Episode 11

1287 Words
“SUS, pa-drama ka pa diyan. Pupunta lang tayo doon para kumain. Kung ayaw mo namang maghanap ng lalaki ay okay lang. Hindi naman kita pipilitin diyan. Gusto ko lang namang magsaya ka. Ayokong nakikita kang nagmumukmok at nalulungkot. Kaya nga inaaya kitang magsaya. Please?” nagpaawa effect pa ang kaibigan ko. Ilang segundong tinitigan ko ang kaibigan ko. “Okay, sasama na ako.” Pagpayag ko. Napangiti ng malawak ang kaibigan ko. Niyakap niya ako. Naparolyo ako ng mga mata. Ang OA lang ng reaction ng kaibigan. May payakap-yakap pang nalalaman. NAPATINGIN ako sa lugar na pinuntahan namin. It’s a five-star hotel. Dito daw Naka-checkin ang magkakaibigan. Napahinto ako sa pagsunod sa kaibigan ko. Parang gusto kong umuwi na lang. Ano naman ang gagawin namin dito sa hotel pagkatapos naming kumain? Napalingon ang kaibigan ko nang maramdaman nitong wala na itong kasabay sa paglalakad. “Oh, bakit napahinto ka sa paglalakad? May problema ba?” tanong ng kaibigan ko. “Bakit kailangan pa ako dito? Anong gagawin ko naman sa hotel na ito?” “Syempre kakain tayo. Hindi ba sinabi ko na sa iyo kanina? Nag-invite kasi ang magdyowawers na kumain. Don’t worry sinabi naman niyang pwede kitang isama.” Pagpapanatag niya sa akin. Nilapitan niya ako at saka hinila ang kamay ko. Napasunod ako sa kanya nang magsimula na itong maglakad. Pumasok kami sa restaurant ng hotel. Hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda ng hotel. Masasabi kong five-star hotel. Mula sa malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng entrance at magandang design ng carpet na mukhang galing ibang bansa. Napakaganda ng kulay ng carpet na nagpasosyal sa paligid. Natatanaw ko na ang afam ni Georgina at ang mga kasama nito. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit? Siguro nga ay dahil first time kong makipagkaibigan sa foreigner. Well, hindi naman ako suplada dahil friendly naman ako pagdating dito sa Pilipinas. Well, siguro nga ay hindi lang ako sanay makipag-usap sa ibang lahi. Not my first time, but it seems it is my first time to interact with foreigner. Saka nakilala ko naman na ang mga ito sa Romania. Hindi nga lang ako nakipag-usap ng masyado sa kanila. Napangiti ako nang batiin nila ako. Naupo ang kaibigan ko sa tabi ng afam niya. Hindi ko alam kung saan ako uupo. Napatingin ako sa pagitan ng dalawang gwapong lalaki na walang nakaupo. Doon ako uupo? Diyos ko, hindi ko yata kayang tumabi sa dalawang pogi na ito. Baka matunaw ang beauty ko. “You can sit here,” sabi ng lalaki - ang taxi driver na nakilala namin sa Romania. Ilang segundo akong nakatayo at nakatingin sa empty chair. Nagpasya akong umupo na lang dahil wala din naman akong choice. Saan naman ako uupo? Alangan naman sa lap nila? Nagpapatawa lang ako. “Thank you,” pasasalamat ko. Marahan lang ang galaw ko at iniiwasang masagi ko ang mga braso ng katabi ko. Ewan ko nga ba kung bakit parang takot na takot akong mahawakan man lang ang braso nila. Pakiramdam ko kasi kapag ginawa ko iyon baka isipin nilang may gusto ako sa kanila. Ayokong isipin nila iyon. Hindi ko hahayaang mangyari iyon! Bwisit ang mga lalaki! Nag-usap sa lengguwahe nila ang tatlong lalaki at napatitingin sila sa akin. Nangunot ang noo ko. Ako ba ang pinag-uusapan nila? O baka naman praning lang akong mag-isip. Haist! Sa inis ko palihim akong napairap. Mas okay kung makita nila ang reaction ko. Atleast mag-iiba ang tingin nila sa akin at ma-turn-off sila. “Mukhang wala pa ang kaibigan nila. Kain muna tayo,” sabi ng kaibigan ko na nasa harapan ko. Hindi ako nagsalita at napa-makeface lang dito. Nag-serve na ng pagkain ang waiter sa table namin. May mga dumating na mga foreigner at mga filipino na tander. Hindi kaya magulang ng magsyota ang mga ito? Nang matapos ang dinner ay wala pa rin ang dalawang magsyota. May nagsalita sa ere at pinapapunta sa pool area ng hotel ang mga bisita dahil naroon na daw ang couple. Ano naman gagawin namin sa pool area? Maliligo o manonood sa mga lalaking nakahubad na mga machong kasama namin? Bahagya akong napasulyap sa kasama namin mga macho at pogi pa. Ipinilig ko ang ulo ko. Sumeryoso ako at naglakad kasunod ng kaibigan ko. Nasa tabi ko naman si Mr. Taxi driver at si Mr. Bartender. Feeling ko tuloy mga bodyguard ko ang dalawang katabi ko. Ang swerte ko naman. Napatitingin pa nga ang mga ibang babaeng bisita na mukhang gustong lumandi sa katabi ko. Gusto pa nila ingudngod ko pa sila sa kanila. Aanhin ko naman ang dalawang ito? Kahit naman napakperpekto nila sa paningin ko ngunit yung trust issue ko sa mga lalaki ay wala na. Narating namin ang pool area. Namilog ang mga mata ko dahil puro nakasuot ng two piece ang mga babaeng bisita at ang mga lalaki naman ay trunks. Diyos ko ang daming bukol naman dito. Mahihimatay yata ang kepay ko sa dami ng naglalakihang mga longganisa. Gusto kong matawa sa kalokohan ng isip ko. “Halika ka na magbihis na tayo,” pag-anayaya ng kaibigan ko. Nangunot ang noo ko. Bakit naman ako magbibihis? May dala ba akong paligo? Wala naman akong dalang short at t-shirt! “Wala akong dalang damit na panligo. Ikaw na lang ang maligo. Doon na lang ako sa bar section at hintayin na lang kita doon.” Namilog ang mga mata ng kaibigan ko. “Aba, hindi lang dapat ako ang magsusuot ng two piece. Dapat ikaw din! Halika ka na! May palibre ang ikakasal para sa mga bisita.” Nagtatakang tiningnan ko ang kaibigan ko. Akala ko ba ngayon lang niya nakilala kitong ikakasal? Bakit parang alam niyang may palibre ang magdyowawers? “Sa palagay mo mapagsusuot mo ako ng two piece sa ganito karaming tao? My God! I will never do that. Pwede siguro maong na short at t-shirt na medyo maluwang. Ayoko ngang makita ang dibdib ko,” sabi ko at saka tinakpan ang dibdib ko. Natawa ang kaibigan ko. “Feeling mo naman napakalaki ng dibdib mo. Diyos ko naman mahihiya ang holen sa liit ng dibdib mo.” Napaawang ang labi ko sa pang-aapi niya sa dibdib ko. “Grabe ka makaapi sa dibdib ko. Atleast, hindi ito masyadong obvious, kagaya na lang niyan.” Inginuso ko ang babaeng dumaan. Halos kalahati na ng dibdib nito ay nakalitaw na sa bra nito. “Ewan ko sa iyo. Palibahasa kasi bitter ka, kaya pati ang kawawa mong dibdib dinadamay mo pa. Maliit na nga lang iyan itinatago mo pa,” anito. Napanguso ako. “Doon na lang ako. Ikaw na lang ang maligo,” sabi ko at saka siya tinalikuran. “Tinangnan mo itong babaeng ito. Hoy!” tawag nito sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin. Umupo ako sa plastic na upuan na nasa sulok malapit sa hinihigaan ng mga babaeng sobrang kakarampot ang mga suot na two piece. Kita na ang mga singit nila. May dumaang waiter na may dalang drinks. Kumuha ako ng isa. Umayos ako ng upo at isinandal ang likod sa back rest ng upuang plastic. Habang abala ako sa pag-inom ng juice may humarang tinitingnan ko. Napatutok ako sa gitnang mga hita ng taong iyon. Ano bang gustong palabasin ng lalaking ito? Gusto niya bang ibalandra ang malaki at mahaba niyang longganisa sa harapan ko? Naningkit ang mga mata ko at napatingala. Sisinghalan ko na sana nang makita ang mukha ng lalaki. Nakangiti ang lalaki habang titig na titig sa akin. Tila may naalala ako sa ngiting iyon. Hindi ko alam kung saan ko nga ba nakita ang ganitong klaseng ngiti. Hindi ko maiwasang tibukan ng mabilis ang puso ko sa pagkakatitig naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD