Episode 14

1421 Words
AGAD akong pumunta sa barangay namin para malaman kung anong plate number ng sasakyan. Pinara ko agad ang tricycle na paparating. “Manong sa Barangay hall po tayo,” sabi ko sa tricycle driver. Napansin kong hindi pa umaalis ang tricycle. “Manong sa Barangay hall po,” ulit kong sabi rito. Nangunot ang noo ko. “Miss bababa ang pasahero ko,” sabi ni Manong tricycle driver sa akin. Napatingin ako sa katabi ko. Nakatingin sa akin ang maliit na lalaki. Napangiti ako ng alanganin. Bumaba muna ako upang makababa ang maliit na lalaki. Masamang tingin ang ipinukol sa akin ng maliit na lalaki bago umalis. Napatirik naman ako ng mata. Malay ko ba na may pasahero pa pala. Umalis din agad ang tricycle nang makasakay na ako. Limang minuto rin ang itinakbo ng tricycle at narating namin ang Barangay hall. Agad kong dinukot ang pera sa bulsa ng short ko. Agad kong ibinigay kay Manong tricycle driver ang singkwenta pesos. “Keep the change,” sabi ko. Hindi naman nagkomento pa si Manong. Nakasalubong ko ang kakilala kong nagtatrabaho sa Barangay bilang utility staff. “Oh, anong ginagawa mo rito, Trina?” Tanong ni Bugoy. “May ipapahanap sana akong ta-” Naputol ang sinasabi ko nang magsalita ito. “Nawawala ang Nanay mo? Naku patay! Marami pa naman ngayong nawawala na hindi na nahahanap o kung hindi naman natatagpuang wala ng buhay at tadtad na ng saksak.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Binatukan ko siya. Napahimas na lang ito ng kanyang ulo. “Hindi naman Nanay ko ang pinahahanap ko. Pwede ba patapusin mo muna ang sinasabi ko bago ka mag-conclude. Tsura nito.” Inirapan ko siya. “Ganito kasi iyon. May nagpadala sa akin ng bulaklak. Wala namang nakalagay na pangalan sa tarheta na nakalagay sa bulaklak. Wala naman akong manliligaw na nagpakilala sa akin. May napansin din akong sasakyan na nasa harapan ng bahay namin. Sisitahin ko sana kaso biglang humarurot paalis. Hindi ba may CCTV ang Barangay sa lahat ng kanto. Baka sakaling makita ang plate number ng sasakyan.” “Teka tanungin natin ang Kapitan. Halika nandoon siya sa loob ng opisina niya.” Pag-anyaya niya sa akin. Agad kaming pumunta sa opisina ng Kapitan. Pagkapasok sa loob siya naman pagtayo ng isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Mukhang kausap ng Kapitan. Napadaan ang lalaki sa harapan namin. Napapatingin pa nga ito habang palabas ng opisina ng Kapitan. “Anong maipaglilingkod ko sa iyo binibi?” Tanong ng Kapitan. “Itatanong ko lang po kung pwedeng makita ang CCTV footage sa bandang zone 5. Meron po kasing sasakyan ang umaaligid sa bahay namin. At may nagpapadala sa akin ng bulaklak. Baka po connected sa may-ari ng sasakyan. Gusto ko po sanang makita ang kuha ngayong araw.” Mahabang paliwanag ko. “Naku, hija, sira ang CCTV. Hindi natin makikita ang footage ngayong araw.” Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig. Anak ng putik naman! Minamalas ka nga naman. Pumameywang ako. “Naglagay pa kayo ng CCTV sira naman. Sana hindi na lang kayo nagpalagay niyan. Sayang lang ang perang ginastos niyo riyan. Walang kwenta.” Inis na sabi ko. “Pasensya na Miss wala rin kaming magawa para ipagawa ang mga CCTV. Wala pang budget para riyan. Nagsabi na kami sa Mayor, pero wala pang sagot sa opisina niya,” sabi ng Kapitan. “Ngayon alam niyo na kung sino ang iboboto niyo sa susunod na halalan.” Makahulugan kong wika. Natawa ng mahina ang nakapaligid sa amin. Ang Kapitan naman ay napaiiling lang sa komento ko. Umuwi akong walang nahita sa barangay. Pagkapasok ng bahay napalundag ako sa gulat dahil may isang lalaking prenteng nakaupo sa aming sofa. “Nandito ka na pala, anak. Asikasuhin mo ang bisita mo. Aba, hindi mo man lang sinabi sa aking may bago kang manliligaw at porener pa!” sabi ng Nanay ko. May hawak itong baso ng juice. Ibinigay niya sa lalaking ayaw kong makita. Bakit nandito ang lalaking ito? Ano pang kailangan niya sa akin? Baka magalit lalo ang kaaway niyang kaklase niya noong high school. Teka lang? Tama ba ang narinig ko kay Nanay na nanliligaw ang lalaking ito? Aba! Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito. Hindi porque makisig ang lalaking ito papayag na akong magpaligaw. Ayokong manira ng relasyon lalo pa at engaged na ang lalaking ito. Tumikhim ako upang alisin ang bara sa lalamunan ko bago nagsalita. “What are you doing here?” Tanong ko. Mapapasabak na naman ako sa inglesan nito. Nose bleed na naman ako. Napangiti ang lalaki. Tumayo ito. Napaatras ako nang lumapit sa akin ang lalaki as in malapit talaga! Gahibla na lang ang pagitan naming dalawa. Hinawi niya ang takas na buhok ko na nakatakip sa bandang mata ko. Napalunok ako. Hindi ko alam ngunit parang pamilyar sa pakiramdam ko ang paghawi nito sa buhok ko. Diyos ko ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ganito ang pakiramdam ko sa lalaking ito? Hindi ko naman siya kilala ng lubos pero bakit pamilyar ang pakiramdam ko sa kanya. “Come with me. I’ll show you something. It’s important,” sabi nito. Lumayo ako sa kanya at napatitig sa guwapo nitong mukha. “Why?” Curious na tanong ko. Maikli na nga lang ang naitanong ko. Kung mahaba ang sasabihin ko baka humaba pa ang usapan namin. Why pa nga lang dumudugo na ang ilong ko. “Nakasalalay ang buhay ko sa iyo,” sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa sinabi niya kundi sa narinig ko. Marunong magtagalog ang lalaking ito? Humakbang ako ng kaunti para makalapit sa kanya. Sinampal ko ang lalaki. “Marunong ka naman palang magtagalog! Pinahirapan mo pa akong walanghiya ka!” sabi ko sa mataas na boses. Humahangos na lumapit sa amin ang Nanay ko. “Bakit anong nangyari? Are you okay?” Tanong ng Nanay ko sa lalaki. Kinapa nito ang ibabaw ng dibdib ng lalaki. Napangiwi ako. Bakit yung lalaki ang kinukumusta niya at hindi ako? “Nay, ako ang dapat tinatanong ninyo ng ganyan at hindi ang lalaking iyan. Narinig mo naman sigurong nagtaas ako ng boses. So it means ako ang naagrabyado rito at hindi siya.” Pagmamaktol ko sa Nanay kong maykinikilingan at may pinoprotektahan. Napabaling ang tingin sa akin ng Nanay ko. Naningkit. “Sumama ka sa kanya. Kung hindi kukurutin ko ang singit mo sa harapan niya.” Pagbabanta ng Nanay ko. Humaba ang nguso ko. Napangiti ang lalaki sa akin. Inirapan ko lang siya. Nauna na akong lumabas habang nagpapadyak ang paa. Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang lalaki. “Ano ba ang kailangan mo sa akin? Hindi ka ba nakokonsensya? My god! Engaged ka na at kaaway ko pang mortal yung mapapangasawa mo. Mas lalong magagalit ang babaeng iyon sa akin!” sabi ko habang humihingal pa sa pagsasalita ko. Kumunot ang noo ng lalaki na tila nagtataka sa sinabi ko. Biglang natawa ang lalaki. Lumaki ang butas ng ilong ko dahil sa pagtawa niya. Nainis ako. Kumuyom ang kamao ko. “It’s not me,” anito na ikinakunot ko ng noo. Baliw ba ang lalaking ito? Paanong hindi siya iyon? Nanlaki ang mga mata ko nang may na-realized ako. “Twin kayo?” Tanong ko. Umiling ang lalaki. “Actually, we are quadruplets.” Napaawang ang labi ko at nanlaki pa ang mga mata. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatitig sa kanya. “Ano nga talaga ang kailangan mo sa akin at ano ang ipapakita mo?” Tanong ko. Lihim kong ibinaba ang tingin ko sa gitna nito na mabukol. Parang may bola ang gitna ng mga hita nito. Grabe! Ga-bola ba ang kanyang betlog? Napakagat labi ako upang supilin ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Umayos ako ng tayo at tumikhim. Sumeryoso. “Matagal na kitang hinahanap. . .” sabi nito. Nangunot ang noo ko. In fairness ang tatas niyang magtagalog. Pumameywang ako. “Bakit naman? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo at hinahanap mo ako?” Gustong magpuri ang utak ko dahil ang pogi ng naghahanap sa kanya. At take note poren-ger pero magaling magtagalog. Imbes na sagutin ang tanong ko, ibinigay niya sa akin ang cellphone. Napasulyap pa ako sa kanya at saka tiningnan ang screen ng cellphone niya. “Ohhhh…. Ahhhh….Yes! Deeper! More! You’re so big!” sabi ng babaeng nasa video. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang babaeng kung makasigaw ay akala mo kinakatay na kalabaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD