Episode 12

1078 Words
HINDI ko pinansin ang lalaking nasa harapan ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direction. Ngunit mukhang gustong magpapansin ng lalaking may mataba at mukhang mahabang hotdog. Naningkit ang mga mata kong napabaling sa gitnang bahagi ng hita ng lalaking pangahas. Unti-unti kong itiningala ang ulo ko. I make sure napasadahan ko ang bawat kanto ng kanyang abs. My lord of the ring! Grabe mukhang matitigas ang abs nitong lalaking ito. “What do you want?” Tanong ko nang may halong inis sa lalaki. Napangiti ang lalaki sa akin at sinabing. . . “It’s you.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang It’s you.” Anong ibig niyang sabihin? “What? Me?” Tinuro ko ang sarili. Natawa ang lalaki. Mas lalo akong nairita. Niloloko ba ako ng lalaking ito? “Yes, it’s you. Not the girl behind you.” Turo nito sa kaibigan ko na kausap ang afam niya. Mukhang maghahalikan na ang dalawa dahil sobrang lapit ng mga mukha nilang dalawa. Napatirik ako ng mga mata. Sana pala hindi na lang ako sumama rito. Bukod sa hindi naman ako personally invited ng kung sino mang kaibigan ng afam ni Georgina, napilitan lang akong pumunta. Ang akala ko kakain lang, pero hindi ko akalaing may pa-gento pa kaming ganito. “What about me?” Tanong ko sa lalaking may matabang itlog at mahabang hotdog. Magsasalita na sana ang lalaki nang may babaeng dumating. Pumulupot sa beywang ng lalaki. Napatingin ito roon. “I am looking for you. You’re just here,” sabi ng babae. Napatingin sa gawi ko ang babae. Nangunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Napaatras ang ulo ko dahil parang lalamunin ako sa pagkakatitig nito sa akin. “It’s you!” nangunot ang noo ko. Ano bang meron sa akin? Palagi akong nasasabihan ng it’s you! Magdyowawers ang dalawang ito. Mahilig sila sa word na it’s you. Pumamweywang sa harapan ko ang babae at may ngiting nakaloloko sa labi nito. Napalingon ako kay Georgina at tiningnan siya na may kahulugan. Parang sinasabi kong kilala mo itong hitad na nasa harapan ko? Mukhang nakuha naman ni Georgina ang ibig kong sabihin sa tingin pa lang. Umiling ito. “Kilala ba kita?” Tanong ko na may konting taray. She laughed softly. “You don’t remember me?” Tanong nito. Parang tanga itong babae. Magtatanong ba ako kung natatandaan ko siya? Siraulo yata ang babaeng ito. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ayokong makipag-away dito dahil bisita lang ako at hindi ang may-ari ng lugar. Ngiting pilit ang sumilay sa labi ko. “Magtatanong ba ako kung kilala kita?” Mahinahon kong sagot sa babae. “It’s me Donita Flores. Ang matalino mong kaklase noong fourth year high school. At ako rin ang naging karibal mo sa crush mong si Gino Guevarra. At ako lang naman ang inaya niyang maging date sa Prom natin. At ako rin ang naging nanalong Ms. Maligaya High School.” Pagmamalaki nito sa kanyang mga achievement. Ito pala ang numero uno kong karibal sa lahat ng bagay noong high school days namin. Hindi ko nga alam kung bakit parang masaya ang babaeng ito na palagi niya akong natatalo sa lahat ng competition. Hindi ko nga alam kung bakit palaging nakabuntot sa akin ang babaeng ito sa tuwing sumasali ako sa mga paligsahan sa school. Ang nakaiinis pa palaging talo ako at babaeng ito ang nananalo. Ginawa ko naman ang lahat ng magagawa ko upang manalo sa competition ngunit mas malakas ang karisma ng babaeng ito. Sa totoo masa maganda at seksi ako sa babaeng ito. “Oh, ikaw pala.” “Yes, it’s me.” May pagka-sarcastic ang tono ng boses niya. “You know each other?” Tanong ng lalaking takang-taka. “Yes, babe. She’s my schoolmate, but we’re not that close to each other,” sabi nito saka napasandal sa dibdib ng lalaki. Nobyo pala ng babaeng ito ang lalaking may matabang itlog at mahabang hotdog. Tumango naman ang lalaki at napasulyap sa akin. Inirapan ko ang lalaki dahil hindi ko mapigilang mainis. “I think I need to go,” paalam ko. Tumayo na ako. “Bakit aalis ka na? You’re free to stay here. Enjoy the ambience here. Oh, by the way hindi mo ba ako babatiin?” anito. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magmamalaki na naman ang babaeng ito sa akin. Napangiti ako. “Anong meron?” kunwari ay tanong ko. “You don’t know? Bakit nandito ka?” Natigilan ako sa tanong niya. Huwag niyang sabihing ang babaeng ito ang ikakasal sa kaibigan ng afam ni Georgina. “Actually, they invited me to come here,” turo ko sa mga kasama ng afam ng kaibigan ko. “I am the one who invited her.” Singit ng afam ng kaibigan ko. Nabunutan ako ng tinik. Akala ko wala ng magsasalita. “It’s my engagement party. Dito na namin ginanap sa Pilipinas para ma-invite ko ang mga kaibigan ko at hindi ko akalaing nandito ka,” anito sabay ngisi nito. Bigla ay kumulo ang kaloob-looban ng himaymay ng dugo ko. Huminga muna ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko. Hindi ko nga alam kung bakit madali akong mapikon nitong nakaraang mga araw. Parang may gustong sumabog sa kaibuturan ko. Parang ang sarap sabunutan ang lalaking nasa harapan ko. “Congratulation to both of you. I am happy you found the right man for you. Kahit ang sama ng ugali mo.” Gusto kong idagdag ang huling salitang nasa isipan ko ngunit hindi ko na lang binanggit. Naglakad na ako palayo sa kinaroroonan nila. Malalaking hakbang ang ginawa ko para lang makalayo sa kanila. Pakiramdam ko umaapoy ang buong katawan ko. Para ngang magbubuga ako ng apoy dahil sa inis sa babaeng iyon. Numero uno kong kaaway sa school ang babaeng iyon. Hindi ko nga alam kung bakit palagi niya akong kinakalaban sa lahat ng bagay. Ni hindi ko nga kinakausap ang babaeng iyon kahit nakakasalubong ko siya sa pasilyo ng school namin. “Hey!” Nagulat ako nang may bigla na lang humawak sa braso ko. Sa gulat ko ay napa-slide ako. Ngunit bago pa dumikit ang puwit ko sa semento ay dalawang matitigas na bisig ang sumalo sa akin. Napatitig ako sa taong sumalo. Napaawang ang mga labi ko nang magkatitigan kaming dalawa. Bakit niya pa ako sinundan? Anong kailangan ng lalaking ito sa akin? May gusto ba ang lalaking ito sa akin? Wow, feeling!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD