Chapter 9
“Dionne,” tawag sa akin ni Axel. Nasa library ako ngayon at kasalukuyang gumagawa ng mga assignments ko na ipapasa mamaya. Wala si Z dahil nga may date sila ni Seb. I am stuck here hanggang sa matapos ang klase ko.
Nilingon ko si Axel na hindi alintana ang lakas ng boses niya sa pagtawag sa akin. Napatingin tuloy pati ang mga estudyanteng nandito sa library pati iyong librarian at nagsimula na magbulungan.
Sinimangutan ko siya. Ano na naman kayang kailangan niya sa akin? Nilapitan niya ako at hinila ang upuan sa tabi ko bago tuluyang umupo. “Ano na naman bang kailangan mo?”
“I will offer you something interesting,” mahinang wika niya sa akin. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Offer? Ano naman kayang bagay iyon at interesante?
“Ano ba ‘yon?”
“Gusto mo siyang mabaliw sa’yo hindi ba?” tanong niya sa akin. Halata naman si Jared ang tinutukoy niya. Hindi ko naman iyon itatanggi dahil sa pag-uusap namin kanina sa quadrangle. Hindi ko akalain lalabas ang mga salitang ‘yon sa bibig niya. Halatang sinusubukan niya ako dahil sa hamon niya sa akin.
“Ano naman ngayon kung gusto ko siyang mabaliw sa akin? Nag-iisip pa nga ako— “Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko. “Then use me.”
“What?”
“Make him jealous of me. Be with me all the time. Iyon ang mga bagay na makakapagpabaliw sa kanya sa’yo,” diretso niyang wika sa akin.
“What do you mean?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Jared once left by his ex-girlfriend. Sanay siya sa atensyon na nakukuha mula sa iba pero paano kung ang isang katulad mo na palagi siyang hinahabol at pinapaulanan ng atensyon ay biglang mawawala sa paningin niya?”
“Wait. Why are you helping me?” tanong ko sa kanya. Sa huling pagkakatanda ko ay ayaw niya sa akin dahil hinahabol ko si Jared. Ang sabi pa nga niya noon na minsan kong narinig noong nakikipagkuwentuhan sila ni Cali at Gunner ay nag-aaksaya lang ako ng panahon. Ginagawa ko lang daw katawa-tawa ang sarili ko sa paghahabol ko sa kanya. Syempre nagalit ako. Kung hindi lang ako napigilan ni Z ay baka sinampal ko na si Axel pero narealize ko rin na may point siya. I am making fun of myself by always following him. Kaya lang kahit alam kong may point nga siya, hindi ko pa rin tinigil ang ginawa ko dahil hindi ko alam kung paano ko ie-express ang sarili ko kung hindi ko gagawin iyong mga bagay na nakasanayan ko na.
“I don’t want to see you making fun of yourself just because of a guy, Dionne,” seryosong wika niya sa akin. Napakurap ako sa sinabi niya at sa huli ay napatawa. Kaagad naman na tumaas ang kilay niya sa ginawa ko. “What’s funny?”
“Wala lang. This is the first time that I’ve seen your concern especially to someone like me,” nang-aasar na wika ko sa kanya. “At least, alam ko ng hindi ka bato,” dagdag ko pa. Siya naman ang napakurap sa sinabi ko at pagkatapos ay tinago ang kamay sa magkabilang bulsa.
“If you’re willing to help me, sino ba ako para tumanggi?” sabi ko sa kanya. Nakikita ko naman kay Axel na totoo lahat ng sinabi niya kahit na may pang-lalait na kasama. At isa pa, wala akong nakikitang dahilan para makuhang magsinungaling sa akin ni Axel. Alam ko rin na wala sa ugali niya ang magsinungaling dahil prangka siyang tao.
Natapos ang araw na ‘yon na kasama ko si Axel. I followed what he asks me to do. Kaya nga ganoon na lang ang pagtataka nila Gunner noong nakita nila kami pareho na sabay na lumabas ng campus. Kahit ang mga ibang estudyante ay nagtaka din at nagbulung-bulongan. Hindi na nga ako nagulat noong magtrending kami sa blog ng university kinabukasan. Nakita ko rin si Jared noong lumabas kami pero saglit ko lang siyang tinignan at hindi na tinawag. Hindi ko pa nakikita ang pagbabago sa sinasabi ni Axel pero alam ko sa sarili ko na worth it naman siya i-try. Wala naman masama kung susubukan ko siyang pagselosin at sundin ang gusto ni Axel.
“Are you sure that this is going to work?” tanong ko sa kanya nang lumipas ang dalawang araw ay wala pa rin Jared na sumusulpot sa harapan ko.
“Just be patient okay?” wika naman niya sa akin. Nagkibit-balikat ako at tinignan na lang ang aking cellphone. I continue browsing habang nagwa-warm up si Axel. Nandito ako ngayon sa gym kasama siya dahil may practice game daw sila sa makalawa kaya nagtitraining sila pero hanggang ngayon ay wala pa akong Jared na nakikita.
“Dionne,” muling tawag niya sa akin. Nilingon ko siya at sinenyasan ako na tumingin sa kanya. Ginawa ko naman ang gusto niya. Nagawa niyang i-shoot ang bola mula sa three-pointer line at pagkatapos ay ngumisi sa akin. Napasimangot na lamang ako at napailing sa ginawa niyang pagpapasikat. Kung siguro hindi ko natipuhan si Jared ay baka si Axel ngayon ang sinusundan ko.
Madalas ang training nila ngayon dahil malapit na ang League of Basketball Association, o LBA kung tawagin. Sinusubukan nilang makaabot sa finals at masungkit ang tropeo na matagal na nilang inaasam. Noong nakaraang dalawang taon ay sa semi-finals lang ang inabot nila kaya ngayon ay todo practice at training sila.
Minsan na rin iyong binanggit sa akin ni Gunner. Kaabang-abang daw ang practice game nila sa makalawa laban sa Saubea College dahil sila rin daw ang naglaban noong sa semi-finals at sa kasamaang palad ay Saubea College ang nanalo. Iyon nga lang ay natalo din ito dahil magaling iyong nakatapat nila sa finals. Nakalimutan ko lang iyong pangalan pero minsan na iyong binanggit sa akin ni Gunner nang mag-usap kami.
Tumigil na sa pag-shoot si Axel at bumalik na sa akin. Kinuha niya ang tubig mula sa bag niya at ininom iyon. Wala sa sariling kinuha ko ang towel na nakita ko sa bag niya at saka tumayo para punasan siya ng pawis. Napatigil siya sa pag-inom na kahit ako ay napatigil din dahil sa aking ginawa. Nagkatitigan pa kaming dalawa dahil doon. Sinimangutan ko siya nang makita ko ang pagngisi at saka ibinato sa kanya ang tuwalya.
“Pu— “Ui! Nandito ka pala Bossing!” natatawang sabi ni Gunner sa akin. Pasimple akong tumingin sa likuran ni Axel at nakita silang tatlo nila Jared na nakatigil sa pwestong ‘yon. Kung hindi pa siguro nagsalita si Gunner ay hindi namin sila mapapansin.
Tumango ako sa kanya. “Kanina pa kayo?”
“Hindi naman. Kadarating lang naming tatlo, diba Boss?” natatawang wika niya at saka siniko si Jared na ngayon ay nakatitig sa akin at seryoso ang tingin. Nagulat tuloy ako bigla. Sanay naman ako na seryoso palagi ang tinginan niya pero iba ang tingin niya ngayon sa akin. Parang may kung anong kasama iyong tingin niya na nagpapakaba sa dibdib ko.
Nagkibit-balikat na lang si Jared at saka dumeretso na sa locker para magpalit ng damit. Nagsidatingan na rin iyong iba nilang teammates na hindi ko gaano masiyadong kilala dahil iyong apat lang naman palagi ang nakikita kong magkasama.
“Axel,” malakas na tawag ko noong magsimula na rin siyang sumunod sa locker para magpalit ng kanyang damit. Napalingon siya sa akin. Hinanap ko naman si Jared na ngayon ay naglalakad pa rin papuntang locker. Kaagad kong napansin ang mabagal niyang paglalakad kaya napangiti ako ng palihim doon.
“Goodluck,” nakangising sabi ko sa kanya. Umiling naman si Axel sa akin at saka naglakad na papunta sa locker.
Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti sa ginawa ni Jared kanina. Kunwari pa siyang naglalakad at walang pakialam pero hinintay niya rin naman ang sasabihin ko. Sa tingin ko ay makakaya ko na siyang palingunin sa susunod na gawin ko ito. Tama nga si Axel. Sanay siyang pinapaulanan ng atensyon at siguradong hahanapin niya iyong babae na humahabol at walang ginawa kundi magpapansin sa kanya na walang iba kundi ako.
Tinext ko si Zaien kung nasaan siya at para ipaalam na nasa loob ako ng gym at nanonood ng training nila.
Ako: Nasaan ka na? Nandito na ako sa loob ng Gym.
Z: I’m with Seb. Bakit ka nasa Gym? Training nila?
Ako: Oo. Dinala ako ni Axel dito.
Lumabas si Jared galing locker. Halos mabingi ako sa sobrang kabog ng dibdib ko dahil sobrang gwapo niya sa suot niyang itim na jersey. Malaking number 10 ang nakalagay sa likod ng kanyang jersey na may apelyido niya na Ledezma. Sunod naman na lumabas si Axel. Number 8 naman ang numerong nakalagay sa likod niya tapos 5 naman si Gunner at 9 naman si Cali.
Binato sa akin ni Axel ang kanyang tuwalya na nagpairap sa akin kung kaya’t nawala ang tingin ko roon sa tatlo. Isang nakakalokong ngisi lang ang natanggap ko sa kanya. Umiling ako at pagkatapos ay tinago ang tuwalya sa kanyang bag. Hinanap muli ng mata ko si Jared. Hindi naman ako nahirapan dahil nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nang mahuli ko siya ay tumalikod naman ito sa akin at kinausap sila Cali na nagpasimangot na lang sa akin.
Naging mabilis lang ang training nila. Naging Jared vs Axel ang labanan dahil hinati ang grupo sa limang myembro para makapaglaban sila. I enjoyed watching their game. Sobrang magaling iyong dalawa na maglaro kaya hindi na ako magtataka kung makakaabot talaga sila sa finals ngayong taon.
“Dionne, locker lang ako. Dito ka lang,” sabi sa akin ni Axel nang matapos ang laro nila. Tumango naman ako sa kanya. Nagbrowse na lang ulit ako sa cellphone ko hanggang sa may nakita akong lumapit sa akin. Hindi ako nag-abalang lumingon dahil alam kong si Axel ‘yon.
“Akala ko ba pupunta ka ng locker, bakit ka pa nandito?” wika ko. Hindi siya sumagot kaya labis akong nagtaka. Napatingin ako sa sapatos niyang suot na kulay pula. Teka? Kulay asul ang suot ni Axel at hindi pula.
Dahan-dahan akong napaangat ng tingin at doon narealize na hindi si Axel ang kanina pang nakatingin sa akin kung hindi si Jared. Kaagad akong sinalubong ng maiinit na tingin ni Jared na nagpakabog sa dibdib ko ng matindi.
“J-Jared.”
Tapos na siyang magpalit dahil hindi na jersey ang suot niya kundi white teeshirt na. Bitbit niya na rin ang nakita kong kulay pula niyang backpack pati na rin ang tumblr niya na naglalaman ng tubig. May nakasabit pang towel sa kanya na kulay pula rin sa kanyang balikat. Kailan pa siya nagpalit? Bakit hindi ko napansin na nagpunta siya ng locker?
“Let’s eat,” malamig niyang wika sa akin. Kusang napaawang ang labi ko dahil hindi masiyadong nag-sink-in sa utak ko ang kanyang sinabi. Wala akong nagawa kundi ang titigan siya hanggang sa siya na mismo ang umiling at hinigit ang kamay ko.
“Teka, si Axel!” natatarantang wika ko sa kanya. Saglit siyang napatigil sa paglalakad namin dalawa at nilingon ako ng seryoso. “Talaga bang siya ang hinahanap mo ngayon?”
“Ha?”
“Pwede tayo bumalik sa Gym mismo kung mas gusto mong makasama si Axel kesa sa akin,” dire-diretsong wika niya sa akin. Namataan ko ang inis sa kanyang boses kaya lalo akong napatulala.
Binitawan niya ang kamay ko at tatalikod na sana dahil wala akong maisagot sa kanya nang lakas-loob kong hilahin ang kamay niya para hindi siya makaalis. Napatingin naman siya sa akin habang ako ay napalunok naman.
Grabe! Ganyan ka ba talaga karupok Dionne? Paglunok na lang ang nagagawa mo?
Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hinihintay ang sagot ko kahit hindi ko alam kung ano talaga ang hinihintay niya. Hindi ko naiwasang kagatin ang ibabang labi ko para makapag-isip ng maayos.
“Ugh… S-Sasama na ako sa’yo…” nahihiyang wika ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa mga mata niya. Akala ko ay may sasabihin siya pero tanging pagkibit-balikat lang ang ginawa niya bilang sagot niya sa akin. Nauna na siya maglakad kung kaya’t naglakad na rin ako. Nahuhuli pa nga ako dahil mabilis siyang maglakad eh. Tumigil siya bigla sa paglalakad dahilan para mabunggo ko siya sa likuran. Muli na naman siyang lumingon sa akin at saka hinawakan ang kamay ko.
Kung may makakakita lang sa akin ngayon, makikita nila kung paano nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang paghawak at pagsalikop sa aking kamay. Kamuntikan ko pang mabitawan ang bag ko dahil sa ginawa niyang paghila sa akin habang naglalakad kami. Wala akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan siya hanggang sa muli siyang tumigil at nilingon ako.
“B-Bakit?” tanong ko sa kanya nang mapansin ko ang pagtitig niya sa akin ng mariin. Bumuntong-hininga siya at maingat na kinuha sa akin ang aking bag at isinuot iyon sa kanya bago muling hawakan ang kamay ko.
Buong paglalakad naming ay tahimik ako. Wala akong marinig kundi ang malakas na pagtibok ng aking puso. Hanggang ngayon ay para akong nanaginip ng gising dahil magkasalikop ang mga kamay namin dalawa ni Jared. Kung nasa bahay lang siguro ako ngayon ay nagtitili na ako dahil sa kilig pero kinakailangan kumalma para hindi mapahiya.
Dinala ako ni Jared sa isang fast-food. Wala na kasing masiyadong bukas na ibang mga restaurant dito sa daan gawa ng ginabi na rin kaming dalawa dahil sa tagal ng training nila kanina roon sa gym.
Doon kami ni Jared kumain sa may labas ng restaurant dahil wala ng bakanteng upuan sa loob. Siya na rin ang umorder at tinanong na lang kung anong gusto kong kainin. Sinabi ko sa kanya ang gusto kong kainin at tumango naman siya roon.
Habang naghihintay kay Jared sa pila ay nagcellphone din muna ako. Abala ako roon nang may pamilyar na presensiya ang lumapit sa akin. Kaagad kong inangat ang aking tingin sa kanya at hindi nga ako nagkamali.
"Janus."
"What are you doing here?" Simula noong huling pag-uusap namin Janus ay hindi ko na ulit siya kinausap. Ayoko siyang kausapin dahil wala na naman dapat kaming pag-usapan.
"Dionne…" mahinang wika niya sa pangalan ko. Nangungusap ang mga mata niya at parang nagmamakaawa. Bumuntong-hininga ako. Hindi pa siya nagsasalita ay alam ko na ang ibig sabihin ng sinasabi ng mata niya sa akin.
"How many times I am going to tell you that I can't? We can’t. Wala ka ng babalikan Janus,” mariing wika ko sa kanya.
"We were happy when we're still together. Why can't we just start all over again?" tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasan na hindi matawa na may kasamang sarkasmo dahil sa sinabi niya. “Yes. We were happy back then. But you’re the one who destroyed it. Kaya anong karapatan mo na sabihin iyan sa akin ngayon?” sunod-sunod kong wika sa kanya.
“You’re the one who betrayed me. I hope you don’t forget that.” Ayoko manumbat kahit na ugali ko ‘yon dahil alam kong alam niya sa sarili niya ang kasalanang ginawa niya kung bakit kami nauwi sa ganito. Pero hindi ko maiwasan dahil parang nagkulang na ata sa laman ang utak niya para sabihin ang mga salitang sinabi niya sa akin ngayon. Parang pinapalabas pa niya na ako ang may kasalanan kung bakit hindi kami bumalik sa dati kahit na pwede naman dahil lang sa ayaw ko.
“Dionne.” Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Janus dahil nagsimula na ako mairita sa kanya. Hinanap ko si Jared sa pila at hindi naman ako nahirapan na hanapin siya. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at balak sana puntahan si Jared para sabihin na sa convenience store na lang kami kumain dahil gusto ko ng umuwi kung hindi lang ako hinila ni Janus.
I still considered him as a friend even though he betrayed me. May natitira pa akong respeto para sa kanya dahil may pinagsamahan kami kahit paano pero parang mawawala na iyon ngayon.
Sinubukan niya akong halikan sa kabila ng pagpupumiglas ko mula sa kanyang pagkakahawak. Malakas ko siyang sinampal sa kanang pisngi na halos ikinamanhid na ng aking kamay. Napatigil siya sa ginawa kong pagsampal sa kanya at saka ako tinignan na parang natauhan bigla. Tinignan ko siya na puno ng galit.
“Palalampasin ko ang ginawa mo pero sisiguraduhin ko na hindi na ito mauulit. Nirerespeto kita Janus dahil may pinagsamahan tayong dalawa noon pero sana gamitin mo ang utak mo para hindi mawala ‘yon.”
Binitbit ko ang bag ko na nasa upuan at saka siya muling tinignan. “At uulitin ko, stay out of my life.”