Chapter 10- Jealousy

1663 Words
Miles Point Of View* Nakatingin ako sa kanya at hinihintay ko ang sagot na gusto kong malaman mula sa kanya. "Magkakilala ba tayo noon?" "Yes," agad na sagot niya sa akin. "May nangyari ba noo---" "Wala, wag mo ng itanong ang nakaraan. Ang ngayon ay ang dapat mong malaman ay kung paano mo mahahandle ng tama ang Kompanya mo. Ang akala ko ay binigyan ka nila ng personal tutor pero wala pala." Nakikita ko na iniiwas niya nga ang nangyari noon. Bakit kaya? Natahimik na lang ako at napayuko at kumain ulit. "I will personally teach you everything from start until the end." Napatingin ako sa kanya. Bakit parang delikado ang buhay ko ngayon? Waaa! Hindi ganito yung nasa isipan ko na sinabi ng head maid ko na concern sa akin at close na close kami noon! Fake news ang lahat ng nalaman ko kay Manang! "Hanggang kailan matatapos, Tito?" "1 year, dapat pagtungtung ng isang taon ay ikaw na ang humandle sa Kompanyang ito. Naintindihan mo?" "Ang dali lang po ng Isang taon. Wala bang extention ng Dalawang taon?" tanong ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin na kinapout ko naman. "Sabi ko nga po madali lang naman akong matututo. Alam ko naman na magaling po kayong tutor at marami po akong malalaman sa inyo sa mga bagay na ganun." "Good to hear that from you, Miles." Ngumiti lang ako sa kanya pero malapit ko ng mababali ang kutsarang hawak ko. "Kumain ka na o baka busog ka na." Waaa bakit ganito siya ka bully sa akin! "Nope, kakain pa po ako." Kumuha ako ng kanin at agad inilagay sa plato ko at nilagyan ko din ng ulam. "Kumain ka ng marami ang payat payat mo." "Eh?" Napatingin ako sa braso ko at ang payat ko nga dahil kasi di ako masyadong pinapakain minsan at kinukulong pa ako sa kwarto ko at hindi pinapakain. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako sa kanya. "Kakain ako ng marami." Tinago ko ang sakit sa puso ko na nangyari sa akin noon. Napatingin ako kay Max at kumakain din siya hanggang sa maubos namin ang mga pagkain at napasandal ako dahil sa pagkabusog. "Tito, turuan mo kong magluto ng ganito. Gusto ko itong matutunan para may madagdagan akong kaalaman para sa future ko. Ipagluluto ko ang pamilya ko." Napatingin naman siya sa akin. "May Boyfriend ka na?" biglang sumeryoso ang boses niya habang nakatingin sa akin. "Huh? Boyfriend?" Actually may mga nanliligaw sa akin pero di ko siya sinagot dahil kailangan ko munang makatapos ng pag aaral. "So meron ka ng Boyfriend?" Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Waaa bakit parang ang pananalita niya ay parang nagbabanta sa akin? "Wala pa, pero maraming nanliligaw sa akin," nakapikit na ani ko sa kanya. Ayokong makita ang reaksyon niya eh! Natahimik naman sandali kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nung napatingin ako sa kanya ay nakita ko siya na nagpantay na ang kilay niya. "Waaa galit na naman kayo, Tito!" "Anong sinagot mo sa kanila? Kasali ba sa nanliligaw sayo ang lalaking yun na kayakap mo kanina sa school?" Natigilan naman ako sa sinabi niya. Jusko! Kahit gwapo ang maraming nagkaka gusto sa President namin ay di ko siya type noh! "Hindi siya ganun." "Are you dumb? Di mo ba nakikita na may gusto din sayo ang lalaking iyon? Na chansing na siya sayo kanina pero pinabayaan mo lang. Alam ba niya na di ka pwede sa mga lugar na ganun?" "Alam niya." Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "So he knows..." Bigla siyang tumayo at naka kamao na ang kamay niya. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya at nagulat ako ng isang iglap binawi niya ang kamay niya na kinagulat ko at maski siya. Bakit ganun... Nakikita ko na gusto sana niyang magsalita pero pinigilan niya ang sarili niya at napaiwas siya ng tingin. "Wag ka ulit lalapit sa lalaking iyon." Lumakad siya paalis sa kwarto at ako na lang ang naiwan dito sa kwarto niya at napatingin ako sa kamay ko. Bakit ganun siya? Bakit niya binawi ang kamay niya sa akin? Ganun ba niya ako ka hate na umabot sa punto na ayaw niyang hawakan ko siya? Binuhat naman niya ako noon at di naman siya nag iinarte nun pero ngayon binawi niya ang kamay niya sa akin. Ganun pala ang gusto niya ha. Edi no touching tayo ngayon! Lumakad ako at agad kong nilinis ang mesa at hinugasan ang mga plato at nang matapos ay dumiretso ako sa higaan at agad akong humiga doon at kinuha ko ang phone ko at napatingin ako doon at nakita ko na nakailang tawag na pala si Pres ngayon na kina upo ko sa kama. Agad ko siyang tinawagan at agad naman niyang sinagot ang tawag. "Pasensya na dahil di ko nasagot ang tawag mo. Wag kang magalit sa akin, Pres." "Bakit naman ako magagalit? Magsosorry sana ako sa nagawa ko sayo kanina. Hindi ko talaga alam na pati Clinic. Ang akala ko sa Hospital ka lang natatakot. I'm really sorry." "Woah, akala ko parati kang galit. Di ko alam na may ganyang side ka pala." "Shut up, baka nakakalimutan mo na dapat may meeting tayo mamayang hapon." Nanlalaki ang mga mata ko dahil bumalik na naman siya sa dati! Jusko, kahit kailan talaga! Hindi talaga siya mabait! "Magpa galing ka para maka meeting na tayo bukas. Naintindihan mo ba ang minimean ko, Miles?" "Waaa yes po. Naintindihan ko po." "Okay, ayokong makita na nagkakasakit ka." Natigilan naman ako sa sinabi niya sa kabilang linya. "Pres..." "Dahil ayokong ako at pati ang ibang mga kasamahan natin sa council ay mahahawa sa sakit mo. Naintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, ha!" "Waaa, yes, Pres." "Good. See you tomorrow." Napapout ako. "Yes, Pres." Binaba ko na ang tawag. Bumabait siya eh pero maya maya agad binabawi ang kabaitan niya. Naiinis ako sa kanya sa totoo lang. Simula nung First year High School ay magkasama na kami parati sa school at lalo na ngayon sa College ay kasama ko pa din siya hanggang sa mahalal siya bilang President ng Student Council. At mas lalo niya akong binubully! "Tapos dagdag pa itong si Tito Max maka bully din sa akin." "Hays, sobrang bait ko talaga para palagi na lang binubully." Nakapout ulit ako at inilapag ang cellphone sa gilid at pumikit ako dahil parang bet ko ngayon ang matutulog. Hanggang sa dahan dahan akong pumikit hanggang sa makatulog na ako ngayon. 3rd Person's Point Of View* Nagtatrabaho ngayon si Max pero di pa din niya maiiwasang isipin ang lalaking yumakap kay Miles. Kitang kita niya na nay gusto talaga ito sa kanya. "Hindi daw siya gusto. Di ba niya makikita?" "Boss?" Napatingin naman siya kay Jeson na nasa gilid. Nakalimutan niya na kasama pala niya si Jeson dito. "Bakit?" "May sinasabi po kayo? Sinong may gusto? May gusto po ba kayo sa akin?" Napakunot ang noo nito sa sinabi nito. "What the hell are you talking about?" Napaiwas ng tingin si Jeson. "Si Lady Miles ba ang mean niyo po? Nakikita ko din po yun may spark sa mga mata nung lalaki habang tinitingnan niya si Miles." Napatingin naman si Max sa kanya at napataas ang isang kilay niya. "Tama nga ako ng nakita. Hindi ako kailanman magkakamali sa nakikita ko." "Wala namang mali na magkainlaban silang dalawa diba po, Boss?" Natigilan si Max at napatingin siya kay Jeson ng masama. "Totoo naman po ang sinasabi ko po dahil single po si Lady Miles at di ko po alam sa lalaki pero mukhang single din po ang isang yun. Eh kung napatunayan na single po yung lalaki ay mukhang maganda din po ang future niya sa lalaking yun dahil mukhang matino naman po yun." "Gusto mo bang maaga mong makikita ang libingan mo, Jeson?" nagbabantang tanong ni Max sa kanya na kinalunok ni Jeson. 'Ano naman ang mali sa sinabi ko?' mahinang ani ni Jeson. "Alamin mo kung sino ang lalaking yun." Napatingin naman si Jeson sa kanya at doon niya narealize na nag aalala lang ito kay Miles. "Okay po. Don't worry po aalamin ko po kung bagay po ba talaga silang dalawa." Masama na namang tiningnan ni Max si Jeson at biglang nagpalabas ng baril si Max na kinatakbo ng mabilis ni Jeson. "Don't worry po, bibigay ko agad ang reports sa inyo." Hanggang makalabas ito at napabuntong hininga na lang si Max at napasandal sa upuan niya at inilapag niya ang baril sa may drawer. "Dammit." Mahinang ani niya at napahawak siya sa noo niya. Naalala niya noon ang unang kita niya kay Miles. Flashback... Sa isang magandang Garden sa Britain ay kakarating lang nila galing Germany dahil binisita nila ang isang pamilya na malapit sa kanila dahil kaarawan ng nag iisang anak nila na ka edad daw nila. "Sigurado akong magugustuhan mo si Baby Miles. Excited na akong makita siya." "Miles?" "Kilala mo naman yung Bestfriend ko na pumunta sa mansion nung last month na si Ophelius?" Dahan dahan na tumango si Max nun. Simula Elementary ay mag sworn Brothers na silang dalawa ng Kuya niya at parang kapatid na din ang turing sa kanya ni Ophelius at ngayon ay ito ang unang beses na makabisita siya sa mansion nito. "Dapat kilalanin mo si Miles dahil siya ang magiging Fiancee mo." Natigilan naman si Max at napatingin siya sa Kuya niya. "What? No way!" "Di mo pa siya nakikita kaya sinasabi mo yan pero once makikita mo siya ay mag babago ang pananaw mo sa kanya." Kumindat ang Kapatid niya na kinakunot ng noo niya. At ngayon nakatulala siya habang nakatingin ngayon sa batang ka edad niya lang na sinasabihan siyang gwapo ngayon. "Hello, Handsome. I'm Miles. May I know your name?" "I'm your Fiancee, I'm Max." Yun ang unang pagkakataon na sinabi ni Max sa sarili na di niya kailanman bibitawan si Miles kahit anong mangyari. ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD