"Kate, pasensiya ka na kay dad, ha? Alam mo naman iyon." Tipid akong ngumiti kay Andrea. Naiintindihan ko naman ang daddy niya. Nakalulungkot lang na hindi ko na alam kung saan ako pupunta mamayang uwian. Her dad won't let me to stay in their house again. Pinayuhan ako at sinabihang umuwi na sa amin. Madali lamang naman iyon e. Madali lamang kung hindi ako pipilitin ni Mama na kausapin ang lalaking iyon, kung hindi ko siya makikita sa bahay at kung hindi na lamang kami magpapansinan. Pero mahirap iyon, mahirap dahil alam ko na pipilitin nila ang mga sarili nila. Iyon ang dahilan kung bakit siya bumalik hindi ba? Pililitin ba nilang maging maayos ang pamilyang ito kung alam naman nilang imposible na? Habang naglalakad kaming dalawa ni Andrea ay pansin ko ang bawat tingin ng ibang mga estu