Prologue
Dionne Mae Martinez
Yinakap ko siya nang mahigpit at napangiti ng malaki. Pero mas napangiti ako nang maramdaman ko ang ginawa niyang pagyakap sa akin pabalik.
Inilayo ko ang aking mukha sa kanyang balikat at saka inilapit ang muka ko sa muka niya. Tinitigan ko siya na parang nakadepende ang sarili kong buhay sa kanya.
Lumakas ang t***k ng puso ko. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto niya sa akin kahit na palagi niya akong sinasaktan. At mas lalo pang nagwala ang puso ko nang bumaba ang tingin ko at mapatitig sa manipis at mapula niyang labi. Ang sarap sana halikan. Pero etong lalaki na nasa harapan ko ngayon ay walang ginawa kundi paulit-ulit akong saktan.
"What are you doing here?" malamig niyang tanong sa akin. Hindi ako sumagot. Nakuha kong balewalain ang malamig niyang boses at lumapit pa sa kanya. Isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa.
Teka nga. Bakit niya ba tinatanong kung bakit ako nandito? Eh palagi naman akong nandito kung nasaan siya. Kaya lang sa araw-araw na lumipas, palagi niya na lang akong sinusungitan. Maswerte nga siya at isang kagaya ko na maganda ang pilit na naghahabol sa kanya.
"I like you."
Parati ko iyon sinasabi sa kanya pero hindi niya tinatanggap ang sinasabi kong gusto ko nga siya. Hindi ko alam kung sadyang ganoon ako kapangit sa paningin niya o sadyang ganito lang siya kabulag para hindi malaman kung gaano ako kaganda at kung gaano ko siya kagusto.
Whatever! I still like him though.
Kagaya nang parati niyang ginagawa, tinignan niya ako ng walang halong emosyon. Ang tumingin sa mga mata niyang walang kahit anong bahid na emosyon ang naging dahilan ng pagsikip ng aking dibdib.
Nagsalita siyang muli gamit ang kanyang malamig na boses bago pilit na inilayo ang mukha ko sa kanya gamit ang kanyang kamay na siyang ikinanguso ko. Iyong tatlong salita na naman na ‘yon ang narinig ko sa kanya. Kailan kaya magiging apat iyon?
"And I don't."
Umalis siya habang nanatili pa rin akong nakatulala. Umiling-iling. Tinignan ako ng mga estudyante na ngayon ay parang naaawa sa akin pero hindi man lang nabawasan no’n ang kumpyansa ko sa aking sarili na magugustuhan din niya ako.
Kaya bago pa siya makalayo sa akin, sumigaw ako ng pagkalakas-lakas sa hallway kahit na alam kong sa detention room ang diretso ko pagkatapos.
"Hindi pa tayo tapos, Red! Sisiguraduhin kong magiging akin ka rin!”
Mababaliw ka din sa'kin Jared Oliver Ledezma!