Chapter 2

1616 Words
"Magayos ka na, at mamayang paglabas niya ay ipakikilala na kita." Saad ni Manang Ester kaya naman ay nagbihis na ako ng maid na uniform nila dito. Sosyal ha! My uniform pa ang maid. Pero sabi naman ni Manang Ester kapag daw kailangan kong pumunta sa office pwd naman daw akong magsuot ng casual dress. Nakakahiya yata na ibabalandra ko ang ganda ko na naka maid dress no. When Im done fixing my clothes, na mukha namang ayos saakin kahit papaano. I took last glance at the mirror and lumabas nadin. Nadatnan ko si Manang Ester na may kausap na dalawang may katandaan na katulong din dito. Maaaring sila ang mga kasamahan dito sa bahay. Tama nga si manang halos may edad na rin sila. "Oh. Alli.. Hannah, halika at ipapakilala kita. Maya maya rin'y lalabas na siya sa kanyang silid kaya namay humanda kana." lumapit ako sa kanila na nakaupo sa silya nang kusina, paglabas mo kasi sa silid ay ang kusina agad ang sasalubong sayo. Makikita mong mayaman ang nagmamayari dito dahil narin sa mga mamahaling gamit na dito palang sa kusina, hindi ko ito napansin kanina dahil din siguro sa kaba ko. Ngunit kung makikita mo ito yung wish kitchen na magugustuhan mo, may center table na gawa sa semento na natatakip ng puting marmol dito nagsslice ng pagkain , merong din poset dito, sa baba nito ay may oven, iba pa yung kung saan ka magluluto , doon nman sa right side nito ay nandoon ang lutuan, may lutuan din na maari kang magluto ng fries, or magrill ng barbecue. Ang ref din nila ay latest version ngayon. As in. Hindi ko na maexplain lahat pero yung nakikita ko lang sa TV pero ngayon eto na. May maliit na table and chairs din para siguro sa mga maids na kumakain. Iba pa iyong dinning table at hindi iyon dito, well sa penthouse kasi nina Ate magkasama na yung kusina at dinning pero dito ay lalabas kapa bago ka makarating sa mga dinning table. Pangmayaman concept ba kung baga. Tsktsk. Lumapit ako sa kanila at tipid na ngumiti. "Magandang araw po." Bati ko sa dalawang kasamahan ni Manang Ester sa tansa ko nasa mid 40's palang sila, mas nakakatanda parin si Manang sakanila. Ngumiti sila ng pagkalapadlapad at pinaupo ako sa tabi nila. "Ito nga pala si Manang Lilia mo, siya ang tagapagluto dito sa bahay, siya din ang nagoorganisa sa mga halamang nakatanim sa garden." Paliwanag ni Manang na itinuro ang may katabaan na babae."Ito naman si Manang Nora mo na kasama ko sa paglilinis ng bahay na ito at siya din ang naglalaba sa ibang damit ni Dexter, ngunit madalas kasi nagpapalaundry nalamang siya ." Tumango ako sa nalamang impormasyon. "Kinagagalak ko ho kayong makilala."  "Siya naman si Hannah, siya ang bagong personal maid ni Dexter ngayon." Halata mo'y sa pananalita ni Manang at sa tingin sa akin nila Manang Nora at Manang Lilia ay napakasaya nila. Kanina ko pa naririnig ang Dexter-kuno na yun, I think that's my Boss. "Naku hija! Napakaganda mo, sana ika'y magtagal dine." Komento ni Manang Nora "Oo nga't siya'y may dalaga kami dito, puro nalang kami matatanda na ih." Hirit ni Manang Lilia na may pagkakwela. "Opo, sana nga po ay magkasama tayo ng matagal.." "Eh Hija, wag mong sukuan si Dexter ineng.. Ganoon lang talaga iyon." Saad ni Manang Lilia, ngumiti lamang ako bilang sagot, dahil ngayon ay hindi parin bumababa sa kanyang silid ang what-they-so-called Dexter. Siguro ay nagpapahinga siya ngayon dahil sa biyahe. Habang nagkwekwento sila sa akin, ay inihanda rin nila ako ng tanghalian, hindi pa rin kasi ako kumakain magbuhat kanina, masaya silang kasama, nakakaaliw, mukha ngang marami akong matututunan tungkol sa gawain bahay dahil lahat alam nila. Habang pansamantala akong nakatira dito marami akong matututunan, matagal tagal narin ng huli kong pagpunta sa Manila, kaya namay kakaunti lang ang alam ko, madalas kasi sa probinsya lang kami ng pamilya ko at hindi madalas mamasyal sa Manila. Sa gitna ng paguusap may narinig kaming habag na galing sa itaas at pababa sa hagdan dali dali naman akong hinila ni Manang Ester at pinaayos ang sarili ko. "Siya na iyon Hija, ayusin mo yang sarili mo." Inayos ko lang ang damit at kaunting gusot na nakuha ko dahil sa pagupo at nagpatuloy na kami sa sala. "You should rest first before you go Dexter, masama sayo ang mapagod. Sabi ng Dad mo wag mong masydong gugulin ang oras mo sa company.." Payo ng nakakatandang lalaki, na wari ko'y siya iyong matandang lalaki kanina, siguro nasa mid 40's na din siya. "Mr. Chen, don't worry I can handle." nanlamig ako sa narinig kong boses, mas malamig pa sa snow ng Paris ang boses niya, ewan ko ba pero kahit na sa simpleng sagot niya parang may kakaiba sa himig niya. Nakakakilabot. Nakita ko palang siya noong mauna siya maglakad pababa dun daw sa Mr.Chen. Bakit parang naging slowmo ang lahat, ang paglalakad niya, ang paggalaw niya, ang paligid parang kami lang. Totoo ba ito? Para akong nakakita ng greek god na bumaba galing langit at ngayon papunta sakin, ang gwapo niya, as in! Do I need to describe him? Basta kung alm niyo ang salitang perfect, siguro siya yun. Sexy pouty pinkish lips, have a perfect prominence of his nose, beautiful face.. and he had a strange eyes but every time he looks in your eyes his seducing you. Jesus! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang, I mean yung taong matutunganga ka pagnakita mo. Got my point girls? "Ano ka ba!" Suway sakin ni Manang sabay yugyug saakin, at doon palamang ako nabalik sa wisyo. Omygod! Ngayon ko lang narealize na pinagnanasahan ko na siya. " Who is she Nay Ester?" Tanong ng nakakatandang lalaki, ngayon ko lang napansin na nakababa na pala silang dalawa at ngayon they are one meter away from us. "Ah, siya ang bagong katulong dito. Buti nga may nag-apply eh."  Pahayag ni Manang sabay akbay saakin. " Si Mr. Chen, secretary ni Dexter." bulong niya. Tumango ako bilang sagot at tumingin sakanilang dalawa. "Magandang araw po." sabi ko at nagbow pa. Napansin ko nabiglang napangiti si Mr. Chen at tumingin sakin , at tumango. "Dexter siya ang bagong makakasama mo kung may kakailanganin ka, mapaguutusan mo siya." Tumingin yung Dexter-kuno sakin at tinitigan ako, or should I say binubusisi akong mabuti. "Name?" Ulaslas niya. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya o si Manang tipid niyang magsalita, at sa tono niya parang hindi siya interesado. Bumaksak ang dalawang balikat ko, gwapo nga masungit naman. "Ha..hannah po, Sir." bulong ko. "Tss. Next time, when I ask you, answer me immediately. Seconds are important to me." Hindi siya galit pero parang sa sinabi niya ang laki na ng kasalanan ko, parang ganun lang? "Ano ka ba Hijo bago palang siya dito, wag muna man paginit ng ulo." Anas ni Manang. Umiwas siya ng tingin at tumingin kay Manang. "Wala akong oras para dito Nay, sabihin mo nalang sakanya ang mga dapat niyang gawin at hindi." Yun lang at nilagpasan na niya ako at saka umalis. Uh? Galing ah. Ang sungit niya, hindi ba pwdng magkunwari siyang mabait para sa new employee niya, I mean maid? Ts. Pero bakit parang nakaramdam ako ng kilabot, nakakatakot ang aura niya. " By the way Ms. Hannah...?" "Gonzales po.." dugtong ko. "Ah. Ms. Gonzales. Im Mr. Levin Chen, call Mr.Chen. Nice meeting you. I hope you would have a long patience for him." He said then smile and walk away too. Sinundan ko lang sila ng tingin ng mawala na sila sa paningin namin ay pinaupo ako ni Manang sa sofa. "Makinig ka sa akin Hija, dahil ikaw ang bagong maid dito kailangan alam mo yung rules. Ha?" "Rules? As in panuntunan?" Tanong ko. Whatta weird person, may rules pa siya? Ano naman ang hindi ko dapat gawin, natural na yung bawal magnakaw o manguha pero. Nah' Im not like that. "Naku Hija, tinagalog mo lang. Oo, kung akala mo para siya timang dahil may ganito pa. Ay jusmiyo masanay kana . Makinig ka, Una, wag na wag mong gagalawin ang mga gamit niya, wag kang papasok sa kwarto at sa library room niya hanggat hindi niya sinasabi. Pangalawa, kung may ipaguutos siya sayo, o itatanong sayo. Kung maaari ora'mismo gagawin mo, at sasagutin mo, wala ng tanong tanong, lahat ng sinabi niya gagawin mo. Walang papaano, walang pero, walang kunwari at walang sandali. At ang pinaka huli sa pinaka importante, wag na wag mo siyang paghihintayin ng matagal. Ang ayaw niya sa lahat ang naghihintay. Kalimutan mo na lahat wag lang ang pinakahuli. Nakuha mo ba lahat ng sinabi ko Hija?" Nagsink-in na lahat sa utakl ko ang sinabi ni Manang Ester. "Opo Manang." Ngumiti siya. "Yun lang ang tatlong rules niya, pero halos lahat ng naging personal maid niya, sumuko, sana ikaw tumagal kapa rito." habilin niya saakin. "Opo Manang, yun lang pala eh." Lahat ng rules niya halos related sa oras, ganun kaimportante sakanya ang oras?  Bigla kong naalala ang itsura niya. Ang gwapo niya talaga, pero kahit napaka seryoso niya kanina, hindi parin mapagkakaila sa mga mata niya ang kalungkutan, at wala akong emosyon na makikita kung hindi ang kalungkutan at galit? Pero bakit?. What is behind the sadness in his eyes? What's with the cold voice? Cold atmosphere? Seriously this man will kill me because of curiousity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD