Episode 4

1206 Words
NAGPUNTA kami sa bar area ng bahay. Napaawang ang labi ko ng makita kung gaano kadami ang bote ng alak na naka-display sa malaking estante. Parang libro lang na naka-display sa lagayan ang mga alak. Mukhang mamahalin ang mga ito. Siniko ko ang kaibigan ko na todo ang ngiti sa lalaking kasama nito. Ang isang lalaki na kasama namin ay nauna ng nagpunta sa counter ng bar. May isang lalaki doon na nagsasalin ng alak sa baso. Mukhang magkakilala ang mga ito. “Nice to see you,” bati ng lalaki na sa tingin ko ay bartender. So hindi ito bahay kundi bar. Bakit ganito ang itsura ng bar nila? Para kasing mansyon. Umupo na ang mga kasama ko at ako naman ay patingin-tingin sa paligid ko. Tumabi ako sa kaibigan ko. May hawak na itong kopita na may alak. Naparolyo ako ng mga mata dahil mukhang maglalasing ang kaibigan niya. Napalingon siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay. “Ano pang tinutunganga mo diyan? Uminom ka na din. Kaya nga nandito tayo para magsaya at hindi ang magmukmok.” Aniya. Inirapan ko siya. Napatingin ako sa lalaking bartender. May ibinigay siyang baso na may lamang alak. Bahagya akong napangiti sa lalaki at kinuha ang binigay niyang baso. Inamoy ko ang laman ng baso. Amoy alkohol! “Ano ba ito? Baka naman may drugs ito, ah?” sabi ko. Tumaas ang kilay ng kaibigan ko. “Drugs agad? Grabe ka namang makahusga. Tingnan mo nga ang lalaki napakagwapo. Sa palagay mo sa hilatsa ng ganyang mukha manloloko? Yang ex-boyfriend mo ang hindi dapat pinagkakatiwalaan dahil wala sa ayos ang pagmumukha niya.” Hindi ko maiwasang mainis sa kaibigan niya dahil panay ang banggit nito sa ex-boyfriend ko. Ayoko na ngang maalala ang lalaking iyon.” Sa inis ko ay tinungga ko ang baso. Inubos ko ang laman niyon. Humingi pa ako ng isa pang shot. Napapikit ako dahil napakatapang ng lasa ng alak. Gumuguhit sa lalamunan ko ang init at tapang ng alak. Ramdam ko ang init sa loob ng tiyan ko. Pakiramdam ko maiihi ako. Hindi ko namalayang nakarami na ako ng inom. Hindi ko na makita ang kaibigan ko at ang kasama nitong lalaki. Napatingin ako sa bartender na nasa harapan ko. Napangiti ito sa akin. “What’s your name?” tanong ko at medyo bulol na ako magsalita. May ibinigay uli itong baso na may lamang alak. Kinuha ko naman iyon ngunit hindi ko ininom. Hinihintay ko kasi ang sagot ng lalaki sa tanong ko. “I am Cornel. How about you?” Napahanga ako dahil marunong mag-english ang isang ito. Inilahad ko ang aking isang kamay sa harapan niya upang makipagkamay. “I’m -” natigil ang sasabihin ko nang may sumigaw. Napalingon ako. Umalingawngaw ang musikang bago sa pandinig ko. Nakita kong madami ng tao at nagsasayawan. Lasing na ba ako at hindi ko napansing may mga tao na pala dito. Pero teka nasaan na ba ang kaibigan niya? Tumayo ako upang hanapin ang kaibigan ko. Gusto ko ng umuwi dahil nahihilo na ako at mas lalo akong nahilo dahil sa music na naririnig ko. Parang gugunaw ang mundo ko sa tugtog. Hindi ko na nasabi ang pangalan ko sa poging bartender. Saka ko na lang sasabihin kapag bumalik ako. Naglakad ako. Halos magyakapan na ang mga taong nagsasayaw at ako naman ay nakipagsiksikan sa mga tao. Mas lalong umikot ang tingin ko at hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Hindi ko na nakayanan natumba ako. Bago pa bumagsak ang katawan ko sa semento naramdaman ko ang kamay na sumalo sa likod ko. Pilit kong inaninag ang mukha kung sino man ang sumalo sa akin. Naitaas ko pa ang kamay ko patungo sa kanyang pisngi bago nagdilim ang paningin ko. NAGISING akong parang may mabigat na nakadagan sa aking balikat. Napalingon ako sa katabi ko ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ng unan ang mukha nito. Nangunot ang noo ko nang mapansing mabalbon ang braso na nakadantay sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized kong lalaki iyon! Bigla ay napabalikwas ako ng bangon. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang aking hubad na katawan. Napatakip ako sa aking bibig at hindi makapaniwalang napatingin sa aking katawan. Parang gusto kong umiyak dahil parang alam na niya ang nangyari sa kanya! Sa takot ko ay dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan ko. Tatayo na sana ako nang makaramdam ng p*******t ng aking monay. Napakahapdi na parang may sugat ang aking monay. “Anong ginawa mo Trina! Bakit isinuko mo ang bataan!” kausap ko sa sarili ko. Gusto kong mapaiyak dahil naibigay ko ang virginity ko sa lalaking hindi ko naman kilala. Nakita ko ang damit kong nasa sahig. Agad kong kinuha iyon at may pagmamadaling nagbihis. Natatakot kasi akong magising ang lalaki. Napansin niyang may tattoo ang lalaki sa likurang bahagi ng katawan nito. Wala naman akong pakialam sa tattoo na meron ang lalaki. Kailangan kong makaalis dito! Tulalang bumaba siya sa taxi na sinakyan niya. Mabuti na lang may pera siyang dala kaya nakauwi siya. Pagkabukas ng pinto ay nagulat pa siya nang makita ang kaibigan niya. Kumakain ng almusal. Nang makita niya ako ay nagulat pa siya. “Saan ka natulog? Hanap ako nang hanap sa iyo kagabi! Akala ko nauna ka ng umuwi.” Anito. Walang kibo akong naupo sa isa pang upuan. “Tinatanong mo ako kung saan ako natulog? Iniwan mo kaya ako.” May himig na tampo na sabi ko. “Ay, sorry naman. Seriously, saan ka natulog?” tanong uli nito. “Hindi ko nga alam kung saang lugar iyon.” Nang maalala ang nangyari sa akin ay bigla akong umiyak. “Nawasak na ang monay ko!” ani ko habang umiiyak. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko at napatakip ng kanyang bibig. “Ni-r**e ka? I-report natin ito! Ano namukhaan mo ba ang lalaki?” tanong nito. Mas lumakas pa ang iyak ko sa tanong niya. Umiling ako. “Ano?! Bakit? Paano?” sunod -sunod niyang tanong. Hinampas ko ang kanyang balikat. “Kasalanan mong lahat ng ito! Kung hindi mo ako iniwan hindi mangyayari ito sa akin! Wasak na ang monay ko!” sabi ko saka umiyak ng malakas. Wala na akong maipagmamalaki sa lalaking magiging asawa ko. Ang monay ko! Mukhang na-guilty ang kaibigan ko. “Sorry, frenny. Hindi ko naman alam na aabot sa ganito na mawawasak ang monay mo. Sana bago ka umalis doon kinompronta mo muna ang lalaki.” Aba, ako pa ang sinisi ng babaeng ito. “Hindi ko na nagawa dahil natakot ako. Baka kasi bad guy iyon. Baka bigla na lang niya akong saktan o di kaya naman ay ikulong at hindi na pakakawalan. Kaya nag-decide na lang akong umalis ng hindi niya alam.” Niyakap ako ng kaibigan ko. Ang tanging natatandaan ko ay ang tattoo nito sa likod. Napakatanga ko talaga dahil pinairal ko ang takot sa dibdib ko. Sana pala sinilip ko man lang ang mukha nito o di kaya naman kinuhanan ko ng picture. Minsan tanga ako pagdating sa mga ganoong bagay. Kagaya na lang sa pagmamahal ko sa ex kong mukhang kabayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD