BAHAGYA ko siyang itinulak. Nang makatayo ako agad na naglakad ako ng mabilis upang hindi na siya sumunod sa akin. Napahinga ako ng maluwag nang hindi naman ito sumunod.
Agad siyang nagbihis ng damit. Hindi na niya nagawang magpaalam sa kaibigan.
Nang may humintong taxi at may ibinabang pasahero agad siyang sumakay. Napahawak siya sa dibdib nang makaupo sa loob ng taxi.
“Grabe! Kung minamalas ka nga naman. Bakit ba lagi na lang sumusunod sa akin ang babaeng iyon?!” Kausap ko sa sarili.
“Ma’am, relax lang po baka atakihin kayo sa puso.” Napatingin ako sa taxi driver. Nangunot ang noo ko. Napatingin ako sa taxi driver. Ngayon ko lang napagmasdan ng maigi ang mukha nito. Pilipinas ba ito o ibang western country. Bakit parang mga foreigner ang nakikita niya ngayon.
Nangamot ng ulo ang taxi driver. “Pasensya na po Ma’am sa sinabi ko.” Hinging paumanhin nito.
“Okay lang po iyon. Hindi ko lang po maiwasang maglabas ng inis.” Paliwanag ko sa lalaki.
“Saan po ba tayo, Ma’am?” Tanong niya sa kanya. Sinabi niya rito kung saan ang address ng bahay nila. Hindi niya maiwasang mapatingin sa driver. Hindi rin siya mapakaling tanungin ang driver kung may lahi ito.
“Anak ka ba ng amerikano?” out of nowhere niyang tanong sa driver. Napatingin sa kanya ito. Hindi man nakita ang labi nito, ngunit kita niya sa pagsingkit ng mga mata na ngumiti ito.
“Romanian ang tatay ko. Pero ipinanganak ako rito kaya marunong akong magtagalog,” sabi nito. Dahil dakilang ususera siya, gusto niyang malaman ang buhay nito.
“Talaga? Nagbakasyon ako roon kasama ng best friend ko. Maganda ang lugar na iyon. Gusto ko ngang bumalik kapag may pagkakataon.” Kuwento niya sa lalaki.
“Sa katunayan po Ma’am hindi ko pa nakikita sa personal ang tatay ko. Lumaki po ako sa poder ng Lola ko. Namatay po ang Nanay ko noong ipanganak ako.”
Naging interesado siya sa kwento ng lalaki. Parang tele-serye lang sa TV.
“Wala ka bang picture ng Tatay mo?” Tanong ko. Umiling ang lalaki. “Kung sana meron kang picture, pwede mong hanapin sa social media. O kaya manawagan ka,” sabi ko.
“Wala na akong balak hanapin kung sino pa ang ama ko. Masaya na akong kasama ang lola ko. Kapos man sa pera, pero masaya naman kami ng lola ko.”
Hindi ko maiwasang humanga sa lalaki. Iilan na lang sa katulad niyang mapagmahal sa pamilya.
“Paano kung hinahanap ka rin ng Tatay mo?” Tanong ko. Malay mo hinahanap din pala siya ng totoo niyang Tatay. Hindi naman siguro lahat ng ama ay kayang kalimutan ang anak nila.
Natawa nang mahina ang lalaki sa komento ko.
“Malay mo ’di ba?” Dagdag ko pa.
“If ever na hinahanap niya ako o gusto niyang hanapin ako wala naman sa akin iyon. Ang sa akin ayoko lang umasa sa wala. Masakit kasi ang umasa. Napagdaanan ko na kasi iyan noong bata ako. Umasa akong makikita ang ama ko, pero hindi naman nangyari,” anito. Kita ko ang paglungkot ng kanyang mukha.
Naalala ko na naman ang ex-boyfriend ko-kung paano niya ako pinaasa sa inaakala kong totoong pagmamahal niya sa akin.
“Nandito na tayo, Ma’am,” anunsyo ng lalaki. Napatingin ako sa labas ng bintana. Oo nga nandito na pala kami. Hindi ko namalayan dahil sa katatanong ko sa lalaki tungkol sa buhay nito.
Tiningnan ko ang metro kung magkano ang ibabayad ko. Hinugot ko sa bulsa ng bag ko ang dalawang daang piso.
“Keep the change,” sabi ko at nginitian ang lalaki. Malawak na napangiti ang lalaki.
“Salamat Ma’am,” sabi nito.
“Ano ka ba? Huwag mo na akong tawaging Ma’am. Masyado namang formal ang tawag na ganyan.”
Napasulyap ako sa ID na nakasabit sa harapan. Nagtaka ako dahil hindi naman niya mukha ang nasa ID. Magsasalita sana ako nang magsalita ang lalaki.
“Nandito na po tayo, Ma’am.” Nakangiting sabi nito. Napasulyap ako sa labas ng bintana. Nandito na nga kami. Kumuha ako ng dalawang daan sa wallet ko at ibinigay sa lalaki. Napangiti naman ito nang kunin niya ang bayad ko.
Nang makababa sa sasakyan ng lalaki napalingon ako. Nagtaka ako nang hindi pa ito umalis. May kausap ito sa phone at napatingin pa sa akin. Umalis din naman agad ang lalaki nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Binalewala ko na lang ang nakita ko.
Pagkapasok sa bahay nakasalubong ko ang Nanay kong mukhang may pupuntahan.
“Saan po kayo pupunta?” Tanong ko nang makapasok sa loob ng aming bahay.
“Diyan sa kapitabahay. May bertdey kaya pupunta ako. Ikaw na ang bahala rito sa bahay. Mamaya dadalhan kita ng handa na maiuuwi ko,” sabi ng Nanay ko. Napangiwi ako. Mahilig ang Nanay niyang mag-uwi ng pagkain galing sa handaan. Walang palya iyon kahit noong bata palang siya.
Napansin ko ang bulaklak na nasa ibabaw ng center table.
“Nay, kanino po ang bulaklak na yan? Mukhang mamahalin. Huwag niyong sabihing may manliligaw kayo? Aba naman Nay may asim pa pala kayo. Ano sabi ni Tatay?” Biro ko.
Kilala ko kasi ang Tatay ko na hindi mahilig magbigay ng bulaklak sa Nanay ko. Nabanggit din sa akin ni Nanay na panay pagkain ang binibigay ni Tatay. May allergy kasi ito sa bulaklak.
“Anong manliligaw pinagsasabi mo riyan? Para sa iyo iyan. Sa tanda kong ito may magkakagusto pa? Saka buhay pa ang Tatay mo para palitan ko. Hindi ko kilala kung kanino galing. Wala naman sinabi yung nag-deliver na lalaki. Nagkabalikan na ba kayo ng nobyo mong napakaguwapo?” Napatirik ako ng mga mata. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kapangit ang lalaking iyon.
Natatawang umalis si Nanay. Ako naman ay naiwan. Kinuha ko ang bulaklak at tiningnan kung may card. Meron ngang card. Napakunot ang noo ko nang makilala ang sulat dahil parang ganito rin ang sulat kamay nung nagpapadala ng bulaklak sa akin sa Romania.
Sino ba itong nagpapadala sa akin ng bulaklak? Stalker ko ba ito? Diyos ko hanggang dito sa Pilipinas nagpapadala ng flower. Humarap ako sa pintuan at napatingin sa gate namin. May nakatigil na itim na sasakyan. Nangunot ang noo ko. Nakapagtatakang may sasakyan ang kapitbahay naming numero unong Marites. Ni pangsaing nga palaging nangungutang kay Nanay, kotse pa kaya?
Aba may kaibigan pala itong mayaman? Bakit hindi niya ito utangan?
Hindi kaya ito ang taong nagbibigay ng bulaklak sa akin? Nagpasya akong lumabas upang kausapin ang taong nasa loob ng sasakyan. Nang lalabas na ako sa gate namin humarurot paalis ang sasakyan.
“Hoy! Bumalik ka rito!” Sigaw ko habang nakapameywang. Napatingala ako sa poste. May CCTV. Napangisi ako.