Chapter 6
Hindi pa rin ako makapaniwala na kapitbahay ko si Jared. Kanina pa iyon nangyari pero hindi pa rin nawala-wala sa isipan ko iyon. Hindi ko nga rin alam na rito pala siya nakatira. Akala ko ay sa isang exclusive na subdivision siya nakatira kasama ang magulang niya. I guess, wala pa talaga akong masiyadong alam tungkol sa kanya pero hindi magtatagal ay alam kong malalaman ko rin ang mga bagay tungkol sa kanya lalo na iyong mga hindi pa alam ng mga ibang tao. Hindi nga rin ako naniniwala sa mga destiny pero mukhang tadhana na ang naglalapit sa amin dalawa.
Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit ko. Fully furnished naman na ang condo kaya kakaontimg gamit lang ang dinala ko kagaya ng mga damit ko at ng mga mahahalagang bagay na importante sa akin. Tama lang din ang laki niya para sa akin dahil ako lang naman ang titira rito. I will finally have my peace of mind because I already moved out from that house. Wala ng manggugulo sa akin dahil umalis na ako. Hindi naman na nila ako kailangan at isa pa, hindi rin naman tumutol si dad so I think my decision was good.
Naghanap ako ng pinakamalapit na convenience store pagkatapos ko maiayos ang mga gamir ko. Nakaramdam bigla kasi ako ng gutom. Hindi pa ako nakakapaggrocery dahil kakalipat ko lang pero nakakailang lakad na ako ay wala pa rin akong mahanap na convenience store. Ayoko naman na lumabas pa at maglakad papunta sa mall dahil malayo pero mukhang doon na rin ang punta ko.
Sa gitna ng aking paglalakad ay sa wakas ay nakakita rin ako ng convenience store. Hindi siya gaano kalayo sa condo dahil dalawang kanto lang naman ang kailangan mo tawirin para makarating ka. Dahil nga gutom na ako, pumasok na ako sa loob at bumili ng makakain. Bumili na rin ako ng ilang bote ng alak at balak sana iuwi na lang sa condo para roon na inumin dahil ako lang naman mag-isa kung hindi lang may umagaw no’n sa kamay ko.
Umangat ang tingin ko sa kumuha ng alak na hawak ko kanina, at hindi nga ako nagkamali sa hula ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano ba talagang mayroon ang lalaking ito at hindi ako mapakali?
"Panira ka talaga ng mood, Axel,” masungit na sabi ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin at umiling-iling. Kumuha pa ulit siya ng panibagong alak mula roon sa kuhanan at mabilis na inilagay ‘yon sa counter. Sinundan ko naman siya dahil nandoon din ang alak na kinuha ko. Nagulat naman ako ng kuhain din niya pati ang mga pinamili kong noodles at junkfood sa maliit na cart at mabilis na inabot ang atm sa cashier.
"Masama ang uminom mag-isa. Alam mo ba 'yon?"
Pagkabayad niya sa counter, kaagad inilagay noong cashier iyong mga pinamili namin sa paper bag. Dalawang paper bag kasi nga marami dahil binayaran niya iyong binili ko tapos lumabas na siya sa store kaya hinabol ko na naman siya. Dinala niya ako sa may lugawan na may tinitinda din inihaw na isaw at kung anu-ano pa.
“Aling Nena, dalawa nga pongh lugaw na may itlog at apat na isaw.”
“Oh, Axel. Ikaw pala ‘yan. At may kasama ka pala. Girlfrtiend mo?” tanong noong matanda na Aling Nena ang pangalan. Mabilis naman akong umiling pero nabalewala iyon dahil sumagot si Axel.
“Oo, girlfriend ko po siya,” nakangising sabi niya sa akin. Kaagad akong umirap at umiling na lang. “Kay ganda naman palang dalaga nitong girlfriend mo. Natutuwa naman ako na may karelasyon ka na at hindi kung sino-sino iyong kasa-kasama mo.”
“Kasama? Did you just bring me in your hook-up place?” inis kong wika sa kanya at pinalo pa sa braso. Tumawa naman siya ng mahina at umiling sa akin. “What? Of course not. Ikaw lang ang dinala ko rito sa lugawan.”
“Siguraduhin mo lang dahil patay ka sa akin,” masungit na wika ko. Maya-maya pa ay sinerve na iyong order naming dalawa. Infairness naman sa lugawan, masarap siya at nakakabusog. Hindi masamang pumunta rito at kumain kapag nagsasawa ka na sa mga pagkain na makikita mo sa mga restaurant.
“Madalas ka rito?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. “Hindi hamak na mas masarap ang pagkain dito kesa sa mga noodles na binili mo kanina sa convenience store.”
“Kaya mo ako rito dinala?” Mabilis ulit siyang tumango sa akin at saka ngumisi.
"Anong ginagawa mo nga pala rito? Are you stalking me now?”
Napatigil siya sa pagsubo sa lugaw at saka tumingin sa akin na nakaangat ang kilay na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Why would I?"
"Kasi maganda ako? Palagi kitang nakikita sa kung nasaan ako."
“You’re just assuming things, Dionne,” sagot niya sa akin at saka muling sumubo ng lugaw. Nakita ko pa ang paghati niya sa itlog at saka kinain iyong kalahati. I didn’t take my gaze away from him so when he turned to me, we both looked at each other. There’s something that pushed me not to look away from him like I always did. Something that I can’t explain.
Umiwas siya ng tingin at saka tumawa bago ibinalik muli ang tingin sa akin. Mabilis niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin na siyang ikinagulat ko dahilan para hindi ako kaagad nakakilos.
“Don’t looked at me like that. Baka mahulog ka.”
Napakurap ako nang wala sa oras dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay umirap. "Tumigil ka nga. Hindi kita trip."
Iniba ko ang topic pagkatapos no’n dahil parang naging awkward bigla ang atmosphere dahil sa sinagot ko. Pagkaraan pa ng ilang minuto ay nagyaya na rin si Axel na umuwi.
Tumayo ako at inayos na ang mga bitbit naming kanina habang siya ay nakaupo pa rin at pinapanood ako. “Akala ko ba uuwi na tayo? Bakit ka nakaupo pa rin dyan?”
"Dionne..."
Tumaas ang kilay ko at tinitigan lang ulit siya pabalik, hinihintay ang mga sasabihin niya pa.
“May sasabihin ka ba o wala? Kung wala, umuwi na tayo. Gust— “I’m drowning.”
Nagising ako na hilong-hilo at masakit ang ulo. Tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na. Mag-aalasdiyes na pala ng umaga.
Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya mabilis akong tumayo at inayos ang sarili. Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina.
May kasama ako rito?
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Napaawang ang labi ko habang kumakabog naman ang puso ko.
B-Bakit siya nandito?
"Gising ka na pala,” seryosong wika niya sa akin. Lumingon siya sa akin saglit at saka muling ibinalik ang atensyon sa pagluluto habang ako ay nakatitig pa rin sa kanya. He's wearing his navy blue teeshirt and shorts with pink apron.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
"Your friend asked me a favor. Ginagawa ko lang,” malamig niyang wika sa akin. “Your friend told me that you don’t have any real food here that’s why she asked me to cooked for you.”
“Cooked? Saan ka ku— “I got the ingredients from my unit.”
“Paano ka nakapasok?”
“You left your door unlocked yesterday. Kung hindi mataas ang tolerance mo sa alak, huwag ka na uminom,” masungit na wika niya sa akin.
Dahan-dahan akong napaupo sa dining chair habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya at nagluluto. May nagawa na naman siguro akong kabutihan sa past life ko kaya ganito. Pero teka? Sino namang kaibigan ko kaya ang tinutukoy niya? Si Z ba? Oh god! I should thank her for this!
Inilapag niya ang fried rice at fried chicken at sunny side up na itlog sa lamesa.
"Dig in."
Tumingin ako sa kanya. "Hindi ka ba kakain?"
Hindi siya nagsalita at umupo lang sa tapat ko. Ngumiti ako sa kanya pero nanatiling blanko ang kanyang mukha.
"Thank you for this."
"Anong oras ang pasok mo?" malamig niyang tanong sa akin.
"Mamayang 12 pa."
"Bilisan mo. May pasok din ako. I'll wait you outside."
Napamaang ako. "Ihahatid mo ako?"
Hindi siya nagsalita. Hindi niya rin ako pinansin. Silence means yes for him kaya ngumiti na lang ako at binilisan na ang pagkilos.
Kagaya nga ng hindi ko inaasahan, magkasabay kaming pumasok ni Jared. Kita ko ang tinginan ng mga estudyante sa amin dalawa lalo na sa akin dahil malawak ang ngiti ko ngayon. Hindi niya lang ako pinagluto, pinasakay niya rin ako sa kanyang sasakyan at sabay na pumasok kahit na alam niyang magkakaroon ng issue sa pagitan naming dalawa. Kailangan ko talaga pasalamatan si Z dahil sa ginawa niya.
"Don't think that this will happen again,” sabi niya sa akin at pagkatapos ay umalis na sa harap ko. Napailing na lang ako sa inasta niya at pumasok na sa classroom na masaya. Naabutan ko pa nga si Z na nakaupo habang kinukulit ni Seb.
"Hey love birds,” nakangiting bati ko sa kanila. Umirap ang magaling kong kaibigan habang ang fiancée naman niya ay hindi man lang nag-abalang lingunin ako. Tignan mo ‘to, matapos ko siya tulungan kay Z noong nagpakalasing siya, hindi ako papansinin.
"LQ?" natatawang tanong ko sa kanila. Sinimangutan ako ni Z at saka tumingin kay Seb na nakakunot ang noo.
"Tigilan mo nga ako Seb. Pumunta ka na roon."
Tahimik na umalis si Seb at hindi na ginulo si Z. Maganda ang mood ko ngayon dahil hinatid ako ni Jared, plus the fact that he took care of me dahil lasing ako. Masasabi ko na lumelevel-up kahit paano ang relasyon naming dalawa.
Nilingon ako ni Z habang ako naman ay ibinaba na ang bag sa upuan at umupo na.
"I saw you with Jared. Bakit kayo magkasama?" tanong niya sa akin habang nakangisi pa.
"Iyon nga eh. Thank you girl! Kung hindi mo kinulit si Jared, hindi niya ako ihahatid rito."
Kumunot ang noo ni Z sa akin.
"Anong sinasabi mo? Hindi ko siya kinulit," sagot niya sa akin na parang nagtataka pa.
"Ha? Eh sabi niya kaibigan ko raw eh. Nilutuan pa nga niya ako sa condo kanina at inihatid dito sa campus.”
“What? He cooked for you?” gulat na tanong ni Zaien sa akin. Medyo nagtaka pa nga ako dahil hindi ba ay dapat alam niya iyon dahil siya naman ang nagsabi kay Jared na alagaan ako? Bakit umaakto siya ngayon na parang hindi niya alam.
“Oo. Tapos sabi pa nga niya sa akin, kaibigan ko raw ang nagsabi sa kanya kaya niya ginawa. Kaya ang iniisip ko, ikaw ‘yon.”
Mabilis siyang umiling sa akin at bahagya pang natawa. “No. I didn’t chat him. Hindi ko nga alam na kahapon ka luimipat sa condo eh. Akala ko nga next week ka pa lilipat eh.”
Napatulala ako sa sinabi ni Z sa akin. Tuluyan nang pumasok ang mga kung anu-anong bagay sa utak ko.
Bigla naman dumating si Cali at Gunner sa classroom. Kaklase namin sila sa isa naming minor subject na dito ang room. Naging irregular sila ng wala sa oras dahil hindi sila nakapagpasa ng project last sem para sa subject na ‘to.
“Ui! Kayo ba nagsabi kay Jared na puntahan ako?” tanong ko sa kanila. Pareho naman kumunot ang mga noo nila na parang nagtataka sa sinabi ko.
“Nope. Anong nangyari ba?” tanong ni Cali.
Biglang kumabog ang puso ko. Kung wala sa kanila, sino iyong sinasabi niyang kaibigan ko? It’s either I don’t consider that person as a friend but he or she’s concern about me kaya kinausap niya si Jared or he’s lying. Pero kung sa una, bakit sa dinami-rami ng tao, si Jared pa? Pwede naman si Z na lang kausapin niya pero talagang si Jared? Kung sa pangalawa naman, wala akong naiisip na dahilan para magsinungaling siya.