Miles Point Of View*
Nagulat ako nung pinatawag ako ng mga Bodyguards at maids na kasama ko dito sa Mansion.
"Miles, pinatawag ka nung lalaki sa labas. Alam mo ba na gwapo siya at mayaman."
"Oo nga, hinuli nga nila si Madame. Mabuti naman at hinuli nila dahil grabe na ang paghihirap sayo ng mga iyon."
Nagulat ako sa sinabi nila. Teka lang? Hinuli? Bakit naman nila hinuli si Tita? At bakit hinahanap ako?
"W-Wala naman akong ginawang masama. Bakit nila ako guhulihin?"
"Hindi ka naman huhulihin nung lalaking iyon. Alam mo narinig ko kanina slight lang na Tito mo daw siya, Miles."
Nanlaki ang mga mata ko. Tito? Teka lang ang relatives ko lang ay itong side ni Mom at hindi ko alam na may relatives pa ako.
"Gusto mo buhatin ka namin?" tanong sa akin nung isang katulong.
"Ayos lang ako. Alam niyo naman na sanay na ako sa ganito."
Tumayo ako ng dahan dahan at kahit matanda na yung Tita ko ay di ko aakalain na malakas pa pala yun manakit. Bati sipa niya ay masakit din eh. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang magbabago na ang buhay ko dahil kasasabi pa lang nila na hinuli nga ang Tita ko.
"Miles, kaya mo pa ba?"
Nag approve sign ako at nakita ko na naiiyak na naman sila.
"Wag nga kayong umiyak. Malayo lang ito sa bituka noh."
Nakita ko sa unahan si Manang na nakangiting nakatingin sa akin at nung nakita niya na nagka ika ika ako sa paglalakad ay naging malungkot siya.
"Anong nangyari?"
"Napag tuonan na naman siya kanina ni Madame at ayun pinagpapalo siya at pinag sisipa."
Hinawakan niya ang kamay ko at napaiyak siya.
"Wag kang mag aalala, Miles. Bumalik na ang Tito mo at tutulungan ka niya at ang sa Tita mo naman ay ipapakulong nila."
"Ha? Teka nandidito pa siya kanina diba?"
"Dinakip siya kanina at hawak na siya ng mga tauhan ng Tito mo sa labas."
Nagugulat pa din ako sa nangyayari at kahit masakit ang paa ko ay nagpaika ika ako sa paglalakad kahit masakit ang paa at katawan ko.
Umakyat ako kasi ang kwarto ko ay nasa baba, nasa basement. Inanalayan naman nila ako sa pag akyat at lumakad na kami papunta sa Sala.
Ano kayang itsura ng Tito ko? Matanda na ba yun? Kapatid ba siya ng Daddy ko? Mayaman din ba siya? Matutulungan ba talaga niya ako dito na makawala sa pagmamalupit ng Tita ko at ng anak niya?
Ilang taon na kaya siya? Nasa mga 50's na kaya?
Nakarating kami sa sala at nakita ko na maraming mga Bodyguards ang nasa paligid at nakikita ko na hawak nila si Tita at si Sienna at may isang lalaki na nakatalikod sa akin at nakatingin siya sa labas ng binata.
Napatingin naman ako kay Manang at tumango naman siya na ang ibig sabihin ay kausapin ko ang Tito ko.
"Uhmm, excuse me?"
Napatingin naman silang lahat sa akin at except sa Tito ko. Nakita ko na napayuko si Tita at ganun din si Sienna na umiiyak.
Dahan dahan naman itong tumingin sa akin at nanlalaki ang mga mata ko na makita siya ulit siya. Tama kayo ng narinig at ulit! Nakita ko ulit ang lalaking tinakasan ko. Ang sikat na young businessman sa boung Europe na si Maxwell Enzo Pierce.
"Ikaw na naman!" di ko mapigilang sigawan ang lalaking iyon.
Nakatingin lang siya sa akin.
"Kaya ba nilowdan mo ko para mapuntahan mo ko dito?"
"Miles, Tito mo siya at wag mo siyang sigawan," mahinang ani ni Manang sa akin.
"Hmm yes."
Tingnan niyo na? Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Napabuntong hininga ako at napatingin sa kanya.
"Ikaw ba talaga ang Tito ko?" tanong ko sa kanya.
Waaa ang malas naman oh! Sayang gwapo siya at crush ko pa naman siya pero Tito ko pala siya.
"Yes, I am."
Napatingin naman siya kay Tita at napayuko ito.
"Mukhang ang masarapnsa buhay ang isang ito huh."
Napatingin naman ako kay Tita na di pa din makatingin sa akin. Teka bakit under ngayon ang Tita ko? Nasaan na ang Tita kong tinataas niya sa sarili niya at pinagtatapak tapakan lang kaming mga mahihirap? Nasaan na yun?
"Tell me, Ophelia."
Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya ang unang pangalan kom
"A-Ano?"
"Binigyan ka ba niya ng rights sa bahay na ito? Pinakain ka ba niya ng maayos, binihisan ng magagandang damit at binibigay ang pangangailangan mo sa pang araw araw?"
Nagulat ako sa tanong niya at ramdam ko din ang pang gigigil niya sa pananalita niya habang sinasabi niya ang bawat katagang iyon.
Napatingin ako kay Tita na nakatingin na siya sa akin at tahimik na nagmamakaawa.
"Hindi pamilya ang turing niya sa akin. Tinuring niya akong katulong dito at kapalit yun sa pag aaral at pagkain ko dito."
Agad namang nag agree ang mga kasama ko dito.
"W-What?"
Gulat yarn? Bakit naman siya magugulat eh yun naman ang realidad at kahit di niya nakita ang lahat ng iyon ay marami namang mga saksi sa bagay na yun.
Napatingin naman si Tito kay Tita Amelia at nagulat kami nung sinakal niya si Tita.
"Mommy!" sigaw naman ni Sienna at napaubo ubo naman si Tita dahil sa ginawa ni Maxwell.
"Pinagkatiwalaan ka namin na mapalaki mo ng tama si Miles ay ganito ang gagawin mo, Amelia?"
Nagtataka naman akong napatingin sa kanila at napatingin naman ako kay Manang at dahan dahan naman siyang tumango.
"M-Miles, patawarin mo ako sa mga ginawa ko sayo!" ani ni Tita sa akin at napaubo ubo naman siya.
"T-Tito, please let her go."
Binitawan naman niya at napaubo ubo naman ito at hinahabol ang hininga niya. My God! Di ako sanay na tawagin siya na Tito! Same lang kami ng edad noh.
Lumapit suya sa akin na kinatingin naman niya sa akin at bumaba ang tingin niya sa kamay at paa ko at agad ko namang tinago iyon dahil nababakas doon ang mga pasa ko doon.
"Mukhang may ginawa ka sa kanya ngayon at nakikita ko ang mga pasa sa kamay at paa niya."
Nararamdaman ko ang galit sa boses niya na kinalunok ko. Bakit nagagalit ka? Bakit mo ko pinuprotektahan ngayon? Kung matagal mo na akong gustong protektahan bakit ngayon ka pa nagbalik? Bakit hindi kita nakita noon pa man?
Gusto kong itanong ang lahat ng iyon sa kanya pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.
"P-Patawad!"
"Dalhin na sila."
Nagulat ako. Teka saan nila dadalhin sila?
Hinawakan ko ang kamay niya na kinatingin niya sa akin at naiiyak ako.
"Anong gagawin mo sa kanila?"
Inilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Ano ba ang gagawin sa mga ganung tao? Sakim sa yaman na hindi naman sa kanila."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"K-Kaninong kayamanan at bahay ang lahat ng ito?"
Napahawak siya sa ulo niya na parang nastress na ngayon.
"Jusko, kahit yun di man lang sinabi sayo? This whole mansion is yours. Sa mga magulang mo ang Mansion na ito. Pera mo ang ginagamit nilang pang gastos sa lahat ng gusto nilang bilhin. Thank god na lang na di pinahawak sa kanila ang negosyo dahil sigurado matagal ng bankrup pag sila ang humawak."
Nagulat ako sa sinabi niya. Teka tama ba ang sinabi niya sa akin? Inilibot ko ang boung mansion. This mansion is mine from the start?
Flashback...
"Dalian mo ang paglilinis, dammit!" sigaw ni Tita sa akin.
"Tita, mabigat po ito."
"Nagrereklamo ka pa? Walakang utang na loob. Pinatira kita dito at pinakain at susundin mo ang lahat ng gusto ko dahil palamunin ka lang dito!"
Tinulak niya ako at napaiyak ako habang sinipa sipa niya at ang sakit nun.
"Tita, tama na po!"
"Tama na, Amelia!"
Napatingin ako kay Manang na niyakap niya ako at agad akong napayakap kay Manang.
"Anong ginagawa mo sa bata?"
"Wag kang makialam dito, Manang!"
"Wala kang karapatan sa saktan ang batang ito, Amelia."
"Wala kang magagawa at ako ang Madame dito at isa ka din dito sa mga palamunin. Gusto mo bang matanggal sa trabaho mo ha."
"Hindi mo ko matatanggal dito dahil isa na ako sa naging parte sa mansion na ito."
"Anong magagawa mo? Ako ang Amo ngayon at isa ka lang namang hamak na katulong."
Napakamao naman si Manang.
"Manang, kasalanan ko po. Ayos lang po ako. Magtatrabaho na po ako. Ayoko pong maalis kayo dito."
"Mabuti at alam mo ang katayuan mo, Miles."
At umalis na si Tita nun at napayakap ako kay Manang.
"Hindi mo na sana ginagawa ang bagay na yun, Manang. Ayokong pati ikaw ay maalis dito. Ayos lang ako, Manang."
Napaiyak si Manang at niyakap niya ako ng mahigpit.
"I'm really sorry, wala akong magawa, Miles."
"Ayos lang po yun. Puprotektahan po kita, Manang."
Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang ako at magkaroon ng sariling bahay?
End Of Flashback...
Napaiyak ako at agad kong niyakap si Manang.
"Tapos na ang lahat, Miles. Ikaw na ang bagong Amo naming lahat."
Nakayuko naman silang lahat sa akin at nagulat naman ako.
"Please take care of us, our Milady."
Napatingin ako kay Maxwell na nakatingin sa akin.
"Matagal na dapat nasa sayo ang boung lugar na ito."
Nagdadalawang isip ako dahil nabibigla pa ako sa mga nangyayari ngayon.
"Pero di ko pa kayang---"
"Ano ba ang purpose na nandidito ako ngayon dito?" walang emosyon na ani niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya.
"Kung gusto mo ako muna ang mag hahandle ng boung mansion mo at ikaw marami ka pang matutunan na mga bagay bagay."
Nanlalaki ang mga mata ko. Waaa bakit parang nakakatakot ang awra niya ngayon. Mukhang mas mahirap ang pagdadaanan ko ngayon ha.
"O-Okay na ako sa walis---"
Hinawakan niya ang balikat ko.
"Nope, di ko hahayaang humawak ka ulit ng walis, Ophelia Miles Parkins. I will teach you everything from the start."
"Ehh? Waaaa, Manang!"
Yumuko naman silang lahat.
"Kayo na po ang bahala sa Milady namin, Mr. Pierce."
My God! Waaa bakit ako napunta sa sitwasyon ko ngayon at napatingin ako kay Maxwell at matalim niya akong tiningnan.
"Okay, fine. Susunod na po, Tito."
Wala na finish na. Kailangan kong gawin ang bagay na yun.
"Good, your training starts tomorrow."
******
LMCD22