Four: Ang Simula

1179 Words
Habang nahuhulog si Miguel mula sa langit ay may mga lumang alaala siyang nakikita. Ang mga alaala na iyon ay parehas matatamis at mapapait na alaala para sa kanya. Sa huling bahagi, nakita niya si Bianca na nakangiti sa kanya. Inaabot niya si Bianca ngunit tila parang napakalayo niya at hindi siya maabot ni Miguel. "Bianca!" sigaw niya at nagising siya na nasa loob ng isang silid-aralan. "Mr. Robins, nagsisimula pa lang ng taon pero heto ka at may gana ka pang matulog." sabi ng isang teacher sa harapan ng klase. "Robins? Apelyido ko ba yun?" tanong niya. Lahat ng estudyante sa loob ng silid-aralan ay biglang natawa sa sinabi niya. "Muyou, umupo ka na kaya." sabi ng isang lalake na katabi niya sa kaliwa. "Pasensya na po ma'am. Hindi na po mauulit." sabi ni Miguel at umupo na siya. "Muyou... parang narinig ko na iyan kung saan." iniisip ni Miguel. "Muyou, masarap ba ang tulog mo?" tanong ng katabi niya. "Ah. Nakita ko na ito kung saan." Bigla na lang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase. Agad naman tumayo si Miguel, kinuha ang mga gamit niya at naglakad na palabas ng silid-aralan. "Anong kakaibang pakiramdam ito? Parang kinokontrol ang mga kilos ko o para talagang nakita ko na itong nangyari noon pero saan?." sabi niya sa kanyang sarili. "Muyou." tawag ng isang lalake sa kanya. "Ikaw ulit?" tanong ni Miguel sa kanya. "Anong ako ulit? Malamang ako ulit ito. Magkaklase tayo at higit sa lahat, magkaibigan tayo. Natural lang na makita mo ako." "Anong kailangan mo Craig?" tanong ni Miguel. "Huh? Paanong nangyari na fit ang pangalang iyon sa kanya?" pagtataka niya. "Isama mo naman ako kapag susunduin mo na ang kapatid mo." sabi ni Craig. "Bakit? Aasarin mo na naman ang kapatid ko kaya mo gusto sumama." sagot ni Miguel. Napatigil si Miguel sa paglalakad nung bigla niyang maalala kung nasaan siya at kung bakit pamilyar ang mga nangyayari sa paligid niya. "Huy, anong nangyayari sa 'yo?" tanong ni Craig. "Ako si Muyou Robins?" tanong ni Miguel. "Ikaw nga. Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit di mo ako sinasagot?" tanong ulit ni Craig sa kanya. "Apocalypse..." "Ha?" "Craig, maniniwala ka ba kung sasabihin kong nakasulat ang tadhana natin at ang ginagawa ko ay sumisira sa takbo ng kwento?" "Anong klaseng rugby ba tinira mo at ganyan ka?" "Tama. Hindi ka naniniwala sa akin." sabi ni Miguel at lumakad na siya palayo. "Teka." tawag ni Craig. Agad huminto si Miguel at lumingon sa kay Craig. "Baka paniwalaan kita sa sinasabi mo. Ang kilala ko kasing Muyou, hindi ganyan kumilos. Gusto kong malaman kung sino ka." Tinitigan ni Miguel si Craig. Nagbuntong-hininga siya at tumalikod ulit. "Sumama ka sa akin." Naglakad sila palabas ng school at pumasok sa isang café. Umupo sila sa may sulok sa tabi ng bintana. "Ako si Miguel Ferez at ang lugar kung nasaan tayo ay nakasulat sa isang libro. Hindi ko alam kung bakit ako dinala dito pero mukhang hindi lang ito simpleng reincarnation." "Nareincarnate ka? Ibig sabihin namatay ka na noon." "Oo. Itinulak ako sa kalsada para mamatay. Ganon na rin ang nangyari sa..." sabi ni Miguel. Hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil naaalala niya ang nangyari kay Bianca. Bigla rin niya naalala na ipinadala siya doon para maprotektahan muli si Bianca mula sa panganib. "Sa?" tanong ni Craig. "H'wag mo na itanong..." "Ah. Pasensya ka na." Dumating ang order nilang kape at muling nagtanong si Craig. "Anong klaseng libro ang sinasabi mo?" " 'Apocalypse' " sagot ni Miguel. "Apocalypse?" "Tama. Sa dulo ng chapter na ito, ang taong nagngangalang Muyou ay mamamatay. Hindi niya alam ang paparating na sakuna ay ang maghahatid sa kanya sa kamatayan niya." "Pftt... imposibleng mangyari ang sinasabi mo." sabi ni Craig pero sa loob niya, kinakabahan na siya sa mga sinasabi ni Miguel. "Titingin ako sa relo ko..." sabi ni Miguel at ginawa nga niya. "... ilang segundo ang lilipas at darating ang kapatid ko na galit na galit habang tinititigan tayo mula sa labas ng café." Tumingin sina Craig sa bintana at nakita nga ang kapatid ni Muyou na si Suzuki. Nanlake ang mga mata ni Craig. "Hindi... hindi pa rin ako makapaniwala." sabi ni Craig at talagang ikinagulat niya ang mga nakikita niya. "Papasok siya..." sabi ni Miguel. "... at sasabihing..." "Inuna mo pang makasama ang kaklase mo kaysa sa sunduin ang maganda mong kapatid." sabay na sinabi nina Miguel at Suzuki. "Eh?" pagtataka ni Suzuki. "Haha. Pasensya ka na kay kuya. May mahalaga lang kaming pinag-uusapan. Sa susunod, hindi na ako mahuhuli ng dating." sabi ni Miguel. "Paano mo nalaman ang sasabihin ko?" tanong ni Suzuki. "Wala kang bilib kay Kuya? Kabisado na kita." sabi ni Miguel at pinaupo niya sa tabi niya si Suzuki. "Hindi ako makapaniwala." sabi ni Craig. "Hindi rin ako makapaniwala pero nais kong sa atin muna ito habang gumagawa ako ng paraan para mabuhay." "Tama ka." sabi ni Craig habang nakayuko. "Mga baliw." sabi ni Suzuki sabay pukpok sa ulo ni Craig. "Aray ko, Suzuki." reklamo ni Craig. "Dapat lang yan sa 'yo. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan n'yo pero hindi dapat kayo manlumo. Hindi ako sanay na makita kayong dalawa ni Kuya ng ganyan." sabi ni Suzuki. "Ahhh. Suzuki~ nag-aalala ka para sa akin." sabi ni Craig. Tumayo siya para lumapit kay Suzuki. Agad naman siyang hinarangan ni Suzuki. "AH! H'WAG KANG LALAPIT!!" "Eh~? Akala ko ba nag-aalala ka sa akin~?" tanong ni Craig. "Eeek! Tigilan mo ako." sabi ni Suzuki sabay kapit sa braso ni Miguel. "Ang daya naman, Muyou." pagrereklamo ni Craig. Bigla na lang naalala ni Craig na ibang tao nga pala ang kaharap niya ngayon kaya napatigil siya at nanahimik. Ngumiti naman si Miguel. "Ayos lang Craig. Kaibigan mo rin ako." sabi ni Miguel. Si Miguel ay nagising sa katawan ni Muyou Robins, ang unang extra character sa paborito niyang libro na 'Apocalypse'. Kailangan niyang mabuhay muli para hanapin at protektahan si Bianca sa pangalawang pagkakataon. Umaasa siyang magkikita sila agad ni Bianca pero di niya alam kung anong gamit na pangalan ni Bianca ngayon. Kinakailangan ni Miguel na magpokus sa kanyang tungkulin na sagipin ang lahat ng kaya niyang sagipin sa parating na sakuna at h'wag hayaang mamatay dahil naniniwala siya na hindi na lang ito basta libro kundi reyalidad. "Mula sa araw na ito, gagamitin ko na ang pangalan ni Muyou Robins." sabi ni Miguel at umalis na sila sa café. "Anong pinagsasabi mo d'yan, kuya?" tanong ni Suzuki. "Wala naman, Suzuki." sagot ni Miguel at inakbayan niya ang kapatid niya. "Wala sanang maging problema." sabi naman ni Craig. "Kailangan mo lang magtiwala sa akin." nakangiting sinabi ni Miguel. "Magtitiwala ako sa 'yo pero dapat sa akin mo ihabilin si Suzuki." "Syempre naman. Ikaw lang ang maaasahan ko sa bagay na iyon." "Alam n'yo naman siguro na nandito ako, hindi ba?" "Alam namin." sagot ni Miguel at ginulo niya ang buhok ni Suzuki. "Ano ba, Kuya!!" sigaw ni Suzuki at lumayo siya kay Miguel. "Ah pasensya ka na. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kapatid na babae."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD