Chapter 8

2001 Words
Chapter 8 Natapos ang exams ng linggo na 'yon kaya naman hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko dahil sa wakas ay makakapag-gala na ako. Hindi ko na kailangan magpakapuyat sa kakasolve ng math. "Z! Bar tayo mamaya!" yaya ko sa kanya. Napailing naman siya sa ginawa kong pagyayaya pero sa huli ay tumango rin siya. "After class?" tanong niya sa akin. Muli akong tumango sa kanya. Wala akong gagawin ngayon kundi ang magliwaliw dahil sa wakas ay tapos na ang isang linggo kong pagpupuyat para makapasa. I admit that I barely passed on math because I am not really good at solving problems pero sa tingin ko naman ay makakapasa ako ngayong prelims dahil nag-aral talaga ako. "Yup." Lumingon ako kay Z. Kasalukuyan itong nagmamadali na ayusin ang gamit niya. Usually ay hindi naman siya nagmamadali na mag-ayos ng gamit niya dahil ako n aman ang kasama niya maliban na lang kung… "May lakad ka?" tanong ko sa kanya. Nag-aalangan siyang tumango sa akin at saka nagsalita. "Si Seth ka--" Tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita at saka tumango habang pinipigilan ang pagngiti. “Okay sige. Gumora ka na." "It's not what you--Pinutol ko ulit ang sinasabi niya at tyaka nagsalita. "Sige na. Huwag ka na magpaliwanag at lumabas ka na. You know your fiancée.” Dali-daling umalis si Z at nakuha pang mag-sorry dahil hindi niya ako masasamahan ngayon. Hindi naman sigurong masamang pagbigyan si Seb na makasama si Z dahil kakabati lang nila. And to be honest, I am actually rooting for the two of them. Alam kong mahal ni Seb ang kaibigan ko at kung mayroon man akong taong kilala na aalagaan si Z, walang iba kundi siya. Tinatamad ako pumunta sa cafeteria para kumain. Ayoko naman lumabas ng campus para pumunta sa café na madalas ko pagtambayan dahil mas lalong nakakatamad iyon. I didn't bring my car dahil pinalinisan ko iyon. At isa pa, malayo iyong café na sinasabi ko at ang maglakad papunta roon sa gitna ng kainitan ng araw ay nakakapagod. Sinubsob ko ang muka ko sa desk. Nakaramdam ako bigla ng antok dahil hindi maayos ang tulog ko kagabi. Bigla kong naalala si Jared. What is he doing right now? Nasaan kaya siya ngayon? I miss him. Ilang araw ko rin siya hindi nakita simula noong practice game nila laban sa kabilang university. Nagkandasunod-sunod ang exam noong linggong ‘yon at wala na akong oras para gumala at tumambay pa sa SC para makita siya. "Do you have any gig tonight?" Nagsitayuan ang mga balahibo ko ng marinig ko ang baritonong boses na 'yon. Kumabog ang puso ko ng malakas na dinaig pa ang pagpalo ng gong. Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin at nakita siya na nakasandal doon sa pader at deretso ang tingin sa akin. He's not wearing his SC uniform. Bakit kaya? Tanging faded jeans and long-sleeve black polo na nakafold. Walang pinagbago ang buhok nito. Magulo pa rin pero hindi iyon nakabawas ng kagwapuhan man lang. "Meron.” Lumapit siya sa akin at umupo sa upuan na kaharap ko. Bawat paghakbang niya papunta sa akin ay nagdala ng matinding kaba sa aking puso. Gusto ko iiwas ang tingin ko sa kanya pero kagaya ng dati ay para na naman akong nahipnotismo dahil sa mga tingin niya na nakakapanglunod. "Anong oras? Ihahatid kita," kaswal na wika niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya dahil sa gulat. Pero sa huli ay nawala iyon at napalitan ng ngiti. "Mga 6pm," sagot ko naman sa kanya. Tuluyan na kaming nabalutan ng katahimikan. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at pinagmamasdan siya. Hindi naman siya nagrireklamo na nakatitig ako sa kanya ng matagal. Bagkus ay parang waka nga siyang pakialam sa ginagawa kong pagtitig sa kanya. Natigil lamang ang pagtitig ko sa kanya nang maalala ko ang nangyari kanina. “May tanong ako,” lakas na loob kong tanong sa kanya. Hindi siya nagsalita pero pansin kong nakatuon ang atensyon niya sa akin. Matagal ng gumugulo ang bagay na ‘to sa isipan ko simula noong huli kaming mag-usap bago ang practice game nila. Does he really want me to give up on him? Dahil hindi iyon ang nakikita ng mga mata ko. Sabi sa akin ni Zaien ay hindi siya ang nagpapunta kay Jared sa unit ko para alagaan ako noong gabing nag-inom ako pero ang sabi ni Jared ay kaibigan ko raw ang nagsabi sa kanya. I only have a few friends because I don’t like fake friends. At isa pa, walang masiyadong nakakatagal sa ugali ko maliban na lang kung siya si Zaien o isa sa mga kaibigan kong matagal ko ng kasama noon pa bago ako pumasok dito sa Metro High. Tinanong ko rin sila Gunner at Cali kung sila ang nagsabi kay Jared pero hindi rin ang mga sagot nila. Iisa na lang ang sagot na naiiwan sa utak ko at iyon ay ang nagsinungaling siya tungkol sa kaibigan na sinasabi niya. If that’s the case, he really cares about me. Pero kung iyon nga, bakit gusto niya na lang ako sumuko? “Bakit mo ako inalagaan noong gabing ‘yon? Alam kong walang nagsabi sa’yo para gawin iyon, Jared, " diretso kong tanong sa kanya. “It doesn’t mean anything," malamig niyang sagot sa akin. It doesn't mean anything? Gusto niya ba ako matawa? Hindi niya ako aalagaan kung wala lang iyon. Kung wala siyang pakialam sa akin, hahayaan niya ako mag-isa roon pero hinatid niya ako, inalagaan ng isang gabi tapos walang ibig sabihin? “But you still did it," mariin kong wika sa kanya. “Sumakto lang na nakita kita kaya inalagaan kita.” “Kaya nagawa mo akong ipagluto at ihatid sa campus? You even lied to me, Jared,” I said as a matter of fact. Hindi niya makukuhang magsinungaling sa akin kung wala lang ‘yon. Alam kong hindi siya tanga at bobo para hindi malaman ‘yon. He’s interested on me but he rather play games than telling me the truth. But I love the fact that he's like that. Pakipot at minsan ay nakakainis pero sa kabila ng mga 'yon ay nangingibabaw pa rin ang nararamdaman kong pagkagusto sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin. Mas pinili niyang titigan ako at bantayan ang bawat ginagawa ko. Para tuloy akong pinapanood mula sa isang cctv camera dahil sa kung paano niya ako tignan ngayon. Baka nga kung kandila lang ako ay matagal na akong natunaw. Palakas din ng palakas ang t***k ng puso ko sa bawat minutong lumilipas dahil sa kanya. "Ihahatid kita mamaya sa Venus,” sabi niya sa akin. Kumunot naman ng bahagya ang noo ko dahil doon dahil hindi naman niya gawain na ihatid ako at isa pa, biglaan. “Para saan?” tanong ko. Nakatingin ako sa kanya habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ko nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Janus. Bakit na naman siya nandito? Bakit ba sa tuwing nag-uusap na lang kami nitong si Jared ay sumusulpot ito? Hindi ba ay nag-usap na kami? Ano pa bang gusto niya? "Dionne,” tawag niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. Dumako ang tingin ni Janus sa katabi ko na naging dahilan ng pagtalim ng kanyang mga mata. Si Jared ay nanatiling blanko ang ekspresyon katulad ng dati at mukhang walang pakialam sa presensiya ni Janus. “For your gig. Ayaw mo?” sagot ni Jared sa akin na ikinabigla ko. Hinawakan pa niya ang kamay ko. Lumapit si Janus sa amin dalawa. Mabilis ang ginawa niyang paglapit na hindi ko agad namalayan kung hindi siya pumagitna sa amin dalawa ni Jared. "What are you doing here, Ledezma?" maangas nitong tanong sa kanya. "What do you think?" Ngumisi si Jared kaya lalong nainis si Janus. Umigting ang panga nito at kinuyom ang mga palad na parang naghahanda na suntukin ang isa. Laking-gulat ko nang tumayo si Jared at tinitigan ng diretso si Janus sa mata. Maangas siyang nilapitan nito at kinuwelyuhan. He’s obviously provoking Janus! "Leave her alone," matuwid na sabi nito kay Jared. Napatingin ako ng diretso kay Janus. Nasisiraan na ba siya ng bait? Sino siya at anong karapatan niya para sabihin iyon? Lumawak ang ngisi ni Jared. "Why would I? She's not your girl anymore," nakangising wika ni Jared kay Janus. Nakita ko ang pagtangka ni Janus na susuntukin si Jared pero hindi iyon nangyari dahil agad akong humarang sa pagitan nilang dalawa. "Stop!" malakas na sigaw ko. Nanlalaki ang mata ni Janus na tumingin sa akin habang ako ay seryoso ang muka. Tinulak ko siya ng bahagya palayo sa aming dalawa ni Jared. Bakas sa kanya ang pagkagulat dahil sa ginawa ko. Alam niyang ako ang maaaring masaktan kapag hindi niya napigilan ang sarili na suntukin si Jared. Dahan-dahan bumaba ang braso niya habang nanginginig at nakatingin sa akin ng diretso. "Why?" mahinang tanong niya sa akin. Hindi niya siguro ineexpect na gigitna ako. Kahit ako ay hindi ko rin inaasahan ang bagay na 'yon. Basta na lang may tumulak sa akin dahil ayokong makita na nasasaktan si Jared at mas lalong ayokong umabot sa point na mapapapunta sila sa guidance office dahil sa gulo na sila rin mismo ang gumawa. That's insane! "Go away,” utos ko sa kanya. "Dion---"Just leave Janus. Wala tayong kailangan pag-usapan,” malamig kong sabi sa kanya. Tumitig ulit ako sa kanya at nang mapansin na nakatayo lang siya sa harap ko at balak sana magmatigas ay muli akong sumigaw. "I said leave!" Wala ng nagawa si Janus pagkatapos kaya umalis na ito sa aming harapan. I can't believe this! Kung hindi ako humarang at pinigilan silang dalawa ay malamang nagkaroon na ng rambulan dito. Mabuti na lang at napigilan ko. Mga lalaki talaga! Lumingon ako kay Jared na ngayon ay blanko ang eskpresyon ng mukha. Bumilis na naman ang t***k ng aking puso. Hindi ko iyon pinansin at hinawakan na lang ang kamay niya at basta na lang hinila palabas ng classroom. Hinila ko siya hanggang makarating kami sa soccer field. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Talaga bang nababaliw na siya para gawin ang bagay na ‘yon? "Bakit mo ba pino-provoke si Janus? He almost punched you!" malakas na sigaw ko sa kanya. Hindi siya pwede masuntok dahil panigurado ako na makakatanggap ako ng sandamakmak na death threats imbes na love letters sa locker ko. Pero bukod doon ay concern talaga ako kay Jared. Sino ba naman ang gusto masuntok diba? Hindi ko nga alam kung anong naisipan niya at nakuha pa niya talaga inisin si Janus kanina. This guy! Hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya! Hindi siya nagsalita. Parang wala siyang naririnig sa mga sinasabi ko dahil wala siyang ginawa kundi ang titigan ako sa mata. Bakit hindi siya nagsasalita? Talaga bang desesido siya na masuntok noong lalaking 'yon? For what? For provoking him? Hindi ko rin naman kasi malaman bakit may pangpoprovoke na nangyayari. "Bossin--"Napatingin ako sa tumawag kay Jared. Nakita ko si Gunner at Cali na magkasama at papalapit na sana sa amin. Kahit si Axel ay kasama rin nila. Sandali akong tumingin kay Axel. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagtingin niya sa kamay namin ni Jared na magkahawak. "You like me right?" tanong niya sa akin. Tuluyan nang nawala ang atensyon ko kay Axel at ibinalik ang tingin sa kanya. Of course I like him. Hindi naman ako aabot sa ganito kung hindi. Kaya lang hindi ko alam kung like pa ba ang maitatawag ko sa ginagawa kong kabaliwan pagdating sa kanya. Dahil kung tutuusin, parang nalampasan ko na ang like sa dami ng ginawa kong pagpapansin sa kanya. Tinitigan ko siya pabalik at wala sa sariling tumango sa kanyang tanong. I saw an evil grin plastered on his face. "Make me like you Dionne. Make me crazy for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD