NAPATINGIN ang kaibigan ko sa ticket na hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito. Matapos kong malamang may iba na ang nobyo ko hindi ko na itinuloy ang balak ko sanang pangingibang bansa namin upang doon I-celebrate ang aming ika-isang taong relasyon bilang magkasintahan.
Mukhang masasayang lang ito at hindi ko na magagamit.
“So, ito ang sorpresa mo sa nobyo mong talipandas at mukhang kabayo?” may pagkadisgusto sa kanyang reaction. Ganyan na ganyan din ang reaction niya nang sabihin kong ito ang regalo ko sa talipandas kong nobyo.
“Diyos ko! Ikaw talaga ang magbibigay ng ticket sa kanya? Hello. . . gaano ba kaguwapo ang nobyo mo at ang kaguwapuhan niya ay worth ng isang ticket to Romania?” napatirik ako ng mga mata dahil paulit-ulit lang siya.
Napairap ako sa kanya. “Obvious ba? Kita mo naman ‘di ba?” Sarcastic na turan ko sa kanya.
“Oh, ang taray mo, teh, ah?” natatawa pa nga siya. Nainsulto ako.
“Seriously ngayon na wala na kayo ng kabayong iyon -” napatingin siya sa ticket.
“Sino naman ang makakasama mo papunta ng Romania, eh, dalawa lang ang ticket mo? Ano iyon hahatiin ang sarili mo para maging dalawa kayo?” natawa ang kaibigan sa sarili nitong biro. Tuktukan ko kaya ito para matauhan siya sa pinagsasabi niya. Hindi bumenta ang joke niyang nakaiinis. Isang irap ang naging reaction ko.
“Why not ikaw na lang ang isama ko?” diretsahan kong saad. Naisip kong dalawa na lang kami ng kaibigan ko. Sayang naman kasi kung hindi ko gagamitin ang ticket. Saka mas mabuting siya ang kasama ko para naman makapasyal naman ang kaibigan ko.
“Ako?” turo nito sa sarili. Napatirik ako ng mga mata.
“Yeah, ikaw nga alangan naman siya..” itinuro ko ang pusa na nakatunghay sa amin.
Meow siya nang meow kanina pa. Mukhang gutom na. Hindi yata ito pinakakain ng kaibigan ko. Napahalakhak si Georgina Pante at sumabay pa ang shitzhu na aso niya. Umalulong…
“Ako?” turo na naman nito sa sarili. Paulit-ulit lang? Biglang lumanding ang kamay ko sa kanyang batok.
“Oo nga ikaw paulit-ulit lang? Ayaw mo yata sa iba ko na lang ito ibibigay,” sabi ko. Bigla niyang kinuha sa akin ang ticket at tinago sa loob ng kanyang dibdib. Napa-make face ako sa kanya.
“Sa akin na ito, no? Thanks frenny sa wakas makakapag-travel na ako outside na country. Oh my god! I can’t believe it!” napatingala ang kaibigan ko habang nakangiti.
Sa kabila ng kasiyahan ng kaibigan ko kabaligtaran ang nararamdaman ko. Hanggang ngayon kasi masakit pa rin ang heart ko. Parang wala ng saysay ang kanyang buhay. Pupunta ako sa Romania at doon ko tatapusin ang buhay ko. Atleast mamamatay ako sa social na bansa, ’di ba?
Napatirik ng mga mata si Trina nang makita ang outfit ng kaibigan. Mukha siyang mag-i-ski. Balot na balot ang katawan niya. Kulang na lang magdala siya ng skiboard.
“Maghihintay pa tayo ng dalawang oras rito?” napatingin ako sa kaibigan at binigyan siya ng tingin na bored.
“Malamang dahil maaga tayong nakarating. Akala ko ma-traffic ‘yon pala maluwag pa sa brief ng tatay ko ang kalsada. “ Ani ko. Tumawa ang kaibigan.
“Grabe ka makaapi sa brief ng tatay mo. Hindi mo naman kasi binibilhan ng bagong brief. Diyos ko ka naman. ’Buti pa ang ex mong mukhang kabayo binilhan mo ng ticket pa-Romania pero ang mga magulang mo ni sa Baguio hindi mo magawang ipasyal man lang! Ganoon ka na ba kabulag sa mukhang kabayong iyon? My God!” maarteng sabi ng kaibigan. Exaggerated ng reaction niya. Inalis na nito ang jacket na makapal pati na ang bonet na kasing kapal ng bulbol ng aso naming si Y-T.
“Binibilhan ko ‘yon sayang naman daw kasi kung hindi niya palulumain ang iba. Gusto niya kasi malalaglag na sa baywang niya at maaninag na ang dapat maaninag at saka niya palang papalitan. Grabe ka naman makapanghusga! Inaaya ko na silang mag-out of town pero tumatanggi sila.” Paliwanag ko. Hindi naman ako masamang anak para balewalain ang mga magulang ko. Of course, mas mahalaga pa rin sila.
Napasandal ako sa upuan.
“Naku ganyan talaga ang mga matatanda na. Ang nanay ko ‘yung duster na suot niya, aba, noong college pa yata ako nang binili niya ‘yon. Mukha na ngang basahan mas bago pa nga ‘yung basahan na gamit kong pamunas sa lamesa namin.”
Napahagikgik ako. ’Buti na lang kasama ko ang kaibigan kundi mapapanisan ako ng laway dito. Narinig na namin ang flight number namin kaya tumayo na kaming dalawa. Bago ako pumasok sa departure area napalingon ako.
Goodbye, Pilipinas!
SA buong biyahe tulog kami ng kaibigan ko. Nagigising lang kami kapag kainan time na. Halos 12 hours rin ang naging biyahe namin. Diretso nga ang naging flight naming dalawa kaya ang sakit sa wetpu.
“Oh my god!” masayang sabi ng kaibigan nang makababa na kami sa eroplano. Palabas na kami ng airport para mag-abang ng taxi papunta sa hotel na tutuluyan namin. May humintong taxi sa harapan namin. Bumaba ang isang matangkad na lalaki. Parang nag-slow motion ang paglalakad ng lalaki palapit sa amin. Napanganga kaming dalawa ng kaibigan ko hindi dahil sa tangkad niya kundi dahil ang guwapo niya! Naghawakan kami ng kamay ng kaibigan ko.
“Frenny, ang guwapo niya. Artista ba s’ya dito?” tanong ng kaibigan.
“Oo nga frenny! Para siyang si Nick Bateman. Oh my god! Ang pante ko malalaglag!” napairap sa akin ang kaibigan. Nabanggit ko na naman kasi ang last name n’yang Pante.
“Salut. Bună ziua” bati ng lalaki sa lengguwahe nila. Kinuha ko agad ang aking book translator. Hinanap ang sinabi niya.
“Salut.” bati ko sa lengguhawe ng Romanian. Napatingin ang kaibigan ko sa akin.
“Salut? Ano siya sundalo o pulis? Magsa-salute ka sa kanya?” napangiwi ako sa tinuran ng kaibigan.
“Ang sabi ko sa kanya ‘Hi’.”
“Ah. . . Salut!” samaludo ang si Georgina sa lalaki. Natawa ang lalaki sa inasta ng kaibigan. Mas lalong naging guwapo ang lalaki nang masilayan namin ang kanyang mapuputing mga ngipin. Ganito ba ang mga lalaki rito sa Romania parang pang-artista ang kanilang kaguwapuhan?
“I am a taxi driver. I will take you wherever you go,” ani ng guwapong taxi driver. Hindi ko nga alam kung matatawag ko siyang taxi driver dahil mukha siyang model at hollywood actor.
“Marunong naman palang mag-english pinahirapan pa akong maghanap dito sa book.” Reklamo ko. Ngumiti naman ang lalaki sa amin.
Sinabi ko ang address ng hotel kung saan kami naka-book ng kaibigan.
“Okay, ma’am,” kinuha niya sa amin ang dala naming maleta at inilagay sa trunk ng taxi niya. Kami naman ni Georgina ay pumasok na sa loob ng taxi ng guwapong driver.
“Grabe pala mga driver dito parang artista. Kung ganito ba naman ang mga taxi driver sa Pilipinas malamang palagi na akong sasakay ng taxi kahit mahal!” Sabi ng kaibigan habang nakapagkit ang tingin sa driver nang sumakay na ito.
Napatingin sa rearview mirror ang lalaki. Napabaling ang tingin ko sa kabilang ibayo. Nang hindi na ito nakatingin ay napatingin ako sa nakasabit na ID ng lalaki . Ang laki ng letra nakalagay rito.
Ciprian Dumitru.
Ang unique ang name. Mga ilang oras rin ang biniyahe namin nang marating ang hotel. Buti walang traffic sa dinaanan namin.
Bumaba kami ni Gerogina. Tinulungan naman kami ng taxi driver na ipasok ang mga bagahe namin sa loob ng hotel. Hanggang sa loob ng suite namin ay hindi kami iniwanan ng taxi driver. Gustong-gusto naman ng kaibigan ko dahil nakikita niya ang pag-flex ng muscle ng lalaki habang buhat ang mga maleta namin. Napangiti ako nang napasulyap sa akin.
“Thank you for helping us to get our luggage. Here’s your tip. Binigyan ko siya ng 20 dollars. ‘Yon lang kasi ang available na pera ko.
“I can’t accept that.” Tinanggihan nito ang binigay ko. Baka naman naliitan sa ibinigay ko? Bahala na nga siya. Aba buti nga binibigyan ko pa s’ya.
Umalis na rin agad ang lalaki. Binigyan pa kami ng nakakahimatay na ngiti. Pagkasarado ng pinto tumili ang kaibigan. Tinakpan ko ang tainga ko dahil nabingi ako sa tili niya.
“Ano ka ba kung makatili ka parang tinanggal ‘yang tinggil mo.” Inirapan ko s’ya.
“Ang guwapo niya kasi. Huwag mong sabihin hindi ka tinalaban sa ngiti niyang ‘yon? My God! Ngiti palang ‘di na ako virgin!’ hindi makapaniwalang tinapunan ko nang tingin ang kaibigan.
“Ang overacting mo maka-virgin ka d’yan akala mo niromansa ka na ng lalaki.”
Naglakad ako patungo sa malaking salaming binatana ng suite namin. Kita ang malaking siyudad ng Bucharest. Napakaganda ng mga nagtatayugang mga istraktura ng lungsod. Excited na akong libutin ang capital ng Romania. Gusto ko pang puntahan ang naging bahay ni Count Dracula. Well, legend lang iyon pero marami ang naniniwalang totoo si Dracula.
Kung pogi si Dracula magpapakagat ako sa leeg niya baka malahian pa ako ng magandang lahi. Napangiti ako dahil sa mga kalokohang naiisip ko. Although may dinadamdam ako dahil sa pang-iiwan sa akin ng talipandas kong nobyo. Naging masaya pa rin ako sa pagpunta namin dito.