Chapter 3

1835 Words
Chapter 3 MAAGA akong pumasok sa campus nang makita ko si Zaien na pinupunasan ang mukha niya ng panyo sa may hallway habang naglalakad papunta sa classroom. Umiwas siya ng tingin sa akin nang makita ko ang namumugto niyang mga mata. Bumuntong hininga ako at nilapitan siya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay awtomatiko ko ng alam ang nangyari. It was about Marcus again. Iisa lang naman ang dahilan kung bakit umiiyak ang kaibigan ko na ito at si Marcus ang tanging dahilan. Hindi ko alam kung ano ang buong kwento pero sapat na ang makita kong umiiyak ang kaibigan ko ng halos isang taon para umayaw sa kanya at magkaroon ng ideya kung bakit umiiyak ang kaibigan ko. Minsan, naisip ko na sa sobrang pagmamahal na binibigay mo sa isang tao ay nakakalimutan mo na pati sarili mo. I never interfere on her love problems kasi naniniwala ako na siya dapat ang mag-ayos. Pero hindi ko talaga maiwasan ang hindi mainis sa tuwing nalalaman ko na umiiyak si Z doon sa lalakeng 'yon. "Ilang beses ka ba iiyak para sa lalaking ‘yon?” tanong ko sa kanya. Tumingin naman sa akin si Zaien na malungkot bago ngumiti ng pilit. Kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya. Na kung may ibang paraan lang para matanggal ang sakit na nararamdaman niya ngayon para sa hinayupak niyang ex ay matagal na niyang ginawa pero wala. Walang paraan kaya kahit anong gawin niya ay wala na siyang takas. "Ako naman ang may kasalanan kung bakit kami nagkaganito.” I rolled my eyes heavenward. "Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit parati mo sinasabi na ikaw ang may kasalanan,” naiinis kong wika sa kanya. She never told me about it kaya hanggang ngayon ay nanghuhula pa rin ako kung bakit siya ang may kasalanan kahit na malinaw sa mga mata ko na si Marcus naman talaga. Umiling siya at muli akong tinignan ng malungkot. Muling tumulo ang luha sa pisnge niya na agad din naman niyang pinunasan. Hindi siya umimik sa akin kaya yinakap ko na lang. Ayoko naman na pilitin siya mag-open up kung ayaw niya talaga. Kung si Zaien man ang may kasalanan ng lahat kung bakit sila nagkakaganito ni Marcus, alam ko na may mas malalim pa itong dahilan. Wala naman kasing taong nabubuhay rito sa mundo na sinadyang saktan ang taong minahal nila at minsan na naging parte ng buhay nila. Mariin akong napapikit ng maalala ko ang mapait na nakaraan. Inalis ko ang imaheng nabubuo sa utak ko at pilit na nagpokus sa ibang bagay. Tumigil na sa pag-iyak si Zaien pero alam kong hindi pa rin siya okay. Dumating ang professor namin sa unang klase. About Ethics ang subject kaya boring. Wala ako sa mood makinig. Kaya tumingin na lang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga ulap. May umagaw ng atensyon ko. Isang sasakyan na kulay pula. Mas nagulat ako ng nakita kong bumaba doon si Jared. Kaya pala wala pa siya doon sa SC kanina ay dahil kakarating niya lang ngayon. Saan naman kaya siya nagpunta at ngayon lang siya? Nagulat ako nang umikot siya sa kabila at binuksan ang pinto ng sasakyan dahil may bumabang babae sa loob ng kanyang sasakyan. Ang kanyang mahabang buhok na hanggang bewang ay tuluyan nang inangat ng malakas na hangin. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang ginawa niyang pag-utos kay Jared na iabot sa kanya ang itim na bag na nasa loob ng sasakyan. Kaano-ano niya iyong babae? Isa sa mga flings niya? Hindi ko maiwasan na makaramdam ng inis sa aking puso. Parang biglang gusto ko sabunutan ang babaeng 'yon dahil sa nagagawa niya lapitan si Jared. Wait. That girl is not one of his flings! Dahil kitang-kita ko kung paano inabot ni Jared ang kamay niya doon sa babae. The way he treated that girl is something special. My heart clenched on that thought. Tsk. Nakita kong naglakad silang dalawa sa kung saan parte ng school grounds. I also noticed that Jared wasn't wearing his usual SC Uniform. Kailangan ko malaman kung sino iyong babae. “Z,” tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at saka ako tinignan. “May girlfriend ba si Jared?” Mabilis naman siyang umiling sa akin at saka ako sinagot. “Wala siyang girlfriend. Why?” sagot niya naman sa akin. She's busy taking down notes kaya naman hindi ko siya maistorbo ng dire-diretso. Itinuro ko si Jared mula sa bintana at ipinakita kay Z. “Kung wala siyang girlfriend, sino iyong kasama niyang babae?” bulong ko kay Z. Sasagot sana si Z nang mapansin niya ang pagtingin ng professor sa amin. I don’t care about my grade but Z does, kaya mas pinili niya na manahimik na lang muna at saka na ako sagutin dahil baka mapalabas kami ng klase nang wala sa oras. "Next week would be the start of your Preliminary Exam,” sabi ng prof naming na si Mrs. Gonzales. Nagreklamo naman kaagad iyong mga kaklase naming pagkarinig ng Prelim Exam pero nanatili pa rin ang tingin ko sa bintana. Wala na si Jared kung saan ko sila nakita kanina kasama noong babae. Marahil ay nasa loob na sila ngayon. Nagbigay ng review pointers yung Prof namin para sa darating na Exam. Wala na akong nagawa kundi makinig sa mga binibigay niya na Pointers. Mamaya ko na lang siguro pupuntahan si Jared para makita siya at tanungin kung sino iyong babae na kasama niya. Pagkatapos ng madugong pagbibigay ng review pointers para sa darating na exam ay dumating na rin sa wakas ang break-time. Nagsialisan na lahat ng mga estudyante pagkasabi ng class dismissed. Naiwan kami ni Zaien rito. Inayos ko ang mga gamit ko at gano'n din siya. "Saan tayo?" tanong ni Z sa akin. "Let's find Jared,” sagot ko sa kanya at saka inayos ang mga gamit ko. Bumuntong hininga siya at umiling sa akin. "Pass muna ako. Seth will pick me up." Napailing na lang ako at saka tumango. Seth is her fiancée. Arranged marriage ang nangyari sa kanila. "Text na lang kita." We parted our ways. Hinanap ko si Jared kung saan-saan pero hindi ko siya mahanap. Pinuntahan ko na siya sa SC pero wala siya doon. Wala rin si Gunner at Cali. Even Axel wasn't there. Ang tanging lugar na lang na hindi ko pa napupuntahan ay ang soccer field. Dali-dali akong pumunta doon pero masiyadong malaki ang soccer field kaya naman hirap akong hanapin siya. Naglakad-lakad na lang ako. Sumalubong sa'kin ang malakas at malamig na hangin. Inayos ko ang aking buhok na tuluyan nang nagulo ng malakas na hangin at itinali iyon sa pony-tail na ayos. "Dionne," tawag sa akin ni Janus. Wala pa rin ba siyang kadala-dala sa huling pag-uusap namin? Nilingon ko siya na may seryosong ekspresyon sa aking mukha. "Hindi mo pa rin ba ako titigilan Salazar?" pagalit kong wika sa kanya. Kahit ata ilang beses ko sabihin na tigilan na niya ako ay hindi niya gagawin. Ano bang mahirap intindihin sa salitang tapos na? Umiling siya sa akin. Ako naman ang napailing sa isipan. "Oo. Hanggang sa hindi mo ako napapataw--"I cut him off. "Look. Matagal na kitang napatawad pero kahit ganoon, hindi na tayo mababalik sa dati," matuwid kong wika sa kanya dahil iyon naman ang totoo. Kahit na napatawad ko na siya, imposibleng bumalik pa kami sa dati. Imposible na bumalik pa ang tiwala ko sa kanya dahil siya mismo ang sumira no'n. May sasabihin pa dapat siya pero bigla na lamang lumitaw si Axel sa harapan ko at hinila-hila ako. "What the hell?" I said noong nakalayo na kami kay Janus. "I just saved your ass." Ngumisi ito sa akin at umiling-iling. Mas matangkad siya sa akin kaya kailangan ko pa tumingala. Halos magkasingtangkad lang sila ni Jared pero kapag sa kanya talaga ako tumabi, parang mas lalo akong lumiit. Ang weird. I rolled my eyes heavenward. Kahit hindi naman niya ako iligtas ay kaya ko naman ang sarili ko. At isa pa, hindi naman masamang tao si Janus. Kinukulit niya lang ako na makipagbalikan sa kanya kahit na wala naman na talagang babalikan. But I should thank him for the effort of saving me. Itinago ko ang isa kong kamay sa isang bulsa ng pantalon ko at may nakapa roon. Kinuha ko iyon at nakita ang panyo niya. Oo nga pala, isasaoli ko pa pala itong panyo na pinahiram niya sa akin. Tinignan ko siya. Siya naman ay napatingin din sa akin at umangat pa ang isang kilay. "Ito na ang panyo mo,” sabi ko bago kinuha ang kamay niya at inilagay ang panyo na nilabhan ko kagabi. Nakatitig lang siya sa panyo na isinoli ko sa kanya. Kumunot ang noo ko at bumuntong-hininga. Kinuha ko muli ang panyo na ‘yon mula sa kanya at tumingkayad para abutin ang mukha niya. Kita ko ang gulat sa mukha nang tumingkayad ako sa kanya. Nang makuha niya ang sinusubukan kong gawin ay saka naman niya inilapit ang mukha niya sa akin na may malaking ngisi sa labi na parang nang-aasar. Pinunasan ko ang pawis niya ng dahan-dahan at saka siya pinitik sa noo. Narinig ko ang paghalakhak niya at saka umiling-iling ulit sa akin. "Huwag mo na balakin, Axel," naiiling na wika ko sa kanya. "Sayang," dinig kong wika niya na may kasamang paghalakhak. Umiling pa ito sa akin bago ako marahang inakbayan. Tinatanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin pero binabalik niya lang kaagad iyon na parang nang-aasar. Iba tuloy ang tingin sa amin ng mga estudyante ngayon. "Gusto mo bang kumain? Nagugutom ako," tanong niya sa akin na tila binabalewala ang distansyang namamagitan sa aming dalawa. Malapit kasi ang mukha niya sa akin dahil nakaakbay siya sa balikat ko. Wala rin naman sa akin kung malapit ang mukha niya pero baka iba ang isipin ng iba. Pero ano nga bang pakialam ko sa iisipin nila? "Libre mo ba?" tanong ko sa kanya habang nakangisi. Actually, nagbibiro lang naman ako pero isang pagtango na may kasamang pananalita ang isinagot niya sa akin. "Sige," sagot naman niya sa akin na parang walang nagawa sa sinabi ko. Inagaw niya sa akin ang bag kong dala. Hindi ko alam kung ano na naman ang trip niya para hawakan iyon at siya ang magdala pero hinayaan ko siya na gawin iyon dahil mukhang okay lang naman. "Saan ba tayo kakain? Parang gusto ko ng pares," sagot ko naman sa kanya. Maya-maya pa ay lumingon siya sa amin likuran dahilan para magtaka ako. Tumingin din ako doon at nagulat. Kumabog ang puso at napuno ng kaba ang dibdib. Nakita ko lang naman si Jared na nakatayo sa amin harapan. Malalamig na tingin ang ipinupukol sa amin, nakaigting ang panga na tila hindi gusto ang nakita. I just stared at him for a couple of minutes at noong gumalaw siya para tumalikod ay doon ako natauhan. "Jared." I called. Pero kagaya ng ginagawa niya, hindi siya lumingon sa akin. Yung totoo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD