Episode 2

969 Words
DALAWANG oras palang kami dito pero pakiramdam niya ay isang linggo na sila dito ng kaibigan. Nagpa-deliver na lang sila ng pagkain. Mabuti na lang ang hotel na na-book nila ay meron ganoong amenities. Hindi na naming kailangang bumaba para maghanap ng makakainan. Medyo pricey nga lang ang hotel na ito. Pero ayos lang atleast hindi kami mahihirapan sa paghahanap ng makakainan kung gutom kami. “Ano nga palang time tayo lalabas? Kating-kati na ang paa ko sa pamamasyal.” Bored kong tiningnan ang kaibigan ko. “Hindi ba uso sa iyo ang pahinga? Diyos ko meron pa tayong bukas.” Sabi ko at saka napatingin sa relo ko. “Pagabi na baka hindi na tayo makalabas.” “Ano ka ba? Pwede naman tayong lumabas kahit gabi! Mas maganda nga iyon dahil meron ditong lugar na may party-party! Kaya ka nga nagpunta dito para magsaya hindi para magmukmok dito sa apat na sulok ng suite natin! Diyos ka naman!” “Hindi naman sa ganoon. Ang inaalala ko lang baka maligaw tayo. Mahirap na gabi na. Baka si dracula makasalubong natin at kagatin pa tayo.” Sa nanlalaking mga mata ay hinampas niya ako sa balikat. “Aray ko naman! Nanghahampas talaga?” hinaplos ko ang balikat kong hinampas niya. “Nagpapaniwala ka pa sa dracula? Hindi naman totoo yan. It is only a fictional character. Parang yung nababasa ko sa w*****d. Hindi ko na kinibo ang kaibigan ko dahil kung gagawin ko iyon baka magtalo lang kaming dalawa. Pagbigyan ko na lang siya kaysa sumama lang ang araw ko. Although gusto kong matulog dahil sa pagod sa mahabang biyahe namin. Diyos ko may jet lag pa nga ako. Itong isa parang kiti-kiti na hindi mapakaling umalis. Bahala na nga si batman. Well, nandito naman kami para magsaya at hindi magkulong sa silid. HALOS mapatapilok ako sa kahihila sa akin ng kaibigan ko. Nagpunta kami sa mismong centro kung saan nagaganap ang party. Sa labas ng street mismo ang party. Sarado ang ibang part ng kalsada na ginawang venue para sa pagtitipon. Iba’t -ibang lahi ang nandito. Hindi ko mabilang kung ilang tao ang dumalo. “Alam mo bang nasaktuhan natin ang kanilang araw kung saan ginaganap ang kasiyahan.” Nangunot ang noo ko. Bakit alam niya ito? “Hindi mo naitatanong mahilig akong mag-search ng mga place sa Europe kaya alam ko ang mga kaganapan sa bawat bansa.” Tumango ako sa sinabi niya. Nagsisigawan na ang mga tao nang marinig ang musika. Napatingin ako sa stage na nasa gitna. May tumutugtog na banda. May kani-kanyang dalang bote ng alak ang mga tao na nandito. “Halika frenny kuha tayo ng maiinom doon!” turo niya sa isang booth na may namimigay ng alak. Libre kaya iyon? Baka mahal ang alak dito? Humingi ng dalawang bote ng beer si Georgina sa poging nagse-serve ng mga alak. Saan man mapadako ang mga mata ko ay puro pogi ng mga nakikita ko. Saka ang tatangkad nila! At ang mga babae ay magaganda din. Nakakahiya nga ang suot namin ng kaibigan ko dahil halos lahat ng mga babae ay bra ang suot o di kaya naman ay halos lumuwa ang kanilang dibdib dahil sa baba ng neckline ng kanilang suot. Nakasuot lang kami ni Georgina ng simpleng t-shirt at candy pants. Ibinigay niya sa akin ang malamig na bote ng beer na hindi pamilyar ang pangalan. Tiningnan ko ang brand ng hawak kong bote. Nakasulat ang Ursus. “Try mo yan. Sabi nila isa yan sa popular na beer dito sa Romania.” Wala akong nagawa kundi inumin ang beer. Nang malasahan ko ay medyo nagustuhan ko dahil matamis ang lasa at may kaunting sipa ng alcohol. Hindi siguro nakalalasing ito. Tumungga uli ako at naubos ko ang isang bote na hindi ko namamalayan. Sigawan ang mga tao habang sumasayaw. Nakikihiyaw na din kami ng kaibigan ko habang lumalaklak ng panibagong alak na kinuha na naman ng kaibigan ko sa poging nagbibigay ng inumin. Medyo nakaramdam na ako ng tama ng alkohol. Nagpasya akong lumayo muna sa mga tao dahil nabibingi at nahihilo ako. May nakita akong cafe na malapit. Hindi ko sure kung cafe iyon dahil blurry na ang tingin ko sa paligid. Nagpunta ako doon at naupo sa silyang nandoon. Isinandal ko ang likod ko at doon naramdaman ang matinding hilo at bigat ng katawan ko. May lumapit na lalaki. “What’s your order, ma’am?” anito. Napaangat ako ng tingin at sa nanlalabong tingin ay pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaki. Blurry ang tingin ko sa kanya. “I want coffee.” “Is that all?” anito. Tumango ako. Pinikit ko ang mga mata ko habang nakasandal sa sandalan ng upuan. Maya maya pa’y dumating ang waiter at inilapag ang tasa ng kape na in-order ko. Napangiti ako. “Thank you,” pasasalamat ko sa matangkad na waiter. Lahat yata ng mga lalaki dito ay matatangkad at hindi lang iyon. Pogi pa ang mga lalaki dito. Hinigop ko ang tasa. Grabe ang sarap! Napangiti ako. “Ang sarap ng kape mo!” sabi ko sa lalaki. Natigilan ako nang ma-realize kong wala pala ako sa Pilipinas. Bigla akong tumawa. Hinampas ko ang tagiliran ng lalaki. “I thought I am in the Philippines.” Sabi ko habang natatawa. Naramdaman kong tumabi ng upo sa akin ang lalaki. Naamoy ko ang pabango niyang nakakaanyaya sa ilong ko. Pabango palang ang pogi na ang tingin ko sa lalaki. Biglang umikot ang paligid ko. Mahuhulog na sana ako sa inuupuan ko nang maramdaman ang dalawang bisig na sumalo sa likod ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga nitong tumatama sa aking pisngi. Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko. Bago ko pa maisara ang magaganda kong mga mata ay narinig ko pang sinabi ng lalaki. “Sleep well.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD