Chapter 2

2022 Words
Chapter 2 HINDI KO ALAM kung ano ang ginagawa ko rito sa Detention Room. Ang tanging alam ko lang ay sinunod ko lang ang sinabi ni Jared na pumunta ako sa detention room. "Ano ba ang kasalanan ko at bakit ako nandito sa Detention?" tanongh ko dahil sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung anong ginagawa ko rito. Ni hindi ko nga alam kung anong kasalanan ko at bakit ako narito. Sumama lang ako dahil sabi ni Jared ay dapat daw akong pumunta sa detention room. Ang alam ko lang ay naabutan ako ni Jared na hawak-hawak ni Janus ang kamay ko at ang isa ko pang ipinagtataka rito, hindi niya isinama si Janus dito eh. Anong kasalanan ko? Hindi siya umimik. Nakaigting pa rin ang panga at masama pa rin ang tingin na ipinupukol sa akin. Seriously? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil magkasama kami ngayon rito sa iisang kwarto kung saan hindi ko alam kung kailan ako makakalabas o maiinis dahil kahit na magkasama na kami ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Tahimik lang siya at kahit kailan ay hindi ko napansin ang paglingon niya sa akin. Nagtataka nga ako at hindi pa napapanisan ng laway 'tong si Jared dahil palaging walang imik. Hindi nagtagal, dumating si Gunner at Cali. Kumunot pa ang noo ng bahagyang makita ako na kasama ang boss nila. Nagkibit-balikat na lang ako at saka tamad na inihiga ang ulo sa lamesa. "Anong ginagawa mo rito Bossing?" tanong ni Gunner. Nakangisi ito. Magulo na naman ang buhok at hindi maayos ang uniporme. Kung mag-ayos ay hindi mo aakalain na isa sa mga member ng student council. Mabuti na lang at hindi ganoon kahigpit ang school basta ba ay ginagawa ng SC ang trabaho nila at iyon ay ang magdala ng kapayapaan sa eskwelahan na ‘to. "Ewan ko dyan sa boss niyo. Bigla na lang ako hinila at dinala rito,” sabi ko sa kanila at saka itinuro itong si Jared na ngayon ay tanging paghalukipkip at pag-irap lang ang ginawa. Nagkatinginan naman si Gunner at Cali na parang may mali sa sinabi ko. Ako naman ang napairap dahil sa reaksyon nilang dalawa. "Totoo kaya 'yon!" Tumingin ako kay Jared na wala pa rin imik. Tumayo ito at umalis na hindi nagsasalita. Pareho kaming tatlo na sinundan ng tingin ang pag-alis niya. "Ano nangyari roon?” Kunot-noo kong tanong ko sa kanila. "Ginalit mo ata eh,” namomoroblemang sab ni Cali sa akin. Ako naman ang nanlaki ang mata at hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Anong ginalit? Wala akong ginagawa na masama." depensa ko. Kasi totoo naman talaga na wala akong ginagawa. Siya nga itong kanina ko pa kinakausap e na hindi naman ako pinapansin. Daig pa niya ang babaeng nagmemenopause dahil sa ikinikilos niya! "Eh bakit gano'n 'yon?" tanong nni Gunner sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya at saka sumagot. "Ewan ko nga. Malay ko ba." Hindi nagtagal. Hinayaan na nila ako lumabas ng detention room. Kanina ko pa naman na naitext si Z na mauna na umuwi dahil nasa detention room ako. Zaien: Anong ginagawa mo dyan? Ako: Hindi ko nga alam! Jared took me here. Zaien: Weh? Ako: Oo nga! Mag-isa ako umuwi. Medyo maaga pa nga dahil minsan ay pasado alas-diyes na ako nakakauwi sa bahay. Wala rin naman pakialam ang mga taong nakakasama ko rito sa bahay kaya okay lang at isa pa, ayoko rin naman na pinapakailaman ako. "Bakit ang aga mo?" tanong nito sa akin. Nakatingin ngayon siya sa akin na puno ng panghuhusga at hindi pagkagusto sa akin. Siguro ay kinamumuhian niya rin ako katulad ng pagkamuhi ko sa kanya. I know her plan and she’s doing everything she could to have my mom’s company. Pero hindi ko iyon papayagan mangyari. Aalagaan ko ang legacy ni mommy hanggang sa mamatay ako. Wala akong pakialam kung lalong magalit sa akin si daddy. Mahal ko si mommy at hindi ko hahayaan na pumangit ang legacy na binuo niya dahil lang sa babaeng ‘yon. Hindi ako nagsalita. I didn't even look at her. Imbes na magsalita at tumingin sa kanya ay huminga na lang ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Ang ayoko sa lahat ay 'yung pinapakielaman ako ng mga taong wala naman talagang ugnayan sa'kin. Dere-deretso lang ako sa tapat ng aking kwarto. Hindi ko siya pinansin kahit na ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Pilit niya kinuha ang braso ko at hinarap ako sa kanya na may matatalim na mata. Tsk. Akala mo naman bagay sa kanya. "Huwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita!" sigaw niya sa'kin. Sino siya para sigawan ako? She's not even my mother! Sinagot ko ang matatalim na tingin niya sa akin. "Ano bang pakialam mo? Pwede ba? Hindi kita kaano-ano! Kabit ka lang ng Daddy ko! Hindi kita nanay para pakialaman ako!" I shouted back at her. Nagulat siya sa sinabi ko at parang kulang na lang ay iiyak na. Alam ko naman na akto lang iyon, doon naman kasi siya magaling, sa pag-iinarte. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang may dumapo na mainit na kamay sa aking mukha. Nanginginig akong napalingon sa kanan habang nagpipigil ng mga luha at nakatingin kay daddy na siyang sumampal sa akin. This is fvcking great. Now. He's now choosing his woman over his daughter. "Wala ka ng galang Dionne! Magiging asawa ko na siya sa ayaw at sa gusto mo at magiging ina mo siya!" sigaw ni daddy sa akin. Punong-puno ng galit ang mga mata niya. I’ve never seen him mad like that. Hindi ko alam kung ano ang ipinakain sa kanya nang babaeng ‘yan para siya ang piliin kesa sa amin. I told him many times that they are just using him for money pero ayaw niya maniwala sa akin dahil gumagawa lang naman daw ako ng gulo. Tumawa ako ng pagak. "Pakasalan mo siya Daddy! Wala akong pakialam!" mariing saad ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at saka pinunasan ang "Hindi ako magrereklamo. Wala kayong maririnig sa'kin pero huwag niyo asahan na magiging maayos ang trato ko sa kabit mo dahil iisa lang ang mommy ko! And she died 6 months ago because of you and that woman!" Binagsak ko ng malakas ang pintuan at inilock iyon. Narinig ko pa ang malalakas na sigaw ni Daddy at ang paghagulgol ng babae niya pero hindi ko na iyon pinansin pa. I'm the most difficult person they dealt with. Hindi ako madaling maplease ng mga taong nasa paligid ko. I don't filter my words, kasi bakit naman ako magpapanggap na gusto ko ang tao kung hindi naman diba? Kapag ayoko. Ayoko. Kapag gusto. Gusto ko. Plain and simple. Pero isang araw, someone made me realize na kahit ang hirap ako pakisamahan, naramdaman ko na tanggap niya ako. That he's happy when he's with me. Na hindi man ako tanggap ng tao, alam ko na tanggap niya ako pero isang araw, nareality slap na lang ako na kalokohan na lang pala ang lahat. Sa mismong bibig niya nanggaling lahat ng pangloloko at panggagamit na ginawa niya sa'kin. And you know what's worst? May relasyon sila ng kapatid ko. Pinaniwala nila ako. Ginawa nila akong tanga. Akala ko doon na matatapos ang kalbaryo ko. My mom died because of a car accident. Wala pang isang taon nang sabihin sa akin ni daddy na mag-aasawa siya ng bago. It’s okay for me to get him married kung iyon man ang magpapasaya sa kanya pero nagalit ako dahil nalaman ko na matagal ng may relasyon si daddy at nung babaeng sinasabi niya sa akin na papakasalanan niya. And the reason why my mom died is because she found out about their affair. Kaya pala madalas na sila mag-away no’n pero hindi niya lang sinasabi sa akin dahil bukod sa nagkakaroon na siya ng kutob na may iba na ngang babae si daddy ay ayaw niya ako madamay. Sobrang kamuhi ang nararamdaman ko para sa kanila ni daddy. The worst thing is my step mother has a daughter, si Honey. Hindi ko iyon makuhang matanggap. Hindi ko magawang ipasok sa utak ko na magagawa niyang pakasalan ang dahilan ng pagkamatay ni mommy. Ang laking sampal no’n sa akin dahil ako ang nawalan ng nanay. Hindi ko rin matanggap na mas pinipili ni daddy ngayon ang bago niyang pamilya kesa sa amin, sa akin na anak niya. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Agad ko iyon pinunasan. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa veranda. May lubid na nakatali doon. Ginamit ko iyon at bumaba. Nagmadali akong tumakbo at inakyat ang back door ng bahay kung saan walang nagbabantay tuwing gabi. Pagkatapos no'n ay agad akong pumunta sa park. Agad akong umupo sa may swing. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa may kalangitan. Nung kami pa ni Janus, gawain ko na ang tumakas tuwing gabi. Rito sa park na ito kami palaging nagkikita. Nagkikita. Sa park na ito ko siya sinagot at tinapos ang lahat sa amin nang makita ko sila ni Honey na nasa iisang kwarto at walang saplot. Muling tumulo ang luha ko. Agad akong tumungo para walang makakita. Pupunasan ko sana iyon nang may magpunas ng luha ko. Nagulat ako. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang gumawa no'n. "Axel…" Hindi siya nagsalita at nanatili lamang ang tingin nito sa akin. "Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya pero kagaya noong una ay hindi na naman siya nagsalita. “Dito ka ba nakatira?” tanong ko ulit sa kanya. Akala ko nga ay hindi niya na naman ako sasagutin at pagtitripan lang ako nang tumango siya sa akin bilang sagot sa tanong ko. “Hindi ko alam na dito ka lang nakatira,” mahinang wika ko sa kanya at saka tumahimik ng muli. Umupo naman siya sa tabi ko. Iyong tipong isang pulgada na lang at magkakadikit na naman ang braso naming dalawa. m "Pwede bang lumayo ka sa'kin?" I asked because he's invading my personal space. Kagaya ng inaasahan ko, parang wala siyang narinig sa sinabi ko at hindi na naman ako pinansin. Napatigil naman ako at napaawang bahagya ang labi nang abutan niya ako ng panyo. Nanatili ang mata ko doon at saka muling tumingin sa kanya. I bit my lower lip to supress myself from smiling bago iyon kinuha. "Umiiyak ka pala." Pinunasan ko ang mga luha ko bago siya pinaningkitan ng tingin. "Bawal na ba umiyak ang maganda?" tanong ko sa kanya at saka tumawa ng mahina para gumaan iyong atmosphere. Wala pa kasing nakakakita sa akin na umiiyak maliban kay Z at kay Janus. Syempre noong nakipagbreak ako sa kanya, umiyak ako dahil hindi ko akalain na magagawa niya akong pagtaksilan sa kabila ng mga sinabi ko sa kanya na nangyayari sa pamilya ko. Umiling-iling siya sa akin. Nagulat ako ng ayusin niya ang aking buhok na natatakpan ng konti ang aking mukha. Isinilid niya iyon sa aking tenga at saka nagsalita gamit ang baritonong boses na palaging nagpataas sa aking balahibo. "Hindi nga bagay sa'yo kaya huwag mo na uulitin." Napatulala ako sa sinabi niya. Naghihintay pa ako ng sunod pa niyang sasabihin pero nanatili na itong tahimik habang ang atensyon ko ay nasa kanya. Tumayo na siya at saka naglakad papalayo sa akin, at bago pa ako makapagsalita para tawagin siya at maisoli ang panyo na ipinahiram niya sa akin ay naglaho na siya na parang bula. Nang kumalma na ang puso ay ako naman ang tumayo para umuwi. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa ni Axel. Lumingon ako sa kanan at saktong nakita ang isang pulang montero na sasakyan sa tapat. Kumunot ang noo ko. Pilit kong inaninag kung sino ang nasa loob pero tinted ang sasakyan kaya hindi ko pa rin nagawang makita kung sino ang nasa loob. Parang pamilyar ang sasakyan na iyon sa akin, hindi ko nga lang matandaan kung saan ko nakita. Lalo pang napakunot ang noo ko nang makita ko kung anong plate number ng sasakyan. JOL0616
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD