang iniisip mo? Saan na naman ba lumilipad ang isipan mo?" Napatingin ako kay Max na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. "Don't tell me lalaki ang iniisip mo?" Natigilan ako. Waaa paano niya nalaman na lalaki ang iniisip ko nun? Siya lang naman kasi ang pumapasok sa isipan ko! "See? Miss Ophelia Miles Parkins, nasa Kompanya mo tayo at wag kang mag isip ng ibang lalaki kung nasa Kompanya tayo. Nandidito tayo para turuan ka kung ano ang mga gagawin sa Kompanyang ito." "Galit ka ba sa akin, Tito..." "Obvious ba?" Waaa galit nga siya! "Pasensya na po at di ko na uulitin ang bagay na yun. Mag iingat na ako!" "Siguraduhin mo lang." Napayuko naman ako dahil sa kahihiyan at napatingin ako sa likod ni Jeson at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang powder na dumikit sa likod niya! Teka tumama ang mukha ko doon! Agad akomg lumapit sa kanya at agad kong pinagpagan ang likod niya na kinatingin nilang dalawa sa akin. "What are you doing, Milady?" tanong ni Jeson sa akin. "Pasensya na, yung powder ay napunta sa damit mo na galing sa mukha ko. Waaa paano ba ito matatanggal?" Naiiyak na ako habang pilit ko yung tinatanggal. Nakakahiya! Bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas na kami ay hinawakan naman ni Max ang kamay ko at lumakad kami papasok sa isang pintuan at sinira niya ang pintuan at nakikita ko na nasa opisina niya kami at pumasok siya sa isang pintuan ulit at nakita ko na isa iyong kwarto. May kwarto sa opisina niya? Binitawan naman niya ang kamay ko at dumiretso sa may Kabinet at kumuha ng damit na polo doon at binigay sa akin at tinulak niya ako papasok sa loob ng banyo. "Maligo ka at magbihis." Sinira na niya ang pintuan na kinatulala ko. Eh? Gusto lang niya na maligo ako? napatingin ako sa polo na hawak ko. Wala na akong nagawa kundi ang maligo na lang at nakikita ko dito ang mga gamit niya dito at puro mga sikat na brand ang mga gamit niya dito sa banyo niya at agad na akong naligo at naamoy ko ngayon ang pabango niya ngayon. Napapikit ako habang nakangiti. Sinuot ko na ang damit na binigay ni Max at inilagay ko naman sa washing ang mga damit ko para mamaya ay matuyo ito. Lumakad ako palabas habang pinapatuyo ko pa din ang buhok ko nang napansin ko na nasa labas pa pala ang lalaking ito. "Tapos na akong maligo, Tito." Napatingin naman siya sa akin at nakikita ko ang gulat sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa damit ko. Polo lang naman at wala namang problema dahil hanggang binti ko naman ang polo niya. "Tito, may problema po ba?" tanong ko sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin at hindi nakaligtas sa akin ang namumula niyang tenga ngayon na kinalaki ng mga mata ko. Teka lang. Naiilang siya sa sout kong damit? Para lang naman akong nag dress nito ha. Lumapit ako sa kanya na kinatingin niya sa akin. "Tito, pasensya po talaga sa nangyari kanina. Malas day ko talaga ngayon." Nakapout ako habang nakatingin sa kanya. "Sit down." Umupo naman ako at kinuha niya ulit ang first aid kit at nilagyan niya ulit ng gamot ang sugat ko na kinatingin ko sa kanya. "Tito, ang bango naman ng sabon ninyo." Natigilan naman siya sa ginagawa niya at napatingin siya sa akin at napangiti ako sa kanya. Napabuntong hininga naman siya at tumayo na at tumalikod at inilagay ang first aid kit sa lagayan at tumingin siya sa akin na may malamig na tingin. "Wag kang lalabas sa kwartong ito na ganyan ang sout mo, understand?" Eh? Dahan dahan naman akong tumango. Ano naman kasing mali sa sout ko na nagsout lang ako ng polo shirt niya? Siya naman ang nagbigay sa akin nito noh! Napahawak ako sa polo niya ay napangiti ako at inamoy ang damit niya kasi ang bango! Naalala ko ang sinabi ng head maid ko na matagal na akong kilala ni Tito Max at close niya ako noon pa man pero ang weird dahil wala akong maalala na kasama ko siya. Ano bang nangyari? Bakit hindi ko siya maalala? "Close pala kami noon pa man? So pwede akong maging sweet sa kanya? Normal naman ang bagay na yun diba?" Tumayo ako at dahan dahan na tumingin sa kanya na busy sa mesa niya na nagbabasa ng papel. "Uhmm, Tito?" Napatingin naman siya sa akin. "Why?" Luminga linga ako sa paligid at wala namang ibang tao at lumapit ako sa kanya at nakita ko na napakunot naman ang noo niya sa akin. "Gutom ako. May pagkain ka ba diyan?" nahihiyang ani ko sa kanya pero nakatingin ako sa mga mata niya. Napabuntong hininga siya at tumayo at hinawakan niya ang kamay ko at lumakad kami papasok ulit sa kwarto niya at napatingin ako sa kamay namin at ang bilis ng t***k ng puso ko. Hinawakan ko pabalik ang kamay niya at mabuti di naman niya iyon napansin. Nakarating kami sa mini kitchen niya dito sa kwarto at binuksan niya ang ref at nanlalaki ang mga mata ko dahil ang dami ng pagkain! "Marunong ka namang magluto diba?" Di ako nakasagot dahil nakatulala ako habang nakatingin sa mga ingredients. "Fine, ako na ang magluluto. Umupo ka doon." Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kanya. "Po?" Napatingin naman ako sa tinuro niyang upuan at agad ko naman siyang sinunod at umupo doon at sinuot niya ang apron niya at agad na siyang naghiwa ng mga gulay at namamangha ako dahil ang galing niyang mag hiwa. Hanggang sa nagluto na siya at ang bango ng mga niluluto niya. Naiinlove ako sa luto niya. Kinuha ko ang phone ko at pasekreto ko siyang kinukunan ng litrato habang nagluluto para mag litrato ako sa kanya na pinaglutuan niya ako. "What are you doing?" Natigilan naman ako sa pagkukuha ng litrato at agad kong tinago ang phone ko. "N-Nothing." "Kumuha ka ng plato doon." Napatingin naman ako sa unahan at agad akong bumaba sa upuan ko at kinuha ko agad ang mga plato doon at kubyertos at inilagay naman niya ang mga ulam sa lamesa at may dala naman akong kanin kanina ay kinuha ko na din para may dagdag kaming kanin. Di pwede na kulang ang kanin. Nagbabaon naman kasi ako pag pumapasok sa school kasi ang mahal ng bilihin ngayon. Tumabi naman siya sa akin na kinabilis ng t***k ng puso ko. "Let's eat." Pwede ikaw ang kakainin ko? Waaaa di pwede! "Okay." Kumain ako ngayon at natigilan ako dahil ang sarap ng pagkain! "Tito, ang sarap ng pagkain na gawa mo!" Oh my God! Ito na ang pinaka the best among the rest! Pero bakit parang pamilyar sa akin ang bagay na yun? Parang natikman ko na ito noon pa man pero di ko maalala kung saan at kailan. "That's your favorite dish before. Mukhang nakalimutan mo na ang bagay na yun." Natigilan ako sa sinabi niya. Paboritong pagkain ko ito noon? Nung bata pa ako? Bakit hindi ko maalala? Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Paborito ko ang pagkain na ito? Eh ngayon ko lang natikman ang pagkain na ito. Wala akong maalala na natikman ko ito noon. Teka lang paano mo nasabi na paborito ko ang dish na ito noon, Tito? Nakasama ba talaga kita noon pa man?" Gusto kong malaman ang lahat ng iyon. Kung kailan kami nagsama at kailan kami naging close. Ibang iba siya sa nilalarawan ng head maid ko sa akin. Bakit ang lamig niya ngayon at expressionless? May nagawa ba ako sa kanya noon na di ko maalala? ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD