Miles Pont Of View*
Matapos niya akong subuan ng soup ay agad na siyang tumayo at inilagay ang mangkok sa tray at nilagyan niya ng tubig ang baso ko.
"Ah, ako na po niyan."
"Stay on the bed."
Napapout naman ako at napayuko at binigay niya sa akin ang tubig at uminom naman ako nun. At ibabalik ko sana doon sa tray nang kunin niya ang baso na hawak ko.
Nakakahiya lang sa totoo lang! Napapikit ako kasi gusto kong ibunggo ang ulo ko tapos sabihin nating nagka amnesia ako para makalimutan ko ang mga kabaliwang nagawa ko ngayong araw!
"How are you?"
Napatingin ako sa kanya.
"I'm fine thank you. How about you?"
Waaa dahil sa panik ko nasabi ko yun! Ano yun preschool? Baliw ka talaga Miles!
"I'm also fine. I think you need more rest."
Mukhang hindi nga ako makakalabas ng buhay ngayon dito kung di ko mababayaran ang lahat ng nagastos nila sa akin.
"T-Tungkol po sa sasakyan niyo na nabangga ko? M-Magkano po yun?"
Ayokong marinig ang presyo sa totoo lang baka di ako makatulog nito pag ganito eh!
"$1200."
Nanlalaki ang nga mata ko sa sinabi niya. Teka lang bakit dollars? Peso naman ang Pinas ha! Teka convert natin ang dollars sa peso. Ang dolyar ngayon at nasa mga 56 tapos times sa $1200.
Sixty Seven thousand Two hundred pesos!
"What! S-Sir, wala po akong pera na ikabayad sa pagrerepaire ng sasakyan ninyo. Paano ba ito? Magtatrabaho na lang ako sa inyo. Pwede ba?"
Sana pumayag ka please! Mayaman ka naman ay kaya mo naman siguro ipagawa ang sasakyan mong yan diba? Gusto kong sabihin ang bagay na yun pero kinakabahan ako lalo na't ganun kalaki ang babayaran ko!
"Hindi mo mababayaran?"
Napapikit ako at napatango tango at wala naman siyang emosyon na tumingin sa akin.
"You, Ophelia Miles Parkins? Wala kang pera na ibabayad sa sasakyan na nagagasgasan mo?"
Napaiyak naman ako. Bakit ang hirap ng buhay ko ngayon? Bakit ganun? Mahirap na nga ako mas lalo pa akong naghihirap lalo na't dumagdag pa itong aksidenteng ito.
"Kaya ko namang gawin ang lahat. Kaya ko pong pagsabayin ang trabaho at pag aaral. Magtatrabaho po ako sa inyo. Please, Sir."
Naiiyak na ani ko pa din sa kanya at yumuko ako at nanginginig ako at napasinok sinok pa dahil sa nangyayari.
Napabuntong hininga na lang siya at sumandal siya sa headboard ng kama niya.
"Ano naman ang mga makakaya mong gawin?" tanong niya sa akin.
"Kaya ko pong maglinis ng bahay, magluto, mag alaga ng halaman at iba pa po."
Napakunot naman ang noo ni Max dahil sa sinabi nito.
"Sanay po ako sa mga ganung trabaho po. Mga mahihirap na trabaho kaya ko po ang lahat ng iyon."
"Pag iisipan ko. Magpahinga ka muna diyan kasi may gagawin pa ako."
Tumango naman ako sa sinabi niya at humiga ako at nagulat ako nung punasan niya ng panyo ang luha ko at kinumutan din niya ako.
"Ayos lang ba na humiga ako dito sa higaan mo?"
"Hmm, matulog ka na."
"Okay."
Pumikit na ako at natulog na. Ang bango kasi ng unan at kumot nito at makakatulog talaga ako ng maayos dito ngayon.
3rd Person's Point Of View*
Seryosong naglalakad si Maxwell papunta sa opisina niya at sumunod naman sa kanya ang kanyang kanang kamay na si Jeson.
"Sir..."
"Tungkol kay Ophelia."
"Si Lady Ophelia po? Yes po anong gusto niyo pong malaman?"
"That Lady... Siya si Ophelia."
Nagulat naman si Jeson dahil sa narinig.
"She's thin, malnourished and poor. Nabibisekleta lang siya papuntang eskwelahan at ang bag niya ay sobrang luma na at narinig ko kanina na kaya niya ang lahat ng trabaho sa mansion... anong ibig sabihin ng bagay na yan?" wala sa sariling ani ni Max kay Jeson.
"Mukhang may mga reports na hindi umaabot sa atin, Sir."
Napakamao si Max dahil sa narinig. May mga inutusan sila na mag report kung paano pinalaki si Ophelia sa mansion nito. At ang nagpalaki sa kanya ay ang mga kamag anak nito sa side ng Ina niya. Nangako sila na puprotektahan at aalagaan nila si Ophelia hanggang sa dumating na ito sa tamang edad na pwede na nitong maging leader sa mansion.
Dahil siya lang ang nag iisang anak ng mga Parkins. Pero mukhang may mali sa bagay na yun.
"Jeson, ikaw na ang mag imbestiga. Mukhang may nagaganap na bayaran dito ngayon para tumahimik ang mga taong inutusan natin."
"Masusunod po, Sir."
Agad na itong lumabas at napakamao siya habang iniisip na ang Babaeng matagal na niyang prinutektahan ay inaabuso na pala at hindi nakukuha ang nararapat sa kanya.
"Dammit!"
Napatingin siya sa frame na nasa gilid na litrato nila ng pamilya niya kasama ang nag iisang kapatid niya na pumanaw na kasama sa pag panaw sa aksidente noon ay ang mga magulang ni Ophelia at himala na nabuhay si Ophelia sa malaking aksidente noon.
"Pasensya na at di ko na protektahan si Ophelia, Brother. Napaka walang kwenta ko!" galit na ani niya sa sarili niya.
Pumunta siya sa gilid at nilagyan niya ng wine ang baso at agad niya iyong ininom. Kailangan muna niyang malaman ang lahat bago siya umaksyon.
Dumating siya na makita na wala ng malay ang babaeng matagal na niyang gustong makita. Napakamao siya at malakas na tinapon ang basong hawak niya.
"F*ck!"
Flashback...
Nasa hospital noon si Miles at nakatingin si Max sa kanya na nasa ICU noon dahil sa aksidenteng nangyari sa kanila na kinasawi ng mga magulang nito lalo na ng kapatid ni Maxwell.
Biglang may dumating na mga kamag anak ni Ophelia at sinabi nila na kapatid nila ang Ina nito. Lumapit sa kanila ang Doctor at sinabi sa kanila na nagka amnesia ngayon si Miles na Limang taong Gulang pa nung taong yun at katulad silang dalawa ni Max.
Nakatingin ngayon ang mga magulang ni Max sa kamag anak ni Miles.
"Darating sa tamang edad si Ophelia Miles ay mababalik sa kanya ang lahat ng ari arian niya. Kayo muna ang magiging guardian ni Miles," ani ng Ina ni Max sa mga kamag anak ni Miles.
"Naintindihan namin. Kawawa naman ang pamangkin ko. Maagang nawalan ng mga magulang. Gagawin namin ang lahat maging maayos ang buhay ni Miles hanggang sa lumaki siya. Ibibigay namin ang lahat ng pag mamahal na hindi nabigay ng mga magulang niya habang lumalaki siya."
Paiyak iyak na ani ng Auntie ni Miles sa mga magulang ni Max.
"Wala akong tiwala sa kanila, Dad," ani ni Max sa Ama niya.
"Relatives ni Miles ang lahat ng iyon at sigurado kami na maaalagaan nila ng maayos si Miles kahit nasa States tayo."
"Hindi ako mapakali at nakikita ko na may motibo silang hindi maganda kay Miles."
Hinawakan naman ng Ina nito ang kamay ni Max.
"Alam natin na close ng Kuya mo ang mga magulang ni Miles at para na din niyang anak si Miles pero anak alam mo naman na kailangan mo ding mag aral para makuha mo ang pangarap ng Kuya mo at pangarap mo. Once makatapos ka ng pag aaral sa states ay pwede ka ng tumira dito para mabantayan mo si Miles."
Napatingin maman si Max sa walang malay na na si Miles da kama nito at may bandage ito sa ulo nito.
"Hindi ako maaalala ni Miles dahil nawalan siya ng alaala."
Hinawakan ng Ina nito ang kamay ng anak.
"Maaalala ka din ni Miles balang araw, Son. Wag mo lang siyang biglain."
"She said papakasalan niya ako pag lumaki na kami."
"Gagawin namin ang lahat ng mangyari lang ang bagay na yun."
Napatango naman si Max sa sinabi ng mga magulang niya.
Matapos nun sa america ay may nangyari din sa kanya na kina phobia na sa mga babae na nasa paligid niya at malaki ang pasasalamat niya dahil hindi ganun ang epekto niya kay Miles.
Tiningnan niya si Miles na mahimbing na natutulog sa kama niya. Ang gamot na ininom niya ay may halong sleeping pills para makatulog talaga siya ng maayos hanggang sa gumaling siya.
Hinawakan niya ang kamay ni Miles at napangiti siya dahil walang nangyayari sa kanya na kaba di katulad ng ibang babae na hahawak sa kanya na agad siyang magpapanik ng hindi niya alam kung paano siya kakalma.
Pero habang sinusubuan niya ito kanina ay nakikita niya na hindi nga siya nakikilala nito bilang Childhood friend nito at nakikilala lang siya nito bilang Tyrant Businessman na CEO / President sa boung Europe.
Napabuntong hininga siya at tumingin kay Miles.
"Dahil para ka na ding anak ng Kuya ko ay magiging Tito mo na ako ngayon. Sabihin na lang nating babawiin kita sa mga relatives mo at gagawin ko ang lahat mabalik lang ang nararapat sayo."
Para may karapatan siya kay Miles ay magiging Tito siya nito sa side ng Ama nito para hindi halata. Nasa mayamang angkan ang Ama ni Miles habang nasa normal na pamilya naman ang Ina ni Miles at ang mga relatives sa side ng Ina ni Miles ang umalaga sa kanya at di na siya magtataka na mangyari ang bagay na yun.
"Don't worry and leave it all to me, Miles."
*****
LMCD22