Captivated
Disclaimer:
This story is a work of fiction.
Names, characters, places, events, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to any events, places, or persons (living or dead) is entirely coincidental.
Copyrights:
Plagiarism is a crime.
Do not distribute, publish, transmit, display, or create secondary works from this story in any way. Please obtain permission from or at least give credit to the author.
All Rights Reserved © 2016-17 jos-iah
----------------------------
----------------------------
----------
Captivated
(THSeries#1) written by jos-iah
Princess Stacey Yanes' PoV
"Come on, Mom! You do not have to send me many goons around!" reklamo ko palabas ng bahay. Siya naman ay nakasunod sa akin at ganoon din si Mr. Kenley—the head of the goons.
"They aren't goons, Stacey." She shook her head disbelievingly. "They are your bodyguards. It's all for your safety."
"Mom, look...," malalim akong bumuntong hininga at mariing pumikit. Nang dumilat ay hinarap ko siya. "I'm always safe and sending me those goons would not make me feel safe at all. Sa pagsunod-sunod nila sa akin ay mababaliw ako. See?" Napailing ako nang makita ang apat na lalaki sa harapan ng bahay. They are in their usual black suits and black shades. Naghihintay at nakapalibot sa aking Celica.
"Please, Princess..."
I rolled my eyes at her words and the way she addressed me. If living like a princess was through this, I would willingly go against it. I'm happier not to be a princess than living like s**t.
"It's for good. I can't take losing you this time. Your brother's death made me a bit paranoid," malambing na sinabi niya at nakikita ko kung gaano nga siya nasasaktan.
Mariin akong pumikit at humawak sa sintido.
Not just a bit, Mom. You are completely paranoid all the time.
Hinigpitan ko ang pagkahawak sa susi ng sariling sasakyan na hindi ko na naman mada-drive. "Fine!" I sighed defeatedly.
Nag-aalangan ko iyong ibinigay kay Mr. Kenley. Inabot naman niya iyon sa isa sa mga goons na driver ko ng dalawang taon pero hindi ko matandaan ang pangalan. Not because I'm stupid about remembering their names. It's just that, hindi naman talaga nababanggit ang mga pangalan nila. Tanging si Mr. Kenley ang kilala ko dahil second in command siya ng parents ko.
"Take care, Princess. Let's have dinner tonight?" She's so pleased seeing me obliging and spoiling their paranoia.
"Dad's busy," bored na sagot ko dahil sanay na ako. See? Ang aga pa pero wala na siya sa bahay. Mabuti na lang at may pasok sa school dahil aalis din naman si mommy.
"I'll convince him."
Tumango na lang ako at hinalikan siya sa pisngi bago sumakay sa backseat ng Celica. It's my car but I'm not driving it for like two years now. I mean, na-da-drive ko siya with the help of Clifford pero sandali lang iyon. I miss being alone in my car. Ayaw ko naman sanang may ibang gumagamit nito pero naisip kong baka mabulok lang sa garahe, knowing that this situation will continue for a lifetime.
And that idea makes me feel really sick.
Maayos naman kase dati. I'm a spoiled brat and I admit that just so you guys know. Maayos ang buhay namin. Ayos lang sa akin kung busy ang parents ko. That's more on my favor dahil nagagawa ko ang gusto ko, but not until my brother Stan died.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakakalimutan iyon. I barely knew what really happened. Hindi masabi sa akin ng mga magulang ko ang totoong nangyari. Ang sabi sa news ay aksidente raw. They called it a car accident.
Nanlumo ako nang makita noon kung gaano kawasak ang sports car niya dahilan para hindi na siya makaligtas. I kept on asking my parents who did that and why, but their always answer was it's business-related.
Ilang buwan din kaming nagluksa for Stan. He didn't want me calling him Kuya. He preferred calling me Princess and he wanted me to call him Stan, or Prince. He said that's good so everyone would think he was my boyfriend. Though I couldn't agree with that. We almost have the same features kaya.
After his death, these goons suddenly appeared from nowhere. Ilang taon na akong nakikipagtalo kay mommy tungkol dito pero wala. Sobrang paranoid na nila and I couldn't really blame them. I saw how devastated they were when Stan died.
"Miss Stacey, nandito na po tayo," Mr. Kenley pulled me out of my reverie.
Sinilip ko ang malaking gate ng McLaren University Exclusive School for Girls. Pinunasan ko rin ang luhang hindi ko alam na lumandas sa akin.
Inayos ko ang sarili at nang nakita ang driver na nakatingin sa akin sa rearview mirror ay agad akong umirap sa kanya. Nahilo pa ako dahil doon. I don't want anyone seeing me cry. The last time I cried in front of many people was on Stan's burial.
Bago pa mabuksan ang pinto ay may nagbukas na noon mula sa labas, isa sa mga goons. Nakaconvoy sila sa amin at sa pagkakaalam ko ay apat sila sa itim na SUV.
"It's very nice if you would stay here," sarkastik na sinabi ko at inirapan ang dalawang lalaking nasa harapan. Yumuko lang sila habang hawak ang dalawang kamay sa kanilang harapan.
"Miss Stacey, you know we can't do that. We're only following orders and your—"
"Fine! Fine!" I cut Mr. Kenley off. Agad naman siyang yumuko kaya umirap na naman ako. "But can you please distance yourself from me a little? You're scaring my schoolmates!" iritang sinabi ko at nagmartsa papasok sa school. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakasunod sila dahil sa mga schoolmates ko na hanggang ngayon ay hindi pa nasasanay sa sitwasyon na ito.
The good thing here is tatlo na lang silang sumusunod sa akin sa loob. Isa na roon si Mr. Kenley. Dati ay nasa sampu sila but I freaked out at hindi talaga ako pumasok kaya napilitan si mommy na bawasan.
Dumiretso ako sa classroom. Tahimik akong umupo sa dulo at naghintay sa professor. Huwag na kayong magtaka kung bakit wala akong kaibigan dito. As I've told you, my parents are paranoid. Kaya iniisip nila na lahat ng mga nagiging kaibigan ko ay threat. It's a school for girls. Simula noong lumipat ako rito two years ago, hindi na ako nakipagkaibigan pa sa kahit na sino. Mas mabuti na iyon kaysa mag hire pa ng private investigator ang parents ko para lang malaman ang background profile nila. Just like what they did to my friends in my old school.
Boring ang school sa ganitong sitwasyon. I mean, overall ang buhay ko ay boring. Nagiging exciting lang sa tuwing sinusubukang tumakas. Kaya masyado ng prepared ang mga goons na ito. Dahil madalas tumatakas ako sa pinaka most unexpected moment. Kaya lang ay madali rin nila akong nahahanap. Bagay na hindi ko malaman kung paano. Kung hindi sa mga bars or clubs, madalas ay nasa rooftop ako ng building. Mom was totally hysterical when she found that out. She thought I would take my life but that's absurd. I just miss Stan. He loves painting and his favorite subject was the highest skyscraper. Palagi niya akong sinasama kung narito siya sa bansa at walang business trips with dad. Kaya kung saan-saang matataas na lugar na kami napunta. At dahil sa kanya ay natuto rin akong mag paint. Siya ang dahilan kung bakit nagshift ako sa Arts and Design.
Nagalit si daddy nang malaman iyon two years ago. Pero nang maintindihan ang reason ko ay natanggap din naman. And he said it's mine. I can still manage to handle our business pa rin naman daw.
Sa tuwing may time ay pumapasyal ako sa company. I attended meetings, presentations, contract signings, and such business-related stuff. At dahil doon ay mas lalong naging boring ang buhay ko. Kung hindi ko lang naiisip ang sinabi ni Stan na mahal niya ang business namin dahil pinaghirapan iyon ng parents namin, baka matagal na akong tumanggi sa pagpunta roon.
After school ay — of course — diretso sa bahay. My life is really boring.
"Miss Stacey, tumawag po si Madame Icey at pinapasabing pupunta rito si Sir Clifford. Susunduin niya raw po kayo," bungad ni Manang Lot na siyang head ng mga maids namin. Matagal na siya rito sa amin but I never called her with her name. Not unless, Stan is with me at pilitin niya ako.
Hindi ko siya sinagot, diretso akong pumasok. Maingay ang sapatos ko nang umakyat ako sa hagdanan. Nang makapasok sa kwarto ay nagbabad muna ako sa bathtub.
Since Clifford is going to be with me later, siguro naman ay papayag siyang ako ang magdrive ng kotse ko. Ilang beses na rin naman siyang pumayag at iniiwan lang namin ang kotse niya dito sa bahay o kung saan man kami magkikita.
I wore an elbow sleeved floral top and high waisted skirt and I paired it with sandals. I went downstairs after. Upon seeing me, Clifford immediately stood from his seat.
"You're stunning as ever." He smiled, his eyes directed on me. Nang titigan ko naman pabalik ay umiwas agad.
"I know."
"Let's go?"
Tumango ako. Hinawakan niya ang baywang ko para alalayan. Bagay na ayaw ko dahil pakiramdam ko ay palagi ko na lang kailangan ng tulong kahit hindi naman. I can take care of myself — the truth my parents never believed.
Nang napansin ko ang dalawang guards na palaging nakasunod sa akin ay umirap ako sa kanila. Sa labas ay naroon si Mr. Kenley sa tapat ng SUV. Bahagya siyang yumuko nang makita kami bago pumasok sa backseat. Ang dalawa naman ay pumasok sa driver at passenger seats.
"After you..." Clifford smiled as he gestured me his car. Malamig kong tiningnan ang front seat ng itim niyang Dodge. Salubong ang kilay niya nang makitang wala akong balak na sumakay roon.
"Cliff, I want to ride my car." Hanggang maari ay ayaw kong magmakaawa sa kanya. I just want him to know that I want to ride my Celica and that's all.
"We're going to meet our parents for dinner. They won't be glad if they know—"
"You know they wouldn't know!" inis na sagot ko dahil maiksi lang talaga ang pasensya ko. "Let's drive my Celica and change seats once inside."
Mataman niya akong tiningnan bago tumango. I know na hindi niya ako matitiis pero hindi ako masaya roon. It's just, alam ko na wala talaga siyang laban sa akin kaya wala siyang magagawa.
"Okay then..." Hinarap niya ang Dodge at sinarado ang front door. "I'll get your car in the garage."
Kinuha ko ang susi sa clutch ko at ibinigay sa kanya. He tilted his head and glanced down at me. I know he's waiting for me to smile or whatever but I'm not that happy to smile. Binagsak niya ang balikat nang hindi nakita ang gustong makita. Akmang tatalikod na siya para sa garahe nang bumukas ang pinto sa backseat ng SUV.
I knew it! Sinabi na nga bang makikialam si Mr. Kenley.
"What's wrong, Miss Stacey? Mr. Clifford?" Nagbalik-balik ang tingin niya sa amin.
"We will change cars," sagot ko.
His lips formed into a tight line. Hindi naman nila alam na ako ang nagda-drive sa tuwing Celica ko ang gamit namin. Nagcross-arms ako at hinayaan na si Clifford ang magpaliwanag. I don't want to lie for a simple thing.
"I guess my car isn't in the right condition," kibit balikat niya. He's good at lying dahil ilang beses na siyang nagsinungaling para sa akin. "Please, get her car for us," malamig niyang utos nang akmang magsasalita si Mr. Kenley. Inabot niya ang susi at agad namang sumunod ang second in command.
He ran his hand on his hair and turned to me. He smiled but I just raised my brow at him.
Nang nasa loob na kami ng Celica ay kagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili sa pagngiti. Nagpalit kami ni Clifford. Ako na ang sa driver seat at siya sa passenger seat. Tumawa siya dahil sa pagpapalitan namin. Tipid akong ngumiti before igniting the car and stepping on the gas. He's so pleased to see me smiling. Ganoon din ang reaksyon nina mommy sa tuwing ngumingiti ako kahit pilit.
I've known Clifford since I was in the first-year college. My parents introduced us to each other at a business party. And since then, siya na ang madalas kong nakakasama dahil gusto ng parents namin. Stan, still is my best friend at hindi na iyon mababago. Naging mag bestfriend sila ni Stan at sa pagkakaalam ko at dahil laging sinasabi ni Stan noon, Clifford likes me daw. I can feel that pero hindi naman niya sinasabi. And as what Stan told me, takot daw kase sa akin. Well, I just shrugged my shoulders at that.
"Stacey dear!" Malaki ang ngiti ni Tita Chloe, Clifford's Mom nang makita ako. Tumayo siya at sinalubong kami. Niyakap niya ako. Napairap ako nang makita ang mga goons ng parents ko sa loob ng private room ng restaurant na ito. Isa lang ang dalang guard ng mga Llamas, samantalang sina daddy ay anim, isa na si Mr. Kenley
"Hi, tita!"
Tumango sa akin si Tito Ford. Tipid akong ngumiti. Si daddy ay mataman lang akong tinitigan at hindi tumayo o kahit batiin man lang si Clifford.
"You're so beautiful, Princess," si mommy at yumakap sa akin.
Umupo ako sa kanyang tabi. Sa kanan ko ay si Clifford. Nang dumating ang pagkain ay kumain agad ako. About business ang pinag-uusapan nila. Mostly ay sinasali nila ako, kung kailangan ay sasagot ako at kung hindi ay hindi na magsasalita. They are my family pero sa totoo lang ay naiilang ako sa kanilang lahat. I mostly wanted to be alone in my own world.
"So we can send them as representative!" Masayang pumalakpak si Tita Chloe habang tipid na tumatawa.
"Okay then. I'll bring her dress for tomorrow night," si mommy naman na, nakatingin sa akin, tila nangungusap pa ang mga mata.
"What, Mom?" mahinang tanong ko, bahagyang kinabahan sa hindi malamang dahilan.
"You'll attend the grand party tomorrow night with Clifford, like ours and Llamas company's representatives."
"I'm busy at school, Mom." I sighed. Hiniwa ko ang steak kahit wala na akong balak na kainin iyon para lang makaiwas sa usapan.
"Uhm iha, I guess you can still prepare? It's an important event and most of the well-known company's heirs and heiress will be attending," ani Tito Ford sa isang mahinahong paraan pero nainis pa rin ako.
So they want to socialize for business' sake. Again.
Business partners ang Llamas at ang mga Yanes. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan si mommy at Tita Chloe. Nang kapwa makapag-asawa ay naging magkaibigan na rin ang mga asawa.
"I can't make it..." I trailed off, thinking of an excuse when dad took his chance to command his orders.
"You can make it. Your mom will be preparing your dress and Clifford will pick you up. You'll attend the party together. End of discussion."
Katahimikan ang sumunod doon. Gusto ko sanang umangal pa dahil ayaw ko talaga pero hindi ko na ginawa. Ayaw ko nang makipagtalo sa kanila. Lahat ng gusto nila ay sinusunod ko. Wala na si Stan at wala na akong kakampi kung sasagutin ko si dad.
I miss him badly. I miss my brother so much. Kung nandito lang siya, siguradong kukumbinsihin niya si daddy na huwag na akong pilitin. O kung sana ay kaming dalawa na lang ang umattend sa event na iyon.