Chapter 5

2465 Words
Chapter 5 Nagising ako sa malambot na kama na may kasamang matinding pagsakit ng ulo. Biglang pumasok sa utak ko ang nangyari kagabi. Ipinasundo ko si Zaien kay Seb kagabi at pagkatapos ay naiwan ako sa bar at uminom ng alak para magpakalasing. Kung ganoon, paano ako nakauwi? Hindi ko matandaan na may tinawagan akong kaibigan para sunduin ako. Napabalikwas ako at pinilit imulat ang aking nanlalabong mga mata. Isang hindi pamilyar na kulay puting pader ang bumungad sa akin. Sa pader ay may letratong naka-display. It’s an abstract art. Iginala ko pa ang mata ko at doon ko lang napagtanto na wala ako sa bahay. I am still wearing the clothes that I wore yesterday night pero nasaan ako? Bumukas ang pinto, at nakita si Gunner at Cali na ngayon ay may hawak na tray na naglalaman ng pagkain. Nag-uusap pa sila nang pumasok sa kwarto kaya hindi nila agad ako napansin. "Nasaan ako?" I asked to get their attention. "Bossing. Gising ka na pala! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo kahapon,” sabi ni Gunner at saka inilapag ang tray na may lamang pagkain sa bedside table. Kumunot ang noo ko. "Nasa den ka naming Bossing,” sagot naman ni Cali. Muli na naman kumunot ang noo ko. Den? He mean safe house? "Malapit lang ang den sa pinag-inuman niyo ni Zaien kagabi kaya dito ka inihatid.” "Sino naman nagdala sa akin dito?” Hindi ko talaga matandaan kung sino ang nagdala sa akin dahil wala naman akong natatandaan na may tinawagan ako kagabi. Susubukan ko pa nga umuwi dapat dahil ganoon naman palagi pero paggising ko, nandito ako ngayon sa den na sinasabi ni Cali at Gunner. Nagkatinginan sila pareho at tila nagtaka sa sinabi ko. "Hindi mo alam kung sino bossing?" Mabilis akong umiling. "Dinala ka rito ni Boss." Umawang ang labi ko sa sinabi ni Gunner kasabay no’n ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pero paano niya nalaman na nandoon ako sa bar na ‘yon? “May nagsabi ba sa inyo na nandoon ako?” tanong ko muli sa kanila. Muli silang umiling sa akin. Kung ganoon ay walang nagsabi sa kanya. Teka. Imposibleng nagkataon lang ‘yon. Hindi kaya sinusundan niya ako? "Nagulat nga kami ni Cali dahil hindi naman pumupunta rito si Boss sa den kasi ayaw niya makihalubilo kaya nagulat kami nang kumatok siya. Pero syempre mas nagulat kami nang makita namin na ikaw ang kasama niya.” "Nasaan siya?" Umiling siya sa akin. “Umalis na siya pagkahatid sa’yo. But the good thing is he asked us to take care of you,” nakangising sagot ni Gunner na nagpailing sa akin. “Seems like your charm is finally working huh?” sabi niya ulit. Hindi ko nga sigurado kung gumagana eh kasi paano kung ginawa niya lang ‘yon out of concern o kaya ay napadaan lang tapos tinawag siya ng waiter at sinabing iuwi na ako dahil mukhang kakilala naman niya ako. At saka, bakit ba ganoon ‘yon? Palagi na lang umaalis. Pero hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti dahil sa ginawa niya. Concern pala siya sa akin kahit na palagi niya akong hindi pinapansin. Nagtigil muna ako sa Autumn’s Haven, ang pangalan ng den ayon kay Gunner bago ako nagpahatid na umuwi sa bahay. The den is big enough to accommodate ten people. Kumpleto rin sila ng gamit dito. Hindi nga lang ito basta parang hideout lang eh dahil may mga gamit na rin sila dito. I think they spend most of their time here when we don’t have classes dahil kahit pagkain sa pantry at ref ay kumpleto. They also have mini-arcade room here kung saan madalas magtambay si Gunner at Cali. Pagkatapos ko kumain ng agahan na inihanda nilang dalawa, inihatid ako ni Gunner sa bahay. Yinaya ko siya sa loob pero may gagawin pa raw siya na importante. May susunduin pa raw siya sa airport, kung sino man 'yon ay hindi ko alam. Pagkauwi ko ng bahay, nadatnan ko si Janus at Honey na nasa salas at nanonood ng movie. Nakasandal si Honey sa balikat ni Janus habang nakatuon ang mata sa TV. "Ow. Nandito na pala si Dionne eh,” nakangising sabi ni Honey. Nakita kong tumingin sa akin si Janus pero hindi na ako tumingin sa kanya pabalik. Mahirap na at baka kung ano pa isipin ni Honey. Not that I care though. Nagkibit-balikat ako at pumunta sa kusina para uminom saglit ng tubig. Akala siguro nila, masasaktan pa ako or mabibitter sa oras na makita ko sila na magkasama. But everything is okay now. Wala na akong pakialam kung makita pa sila na magkasama. Bumalik ako sa salas para doon tumambay. Nanonood sila ng TV doon at nagkataon na gusto ko ang pinapanood nila. "Bakit ka nandito?" Hindi ako umimik. Nakatuon lang ang tingin ko sa TV. Avengers Infinity War kasi ang pinapanood nila. Gustong-gusto ko talaga si Iron Man kaya napilitan ako na manatili rito. I can watch movie on my own room pero sumaktong nasa fighting scene na sila kaya hindi na ako makaakyat pa. "Duh? Di pa ba obvious ate? Nanonood ako ng TV." I rolled my eyes heavenward. "Nanonood ng TV or gusto mo lang kami bantayan ni Janus dahil hanggang ngayon, bitter ka pa rin?" "Why the hell would I do that? I like Avengers and that is the reason why I am here.” “Because you still like my boyfriend!” she pointed out. Muli akong napatawa at napailing sa kanya. Tumayo pa siya dahilan para makita ko ang suot niyang off-shoulder dress na kulay puti. She looks like a devil in disguised sa suot niya. “I am already over with him a long time ago, my dearest sister. At isa pa, kung gusto ko pa siya hanggang ngayon, you wouldn’t see him here,” nakangising sabi ko sa kanya. Umalis na lang ako sa harapan nilang dalawa at dire-diretsong pumasok sa aking kwarto. Mas mabuting dito na lang ako manood ng avengers kesa roon sa baba. Noong paakyat nga ako, naririnig ko ang pagwawala ni Honey sa baba dahil sa sinabi ko. Tama rin naman ako sa sinabi ko. If I still want Janus, hindi niya makikita si Janus sa tabi niya ngayon kundi sa akin. I could get him again and win him over but I didn’t do it because of betrayal. Janus betrayed me first and I know that he could do it once again and I didn’t want that to happen. Humiga ako saglit sa kama at inayos ang mga gamit ko. Ngayon ang lipat ko sa kakabili ko lang na bagong condo. Nakita ko na rin ang itsura at ang location kaya hindi na ako mahihirapan pa. Masasabi ko na mas magandang tumira doon kesa rito sa bahay na kasama ko ang mga toxic na tao.I didn’t tell my dad about my plans dahil bukod sa pipigilan nila ako, alam kong gagawa sila ng paraan para hindi matuloy ‘yon. They want me to suffer endlessly kaya hindi ko muna sinabi. Ang pera na inipon ko sa pagbili ay pinagtrabahahuhan ko ng ilang buwan. Nagpapart-time ako bilang model at endorser ng products. Hindi ko na inaasa ang pera ko sa magulang ko dahil wala rin naman akong aasahan sa kanila. Nagsimula ako mag-impake ng mga gamit ko. Napatigil naman ako nang bumukas bigla ang pinto at iniluwa ang magaling kong kapatid. Nagpupuyos ngayon ito sa galit. "Anong kailangan mo?" I asked. Tumayo ako at tinignan siya. Kitang-kita ang galit sa kanyang mukha, may namumuo na rin luha sa kanyang mata. For the first time in forever, I know that she’s telling the truth, Janus broke up with her at siguradong isa na naman ako sa dahilan pero kahit ako pa ang dahilan, hinding-hindi ako makikipag-ayos sa kanya. "You! Inakit mo na naman si Janus! He broke up with me!" Nagkunwari akong nagulat sa sinabi nito at saka umiling-iling. "Talagang nagpunta ka pa rito para sabihin sa akin 'yan? Nagulat ako roon ah. Insert sarcasm here." Rumolyo na naman ang aking mata. Ewan ko ba bakit ako ang pinagbibintangan na inaagaw si Janus. Like hello? Ako ang nawalan diba? Pero talent na ata talaga ng mga mang-aagaw na isisi sa taong inagawan nila kung bakit nakikipaghiwalay iyong taong inagaw lang naman nila. "You seduced him! You desperate b***h!" Susubukan na niya sana hilahin ang buhok ko pero mas mabilis ako sa kanya kaya natulak ko siya ng malakas. Sumalampak naman siya sa sahig at masamang tumingin sa akin. "Pwede ba? Hindi ako mang-aagaw, mas lalong hindi ako desperado na makuha ulit siya! Kaya wag kang bintangero. Kung nakikipaghiwalay siya sa'yo, hindi na ako ang may kasalanan no’n. Wala na akong pakialam sa inyong dalawa kaya huwag niyo ako dinadamay sa away niyo!” inis kong sigaw sa kanya. Nagsimula na humagulgol si Honey sa harap ko na parang bata. Hindi na ako nagulat ng pumasok iyong nanay niya at si daddy sa kwarto ko. "What the hell is happening here?" Tinulungan ni Ara, nanay ni Honey, ang anak niya na maitayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig. Akala mo naman ang lakas-lakas ng tulak ko, eh if I know, sinadya niya lang matumba para makita kami sa ganitong akto. Nakita kong sinipat ni Daddy ang mga gamit ko na nakakalat. Pati ang maleta na bukas na may lamang damit ay nakita na niya. "Anak, anong nangyari?" tanong ni Ara. "Mom! Janus wanted to break up with me! That girl seduced him!" Muli na naman rumolyo ang mata ko sa paratang niya. Pinagkrus ko ang magkabilang braso ko at mataman na tumingin sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Hindi talaga ako makapaniwala sa lumalabas sa bibig nitong babaeng ‘to. Napakagaling na artista. Pwede na pumasa sa grammys. "Anong katibayan mo na inakit ko siya? Eh diba ikaw itong nasa ibabaw niya noong magsyota pa kami? Tapos ako ang pinagbibintangan mong nang-aakit? Huwag mong baliktarin ang kwento, Honey Venice,” dire-diretsong sabi ko sa kanya. "What the hell is that Honey Venice? Totoo ba 'yon?" Tanong ni Daddy. “Anton! My daughter can’t do that kind of thing! Dionne is just making another story!” pagtatanggol ni Ara sa kanya. “Huwag mo akong igaya sa’yo na pati pagiging writer eh kinarir mo na sa paggawa ng mga kwento tungkol sa akin no.” "No dad! She's lying! Janus is inlove with me! Pero palaging inaakit ng babaeng 'yan si Janus!" "Hoy! Ang kap--"Bakit? Hindi ba totoo?!Naghintay ka pa nga kanina sa baba para bantayan kami! You're there because you are jealous! Ang selfish mo! Janus doesn't love you anymore! Bakit ba ayaw mo na lang siya ibigay sa akin!" Imbes na magalit at gayahin ang tactics nitong babaeng 'to ay umirap ako. "Pwede ba? Huwag kang OA. Hindi ko siya inaakit. Bakit ko aakitin ang taong inagaw mo lang naman sa akin? Kaya pwede ba, huwag kang pilingera. Kaya lang naman ako nasa baba kanina ay dahil nanonood kayo ng Avengers. Wala akong pakialam sa inyo kahit maglampungan pa kayo sa harapan ko,” sunod-sunod na saad ko sa kanya. Dahil patuloy lang hahaba ang usapan, pinagpatuloy ko na lang ang pag-iimpake. Inilagay ko ang mga iba kong gamit sa isang malaking kahon at ipinatong ‘yon sa maleta bago nagawang bitbitin palabas ng kwarto. "Saan ka pupunta Dionne?" tanong ni daddy sa akin. I rolled my eyes. "Maglilipat." "Who told you na pupwede ka lumipat! Anton--"Huminga ako ng malalim at tinignan ng matalim ang babaeng sabat ng sabat na wala naman kinalaman sa buhay ko at hindi ko kaano-ano. "Ako. Sino pa ba? Saka pwede ba? Huwag kang sumasali sa usapan ng may usapan. Tsk. Kaya lumalaking pilingera yang anak mo e." “Anong sabi mo?” hindi makapaniwalang sabi niya sa akin. “I don’t repeat what I’ve said. Kung bingi ka, hindi ko na kasalanan ‘yon.” "Antonio! Hahayaan mo na lang ba ang anak mo na lumayas? You can't do that!" Napatawa ako. Kunyare na ayaw ako paalisin pero alam ko na gustong-gusto na niya ako palayasin para makapagreyna-reynahan sa mansion. Akala niya siguro, porket siya ang fiancee ni dad, may karapatan na siya sa yaman ng Martinez. Bago pa sila makasal, kailangan ipamana sa akin ni dad ang kumpanyang itinayo nila mommy. I didn’t want that woman to run my family’s business. At isa pa, alam ko na kapag nanatili ako rito, may posibilidad na kontrolin at paikutin ako nitong babaeng 'to, kaya bago pa mangyari ang lahat ng 'yon ay ako na ang gagawa ng paraan para ako ang kokontrol sa sitwasyon. Wala naman kasi akong pakialam sa yaman na mayroon kami. May pera man ako na galing sa kanya o wala. Makakasurvive ako. I'm a part time model under Prim and I'm starting to run my own small clothing shop. At sapat na iyong sinusweldo at kinikita ko sa business para mabuhay ako. May personal savings din si mommy na ipinamana sa akin na kakakuha ko lang noong nag18 ako kaya kahit wala iyong pera ni daddy ay mabubuhay ako. Naririnig ko ang pagsigaw ni Ara pero hindi ko iyon pinansin hanggang sa masakay ko ang mga gamit ko sa sarili kong sasakyan. Ang tanging nagagawa lang nila ngayon ay panoorin ako mula sa gate naming habang isinasakay ang mga gamit ko. Nanatili rin walang imik at reaksyon si daddy hanggang sa maipasok ko na ang lahat ang mga gamit ko. I guess he really doesn't care that much to his daughter. Nagtama ang tingin namin ni daddy. Hindi ako ngumiti sa kanya, si Honey naman ay purong irap lang ang ginagawa sa akin habang si Ara nagninitnit pa rin sa inis. Marahil naiinis dahil hinahayaan lang ako ni Dad na gawin ko ang gusto ko. Sumakay na ako sa sasakyan at pinaandar iyon. Nagmaneho ako papuntang Heir’s Condominium. It was such a nice place kaya doon ako kumuha ng condo at isa pa, malapit lang siya sa campus at malls. Pagkarating ko sa Heir, kaagad kong ipinadala ang mga gamit ko sa itaas. Sakto kasi na doon sa pinakalast floor ang kinuha kong condo which is 25th floor. Naglakad ako sa hallway at hinanap ang 2506. Nang mahanap ko iyon ay sakto naman akong napatigil sa paglalakad at napako sa kinatatayuan dahil may pamilyar na tao na lumabas sa katabi kong unit. Maging siya ay napatigil pero dinaanan niya lang ulit ako na parang wala siyang nakita. My heart skipped a beat. I bit my lower lip to supress myself from smiling. So Jared is my new neighbor?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD