Tulala ako sa harapan ng field sa school, nakaupo sa isa sa mga benches. Nagpapractice ang ilang member sa cheering squad para sa nalalapit na basketball game ng school. Tatlong araw na simula noong nangyari iyong sa track and field. Kumain kami ng dinner ni Race at pagkatapos ay hinatid n'ya rin ako sa bahay. Tinawagan ko si Andrea at Arcel para sabihing ayos lang ako at nakauwi na. Pinaglaruan ko ang labi ko. Ngumuso ako para mapigilan ang pagngiti. Tatlong araw na, but the way Race kissed me is still fresh. Hindi malinaw sa akin kung anong meron kami but I don't want it to last. Nababaliw ako sa tuwing naiisip ko siya. At ngayon, ang malinaw lamang sa akin ay ang dahilan kung bakit ganito ang paghataw ng puso ko dahil sa kanya. "Kate," tawag ni Abby. Hindi ko napansin na nakatayo na