That was so silly of me to think he feels something for me. Andrea was right about him. Masyado akong umasa. Kahit hindi pa ako sigurado sa kung anong nararamdaman ko para sa kanya, alam kong masyado na akong umaasa. Ngayon ako itong nasasaktan. Ang mas nakakainis pa, wala akong pwedeng sisihin kundi ang sarili. Tipid akong ngumiti at tumango. "I wanna go home." "Ihahatid na kita." His eyes were full of concern and sympathy. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil doon. Sabay kaming naglakad pabalik sa sasakyan nang tahimik. Mataman kaming pinanood ni Kuya Ber habang papalapit. "Aalis na kami, Kuya Ber," sabi ko at tipid na ngumiti. Tumango lamang siya at bumaling kay Race, na seryosong nakatingin sa akin. Ni hindi siya nag-angat ng tingin para kay Kuya Ber. Binuksan niya ang front d