Chapter 1
LAHAT ng babae ay nakatingin ngayon sa akin na parang nagtataka kung bakit ako nanrito sa Student Council Room. Iyong iba nga ay umiling-iling pa. Ano ba ang ipinagtataka nila? Eh halos araw-araw na nga ako nanrito. Bitbit ang ginawa kong cake, pumasok ako sa loob.
As usual, nakita ko na naman sila Gunner na ngayon ay nakaupo sa upuan sa malawak na paikot na mesa na may malawak na ngisi sa kani-kanilang mukha.
"Nasaan ang boss niyo?" tanong ko pagkatapos ko ilapag ang cake sa lamesa. Umupo ako sa bakanteng upuan malapit kay Gunner na ngayon ay nakataas ang paa sa mesa. Ayos ah? Parang hindi member ng student committee. Paano ba naging members’ ng committee itong mga ‘to? Pakiramdam ko tuloy dinaan lang nila iyong mga ibang estudyante sa pangiti-ngiti noong nakaraang eleksyon kaya sila ang nahalal.
"Wala siya rito, Bossing. Tumakas na naman ata sa'yo,” naiiling na sabi ni Cali. Ako naman ang nanliit ang mata. Bakit ba ako pinagtataguan no'n? Napakaabnormal talaga. Ang ganda ko kaya para pagtaguan!
"Malabo na ata ang mata ng kaibigan niyo. Ang ganda ko kaya," sabi ko sa kanya na nagpatawa naman dito.
"Hindi malabo ang mata no’n. Sadyang mapili lang sa babae,” natatawang sabi ni Gunner sa akin. They are Jared’s friends or should I say, they are the famous members of the Student Council. Sila ang nagpapatupad at nag-aanunsyo ng mga events kapag may event dito sa Metro High. Malaki ang pagkakaiba nila sa isa't isa. I don't know how they became friends dahil sa ugali na mayroon si Red pero nakikita ko nga na close sila.
Kaya ko naman nasabi na malaki ang pagkakaiba nila sa isa't isa ay dahil maloko ang dalawa niyang kaibigan na si Cali at Gunner, samantalang tahimik naman si Red. Kulang na lang mapanisan ako ng laway kapag kausap ko siya dahil hindi talaga siya nagsasalita. Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan ko siya. Eh ang sungit-sungit naman!
"At talagang sa akin pa naging mapili?” tanong ko sa kanya. Wala siyang karapatan na maging mapili! I'm a Martinez! Hindi niya dapat tinatanggihan ang appeal ng isang kagaya ko. Palay na nga ang lumalapit, tutukain niya na lang, ayaw niya pa?
Wala rin naman akong nakikitang dahilan para hindi niya ako magustuhan. Pero kahit ganoon ay hindi niya pa rin ako pinapansin. Tsk.
Magkukumento pa lang si Gunner nang bumukas ang pinto at iniluwa si Axel. Kumunot ang noo ko nang makuha niyang ngumisi pagkakita sa akin. Axel is one of them. Hindi ko rin alam kung paano nila naging kaibigan ang isang ito. Kung gusto ko si Jared, ayoko naman kay Axel. Hindi ko alam kung bakit ganoon, basta ay may kinaaayawan ako sa kanya na hindi ko masabi.
Axel has pink hair which isn’t typical colors for guys like him. He has brown almond eyes and a full shaped lips. Just like Jared, he is also popular in this campus. Hindi na ako magtataka dahil kahit ayaw kong aminin ay gwapo nga siya. Meron siyang presensya na kahit sinong babae ay hindi mapapagkaila at iyon din ang isa sa mga bagay kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya, maliban sa akin syempre.
"Nandito ka na naman," mapresko niyang sabi at saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Pinanood ko ang ginawa niyang pagbaba ng gamit niya sa lamesa bago umupo. Inilagay niya pa ang magkabilang braso niya sa likod ng kanyang ulo bago itinaas ang paa sa mesa at tumingin sa akin.
I rolled my eyes heavenward.
"Anong pakialam mo?" masungit kong tanong sa kanya. Ngumisi na naman ito na nakapagpataas sa aking balahibo.
"Why do you like him so much?" tanong niya sa akin.
Lalo pang nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib nang tumayo si Axel para lapitan ako kahit na katabi ko lang naman siya. Inilapit niya sa akin ang mukha na para bang walang pakialam sa presensya ni Gunner at Cali. Hindi tuloy ako agad nakapagsalita dahil doon. Parang sandali akong napipe at hindi malaman ang gagawin.
I push him a bit nang mahimasmasan ako.
"Lumayo ka nga! You'---"Bigla akong napatigil sa pagsasalita ng biglang bumukas anh pintuan at iniluwa no'n ang taong gusto ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita kami ni Jared sa ganoong pwesto. Sinamaanm ko ng tingin si Axel subalit tila wala siyang pakialam. Nilingon at tinignan ko muling ang mukha ni Jared at kagaya ng dati ay wala na naman itong emosyon. Nakaigting ang bagang nito habang masama na nakatingin sa akin. Binalewala ko ang masama niyang tingin sa akin dahil hindi naman ako mahihimasmasan doon at mas piniling titigan ang suot niyang uniporme. He looks hot when he’s wearing his student council uniform. Kung sino man nakaisip na magkaroon ng uniform ang student council ay pupuriin ko dahil lalo itong nakadagdag sa manliness ni Jared na ngayon ay masama pa rin ang tingin sa akin.
Hindi ko iyon pinansin at lumapit sa kanya dala ang chocolate cake na binili ko.
"Para sa'yo."
Tinabig niya ang kamay ko at saka nagsalita gamit ang malamig na tinig.
"I don't like chocolates,” sabi niya sa akin at saka binitbit ang bag bago tuluyan lumabas ng SC.
"Ano? Rejected ka na naman?” natatawang saad ni Zaien sa akin. Alam niya kung gaano ako kabaliw kay Jared at lahat ng mga bagay na nagawa ko na para lang mapansin niya ako. Kulang na nga lang ay gumawa ako ng bagay na kahiya-hiya talaga para mapansin niya lang ako na siguradong hindi ko gagawin. Syempre may limitasyon pa rin kung hanggang saan lang ang kaya kong gawin para sa kanya.
Hindi ako umimik. Binigay ko na lang iyong chocolate cake kay Gunner kanina tutal mahilig siya sa chocolate cake.
"Sabi ko naman sa'yo, itigil mo na yang kalokohan mo na 'yan e."
Hindi ulit ako umimik. Alam niya naman na hindi nababawasan ang pagkadeterminado na mapansin ako ng lalakeng 'yon kahit na ilang beses niya na ako nireject. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya sinabi sa akin na hindi niya ako kahit kailanman magugustuhan pero wala akong pakialam. Hindi basta-basta matitigil ang pagiging determinado ko na makuha siya at mapansin ako nang dahil lang sa ilang beses siyang humindi sa akin.
"Hindi ko naman kasi alam sa'yo, bakit siya pa ang pinu-pursue mo. Mas bet ko pa nga iyong Axel."
Umiling ako.
"What? No! I don't like him."
Ayoko talaga sa kanya. May kung ano sa presensya niya na ayoko talaga. Hindi ko lang alam kung ano ‘yon.
"Bakit ba ayaw mo sa kanya? Eh halos pareh--"Napatigil si Z sa pagsasalita ng makita niya si Janus na nakatambay sa harap ng classroom at may hinihintay.
Lumingon si Janus sa gawi ko. Nagtama ang mata at tuluyang lumapit.
"Can we talk?" pormal niyang tanong sa akin.
Bumuntong-hininga ako at saka sinenyasan si Z na lumayo muna. Wala na naman talaga kaming dapat pag-usapan pa nito dahil tapos na naman kaming dalawa, pero ewan ko ba at pinipilit nitong si Janus na kausapin pa rin ako
"Ano pa ba ang kailangan mo sa akin?"
Tinignan niya ako sa gamit ang malungkot na mata. Minsan na akong nagamit ng mata na 'yan at hindi na ako magpapaloko pa.
"Bumal--"Tumawa ako ng pagak dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Ito na naman ba? Siya lang naman itong nahihirapan sa pangungulit sa akin na makipagbalikan sa kanya kahit ilang beses ko na sinabi na wala na talaga.
"Ayoko na nga. Ano ba ang hindi mo maintindihan do'n?" naiirita kong tanong sa kanya.
"Hindi mo pa rin ba ako mapapatawad? Nagsisi na ako," malungkot niyang sabi sa akin. Ako naman ang napatawa ng marahan dahil sa tono ng pananalita niya. Bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko pa na hindi ko siya napapatawad? Eh diba dapat ay alam niya na 'yon kung bakit ako ganito sa kanya? He cheated behind my back with my step-sister, anong ineexpect niyang pakikitungo ko sa kanya? Na maayos pa rin? Ano ako plastik?
“Ay? Dapat bang balikan kita kapag nagsisi ka na?” I asked with full of sarcasm. Umiling ako sa kanya at saka siya tinignan ng diretso sa mata.
"Hindi naman porket nagsisi ka na, babalik na ako sa'yo. Ano ako tanga?”
Minsan na akong naging tanga at dahil iyon sa kanya. I will never repeat my mistake again.
Hinawakan niya ang kamay ko pero tinapik ko iyon at saka umatras palayo sa kanya.
"At saka bakit parang sa pananalita mo, ako pa ang may kasalanan kung bakit tayo nagkaganito? Eh diba, ikaw naman itong pumatol sa kanya habang hindi ko alam? Kung hindi ko pa kayo nakita sa kwarto na magkapatong ay baka wala pa rin akong kaalam-alam hanggang ngayon. Ano ba ang ineexpect mong pakikitungo ko sa inyong dalawa matapos niyo ako gaguhin ha? Hindi naman ako plastik na tao para magmukhang okay lang ang lahat ng ginawa niyo sa akin."
"Dionne. I never been inlove with Ven."
Muli na naman akong napatawa sa sinabi niya. Hindi na naman importante kung minahal niya ang babaeng 'yon kasi wala naman akong pakialam sa kanya. Tapos na ako sa kanilang dalawa ni Honey. Kung tutuusin nga ay masaya pa akong naloko dahil doon ko napatunayan kung anong klaseng lalaki ang sinagot ko.
"Wala akong pakialam kung mahal mo siya o hindi. Pinalaya na kita. Tapos na tayo. Kaya kung hindi mo man minahal ang ate ko, hindi ko na problema ‘yon," diretsa kong sabi sa kanya. Nagsisimula na rin ako mainis dahil matagal na kaming tapos pero eto siya at nagsisimula na naman ako suyuin kahit na wala naman na talagang masusuyo.
"Kung tutuusin nga Janus, masaya pa akong nagloko ka at malaman ng maaga dahil ayaw kong magpakatanga sa isang tao na katulad mo," seryosong wika ko sa kanya. Kung hindi siya nagloko ay baka kami pa rin hanggang ngayon nito.
"Kahit anong gawin mo, hinding-hindi ako babalik sa'yo. Hindi ko tatangayin pabalik ang basurang iniwan ko na noon," diretsa kong wika sa kanya muli.
"Bakit ba ayaw mo? May nagugustuhan ka na ba? Iyong Jared na ba 'yon ang bago mo nang nagugustuhan ngayon?" Kita ko ang pagkairita sa kanyang boses.
I rolled my eyes on him.
Lumapit siya sa akin at nagtangkang hawakan ako sa balikat pero kaagad kong tinapik ang kanyang mga kamay.
"Don't try to touch me, Janus," mariing wika ko sa kanya. Bumaba ang kanyang mga kamay at itinago iyon sa bulsa ng kanyang pantalon. Dismayado niya akong tinignan pero nandoon pa rin ang inis.
"At saka ano naman ngayon sayo kung nagugustuhan ko nga siya? Wala ka ng pakialam pa roon Janus."
Totoo naman talaga na gusto ko si Jared. Gusto ko siya at sapat na iyon para makagawa ako ng mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ng isang katulad ko pagdating sa kanya. Wala na dapat pakialam pa roon si Janus dahil tapos na kami. Hindi ko nga sila pinapakialaman ni Honey eh.
Aalis na sana ako dahil nagsasayang lang ako ng oras sa pagkausap sa kanya pero hinawakan niya ako kaagad sa braso, dahilan para mapigilan niya ang pag-alis ko.
"You're just playing with him Dionne. I know you."
"Janus. Pwede ba? Kung nakikipaglaro man ako o hindi, gusto ko man siya o hindi, wala ka ng pakialam. Noong nakita ko nga na nasa ibabaw ka ng kapatid ko, walang saplot, nagreklamo ba ako?" I said stating a fact.
Hindi ko na nakontrol ang bibig ko, hindi naman na ako naghihinakit sa kanya kasi tapos na. Alam ko naman na kahit patawarin ko pa siya, wala pa rin magbabago. Hindi pa rin ako babalik sa kanya. Nawala na ang pagmamahal na mayroon ako sa kanya the moment he betrayed me.
"Now. If you'll excuse me."
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin nang hilahin niya muli ang kamay ko dahilan para mapalapit ako sa kanya. Sakto naman na nakita iyon ni Jared na nagpakabog sa dibdib ko. Lumagapak ang tingin niya sa kamay namin ni Janus na magkahawak. Agad ko iyon tinanggal at ngumiwi sa kanya.
Umigting ang panga pero sa huli ay ngumisi. Matalim niya ako tinignan pero mas matalim iyong kay Janus.
Masyadong mabilis ang pangyayari pero sa pagkakaintindi ko, kinuha ni Jared ang kamay ko at inilayo kay Janus kasabay ng pagbikas ng mga salitang nagpakabog sa aking dibdib.
"Ms. Martinez. In Detention Room."