Chapter 4

2245 Words
Chapter 4 Pinanood ko siyang maglakad palayo sa akin. Nakatago ang magkabilang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pants niya. Doon ako napatanong sa sarili ko kung anong ginagawa niya sa lugar na ‘to? Kanina pa kaya siya nandito? Bakit niya naisipan na lumapit sa amin ni Axel kung hindi man lang ako sumagi sa isip niya? Am I being assuming? No. Hindi naman siguro siya magpapakita sa amin kung hindi siya interesado sa akin. He would probably have walked away bago ko pa siya magawang makita dahil naiirita siya sa akin. “Di— “Hindi ko na pinansin ang sinusubukan sabihin ni Axel sa akin dahil nakapokus na ang tingin ko kay Jared na naglalakad ngayon. Agad ko siyang hinabol kahit na naka-stilletos ako pero dahil lampa rin ako, natapilok ako ng hindi ko sinasadya. Pilit akong tumayo para habulin siya pero masiyadong masakit ang kaliwang paa ko. Na-sprained pa ata ako. Wala akong nagawa kundi ang hawakan ang kaliwa kong paa na ngayon ay masakit. "Aray..." Daing ko. Abala ako sa paghimas ng paa ko nang mapansin ko ang magkapares na itim na sapatos sa harapan ko. Hindi ako pamilyar sa sapatos kaya dahan-dahan kong inangat ang tingin ko na siyang ikinagulat ko na sa huli ay ikinangiti ko rin. May tinatago rin pala siyang concern sa akin. Nakabusangot ang mukha niya nang tignan ko siya. Pero kahit nakasimangot siya ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi matuwa sa nangyayari. Nakikita ko ang pagiging concern niya sa akin at kahit maliit na bagay ‘yon, malaking bagay pa rin iyon sa akin. "Tsk. Lampa,” dinig kong bulong niya. Lampa? Kung hindi lang nakakaganda sa babae ang pagsusuot ng stilletos, hindi naman ako magsusuot nito. Try niya kaya magsuot ng heels? “You should stop wearing heels if you can’t wear them nicely,” muli niyang wika sa akin. Nakasimangot pa rin siya sa akin habang tinitignan ang paa kong hinihimas ng kamay ko. Galit ba siya dahil pasaway ako? But he already knows that i like him! Kahit sinong babae ay gagawin itong ginagawa ko para lang mapansin siya ng lalaking gusto niya. "Bakit ka bumalik?" I asked. Pwede naman niya ako iwanan kung gusto niya. “I didn’t came back because of you. I came back because of them.” Bahagya niyang tinignan ang mga teachers na papalapit sa amin. Napairapt tuloy ako nang wala sa oras dahil doon. Akala ko, tuluyan na siyang naging concern sa akin dahil ilang buwan na akong nagpapansin sa kanya. Imposible naman na hindi niya mapansin ang mga efforts ko eh halos tumambay na nga ako sa SC kahit bawal, makita lang siya. K fine. Mukhang totoo nga talaga ang sinasabi nila na pusong bato itong si Jared. It’s been a few months since I planned to seduce him but I still cannot figure him out. He’s always distancing himself to me which I hated the most dahil pakiramdam ko ay nabablewala ang mga efforts ko sa kanya. He doesn’t even look at me or smile at me. Medyo nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko at binuhat ako na pangbagong kasal. Nakaawang ang labi ko habang nakatingin lang sa kanya at hindi malaman ang gagawin. Wala akong marinig kundi ang matinding pagkabog ng puso ko. Ghad! Ang lapit-lapit ko sa kanya! Ang inis na naramdaman ko kanina para sa kanya ay naglaho na parang bula. Nakasampay ang aking kamay sa kanyang balikat habang ang isa niyang kamay ay nasa may bewang ko at nakasuporta sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataon at mas lalo pang inilapit ang sarili ko sa kanya. Isinandal ko ang ulo kos sa kanyang balikat habang nakakapit sa kanya. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya. Kahit nga ang paghinga niya ay ramdam na ramdam ko rin. With this position, I could see his face clearly. Ngayon ko lang napansin ang nunal sa kanyang pisngi na hindi masiyadong halata kung hindi ka lalapit sa kanya ng husto. Malapit din kasi iyon sa tenga kaya hindi masiyadong pansinin. Napakaswerte ko naman pala ngayong araw. Nakarating kami sa clinic at hindi ko na namalayan halos ang pagpasok namin doon. Wala ang nurse kaya naman dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama habang siya naman ay kumuha ng yelo sa freezer nitong clinic. Dahan-dahan ko hinubad ang aking sapatos, napapangiwi pa nga ako sa tuwing natatamaan ng aking kamay ang paa ko na nagsisimula na mamaga dahil sa pagkakatapilok ko kanina. Bumalik ang tingin ko kay Jared na ngayon ay nasa harapan ko na. Lumuhod na naman siya sa harap ko at saka dahan-dahan inilagay ang yelo sa paa ko. Dahan-dahan din niyang inabot ang kamay ko at saka ipinahawak sa akin ang yelong hawak niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko. Pagkatapos niya ilagay ang yelo sa aking paa ay umalis na naman ito ng walang pasabi. Gustuhin ko man magwala sa inis dahil parati siyang ganito ay hindi ko magawa dahil namamaga ang paa ko. Hindi ko talaga maintindinhan ang lalaking ‘yon. For one moment, akala ko, concern na siya sa akin at may pag-asa na ako sa kanya pero pagkatapos no’n ay ipaparamdam naman niya sa akin na wala siyang pakialam katulad ng ginawa niyang pag-iwan sa akin dito sa clinic. Ang nakakainis pa, nakalimutan ko na naman itanong kay Jared kung sino ang babaeng 'yon. Alam ko naman na siya iyong tipo ng lalake na ayaw sa mga babaeng maraming tanong at mapag-usisa pero hindi ko maiwasan. I just like him. I just really like him. Marahan kong ipinikit ang aking mata at sumandal sa may pader. Hinintay ko ang nurse na bumalik para bendahan ako pagkatapos. Pagkamulat ko ng aking mata, nakita ko si Axel sa harap ko na ngayon ay malapit ang mukha sa akin. Nanlaki ang mata ko. Maging siya ay napatigil ng ilang segundo bago ngumisi. "A-Anong ginagawa mo rito?" nauutal kong sabi sa kanya. I even slightly pushed him away from me dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko sa pagmulat ng mata ko. "You're blushing," natutuwang wika niya sa akin. Sinimangutan ko siya dahil doon. Lalo pa akong napasimangot dahil humalakhak pa ito na parang nang-aasar dahilan para mapairap ako. I stared at him. Kagaya ng parati kong nakikita sa kanya, magulo na naman ang uniporme niya. Hindi nakabutones ang polo-uniform niya kagaya ng mga estudyanteng nakikita ko. Hindi lingid sa kaalaman ko na nakailang suway na sa kanya ang mga professors tungkol sa uniform niya pero dahil paulit-ulit na itong nangyayari, hinahayaan na lang ng mga professors dahil wala naman kwenta ang pagpunta sa kanya sa disciplinary committee. Itong lalake na 'to! Kung hindi lang gwapo, baka nasipa ko na 'to. Tsk. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Buti hindi ganyan kakapal ang mukha ni Cali!" sigaw ko sa kanya. Muli ko siyang inirapan. Nanatili naman siyang nakasandal sa pader habang nakatingin sa akin. "Bakit ka ba nandito?" naiiritang saad ko sa kanya. "Binabantayan ka,” mahinang sagot niya sa akin pero sapat na iyon para kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Pinanatili ko ang sarili ko na walang reaksyon at hindi maapektuhan sa sinabi niya pero naramdaman ko na lang ang sarili ko na umiinit ang pisnge. "Ano? Hindi ka man lang ba kikiligin? Tsk,” naiiling na sabi niya sa akin na para bang isang nakakapanghinayang na bagay na hindi kiligin sa kanya. "Ang pangit talaga ng taste mo sa lalaki. Nandito lang naman ako pero doon ka pa sa lalaking walang gusto sa'yo nagkagusto," dagdag pa niya na parang disappointed siya dahil si Jared ang gusto ko. "Teka nga! Bakit mo ba ako binabantayan? Saka hoy! Pangit ka riyan, gwapo si Jared no. Hindi niya lang ako pinapansin kasi pakipot siya," paliwanag ko naman sa kanya. "Bakit mo ba talaga ako binabantayan? Hindi naman na ako bata para makuha mo pang bantayan lalo na kung ikaw lang din ang magbabantay sa akin." sunod-sunod kong wika sa kanya. Siya naman ang umiling sa akin bago ako nagawang tignan. “Well. Consider yourself lucky dahil ako ang nagbantay sa’yo," sagot naman niya sa akin. "At bakit?" "Dahil inalagaan kita ng maayos kahit marami akong dapat gawin." Isang irap na lang ang isinagot ko sa kanya. Tinext ko si Zaien na sunduin ako. Habang hindi niya pa ako sinusundo, wala kaming ginawa ni Axel kundi mag-asaran. Mabuti na lang at dumating na si Z. Nagulat pa nga si Z na nandoon si Axel sa Clinic. Tinanong niya nga ako kung bakit nandoon siya pero miski ako ay wala akong maisagot sa kanya dahil wala rin naman matinong isinagot sa akin si Axel kanina nang itanong ko ‘yon sa kanya. "Bar tayo?" aya ni Z sa akin. Medyo nagulat din ako dahil alam kong kahit gaano pa kahilig si Z sa bar at sa alak, alam kong tumigil na siya. And she did that because of a man. Her ex. Marcus. "Bar? Anong naisipan mo? At saka may sprain ako. Paano ako makakapagbar?" natatawang tanong ko. “Eh di doon na lang tayo sa amin. My parents won’t come home tonight because of a business meeting. Wala rin si kuya because of his work. I’ll be alone.” "Nag-away kayo ni Seb?" tanong ko sa kanya. She told me that she’s trying to work out her relationship with her fiancée. Kaya iyon din ang dahilan kung bakit panay ang sama niya kay Seb nitong mga nakaraang araw. But maybe, Marcus has really different effect on her dahil siya lang naman ang pinakadahilan ng pag-iinom ni Z. "Hindi kami nag-away no'n. Takot na lang no'n kay Tito. Pero ayun nga, gusto ko lang uminom." "At ngayon mo pa talaga naisipan na yayain ako mag-bar na may pilay ako?" Humalakhak siya. "Kaya nga sa bahay na lang tayo. Ihahatid kita sa inyo pagkatapos.” Nagbago kaming dalawa ni Z ng location sa pag-inom dahil masyado na raw siyang nabuburyo sa bahay. Naghanap kami ng lugar na maiinuman na walang masyadong tao. Uminom kami ni Z ng uminom. Hindi ko alam kung pang-ilamg bote na namin ni Z itong iniinom namin pero nakikita ko na doon sa pag-inom ng alak niya binubunton ang lahat ng frustrations sa buhay. "I know it's my fault." Tumawa ito ng pagak. "I should be happy. He deserved that girl anyway. But i just can't really be happy for him." Ngumiti ito ng mapait. Mukhang alam ko na kung bakit kami nanrito. Umiling ako. It's about Marcus again. Sino ba naman ang hindi mafufrustrate sa sitwasyon na mayroon siya? Kahit na hindi ko alam ang buong kwento, alam ko na nahihirapan siya. She's engaged to someone else so she let go her first love by pushing him to his limit kasi hindi kaya makipaghiwalay. Kaya gumawa siya ng paraan na si Marcus ang makipaghiwalay sa kanya. "Have you forgive Janus?" naiiyak na tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim at saka tumango sa kanya. “Oo. Napatawad ko na siya.” Totoo. Totoong napatawad ko na siya. Hindi ko naman kayang magtanim ng galit sa kahit na kanino ng ganoon katagal. Naisip ko na para makalimot, kailangan mo magpatawad ng bukal sa loob mo. Tumahimik siya. "Seb. I think I just pushed him to his limit." Hindi ako nagsalita. Pinakinggan ko lang ang paghikbi niya. "I'm the worst," naiiyak niyang wika sa akin. I know that she hated herself. I know that she keeps on blaming herself until now because of what happened to them. Hindi ko rin naman siya masisisi kung gagamitin niya si Seb para makalimot. Nakakainis man isipin pero alam kong naging masaya si Z kay Marcus noon but things happened. They broke up because of her engagement with Seb at iyon ang pinakaayaw niya mangyari. Leaving someone you love because you're an heiress. Hindi niya kaya makipaghiwalay kay Marcus kaya gumawa siya ng paraan para ito mismo ang makipaghiwalay sa kanya. Marcus thought that she's cheating behind his back because of Seb and knowing her, she used that as an opportunity so they can finally broke up. Pagkatapos no'n, si Seb na ang kasa-kasama niya palagi. Hoping that Z will fall inlove with him kahit na alam nila pareho na mahirap iyon dahil si Marcus ang pinakaunang taong sinubukan ilaban ni Z sa pamilya niya para lang maging sila at matanggap sila nito. Hinayaan ko na uminom si Z until she passed out. I called Seb to take care of her. Hindi ko siya kayang alagaan dahil nga may pilay ako at saka kailangan din nila magkaayos dalawa. "Take care of her." Tumango si Seb at saka umalis na karga-karga si Z. Ako naman ang uminom ng uminom. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako uminom ng ganito. Unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo. Sinubukan ko tumayo pero napaupo na naman ako dahil sa sobrang hilo. Mabuti na lang at hindi ganoon kalala ang pilay ko sa paa. Nakaramdam ako ng pangangailangan ng CR kaya pinilit ko maglakad pero sadyang nagsisimula na manlabo ang aking paningin. Matutumba na dapat ako pero may naramdaman akong may sumalo sa akin. Hindi ko mamukhaan ng maayos ang kanyang mukha, basta ang alam ko lang ay pamilyar siya sa akin. Bago ko pa magawang magtanong kung sino siya ay unti-unti na akong kinain ng antok. "What are you doing?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD