NANLAKI ang mga mata ng kaibigan ni Trina na si Georgina Pante sa ipinakita niya. Dalawang plane ticket patungong Romania. Regalo niya ito sa nobyo sa kanilang ika-isang taon nilang anibersaryo ng kanilang relasyon bilang magnobyo.
“Oh my god, is this for real?” hindi makapaniwalang saad ng kaibigan habang hindi tinatanggal ang tingin nito sa ticket ng eroplano. Napa-roll ng eyes si Trina.
“Oo nga ‘di ba? Ang laki kaya ng nakalagay diyan,” sarkastikong aniya.
Napatirik ng mga mata ang kaibigan nito. “Yeah, I saw it with my two eyes. Ang ikinagulat ko ay bakit ikaw ang magbibigay ng ganyan sa nobyo mong mukhang kabayo.” Napairap ang kaibigan sa akin.
Hinampas ko siya sa balikat. “Hoy! Huwag mong insultuhin ang nobyo ko. Hindi siya mukhang kabayo. Slight lang at medyo hawig,” nagkatawanan ang magkaibigan. Ganoon silang magkaibigan pareho ng ugali - mapanlait.
“Kahit ganoon‘yon mahal ko siya.” Nanlaki ang mga mata nito.
“Mahal mo? My god saang banda?” pang-iinsulto nito. Umirap ang mga niya sa kaibigan. Kahit kailan talaga against ito sa nobyo niya. Lalo na noong ipakilala niya ito sa kanya malaki ang pagkadisgusto nito. Harap-harapan pa nga niya ito sinasabihan ng masama.
“Hindi mo pa kasi nararanasan ang umibig. Hindi naman sa panlabas na anyo lang kaya umiibig ang tao kundi kung ano ang itinitibok ng puso.” Madamdamin niyang sabi dito.
“Hay, naku hindi tatalab sa akin ang ganyang kasabihan. Para sa akin kasama rin kung ano ang hitsura ng lalaking iibigin ko, no? Diyos ko hahanap na lang ako ng lalaki bakit sa mukhang kabayo pa. Puwede namang mukhang shitz shu,” nagkatawanan na naman silang magkaibigan.
“Grabe ka naman, aso lang? Seriously, mahal ko naman ang tao kahit ganoon ang hilatsa ng mukha niya. Hindi naman ako nagmamahal lang dahil sa hitsura kundi dahil mahal ko talaga siya. Sagad hanggan puwit ng kabayo, ” lumaki ang mga mata ng kaibigan.
Tumawa ng malakas ang kaibigan dahil sa biro niya. Naparolyo siya ng mga mata.
“Sa ngayon okay pa kayo. Pero itaga mo sa paa ng kabayo makikita mo ang kasamaan ng ugali ng nobyo mo. Diyos ko! Una palang hindi ko na siya feel. May pakiramdam akong may lihim iyan. Saka kung seryoso ang lalaking iyon nagpupunta sana sa bahay ninyo at ipakilala ang kanyang sarili. Parang sa lagay na iyan ikaw ang gumagawa ng effort sa relasyon ninyong dalawa. Diyos ko naman!”
“Sinabi naman niyang pupunta siya sa bahay para makilala ang mga magulang ko. Pero hindi pa daw ngayon dahil nahihiya pa daw siya.” Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya.
“Isang taon na kayong naglolokohan. Nahihiya pa siyang ipakilala ang sarili niya? Naku, Trina hindi seryoso iyan. Sinasabi ko na sa iyo.”
Hindi na lang siya nagkomento sa sinabi niya. Alam naman niyang ayaw nito sa nobyo niya.
“Bakit parang hindi mukhang sure sa pagsasabi na mahal mo ang lalaki? Are you sure?” napa-make face siya sa kakulitan ng kaibigan.
“Sure nga! Bibili ba ako ng ticket naming dalawa kung hindi ako sure sa aming relasyon? Mahal ko ang tao mula ulo mukhang paa,” biro ko sa kanya.
“Hindi naman mukhang paa iyang nobyo mo. Mula ulo mukhang kabayo,” hinampas ko siya uli sa braso niya.
Napailing na lang si Trina sa mapanglait niyang kaibigan. Ganon pa man magkasundo pa rin naman sila sa lahat ng bagay kahit kontra pelo minsan ang kaibigan.
PINUNTAHAN niya ang apartment ng nobyo upang sorpresahin sa regalo niyang ibibigay. Ngayon kasi ang anniversary nila bilang magkasintahan. One year na silang naglolokohan. Char!
Masayang pumasok si Trina sa loob ng apartment ng nobyo. May sarili siyang susi nito kaya malaya siyang makakapunta kahit anong oras na gustuhin. Napahinto siya sa bukas na pinto ng mapansin ang nagkalat na mga damit ng nobyo. Kunot noong pinulot niya ang mga iyon at saka isa-isang inilagay sa ibabaw ng sofa.
Anong ginawa ng lalaking iyon bakit nagkalat ang mga damit niya dito? Tila basta na lang hinagis sa kung saan ang mga damit nito. Nakita niya ang center table na wala na sa ayos kaya inayos niya ito at ibinalik sa dating puwesto. Ang mga throw illow ay nagkalat din sa sahig. Parang may nagwalang tao sa apartment ng nobyo. Bigla siyang kinabahan.
Hindi kaya may nakapasok na magnanakaw? Naghanap siya ng matigas na bagay na puwede niyang magamit para ipagtanggol ang nobyo niya. Nakakita ako ng walis tambo na nakasabit sa tabi ng pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto ng nobyo ko. Akmang ipapalo na niya ang walis tambo ngunit natulala ako sa nakita ko. Hindi makapaniwala sa nakikita ko. Naningkit ang mga mata ko at napakuyom ng kamao.Nag-igting ang panga ko sa galit.
Paano niya nagawa sa kanya ito? Nakapatong ang nobyo niya sa babaeng nakabukaka! Hubo’t hubad at wala ni isang saplot sa kanilang mga katawan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Kailan niya pa ako niloloko? Kailan pa! Niloloko ako ng nobyo kong mukhang kabayo ayon sa kaibigan ko. Oo, inaamin ko ng mukha nga siyang kabayo! Mga talipandas!
Nanginginig ang mga kamay niyang may hawak na tambo. Lumabas na lang ako ng hindi sila kinompronta dahil wala namang saysay na awayin ko pa ang dalawang hayop. Nakapandidiri sila!
Nagmadali siyang makalayo sa lugar na iyon. Hawak ang tambo ng mahigpit na para bang doon siya kumukuha ng suporta. Kahit mukhang kabayo ang nobyo niya ayon sa kaibigan. Mahal niya ang walanghiya.
Napatigil siya sa paglalakad. Hindi niya namalayang nakalayo na pala siya. Umupo siya sa gilid ng kalsada at doon niya palang naramdaman ang pagod at ang sakit ng kanyang kalooban.
Niloko ako!
Napaiyak na lang siya.
NAGTATAKA ang kaibigan niya nang pumunta siya sa bahay nito. Nakatingin siya sa kanya habang sinasarado ang pinto. Tumuloy agad siya sa loob at wala sa sariling umupo sa sofa.
“Bumili ka ng tambo? Meron pa ako diyan. Sa katunayan dalawa pa nga ang tambo ko. Saka parang luma na ’yang nabili mo. Naku! Naloko ka na naman, parang ‘yang kabayo mong -” hindi niya naituloy ang sasabihin nito nang umiyak siya ng pagkalakas-lakas - labas ngala-ngala. Napangiwi ang kaibigan niya sa ginawa niya.
“Sabihin mo nga sa akin kung ano’ng ginawa ng nobyo mo at ganyan ka makaiyak?” tanong ng kaibigan.
Mas lalo lang lumakas ang iyak niya dahil sa tanong nito.
“Nahuli ko silang nagkakabayuhan! Walanghiyang kabayo na iyon! Niloko niya ako!” aniya at umiyak ng malakas-yugyog ang balikat.
“Bakit mo naman iiyakan ang nobyo mong kabayo? Aba pasalamat ka at nalaman mong isa palang salawahan ‘yang mnukhang kabayo mong nobyo. Ang kapal ng bulbol niya siya pa itong may ganang manloko? Sa mukha niyang iyon? Diyos ko! Saan siya kumuha ng kapal ng mukha at niloko ka niya!” pang-aapi ng kaibigan sa nobyo niya.
“Wala naman akong naisip na pagkukulang. Lahat naman ibinigay ko sa kanya. Pwera lang sa isa -ang virginity ko. Dahilan ba iyon para lokohin niya ako? Ako na nga itong nag-e-effort sa relasyon namin tapos ganito pa ang gagawin niya? Ano ang gagawin ko?” tanong niya sa kaibigan. Hindi niya alam ang gagawin dahil unang beses niya itong ginawa akay bago sa kanya ito.
“Ano pa ba ang gagawin mo kundi hiwalayan ang kabayong iyon. Lahat naman tayo may karapatang maging masaya. Pero sa ganoong klaseng lalaki huwag na lang. Tanggapin mo na lang na hindi ka niya mahal. Diyos ko ka naman. Trina. Sa ganda at seksi mong iyan iiyakan lang ang ganoong klaseng pagmumukha? Ngayon nalaman mo na hindi lang ang mukha niya ang masama kundi ang ugalin niya.”
“Mahirap,” nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko dahil sa sinabi niya.
“Ano’ng mahirap sa makipaghiwalay sa lalaking iyon? Gumising ka nga! Ang sarap mong batukan. Alam mo ba iyon? Magtatanong ka sa akin tapos ayaw mong sundin ang payo kong makabubuti sa iyo.”
Umupo sa tabi niya ang kaibigan at inakbayan niya ako. “Mahal kita, Trina kaya sinasabi ko ito sa iyo. Ayokong umiiyak ka ng ganyan nang dahil sa lalaking iyon. Madami diyan na single na lalaki at may future. Hindi kagaya ng kabayo mong nobyo.”
Hindi niya talaga alam kung makaka-move on siya sa nangyari. Mukhang matatagalan dahil mahal niya ang nobyo. Mula ulo mukhang paa.
NALAMAN ko mula sa reliable source na ngayon ang kasal ng ex-boyfriend kong mukhang kabayo. Hindi ako nakatulog ng maayos nang dahil doon. Iyak lang ako ng iyak na para bang huling buhay ko na sa mundo.
Napatingin ako sa ibinigay ng kaibigan ng ex-boyfriend ko. Ang address kung saan ang venue ng kasal. Pupuntahan ko sila at pipigilan ang kasal. Ako dapat ang naroon at hindi babaeng iyon.
Kinuha ko ang pinakamaganda at pinaka-sexy kong damit. Kailangan mas maganda ako sa babaeng iyon. Napakawalanghiya mo Protacio. Sisirain ko ang kasal mo! Lintek lang ang walang ganti!
Habang palapit sa opisina ng judge napaka bilis ng t***k ng puso ko. Ngayon ko lang gagawin ito. Bago ko buksan ang pinto huminga muna ako ng malalim. Kasing lalim ng pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas na ayaw bitawan ng chekwa.
“Trina calm ka lang, okay?” kausap ko sa sarili. Medyo kabado ako. Hindi pala medyo sobrang kabado ako. To the point na ayaw ko ng pumasok.
Pinihit ko ang door knob. Nakita ko ang dalawang taong nasa harapan ng Judge.
“Itigil ang kasal!” sigaw ko.
Napalingon sa akin ang lahat maliban sa dalawa.
“Itigil ang kasal!” ulit kong muli. Lumingon ang babae sa akin. Kunot noo niya akong tiningnan.
“Sino ka?” tanong ng babaeng nakatraje de boda. Aaminin kong napakaganda niya kaya mas lalong naninibugho ako dahil mas maganda ang ipinalit niya sa akin. Kaya pala.
I cleared my throat. “Ako lang naman ang nobya nang lalaking pakakasalan mo! Ako ang dapat ang nariyan hindi ikaw!” sigaw ko rito. Gulat na gulat ang mukha ng babae at nakaawang ang mga labi nito. Nilingon niya ang talipandas kong nobyo.
“Baby, totoo bang sinasabi niya?” tanong ng babae. Biglang humarap ang nobyo ko.
Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang mga labi ko dahil sa kabiglaanan. Nagparetoke ba ang boyfriend ko? Bakit ang guwapo naman yata ng lalaking nasa harapan ko? Kunot na kunot ang noo ng lalaki sa akin.
“Hindi ko siya kilala, baby,” anito sa bride niya at sumulyap sa akin. Galit ang mukha nito. Napalunok ako. “And who the f*cking are you? I didn’t know you. What the f*ck!” umalingawngaw ang boses ng lalaki. Napasinghap ang mga tao na naroon at pati na ang pari. Nanlalaki rin ang mga mata at nag-sign of a cross pa.
“Hindi ba ikaw si Protacio?” tanong ko sa kanya. Mas lalong sumalubong ang makakapal nitong kilay na para bang magbubuhol na sa sobrang dikit ng mga kilay niya.
“Anong klaseng pangalan iyan? That’s not my name. I am Javier Hermano!” gulat na gulat ako sa sinabi niya.
Napangiti ako ng alanganin at saka napakamot ng ulo. Nag-ring ang phone ko. Sinagot ko agad.
“Hello, Trina, mali pala ’yung number na nailagay ko sa ibinigay kong address. Sa kabilang simbahan pala iyon. Pasensya ka na ha?” hindi ko na siya hinintay pang magpaliwanag agad kong in-off ang cell phone ko.
“P-Pasensya na mali pala ako ng pinuntahan.” Hinging paumanhin ko at saka nagmadaling umalis. Diyos ko! Nakahihiya!