Chapter 6- The New Beginning

1641 Words
Miles Point Of View* Napamulat ako ngayon at agad napatingin sa bintana at nakikita ko ang sinag ng araw doon. Nakatulala pa din ako habang nakatingin doon. Inalala ko kung panaginip ba ang lahat nang nangyayari sa akin kahapon. "Panaginip lang ba ang lahat ng iyon?" Natigilan ako at napatingin sa paligid. Bakit ako nandidito sa kwarto ni Tita? Itong kwartong ito ay ang pinakamalaking kwarto dito sa mansion. Tumayo ako at inilibot ko ang boung paligid ng kwarto. Napahawak ako sa ulo ko dahil naalala ko na ang mansiong ito ay pagmamay ari ng mga magulang ko at ako lang ang nag iisang anak nila. Napaupo ako sa sahig at tumulo ang luha ko. "All these time, hindi dapat ako naghihirap ng ganun?" Tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak ako. Wala man lang nagsabi sa akin para malinawan ako. Pero naintindihan ko naman dahil tinakot sila ni Tita. Hindi makatao ang ginawa nila sa akin. Napatingin ako langit sa labas ng bintana. "Dad, Mom, kailangan ko bang pagdaanan ang bagay na iyon?" Mas lalong tumulo ang luha ko. Tama dahil kay Max... hindi I will call him Tito Max. Ang weird naman na tawagin siyang ganun lalo na't magka edad lang kaming dalawa. Siya lang pala ang susi sa lahat ng paghihirap ko. Biglang may kumatok sa pinto na kinatingin ko doon at pinunasan ko ang luha ko at tumayo at lumakad at binuksan ko iyon. Nagulat ako nang makita ko si Tito Max na nakatingin sa akin na walang emosyon. "Good Morning, Tito Maxwell." "Hmm... morning." Biglang kumunot ang noo niya napansin siguro niya ang natutuyong luha ko. "Umiiyak ka ba?" kunot noong ani nito. "H-Ha? Hindi po." "Sinong nagpaiyak sayo?" Natigilan ako dahil biglang dumilim ang mukha niya. Waaa bakit siya nagagalit? "Kakagising ko lang at nag yawn lang ako, Tito." Napabuntong hininga siya at tumango tango sa sinabi ko at mabuti bumalik sa dati ang awra niya pero cold pa din. Ang liit lang ng mundo namin. Ang taong nabangga ko at ginamot ako sa mansion niya tapos tinakasan ko pa ay ang Tito ko lang pala. Pero bakit ko pa siya naging Tito eh ang gwapo gwapo niya! Pwede bang siya na lang ang Boyfriend ko? "Bakit hindi ka pa nag bibihis? Wala ka na bang lagnat?" Bigla siyang lumapit sa akin at nagulat ako nung bigla niyang inilapit ang noo niya sa noo ko na kinalaki ng mga mata ko at nakikita ko na chinicheck lang niya ang kalagayan ko. "Hmm, hindi na masyado pero di ka pa din papasok." "Eh? Pero internship ko ngayon at di ako pwede umabsent!" Tinaasan niya ako ng kilay na kinayuko ko. "Pag sinabi ko na hindi ay hindi ka talaga papasok, Miles." Nagulat ako sa tawag niya sa akin. Mukhang ito atah ang unang beses na marinig ko na binanggit niya ang pangalan ko. Napayuko ako pero baka di ako makagraduate sa lagay na ito. "Don't worry, nagpadala na ako ng tauhan sa school niyo at sinabi ko na lumiban ka muna dahil may lagnat ka." Napatingin ako sa kanya. "Talaga po?" Napabuntong hininga na lang siya at bigla siyang tumalikod sa akin. "Please, wear something bago mo buksan ang pinto. Naka lagay na ang mga gamit mo sa dressing room. See you sa dining room." At lumakad na siya at napatingin naman ako sa damit ko at nanlalaki ang mga mata ko dahil naka pangtulog ako na manipis na dress. Agad akong napayakap sa sarili ko. Waaa nakakahiya! Agad kong sinira ang pintuan at napatakip ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan! Lumakad na ako papunta sa dressing room at nagulat ako dahil naamoy ko ang bagong mga damit ko. Nasaan na ang mga lumang damit ko? Lumakad ako nang biglang may kumatok. Eh? Sino ba yun? Kinuha ko ang isang shawl doon at tinakip sa katawan ko at binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang isang babae. Teka katulong? Naka sout kasi siya ng maid dress. Bigla siyang yumuko siya na kinagulat ko. "Milady, ako po si Anna Santiago. Ako po ang bagong personal maid niyo po." Eh? Ngayon ko lang siya nakita dito sa mansion. "Uhm, sino ang nag papasok sayo dito bilang personal maid ko?" "Si Master Maxwell po." "Di ko naman kailangan ng personal maid----" "Ayaw niyo po ba sa akin po?" Bigla siyang nag teary eyes na kinagulat ko. Hala para siyang maiiyak dahil sa sinabi ko! "H-Hindi sa ganun." "Milady, pasensya na po. Sasabihin ko po na hindi niyo po ako tanggap at para makakahanap sila ng bagong ipapalit sa akin." "Hindi! Pasensya na. Wag mong mapapasamain ang sinabi ko. Di lang ako sanay na may Personal maid. Alam mo naman diba na Maid din ako kahapon at updgraded lang ako bilang madame dito." "Alam ko po dahil nandidito na din po ako nung hinuli ang mga babaeng yun. Wag kang mag aalala ako na ang magliligtas sayo sa lahat ng kapahamakan, Milady." Yumuko siya sa harapan ko. "Hindi mo naman kailangan gawin ang bagay na yan eh. Ayos lang talaga ako." Ngumiti naman siya at napatingin siya sa sout ko. "Papasok na po ako para maasikaso ko na po kayo." "Eh?" Matapos akong liguan at bihisan ay natulala ako habang nakatingin sa salamin dahil para na akong tao ngayon! "Milady, ang ganda niyo po talaga." Nakikita ko sa mga mata niya na manghang mangha siya ngayon habang nakatingin sa akin at nahihiya naman ako habang nakatingin sa kanya. "Hindi naman. Naayusan lang ako kahaya nagkakaganito." Umiling naman siya sabay ngiti pa din. "Milady, kahit hindi ka po ayusan ay napakaganda niyo na po." Napangiti na lang ako nang may naalala ako. "Anna, pwede bang magtanong?" "Ano po yun?" "Kagabi, ano bang nangyari. Mukhang nawalan atah ako ng malay." "Ah yes po, nawalan ka po ng malay kagabi habang kausap mo si Master Maxwell at binuhat ka niya." Nagulat ako sa sinabi niya at inaksyon niya pa talaga ang ginawa ni Maxwell. "Inutos niya na itapon ang lahat ng gamit ni Tita mo at pati ng Pinsan mo tapos mabilis na inutos ni Master Maxwell na bumili ng damit sa sikat na shop at pinahiga ka muna niya sa kwarto na nakaassign sa kanya at inalagaan ka niya na siya lang dahil uminit ka na naman nun tapos nung ma arrange na ang lahat ay inilipat ka niya dito sa kwartong ito." Nakatulala ako habang nakatingin sa kanya. "Sinong nagbihis sa akin kahapon?" "Ah yung head maid ang nagbihis sayo." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya at ang akala ko kasi ay si Tito Max ang may gawa nun. "Tayo na po, Milady. Baka hinihintay ka na si Master Max doon." Tumango naman ako at lumakad na at habang naglalakad ay nakatingin sa akin ang mga katulong na kasama ko dito noon pa man at nakikita ko na masaya sila habang nakatingin sa akin. Hanggang nakarating na kami sa dining room at nakita ko si Tito Max na nakahawak sa tablet niya na parang nakiki update sa boung mundo. Ang gwapo naman kasi ng Tito Max ko oh! Na aattract talaga ako sa mga gwapo! Ang sikat na CEO s***h President ay nandidito ngayon sa harapan ko. Nasa magazine nag mga litrato niya at maraming na aattract sa kagwapuhan niya. Lalo na ang itim niyang buhok at kulay tsokolate niyang mga mata at napaka puti din niya. Hindi ko napansin na nakarating na ako sa harapan niya at binaba niya ang tablet niya at tumingin sa akin ang mga matang iyon. "Good Morning, Miles." Nagulat ako sa sinabi niya at pati ang boses niya ay ang sexy nun. "G-Good Morning, Tito." "What are you waiting for?" "Huh?" Diba kanta yun? Love me like you do na ba nag susunod? "Sit." Napatingin ako sa upuan at nagdadalawang isip ako dahil hindi naman ako pwedeng umupo dito dahil ang mga kagaya kong katulong noon ay wala akong karapatan na umupo dito. Nakita ko na nagbuntong hininga siya at tumayo at inisug niya ang upuan at nagsign na umupo ako. "Ayos lang bang umupo ako dito?" Tumango naman siya. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ang lahat ng nandidito ngayon ay sayo." "Kahit na ikaw, Tito?" Natigilan naman siya at ako din ay natigilan sa sinabi ko. What the itong bibig ko basta gwapo ay di titigil! "Just kidding." At umupo na ako at umupo din siya sa inuupuan niya. Ang inuupuan niya ay yan ang upuan ni Tita noon at ang inuupuan ko ngayon ay ang upuan ni Sienna. Pero nasaan na sila? "Tito, nasaan po sila Tita at Sienna? Alam ko po na pinalayas na sila dito pero nasaan po sila?" "Miles, wag kang magtanong ng ibang tao pag kaharap mo ako. Naintindihan mo?" walang emosyong ani nito sa akin. Natahimik naman ako. Baka kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ang babaeng yun ay nasa Prison at ang anak naman niya ay di ko na sinali sa pagkulong dahil mukhang wala naman siyang alam sa nangyayari." Mabuti naman at ganun ang nangyayari. "Thank you, Tito. Okay na yun na update tungkol sa kanila." "Hindi ka galit?" Umiling ako. "Hindi ako magagalit dahil yun naman ang tama para sa kanila. Maraming salamat dahil dumating ka na at ang madilim kong buhay ay bigla ng nagliwanag. Akala ko wala ng ibang magliligtas sa akin sa bagay na yun. Di ko alam na nandiyan ka at dadating bigla." Napakagat ako sa labi ko dahil pinipigilan kong maging emotional. "I'm sorry." Napatingin ako sa kanya. "Eh?" "I'm sorry, nahuli ako ng dating. Sana noon pa man ay inuwi na kita dito. I'm sorry, Miles." Eh? Nakikita ko na malungkot siya ngayon. Akala ko wala siyang emosyon bakit ito ang nakikita ko. At sino ka ba talaga sa buhay ko at bakit hindi kita maalala kahit konti man lang? ******** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD