Dahil wala ako ibang mapuntahan at wala rin naman si Rigel sa tent, doon na ako pumunta. Pagod na ako at gusto na lang munang magpahinga. Mahapdi ang mga kamay ko at masakit din ang likod ko. Humiga ako sa kama at huminga nang malalim. His body smell remains on the bed. Gusto kong mainis doon at tumayo na lang pero hindi ko maitatangging mas lalo akong narerelax sa amoy. Bakit kase sinasayang n'ya ang oras n'ya sa lugar na ito at para kidnapin ako. Kung sana ay nasa Maynila siya at nagmomodelo, edi sana ay mas maganda ang buhay n'ya ngayon. I closed my eyes and spread my arms and legs wider. Hindi ko alam na nakakapagod pala ang paglalaba. Paano naman kaya sina Manang Lot at ang mga kasambahay namin? Kahit naman nagpapalaundry kami ay marami pa ring natitirahang labahin sa bahay. K