Chapter 1

2665 Words
ALLIAH P.O.V. " Ms. Alliah, we can sit here while we are waiting for our next flight," pag-aya sa akin ng matipunong lalaki na naka men in black at alam kong isa sila sa mga bodyguard ng future husband ko. I sighed. We are now in Philippine airlines dahil na rin sa flight namin na nagstop over sa airlines nila at hihintayin ang airplane na papuntang Japan. Galing ako sa Paris ngunit dahil may half japanese ang soon-to-be husband ko ay doon iplinano ang kasal. Tumingin ako sa ibaba. Im feeling lost... Hindi ko pinili ang taong papakasalan ko, ang gusto kong venue ng wedding ko, kung saang lugar kung anong concept. I sighed again. Parang wala na akong karapatan na mamili ng gusto ko. Parang si Papa na rin ang nagpapatakbo sa buhay ko sa ginagawa niyang ito. Naisip ko ang ibinigay na bag sa akin ni Ate. Dahan dahan ako sa pagbukas nito na nagiingat sa mga lalaking nagbabantay sa akin. Baka kasi ano ang laman. Pagkakita ko nakakita ako ng wig at sweater. Kinalkal ko pa at may nakapa akong isang maliit na papel. "Gawin mo ang bagay na hindi ko nagawa noon.- Ate Allana" Nagulat ako sa nabasa ko agad kong itinago ito. Isa din kasi si Ate na biktima ng marriage arrangement. Dahil tulad ko gusto ng aming ama na ipakasal kami sa lalaking alam niya na magiging maginhawa ang buhay namin sa piling nila. Tama nga si Papa mas lalong gumaan ang buhay namin noong ipinakasal si Ate sa mayamang lalaki na nagmamayari ng malalaking hotel sa Visayas. 2yrs ago ay nagmigrate kami sa Paris dahil narin doon gustong tumira ang asawa ni Ate. Sumunod kami ni Papa, alam ko na kaya ginagawa ito ng aming ama ay para narin sa kinabukasan namin. Dahil noong bago mamatay si Mama 3yrs ago ay nangako si Papa na hinding hindi niya kami pababayaan at hindi niya kami iiwan hanggat hindi namin nakakamit ang aming mga pangarap. Noon pa man ay hindi ko masasabing may kaya ang pamilya namin, ngunit sapat lang sa aming apat para tustusan ang pang araw araw na gastusin. Pero magsimula ng mamatay si Mama dahil sa komplikasyon niya sa dugo ay nagsimula ng gumuho ang buhay naming tatlo kaya gumawa ng paraan si Papa para kami ay mapunta sa magandang buhay. Kaya napagisipan niya naikasal kami sa lalaking hindi namin kakilala at lalong hindi namin mahal pero alam niyang mayaman yung atlst kaya nila kaming bigyan ng maginhawang buhay. Ngunit si Ate ay una palamang ay may lihim na siyang pagtingin sa naging asawa niya ngayon kaya noong nalaman niya ay hindi na siya nagtangka pang tumakas. 2yrs na sila ngayon nagsasama at masaya sila dahil may isa narin silang anak na babae. Alam ko kung anong dahilan ni Ate kaya niya pinadala sa akin ito, gusto niya akong tumakas at umalis sa dalubyong kinahaharapan ko ngayon. Kaya ko to. Ako pa? "Uhm. Excuse me.." Pagkuha ko ng atensyon sa kanila tumingin naman silang lahat sakin. Nagkukunwari pa ako na parang natatae, Ohpls! My beauty sira na pero wapakels. " Because you know .. I need to go to the comfort room. NOW!" Inemphasize ko pa ang nasa dulo mabilis naman silang tumango at tumakbo na ako sa Cr. As expected sumunod sila ngunit hanggang labas lang dahil lalaki sila. Dali dali akong pumasok sa isang cubicle at sinuot lahat ng nandoon. Paglabas ko ay tumuloy ako sa harap ng mirror maging ako ay hindi ko makilala ang sarili ko dahil para akong baklang sinabuyan ng madaming kutikutitap sa buhok at sa mga damit at nakashdes din ako, weird akong tignan kaya napapatingin ang mga babaeng pumapasok sa loob. Tumingin ulit ako sa sarili ko. Ang weird talaga ni Ate.. I said at the back of my mind, pero kahit ganito ay masaya ako. This is! Its showtime men! Maging ang maleta ko ay may design na din comapre kanina, binuhat ko ito para hindi masyadong halat. Well kahit mabigat yakang yaka. Noong lumabas na ako ay wala parin silang malay tumitingin lang sila sa mga lumalabas sa C.R maaaring nagtataka na sila kasi kanina pa ako pumasok dahan dahan lang akong naglakad pasimple kunwari para hindi masyadong mahalata, mahirap na kasi eh.. Noong nakakalabas na ako ng terminal. Hapon nadin at madaming tao dahil marami naring lumapag na eroplano sa mga oras na ito may nakakasabay pa ako mga umuuwi at hinahanap ang sasakyan nila. Sumilip ako muling sa mga guard at nakita ko na my pumasok na sa loob. My eyes widened alamko na malalaman na nila na wala na ako kaya mabilis akong tumakbo dahil panigurado ako hahanapin nila ako, nagpunta ako sa madaming sasakyan na naka parak hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil halos naman ay nakasara. Eto na ba ang katapusan ko? May nakita akong white SUV na nakabukas ang likod at nakita ko naman ay driver na kausap ang isang mama. Eto na yun.. dali dali akong sumakay sa likod at may dalawang maleta ang nandito siniksik ko ang sarili ko at tinakpan ang sarili ko sa mismong maleta inalis ko na din ang design para hindi mahalatang iba to. Maya maya ay naramdaman ko na may nagsara na ng pinto kaya nakahinga ako ng maluwg. Minadali kong alisin ang mga epalness sa mukha ko at lahat. May naramdaman akong may sumakay sa SUV kaya naman natahimik ako at dahan dahang gumagalaw. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko, parang ngang ito nalang ang naririnig ko e. "Sir we have an appoinment at Super Mall Company at 3:30 in the afternoon." Rinig ko . Medyo may katandaan na ang nagsalita. Kahit ganoon man ay kinuha ko pa din ang phone sa bag ko at binuksan ito at sinira ang sim at phone, maaari kasi nila akong itrack gamit ito. " 6:30 in the evening you have a dinner meeting for all the manager of the Lim Company." Hindi naman sumasagot ang kausap niya hindi ko din mapigilan ang sumilip kasi nacucurious ako. Pagsilip ko ay nakita ko kaagad ang dalawang lalaki na nakablack suit hindi ko makita ang mukha nila dahil nakatalikod sila saakin kaya naman ay unti unti ako bumalik sa lugar ko kanina mahirap na at baka makita pa nila ako at itapon basta basta. Tumingin ako sa relo ko, magaalas dose na. Nagugutom na rin ako, ipinilig ko ang ulo ko para makatulog.Maya maya pa ay naramdaman ko na ang pagstop ng sasakyan , kinakabahan ako dahil baka may makakita sakin. Inhale. Exhale. I can do it! Narinig ko na ang pagbukas ng sasakyan. "Manang Ester paki pasok nalang po ang bagahe." Narinig kong habilin ng matandang nagsasalita kanina. "Oh Sige Hijo.." Pahayag naman nito. Nanlaki ang mata ko, nasa likod nga pala ko . Ommo! Patay na ako! Naramdaman ko ang pagbukas nito, mas lalo akong kanakabahan. "Manang Ester Sandali lang po ha! Taeng tae na ako kanina pa.." Narnig kong paalam ng isang mama. "Naku osya ako na dito, magaan lang naman to, baka dito mo pa ilabas yan. " Ang awkward ha. Tumakbo na din yung nagpaalam kanina. Napasinghap ako ng ibinaba na yung isang malate at yung isa, so nakikita na niya ang malate ko. Kinukuha niya ito pero hinihigpitan ko ang paghawak ko para hindi maalis sa harapan ko. " Nasabit pa yata " narinig kong bulong niya napapailing ako. Shhh! Kahit naman anong gawin ko makikita niya pa rin ako kaya saktong paghila niya binitawan ko , nanlaki ang mata ko ng muntik na siyang matumba, may kantandaan na siya pare mukhang malakas pa dali dali akong bumaba at hinawakan siya. "A..ayos lang po ba kayo?" Nagaalalang tanong ko, nanlaki ang mata niya at sisigaw na sana pero tinakpan ko ang bibig niya. "Shhh. Wag po kayong sisigaw."I whispered. Luminga linga ako at wala akong nakitang tao. Pero ngayon nakita ko na kung nasaan ako, sa napakalawak na lupaan. Tumango siya kaya inalis ko na rin at ngumiti. "AH-Hmmmmmmmm" Ang kulit din eh. Tinakpan ko ulit ang bibig niya nakikita ko na natatakot na siya hindi naman ako mukhang magnanakaw hindi ba? "Manang Ester.. Iaalis ko lang po ito kapag ipapromise mo na hindi ka po sisigaw." Madiin kong paalala, dahan dahan naman siyang tumango. "Sigurado po kayo?" Paninigurado ko. Tumango siya ng mabilis. Inalis ko din at hinarap siya huminga siya ng malalim ng sigurong nakakuha na ng lakas ay saka nagsalita. "S..sino ka ba?" Kinakabahan niyang tanong. " Magnanakaw ka ba ha Hija? Kegandang dilag." Nagpamewang pa siya at tumingin na sakin na parang hindi makapaniwala. " Spy ka ba ha? Akala ko sa sine ko lang napapanood ang kagaya mo.." Sunod sunod niyang tanong. Napailing nalang ako at tumingin ulit sa paligid. "Hindi po ako magnanakaw at lalong hindi po ako spy Manang Ester kailangan ko lang po talaga ng tulong." Hinawakan ko ang kamay niya ngunit inalis niya din ito. "Pero pano mo naman nalaman ang pangalan ko? Naku Hija ha! Matanda na ako kaya alam ko mga estratehiya ng mga magnanakaw ngayon. Bibigyan pa kita ng pagkakataon para tumakas kaya tumakbo kana.." Pagtataboy niya sakin. Nagbuga ako ng buntong hininga . "Mukha po ba ako magnanakaw sa inyo?" Turo ko sa mukha ko. "Kailangan ko lang ho talaga ng matitirahan.." Kumunot ang noo niya at hinawakan ang dalawang maleta. "Oh jusme hindi bahay ampunan ito,at mas lalong hindi apartment ito kaya hindi pwd.. mali ang napasukan mo" Sabay lakad niya ngunit hinarangan ko siya. "Please ho Manang!!" Pagmamakaawa ko saknya sabay dikit ko ng dalawang palad ko. " Kahit ano ho gagawin ko kailangan ko lang po ng matitirahan pls po.." Nakita ko ang paglambot ng mukha niya at tumingin sakin ng daretso , she looked at me head to shoes. Itinaas niya ang dulo ng labi niya at nagsalita ulit. "Sumama ka sakin sa loob, wag na wag kang gagawa ng kahit ano mang ingay.." paalala niya, lumawak ang ngiti ko at sinundan siya sa loob. Wow! Halos malula ako sa sobrang laki ng bahay, mansion na yata to, black and white yung motif ang ganda pero parang may kulang.. Kahit gaano pa kalaki hindi mo masasabing perfect dahil parang malungkot. Napatingin ako sa isang malaking painting na nakasabit sa sala may baby sa gitna at may isang babae at lalaki maaaring magasawa sila at siya yung anak nila mga nasa 7 or 8 palang pero ang ganda ng mga mata niya. "Ahm Manang.." Pabulong kong tawag, maging sa loob ay walang tao. Hindi na yata nagkikitaan ang tao dito sa sobrang laki mayroon din kasing secondfloor ito malay mo may third floor pa. "Hmm?" Sagot niya ng iwanan niya ang dalawang maleta sa sala. "Sila ho ba ang may ari ng bahay o mansion na ito?" Amuse na tanong ko habang hindi parin inaalis ang tingin ko sa painting ang ganda kasi ng pagkakapaint sigurado ako mahal ito. "Ah, hindi. Yung anak nila may ari ng mansion nito. " Naglakad na siya ulit. "Oh talaga ho? E mukhang eight years old palang yung anak nila eh." Maang ko. Natawa si Manang. "Matagal na yun Hija, ngayon twenty-five na siya.." Sagot niya. "Talaga ho? Ganun sila kayaman?" Grabe ha! 25 palang siya ngunit may ganito kalaking bahay? Kung iisipin mo wala pa sa kalahati ang naipundar ko sa naipundar niya, Samantalang ako hanggang ngayon ay nakikitira parin ako sa penthouse nila ate sa Paris, well may pagkalaki nga pero the point is hindi sakin yun sa asawa ni Ate. Saka thirty na yung asawa niya e tong may ari nito 25? Ow. Infairness milionaryo! "Ang maisasagot ko dyan. Masipag siguro.." sagot niya at pumasok kami sa maid headquarters. Umupo ako sa kama at isinara ni Manang Ester ang pinto."Oh Ginoo! Magpasalamat ka dahil hindi ka niya nakita.." sabi niya at napahawak sa dibdib niya. "Salamat!" Natawa ako at humiga sa kama at ibinalibag ang maleta ko. "Hija pinapayagan kita dito, ngunit hindi ka maaaring magstay dito nangpangmatagaln naaawa lang talaga ako sa iyo mukhang totoo naman ang sinasabi mo. Pero bakit hindi ka naman magcheck-in sa hotel mukhang may pera ka naman." Nakakunot niyang tanong. Nagayos ako ng upo at tumingin saknya . "Hinahabol ho kasi ako Manang.. kaya hindi ako pwdng magcheck-in sa mga hotels baka kasi ipacheck nila isa isa ang mga apartment dito." Paliwanag ko kumunot ang noo niya at napatakip sa bibig. "Sinasabi ko na nga ba ha! Magnanakaw ka kaya hinahabol ka nila.." dali dali niyang binuksan ang pinto ngunit nahawakan ko kaagd ito at isinara. "Hindi niyo kasi maintindihan e Manang.." mahinahon kong pahayag, huminga ako ng malalim at tumingin ng seryoso saknya. Huminga din siya ng malalim at umupo sa isang kama. "Sige nga bigyan mo ako ng dahilan para pagkatiwalaan ko ang katulad mo.." I sighed. "Pero pangako ho satin satin lang to ha?" Pagninigurado ko. Tumango siya. "Ganito ho kasi iyon.. g..gusto ho kasi akong ikasal ng Papa ko sa hindi ko kilala, tapos noong nasa airport na kami ng Pilipinas nabigyan ako ng pagkakataon na tumakas.. I grabbed the opportunity. Paglabas ko nakita ko agad yung SUV yun lang ang bukas kaya sumakay na ako kasi maaari na nila akong makita, tas dito ako dinala." Napamaang siya sa kwinento ka na parang hindi makapaniwala. "Bakit naman gagawin yun ng iyong ama?" Tanong niya ulit. "Money?" I said and shrugged. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Naku modernong sibilisasyon nga naman ngayon!" Pahayag niya kaya natawa ako. Parang nakakita ako ng isang Nanay saknya."Ngunit hindi ka pwdng magtagal dito, dahil may CCTV camera, makikita ka ni Dexter mahigpit yun sa security." She stopped ." Ah. Oo, tutal sakto ka naman ako naman ang mayordoma dito maaari kitang ipasok bilang katulong." Bigla akong naubo sa sinabi niya at tumingin sakanya. "Ha? Sigurado ho kayo?" Napangiwi ako. "Ay Oo naku Hija! Tatlo lang kaming katulong dito at halos may edad na rin kami. Kailangn namin ng katulong na kaya pang bumiyahe hanggang sa office ni Dexter kaya kung maaari pwd ka ba?.." "Eh bakit ho? Wala ho bang nagaaply dito?" "Meron ang dami nga eh, ang problema hindi man sila umaabot ng isang linggo madalas isang araw lang ay umaalis na sila."Napataas ang kilay ko. "Pinapaalis niya ho?" "Hindi, ako lang ang may karapatan na magpaalis sakanila, wala siyang paki sa mga katulong ako lang. Ngunit ang problema sila mismo ang umaalis ako pa nga minsan ang nagmamakaawa saknila ngunit hindi daw nila kaya si Dex." Nagbuntong hininga siya. "Walang tumatagal saknya, kami lang dahil matagal na kami dito, mabait si Dex nandito na ako magsimula paglaki niya ngunit basta..madalas silang sumuko saknya." "Tingin niyo ho ako kaya ko kaya? Kung sa paglilinis pwd ako at pagluluto pero sa pagiging alalay.. ahm" "Kung kailangan mo talaga ng bahay at matitirahan Hija.." Naisip ko din ang sinabi ni Manang Ester, dito lang ako safe, dahil hindi ako pwdng magrent. "E sandali kanina pa ako datdat ng dada dito ano nga palang pangalan mo?" "A..Alliah Mercado ho." Pakilala ko at ngumiti. "Pe..pero Manang kailangan hindi nil malaman ang identity ko.." Pagaalangan ko. "Oo nga. Tama ka. " "Ibahin nalang kaya natin ang pangalan ko Manang kinakabahan kasi ako baka malaman nila eh..?" Napatingin ako sa isang poster sa likod ng pinto. Hannah Montana "Ayun tama. Hannah nalang manang!" I exclaimed. "Oh anong pilido mo?" Napahawak ako sa ulo ko. Naisip ko ang bestfrnd ko na nasa London ngayon. Shamy Gonzales. "Ah Yeah. Hannah Gonzales Manang!!!" "Hannah Gonzales?' Napailing siya. "Ngayon lang ako masisinungaling saknya, ngunit para lang tulungan ka. Sana tulungan mo din ako diba? Alliah? Ang ibig kong sabihin.. Hannah Gonzales." "Aye! Aye Manang! Thankyou." I hugged her. "Salamat po." Naiiyak kong pasasalamat."Kapag po nakakita na ako nang pagkakataon na umalis, tatanawin ko pong utang na loob ito sainyo." Hinagod niya ang likod ko. Now its time... kailangan ko munang takasan ang buhay ko bilang ALLIAH MERCADO. Dahil sa pagkakataong ito. Ako na si HANNAH GONZALES.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD