Hindi ko pa napapangalahatian ang isang timba ay tumigil na ako sa pagbomba. I don't have any idea how to wash clothes, really. Pero dahil ako lang din naman ang magsusuot nito, siguro naman ay hindi na sila makikialam kung anumang paglalaba ang gagawin ko. Nilapitan ko ang bin at inilagay lahat ng mga damit sa batyang walang tubig. Inalis ko ang timba at iyong batya ang tinapat ko sa poso. Lumapit ang dalawang lalaki dala ang mga gagamitin ko sa paglalaba. Umirap ako ng tumalikod sila at inabala ko ulit ang sarili sa mga damit. Umupo ako sa maliit na upuan at tinalikuran silang lahat. I mean, hindi naman lahat dahil may ibang pinagkakaabalahan ang iba. Pero si Rigel, si Rex at ang iba pa n'yang alagad ay nanonood sa akin. Kahit medyo malayo ako sa kanila ay pakiramdam ko napupuna pa r