NAGISING ako sa malakas na tampal sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mga mata. Nabungaran ko ang kaibigan kong kunot na kunot ang noo niya habang nakasulyap sa akin.
“Ano ka reyna na dapat tanghali na magising? Nandito tayo sa bansang ito para mamasyal at hindi para matulog.” Inis na sabi nito.
Bumangon ako at nag-inat ng mga braso ko. “Anong oras na ba?” tanong ko. Wala akong maalala kagabi kung ano’ng ginawa ko at kung paano ako nakarating dito sa hotel namin. Baka naman kasama kong umuwi ang kaibigan ko. Nawala lang sa isip ko dahil lasing nga ako ’di ba?
“Ala una na ng hapon,” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ala una ng hapon?
“Bakit hindi mo ako ginising? Pupunta pa tayo sa bahay ni dracula!” hysterical na sabi ko. Napatirik ng mga mata ang kaibigan ko. Bumaba ako sa kama at nagmamadaling nagpunta ng banyo para maligo.
“Kung pupunta tayo doon ngayon baka abutin tayo ng gabi. Malayo ang lugar na iyon at baka hindi na tayo makauwi.” Napahinto ako sa pagpasok sa banyo.
Oo nga no? Baka abutin kami ng dilim doon. Nakakatakot pa naman. Although myth lang iyon pero madami pa ding naniniwalang nag-exist si Dracula noon. At meron din naniniwalang baka buhay pa si Dracula sa panahon na ito. Nasa paligid lang siya at nagmamasid sa paligid.
Nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo sa katawan ko. Bigla akong yumakap sa kaibigan ko na ngayon ay takang-taka sa ginawa ko.
“Bakit ka ba yumayakap? Ew… Di ka pa nagtoothbrush!” aniya saka niya ako itinulak. Napairap ako sa ginawa niya.
“|Ang arte mo!” naupo na lang ako sa kama. Sinuklay ko ng daliri ko ang magulo kong buhok habang nakatingin sa kaibigan kong bihis na bihis. Nangunot ang noo ko.
“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Anong saan ako pupunta? Kadarating ko lang galing sa pamamasyal,” anito na ikinabilog ng mga mata ko.
“What?! Bakit hindi mo man lang ako ginising? Ang daya mo! Inilibre pa nga kita ng ticket papunta dito. Remember? Tapos mag-isa ka lang mamasyal? Nasaan ang hustiya doon? Wala kang utang na loob!” nagmamaktol na sabi ko.
Pumameywang sa harapan ko si Georgina at tinaasan ako ng kilay. “And dami mo namang sinabi. Nangonsensya ka pa. Sinampal kita kanina pero walang epekto,” napatakip ako sa labi ko. Sinampal niya ako? Napahawak ako sa aking pisngi. Kaya pala ang sakit ng panga ko. Naningkit ang mga mata ko.
“Pwede mo naman akong tapikin, ah? Sampal talaga?” nakanguso kong sabi. Ito talagang kaibigan ko na ito kahit kailan nananakit!
“Hindi ka magising sa tapik lang kaya ginawaran na kita ng malakas na sampal.” Tumawa ito na parang tuwang-tuwa na nasampal niya ako. Ang sama ng babaeng ito!
“Teka sino naman ang kasama mong namasyal? Pagkakaalam ko ako ang nakakaalam ng pupuntahan natin dahil nasa akin ang mapa ng Romania!”
Gusto kong matawa sa sarili kong biro. Mapa talaga ng Romania?
“Sinamahan ako ng napakaguwapong fafa na nakilala ko kagabi.” Ngumuso ako dahil naunahan pa akong makahanap ng gagang ito. Dapat ako itong dapat makahanap dahil broken hearted ako. I need to move on sa kabayong iyon!
“Paano mo naman nakilala ang lalaking iyon? Nagtiwala ka naman agad? Baka pinasasakay ka lang ng lalaking iyon?” sunod-sunod na sabi ko. Magmula nang mabigo ako sa pag-ibig. Naging bitter na ako sa lahat ng lalaki. Pakiramdam ko lahat sila manloloko.
“Huwag mong ipares sa ex-boyfriend mong kabayo ang nakilala kong lalaki. Mabait iyon at gentleman. Ipinasyal niya nga ako ng walang bayad at take note may car siya! Bongga!” masayang kwento nito.
Hindi ko maiwasang mainggit sa kaibigan ko. Ako itong broken hearted dapat ako ang binibigyan ni lord ng new guy. Nalungkot ako.
“Huwag kang mag-alala ipakikilala kita sa kaibigan niyang pogi din. Kasama nga namin kanina. Sayang hindi ka nakasama.” Biglang sumama ang mukha ko. Kasalanan ko naman kung bakit hindi ako agad nagising. Mukhang ang dami kong nainom kagabi. Promise ko sa sarili kong hindi na ako iinom ng madami. Sa kaibuturan ng puso ko may takot na akong magmahal muli.
KINAGABIHAN nag-aya si Georgina na lumabas. Sasamahan daw kami ng pogi niyang kaibigan. Pumayag na ako kahit may pag-aalinlangan ako. Nagsuot lang ako ng pants at crop top. Mabuti na lang summer dito kaya hindi malamig masyado. Keri ko pa naman ang lamig. Parang level 1 lang sa ref. Ganern.
Pagkalabas namin ng hotel ay may humintong kotse sa harapan namin. Mukhang mayaman yata itong lalaking ikinukwento ng kaibigan. Mukhang mamahalin ang sasakyan nito. May apat na bilog ang nakatatak sa harapan ng sasakyan.
Kinalabit ko ang kaibigan ko na todo ang pagkakangiti habang nakatingin sa nakahintong sasakyan.
“Sa tingin mo mapagkakatiwalaan yang sinasabi mong kaibigan?” bulong ko dito.
Bahagya itong napalingon at ibinalik ang tingin sa akin saka sinagot ang tanong ko.
“Aba oo naman. Tingnan mo ang car niya mahal iyan.” Napasulyap muli ako sa sasakyan ng lalaki. Bumukas ang pinto sa passenger side. Parang nag-slow motion ang lahat nang bumaba sa sasakyan ang lalaki. Umawang ang labi ko dahil totoo ngang pogi ang lalaki. Ngunit nawala ang ngiti ko nang mapadako ang tingin ko sa suot nitong sapatos. Nakasuot ng high heels ang lalaki.
Mas lalo akong napangiwi ng napatili ito. Bakla pala. Nagulat ako ng lagpasan kami ng bakla. Napatingin ako sa nilapitan nito. Napakamot ako sa ulo ko.
“Hayun siya!” turo ni Georgina sa lalaking kakababa lang ng sasakyan na Jaguar. Ito na talaga umawang ang labi ko at hindi ko mapigilang humanga sa taglay na kaguwapuhan ng lalaki.
“Di ba ang pogi niya!” kinikilig na sabi ng kaibigan at napakapit sa braso ko at tila pinanggigilan niyang lapirutin ang kaawa-awa kong braso.
“Hi, baby,” bati ng poging lalaki sa kaibigan ko. Inipit ng kaibigan ang takas na buhok sa kanyang tainga. Para siyang
nagpapa-cute.
Siniko ko si Georgina. “Huy, ipakilala mo naman ako diyan sa kaibigan mo.” Sabi ko. Napangiti ako sa lalaki ng mapasulyap siya sa akin. Parang malalaglag ang panty ko ng ngumiti sa akin ang lalaki. Diyos ko ang pogi niya! Walang-wala sa kalingkingan ng ex-boyfriend kong salawahan.
“By the way this is my friend Trina,” pakilala sa akin ni Georgina sa dalawang lalaki. Ngumiti ako at ikinaway ko ang isa kong kamay. Sabay sabing. . . “Hi!”
“Mă bucur să te cunosc.” Bati nito sa kanilang lengguwahe. Alanganing ngiti ang sumilay sa aking labi. Bahagya kong siniko ang kaibigan ko.
“Anong sinabi niya?” tanong ko.
“Ano ka ba? Hindi mo alam? Hindi ko din alam, eh?” Napakamot ng ulo si Georgina. Pareho kaming natawa ng mahina. Nosebleed kaming pareho ng kaibigan ko.
“I said nice meeting you,” sabi ng lalaki.
“Walanghiyang ito marunong naman palang magsalita ng english.” Bulong ko.
“I am Cristian, and this is my friend Stefan.” Pakilala ng lalaki sa sarili niya at sa kasama nitong lalaki. Nakipagkamay ako sa kanila.
Pagkatapos magpakilala sa kanila ay inaya nila kaming pumasok sa loob ng magarang sasakyan. Inalalayan pa nga akong pumasok nung lalaki at saka naupo sa tabi ko. Si Georgina naman ay nasa harapan at ang driver ang lalaking nakilala nito.
Napangingiti ako habang napapasulyap sa katabi kong lalaki. Diyos ko ang macho niya. Napababa ang tingin ko sa kanyang mga hita. Gustong manlaki ng mga mata ko nang makita ko kung gaano kalaki at kataba ang kanyang manoy. Napakagat labi ako.
Isang mansyon ang pinuntahan namin. May paghangang napatingin ako sa malaking mansyon. Teka anong gagawin namin dito sa malaking mansyon na ito?
Napatingin ako sa kaibigan kong nauna na sa amin ng kasama ko. Gusto ko sanang magtanong sa lalaki nahihiya naman ang beauty ko. Ngingiti-ngiti lang ako at gayon din ang lalaki sa akin. Diyos ko mapapanisan ako ng laway nito.
Pumasok kami sa loob ng malaking mansyon. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung gaano kaganda ng structure ng bahay. Para lang akong nanonood ng movie na ang tema ay unang panahon. Hindi kaya bahay ni dracula ito?
Napatingin ako sa kasama kong lalaki. Hindi kaya mga alagad ni dracula ang mga ito? Bigla akong napatakbo at lumapit sa kaibigan ko.
“Uwi na tayo! Baka ihain tayo kay dracula!” sabi ko sa kaibigan ko. Nagtataka namang napatingin sa akin ang kaibigan ko.
“Dracula ka diyan! Nandito tayo sa bahay ng kaibigan ng kasama natin. Huwag ka ngang OA diyan? Pasalamat ka nga sinamahan niya tayong mag-explore dito sa place nila. At take note sa pangyamang lugar pa.”
Wala akong nagawa kundi sumunod ngunit hindi ako humiwalay sa kaibigan ko. May takot akong nararamdaman. Pumasok kami sa mahabang hallway. Ang mga ukit ng mga wall ay kakaiba na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.
“Kaninong bahay ito? Bahay ba ito ng kasama mo?” bulong na tanong ko sa kaibigan ko. Umiling siya. Mas lalong sumalubong ang kilay ko.
“Kaninong bahay nga ito?” ulit kong tanong sa kanya.
“Hindi mo mahulaan kung kanino? Ano ka ba! Hindi ko din mahulaan.”
Gusto kong sabunutan ang bulbol ng kaibigan ko dahil sa kakornihan ng kanyang joke.
“What are we doing here?” lakas loob kong tanong sa dalawang lalaki. Sabay pang napalingon ang dalawa at nagkatinginan. Sumingkit ang mga mata ko habang hinihintay ang sagot nila.
“We don’t know,” nanlaki ang mga mata ko sa sagot ng isang lalaki. Anong ginagawa namin dito kung gayon? Huwag nilang sabihing pumasok kami sa mansyon ng walang paalam?
“Uwi na tayo!” sabi ko sa kaibigan ko. Gulat na sinulyapan ako ng kaibigan ko.
“Baliw ka ba? Sa haba ng ibinyahe natin sa palagay mo makakauwi pa tayo? Walang tricycle dito o jeep. Diyos ko ka naman!”
Napairap ako sa sagot niya. Siya ang may kasalanan kung bakit kami nandito. Kung hindi ba naman niya pinairal ang kalandian niya hindi kami mapupunta sa lugar na hindi namin alam kung kaninong bahay ito!
“Sabihin mo sa dalawang ugok na iyan na umalis na tayo. Baka makita pa tayo ng may-ari ng bahay at kasuhan pa tayo! Diyos ko nandito ako para mamasyal at magsaya. Hindi para makulong sa bilangguan!”
“Makulong agad? Hindi ba puwedeng naligaw lang tayo kaya nakapasok tayo dito?” Nag-igting ang panga ko sa inis sa kaibigan ko. Sana pala ako na lang mag-isa ang nag-travel at hindi ko kasama ang kaibigan kong ito na ubod ng landi.
Napatingin ako sa paligid ng mansyon. Ang creepy ng itsura. Napasulyap ako sa malaking painting. Nagtaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa takot. Para kasing nakatitig ang lalaki sa painting. Ngunit nawala ang takot ko nang matitigan kong maigi ang painting. Parang pamilyar ang mukha ng lalaki. Nakita ko na ba ang lalaking ito sa personal?