Chapter 7
Natapos ang klase ng maaga kaya nagpaalam na ako at dumeretso sa Venus. May gig ako sa Venus tuwing may sapat akong oras. Minsan ay hindi ako nakakapunta sa Venus ng isang linggo dahil sa dami ng school works. Dito rin sa pagkakaroon ng gig ko naipon iyong pera na pinambili ko ng condo sa Heir. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling ako kumanta. Maraming nakikinig sa akin sa tuwing nandito ako sa Venus. Si Ate Cindy na siyang girlfriend ni Kuya Zico na nakatatandang kapatid ni Zaien ang may-ari ng Venus kaya naman ay may free-access ako sa kanila. Parating sinasabi sa akin ni Ate Cindy na maraming naghahanap sa akin dahil gusto nila ang boses ko. I don’t actually believe that I have a good voice until I saw the crowd whose watching me with smiles on their faces.
Pumasok ako sa loob kung saan sinalubong ako ng maraming tao at malakas na tugtugan. Crowded talaga ang bar tuwing biyernes dahil weekend na naman bukas. Kung hindi pa nga ako tinext ni ate ay hindi ko maaalala na Friday ngayon at hindi Monday. Marami akong ginagawa kaya hindi ko napapansin na lumilipas ang mga araw. Akala ko ay Monday lang ngayon kaya nagulat ako nang papuntahin ako rito ni ate kaninang pag-uwi ko galing campus.
Nagmadali akong pumunta sa backstage. Sakto naman na nakita ko si Ate Cindy roon at kinakausap iyong mga tao niya sa backstage.
"Ready ka na?" tanong ni Ate Cindy sa akin. Tumango naman ako at sinimulan itono ang gitara.
“Okay. I’ll give you ten minutes to prepare yourself. Mag-ayos ka na rin.”
Tumango ako. Pagkatapos ko itono ang gitara ay saka naman ako naglagay ng light make-up sa mukha ko para magmukhang presentable. Inayos ko rin ang buhok ko at saka sinenyasan si Ate Cindy na okay na ako.
Pinahinto niya ang DJ sa pagplay ng musika, at binuksan ang ilaw sa gitna ng stage dahilan para magsitahimik ang mga tao. Dahan-dahan akong umakyat sa stage at umupo sa upuian na nasa gitna.
Ngumiti ako sa maraming tao na nasa harap ko ngayon at sinimulan pagstrum ng gitara.
Somebody said you got a new friend
Does she love you better than I can?
There's a big black sky over my town
I know where you're at, I bet she's around
And yeah, I know it's stupid
But I just gotta see it for myself
Sinipat ko ang mga tao sa loob ng Venus.
I'm in the corner, watching you kiss her, oh oh oh
I'm right over here, why can't you see me, oh oh oh
And I'm giving it my all, but I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own
Lahat sila ay nakatingin sa akin at dinaramdam ang aking pagkanta.
I'm just wanna dance all night
And I'm all messed up, I'm so out of line, yeah
Stilettos and broken bottles
I'm spinning around in circles
And I'm in the corner, watching you kiss her, oh
I'm right over here, why can't you see me, oh
And I'm giving it my all, but I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own
And oh no
Kumabog ang puso ko ng malakas ng dumako ang tingin ko sa pamilyar na mukha na ngayon ay nakatingin din sa akin ng diretso.
Anong ginagawa niya rito?
So far away but still so near
The lights come up, the music dies
But you don't see me standing here
I just came to say goodbye
I'm in the corner, watching you kiss her, oh
And I'm giving it my all, but I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own
And oh no
Hindi ko na nagawang tanggalin ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko ay may kung anong humaplos sa aking puso sa kung paano niya ako tignan ngayon dahil kahit kailan ay hindi ko siya nakitang tignan ako ng ganoon.
Sit down in the corner, watching you kiss her, oh no
And I'm right over here, why can't you see me, oh no
And I'm giving it my all, but I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own
Pinikit ko ang aking mata, bago tuluyan kantahin ang huling stanza ng kanta.
Huminga ako ng malalim at saka iminulat ang mata. Muling dumako ang aking tingin sa kanya. Muli na naman may kumirot sa aking puso.
So far away, but still so near
The lights come up, the music dies
But you don't see me standing here
Nagpalakpakan ang mga tao sa akin. I should smile after they clap their hands pero nanatiling nakatitig ang mata ko sa kanya.
Nakaawang ang aking labi. Maraming tanong na pumasok sa aking isipan.
Bakit?
Why did he cry?
His expression since that night stayed on my mind until now. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko kung paano tumulo ang kanyang mga luha. That singing a sad song would be enough to break him.
Nangangati ang utak ko ngayon dahil sa mga namumuong tanong. Curiosity is killing me. Gusto ko itanong sa kanya ng personal iyon pero alam kong hindi niya naman ako sasagutin o papansinin man lang. Itanong ko kaya kay Cali at Gunner? I'm sure he will say something!
If that song could make him cry. Something happened on his past that he doesn't want to remember and he's now moving on. Pero ano naman kaya iyon? Anong klaseng nakaraan iyon at ayaw niya pa maalala? Could it be someone break his heart too? Bigla ako nakaramdam ng awa dahil sa naisip ko. Para naman may pumisil sa puso ko dahil do'n.
Kaya ba siya pumunta rito ay para makalimot? If that's the case, he must really love that girl with all his heart. Pero ano ba ang nangyari? Gusto ko malaman lahat pero alam ko na hindi niya ako papayagan. He won't talk about his past. Magagalit lang siya at sasabihin na hindi ako dapat manghimasok pa.
"Tulala na naman siya oh?" rinig kong sabi ni Zaien. Nakita ko pa siya umiling nang hindi ako magsalita.
"Gwapo ba si Jared umiyak?" nang-aasar na tanong niya sa akin. Hindi ulit ako sumagot dahil wala akong maisasagot sa mga tanong niya sa akin. Wala rin akong masabi na kahit ano dahil sa mga tanong na nasa utak ko.
"Alam mo, kesa si Jared ang laman ng utak mo, bakit kaya hindi ka na lang magreview sa Analytic?"
Ngumiwi ako ng banggitin niya ang subject na 'yon. Halos nakalimutan ko na may exam pa pala kami rito ngayon at wala pa akong halos narereview dahil masiyadong occupied ang isip ko simula nang makita ko si Jared na umiyak.
Sinubukan ko i-focus ang sarili ko sa binabasa kong libro ng kulbitin naman ako ni Z.
"Si Jared oh?" Agad naman akong napalingon sa likuran at saka bumusangot ng marinig ko ang tawa ni Z na nagbibiro.
"Basta talaga si Jared no?"
Umirap ako.
"Ewan ko sa’yo. Sumbong kita kay Seth eh."
"Eh di isumbong mo ko do'n sa hayop na 'yon. Magsama sila ng Christy niyang malandi!" puno ng inis ang salita niyang iyon. Kitang-kita rin sa muka niya ang inis nito kay Seth.
"Binanggit ko lang si Seth, nagkaganyan ka na. Paano kaya kung banggitin ko pa si Marcus?"
Tuluyan niya na akong sinamaan ng tingin at ako naman ngayon ang natawa sa ginawa niya. Gotcha!
Pinagpatuloy lang namin ang pagrereview sa library hanggang sa tumunog ang bell. Nakita ko si Jared mula sa bintana rito sa building namin. Naglalakad siya patungo sa building nila. Wala akong sinayang na oras at hinabol siya.
“Jared!” sigaw ko. Kaagad naman siyang napatigil sa pagtawag ko sa kanya. Hinahabol ko pa ang paghinga ko nang lumingon siya sa akin. I closed our distance by walking slowly towards him. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang naglalakad. Hindi siya umalis katulad ng parati niyang ginagawa noon na lihim na ikinatuwa ng puso ko.
“I saw you yesterday, " hinihingal na sabi ko sa kanya.
Tumalikod siya sa akin at mukhang walang balak na kausapin ako pero lumingon siyang muli sa akin. Seryoso ang mukha niya at katulad ng dati ay hindi ko pa rin mabasa ang iniisip niya. “So what? It doesn’t mean anything, Dionne. Give up on me," malamig niyang wika sa akin.
Dati ay hindi niya ako pinapansin kahit anong sabihin ko. Maaari kong sabihin na unti-unti na akong nakakapasok sa buhay niya at may level up na rin. Narerealize niya na rin siguro na hindi ako iyong ordinaryong babae na susuko na lang dahil sa kasungitan niyang taglay.
“Wala kang karapatan na sabihin iyan sa akin ngayon, " seryoso kong wika sa kanya. Linapitan ko siya at tinignan ng diretso sa mata. “Ako ang magdedesisyon kung susuko na ba ako o hindi sa’yo. And at this point, I still won’t give up.”
Umawang ang labi niya sa sinabi ko. “I will have my way, Jared. And I swear to god, I’ll make you fall in love with me."
Naging usap-usapan ang pagsigaw ko kay Jared kanina. Pati iyong pag-uusap naming ay kumalat din sa campus na parang apoy dahil sa bilis nito kumalat.
Mukhang ako na naman ang hottest topic nila dahil kahit ang mga professors ay bumibilib na sa kakayahan ko. Na-special mention pa tuloy ako kanina ni Mrs. Lopez sa klase kanina habang nagti-take ng exam dahil sa ginawa ko.
Natapos ang exam namin ng umaga na iyon. Halos ma-drained na ang mga utak namin dahil sa pagre-review sa dalawa pang subject na may exam ngayong araw.
Bumalik kami sa library para tapusin ang ilang assignments na ipapasa kinabukasan. Iniwan ako ni Z para bumili ng makakain sa baba pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik.
Ako: Z, where are you?
Zaien: Nasa Gym. Pumunta ka rito, bilis! You'll love it.
Anong ginagawa niya sa Gym? Akala ko ba ay bibili lang siya ng pagkain namin? Bakit napunta siya roon? At saka ano iyong sinasabi niya na ikatutuwa ko?
Dali-dali akong pumunta sa gym na sobrang layo sa building namin. Tumakbo ako sa pagmamadali. Haggard at pagod tuloy akong nakarating sa gym. Pagkapasok ko ay may nakita akong mga naglalaro at mga estudyanteng naghihiyawan. Doon ko lang napagtanto na practice game nga pala ng varsities ngayon dahil malapit na ang Inter-high na inaabangan ng lahat. Noong nakaraan ay sa semi-finals lang kami umabot kaya malaki ang panghihinayang naming kaya ngayon ay nangako sila na makakarating sila sa finals ngayong taon.
"Go Ledezma!" malakas na sigaw noong mga babae sa may bleachers. May dala pa silang pompom at kung anu-ano na pangcheer.
Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko si Z na kumakaway sa akin. Kumunot naman ang noo ko nang may ituro siya na isa sa mga varsity player. Nagtataka akong tumingin kung saan siya nakaturo at doon ko lang narealize kung ano ang sinasabi niya sa akin.
Kaya pala ganoon na lang ang tili ng mga babae ay dahil nandito pala siya. Halos makalimutan ko na varsity captain nga pala itong si Jared.
Deretso ang tingin ko sa kanya. Pinatalbog niya ang bola ng paulit-ulit at saka ulit ito hinawakan. Isho-shoot niya na sana ang bola mula sa three-pointer line nang magtama ang mga tingin namin. Nakita ko pa ang kaonting gulat sa kanyang mukha pero nawala rin iyon. Ang gulat sa muka niya ay napalitan ng isang ngisi.
Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig niya sa ngisi niyang iyon. Ang malinaw lang sa akin ngayon ay muling nagwawala na naman ang puso ko. Nakita na rin ako nila Cali. Umiling-iling ito at tinapik na naman si Jared. Maging si Axel ay nakatingin din sa akin.
Muling tumingin sa akin si Jared bago nagawang i-shoot ang bola. Akala ko nga ay hindi iyon masho-shoot dahil tumalon Pero muling bumaba si Jared sa kanya na ikinagulat ng kalaban at muling tumalon na mas mataas pa kumpara sa kanina at saka itinira ang bola.
Nang mashoot ang bola ay naghiyawan ang mga manonood. Mostly of them are his fans. Sino bang hindi? Kahit ata ako ay isa na rin sa mga ans niya. Nagsiapiran sila sa court matapos ang tira ni Jared na 'yon.
Muli na naman siyang tumingin sa akin na hindi ko inaasahan. Ang ngisi kanina ay napalitan ng malaking ngiti na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na manggagaling sa isang kagaya niya.
I think I'm drowning and it’s weird because I don't want to be save.