Chapter 4- The Rights

1618 Words
Miles Point Of View* Dahan dahan akong nagmulat at napatingin ako sa labas at nanlalaki ang mga mata ko dahil for the sake! Gabi na! Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko ang ilang misscalls ng Tita at nung tingnan ko ang orasan ay alas 7 na ng gabi at ang alam nila ay uuwi ako mga alas 3 ng hapon pero gabi na nga! Bumilis ang t***k ng puso ko at napahawak sa katawan ko dahil mararamdaman ko na naman ang p*******t niya mamaya. Nanginginig ang katawan ko at dahan dahan akong tumayo at mabuto bumaba na ang lagnat ko. Paano ba ako lalabas dito? Agad kong sinuot ang sapatos ko at kinuha ko ang gamit ko at agad lumabas at mabuti walang masyadong tao ngayon hanggang makalabas ako sa mansion at nakita ko ang bike ko sa gilid na inilagay at agad akong sumakay doon at agad akong pumadyak. Napahinto ako sa may gate at may mga Bodyguards doon. "Hello po, pwede po ba ninyong buksan? uuwi na po kasi ako." Tinago ko ang takot ko ngayon at ngumiti sa kanila. "Maayos na po ba kayo, Milady? Alam ba ni Boss na lalabas na po kayo?" "Ah, Oo. Alam na niya at busy siya ngayon kaya uuwi na ako kasi hinahanap na ako sa amin. Salamat po pala sa pag papasok sa akin dito." Nagkatinginan naman sila at ngumiti at binuksan ang pintuan. "Walang ano man po, Milady. Mag iingat po kayo." "Salamat po." At nakalabas na ako at ngayon ko lang napansin na puro pala mayayaman ang nakatira dito. Jusko saan ba ang exit dito? Kanina pa ako naglilibot hanggang sa makita ko ang exit at sobrang saya ko hanggang sa makalabas na ako at alam ko na ang daan pauwi. Bigla na namang nag ring ang cellphone ko kaya napahinto ako at agad kong sinagot ang tawag. "Tita, pasensya na po di ako nakapagsabi na gagabihin ako. Papauwi na ako ngayon. Pasensya na po talaga! Di ko na po uulitin po. Nakatulog po ako dahil po sa lagnat ko po." "At nasaan ka ngayon?" Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng lalaki at boses ito ng lalaking Boss nila. Teka paano niya nakuha ang number ko? Agad kong na end call ang phone ko at natigilan ako sa ginawa ko. "Waaa! B-Bakit ko inend call! Baka sabihin niya na tinakasan ko siya sa responsibilidad ko! Paano ba ito? Wala akong load ngayon. Bakit niya nalaman ang number ko? Hindi ko naman binigay ang number ko sa kanya ha." Bigla na namang nag ring ang phone ko na kinabilis ng t***k ng puso ko. Nakita ko na naman ang unregistered na number at sinagot ko iyon at dahan dahan na inilagay sa tenga ang phone ko. "Pinatay mo ang tawag ko?" walang emosyon na ani nito na kinalaki ng mga mata ko. "P-Pasensya na po! Na end call ko po dahil sa pagpapanik! Hindi ko tinakasan ang responsibilidad ko. Tinawagan na po kasi ako ng Tita ko baka nag aalala po siya kung napaano ako. Promise ko po na pagtatrabahuan ko po ang gasgas sa sasakyan niyo po." "Hmm, send me the location of your house." "Po? Wala po akong load." "What?" Waaaa! Galit na naman siya! "Wala po akong pambili ng load po. Uutang muna ako ng load po. Teka lang po." "Ako na ang bahala sa load mo. After mong ma receive ang load mo ay open mo agad ang data mo para malaman ko kung naka uwi ka ng ligtas sa bahay mo." "Po?" "Naintindihan mo ba ang sinasabi ko?" "Ah opo! Pindutin ko lang naman ang data ko at okay na po diba?" "Yes." "Okay po, don't worry po babalik ko po agad ang load na binili niyo po." "Hmm." Binaba na niya ang tawag at pinindot ko agad ang data at dumating na ang load at nanlalaki ang mga mata ko dahil ibang load ang dumating. Teka ang mahal ng load na binigay niya! Para na akong nag wifi nito! Basta uwi na muna ako baka hinahanap na ako sa amin. Hanggang makarating ako sa mansion at dahan dahan akong pumasok. "Miles, bakit ngayon ka lang?" "Ay butiki!" Napatakip agad ako sa bibig ko. Napatingin ako kay Manong guard na bigla bigla na lang nagsasalita eh. "Manong naman eh. Aatakehin ako sa inyo eh." "Pasensya naman. Kanina pa highblood si Madame sa loob dahil hindi ka pa daw umuuwi." "Yun nga din po ehh kailangan kong pumasok na hindi nila nalalaman at sasabihin na lang na kanina pa ako nakarating at nakatulog lang ako dahil may lagnat ako." "May lagnat ka naman kanina diba?" "Yes po pero ngayon bumana na ang lagnat ko dahil nakatulog ako sa... clinic. Tama sa clinic ako natutulog." "Ako na ang bahala sayo." Agad niyang kinuha ang radio. "Nandidito na si Miles, please assist her papasok na hindi makita nila Madame... copy." "Roger, copy..." "Salamat po, Manong." Lumapit naman ang mga katulong at inanalayan na akong pumasok. Kahit binubully ako ng Tita ko dito ay kakampi ko naman ang mga kasambahay, Bodyguards, drivers at kahit sinong alalay dito. Mas ramdam ko na pamilya ang turing nila sa akin kesa sa totoong pamilya ko. Nakapasok na ako sa kwarto ko at napabuntong hininga ako nang pagbukas ko ng ilaw ay nagulat ako nung tumambad sa akin ang galit na mukha ng Tita ko at may dala pa siyang pamalo. "Saan ka galing, Ophelia Miles Parkins!" Napapikit ako dahil sa sigaw niya. "T-Tita... magpapaliwanag ako." Bigla niyang pinalo sa akin ang hawak niyang stick na kinapikit ko sa sarap. Sanay na ako sa ganito at kagaya nga ng sabi ko di pa ako lalaban dahil paabutin ko pa na grumaduate ako at magkatrabaho bago ako aalis sa mansion na ito. "Wala ka talagang kwenta! Kahit anong baliktad sa mundo ay wala ka pa ding kwenta!" Napaiyak na lang ako habang pinagpapalo palo niya ako at pinagsisipa. "Ano? Naglalandi ka! Kaya ka nagabihan? Sagot!" "Hindi po ako naglalandi. Nakatulog po ako sa clinic dahil nilagnat po ako kanina at ngayon pa po ako nagising kaya po hindi ko nasagot ang tawag niyo po. Pasensya na po talaga!" Umiiyak na ani ko sa kanya. "Madame." Napatingin naman si Tita sabmga katulong sa pintuan. "Ano!" "M-May bisita po kayo sa labas po." Nauutal na ani nito at napatingin sila sa akin at nakikita ko na naiiyak sila sa nangyayari sa akin. "Bisita? Sino naman?" "Mayaman po. May mga sasakyan po sa labas." Napakunot naman ang noo ni Tita at napabuntong hininga naman siya. At pinalo pa ako ng isang beses na kinaiyak ko at sinipa pa niya ako bago siya umalis. "Miles!" Agad akong inanalayan nila at dahan dahan nila akong pinaupo. Kahit sila ay wala ding magawa dahil katulong lang siya. "Miles, pasensya na wala kaming magawa." Ngumiti ako sa kanila at umiling iling. "Wag kayong mag aalala. Ngayon lang ito at mawawala din ang pasa sa katawan ko ngayon." Napaiyak sila at niyakap ako. 3rd Person's Point Of View* Kunot noong naglalakad si Amelia papunta sa sala kung saan ngayon ang mga bisita na dumating. "Sino naman kaya itong dumating? Wala naman akong bisita ngayong gabi." Dumating ang butler at yumuko sa harapan niya. "Sino ba ang dumating na bisita?" tanong nito sa Butler. "Madame, importante po ang taong dumating at kilalang kilala niyo po siya." "Sino? Bakit hindi mo sabihin agad?" Natahimik naman ang Butler at napakunot naman ang noo nito at lumakad papunta sa sala nang matigilan siya nang makita niya ang isang gwapong lalaki. Pamilyar sa kanya pero di niya maalala kung sino ito. Nakita din niya ang anak niyang babae na nagpapacute ngayon sa harapan nito. "Darling, come here. Don't be rude to our visitor." Napapout naman si Sienna at lumapit sa kanyang Ina. "Maari ko bang malaman kung sino ang gwapong lalaki na nasa harapan namin ngayon?" Napakunot ang noo ni Max nang marinig mula sa Ginang ang sinasabi nito. Kanina din siya naiinis sa anak nito na parating nagpapa cute sa kanya pero di naman siya nadadaan sa pagpapacute nito. "Hindi niyo ba ako nakikilala o sadyang malaki lang talaga ang pagbabago ng mukha ko nung nasa Italya ako." Nagulat naman sila sa sinabi nito. "Italya?" "Hmm, nasaan si Miles?" agad na tanong nito sa kanila at napakunot naman ang noo ni Amelia sa sinabi nito. "At bakit mo naman hinahanap si Miles? Kami ang nasa harapan mo ngayon." "Siya ang nagmamay ari ng mansion na ito kaya siya ang ipapaharap ninyo sa akin at hindi kayo." Natigilan naman sila sa sinabi nito. "W-What?! Anong pinagsasabi mo? Kung nandidito ka lang parang manggulo ay umalis ka na sa Mansion ko!" "She's now 20 years old right? Dapat nung 18 years old siya ay nalagay na agad sa pangalan niya ang pangalan ng lugar na ito at lalo na ang mana niya." Napaatras naman sila at mukhang naalala na ni Amelia kung sino ang taong nasa harapan niya. Napakamao siya dahil hindi niya aakalain na bumalik na ito galing Italya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo?" "Really? Baka nakakalimutan mo na ang Kapatid ko ang guardian ni Miles at dahil wala na ang kapatid ko ay ako na ang naiwan. I'm her Uncle at kung nakakalimutan mo ay pwede ko namang ipapaalala sayo ang lahat lahat, Mrs. Agoncillo." "M-Mommy, anong pinagsasabi niya? Anong ibig sabihin niya na sa maid na yun ang lahat ng ito? Atin ito diba?" nagpapanik na ani ni Sienna. Bigla na lang nawalan ng malay si Amelia at napasigaw naman si Sienna. "Mommy! Dammit! Sino ka ba! Bakit ka ba pumunta dito!" "I'm Maxwell Enzo Pierce, dalhin niyo si Miles sa harapan ko ngayon din." ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD