"Mamaya pa naman iyon. Movie marathon tayo?" Tumango ako sa kanya. Hinayaan kong siya ang maghanap ng movie habang nag-iisip naman ako sa kung ano marahil ang itsura ni Aston. Ang sabi ni Andrea, kaibigan iyon ni Race at racer din. Posible kayang isa iyon sa mga nakita ko noon sa racing track? O baka naman kilala na rin niya ako dahil sa kahihiyang ginawa ko noon. Tatlong movie lang ang pinanood namin. Isang oras pa ang haba ng isang love story kaya masyadong humaba ang oras namin sa panonood. Hindi naman boring dahil natatawa kami ni Arcel sa tuwing masyado ng sweet ang eksena. Si Arcel na rin ang nagpresintang magluto dahil wala naman akong alam sa kusina. Kung hindi siya dumating, malamang na ang tirang pagkain kaninang umaga ang kakainin ko. "Ano? Alis na tayo?" tanong niya nang mat