Five: Mutated Zombies

1659 Words
"Muyou, ilang taon ka na?" tanong ni Craig habang nag-iikot sila sa loob ng city at kinakabisado ang mga posibleng ruta na gagamitin nila sa pagsapit ng apocalypse. "18 years old." sagot naman ni Muyou. "Ibig kong sabihin, nung nakaraan mong buhay." Tumigil si Muyou sa paglalakad at tumingin kay Craig. "21 years old." "Maganda ba ang mundo n'yo?" Muling naglakad si Muyou. "Mas maganda ang mundong ito. Nilikha gamit ang magandang imahinasyon ng manunulat. Yun nga lang, kailangan mong lumaban para mabuhay." sabi niya. Sobrang daming tao sa tawiran nung tumawid sina Muyou at Craig. Hindi pa sila tuluyang nakatatawid sa kabila bahagi ng kalsada nung may nabunggo si Craig. "Ah.. pasensya na." sabi ni Craig. "Ayos lang." sabi nung nabunggo ni Craig. Napatingin naman si Muyou at nagulat siya nung maalala niya ang pangalan ng isang babaeng pamilyar siya. "Fuyumi?" tanong ni Muyou. Gumilid naman sila para makapag-usap. "Ako nga." sagot ni Fuyumi na may halong pagtataka. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" "Ahhh...!! Nung nakaraang linggo kasi nakita namin ang laban mo ng Kendo sa TV. Siguro dun niya nalaman ang pangalan mo. Isa pa, sikat kang manlalaro." paliwanag ni Craig. "Ganon ba? Pasensya na. Kailangan ko nang umalis." sabi ni Fuyumi at bahagya niyang inayos ang bag niya sa kanyang balikat. "Mag-ingat kayo, Fuyumi." paalala ni Muyou. "Ganon din sa inyo." paalam ni Fuyumi at naglakad na siyang muli patawid sa kabilang bahagi ng kalsada nung muling umilaw ang signal sa pagtawid. "Kilala mo ba si Fuyumi?" tanong ni Craig matapos nilang maglakad ulit. "Hindi sa personal." sagot ni Muyou. "Kung ganon, paano mo nalaman na si Fuyumi iyon?" "Naramdaman ko lang. Sila ni Haruhi ang bida sa kwentong ito at hindi ako." "May ganito bang pangyayare sa tinutukoy mong kwento?" tanong ni Craig. Napatigil naman sa paglalakad si Muyou. Kumunot ng kaunti ang noo niya saka siya sumagot. "Wala." "Huh? Akala ko ba ay nakasunod ang kilos natin base sa kwentong sinasabi mo?" tanong ni Craig. "Oo... sinabi ko nga." "Kung ganon, anong nangyayare? Bakit natin siya nasalubong kung hindi naman talaga natin siya dapat makita dito?" "Hindi ko alam..." sabi ni Muyou. Yumuko naman si Craig at hindi na talaga niya maintindihan ang mga nangyayare sa paligid niya. "Alam mo kung anong kakaiba? Naniniwala ako sa 'yo." galit na sinabi ni Craig. Napatingin si Muyou sa kanya. "Hindi ko gusto ang sinabi mo. Hindi ko sinasakripisyo ang sarili ko para lang magmukhang katawa-tawa sa harap ninyo. Hindi biro ang sinasabi kong ito. Kung hindi mo ko pinaniniwalaan pagkatapos ng mga sinabi ko at nakita mo kahapon, bahala ka na." Nagulat naman si Craig sa kanyang nakita. "T-teka. Hindi ko sadyang masaktan ka. Hindi ko lang kasi maintindihan kung ano ba talaga ung mga being na kalalabanin natin, kung magkakatotoo nga ang mga sinasabi mo." "Hindi maganda ito. Kapapasok ko pa lang dito pero nakita ko na ang mali. Susundan ko lang dapat ang kwento hanggang sa mamatay si Muyou pero mukhang buong kwento ang madadamay kapag nagpatuloy ito... bahala na. Kailangan kong kumilos kung nais ko pang makita si Bianca." "Muyou?" tanong ni Craig nung nawala sa pokus si Muyou. "Ipapaliwanag ko." sabi ni Muyou. Tahimik na pumunta sa isang diner ang dalawang binata. Naunang pumasok si Muyou at agad na naghanap ng upuan. Si Craig naman ay nakasunod sa likuran niya. Umupo na sila at umorder ng kanilang kakainin habang nag-uusap. Nang makarating ang order nilang pagkain ay agad sinimulan ni Muyou ang pagpapaliwanag. "Hindi basta infected ang makakasalubong natin, pagdating ng apocalypse. May tinatawag silang 'Father' at sa kanya mismo nagsimula ang lahat. Walang detalye sa kwento kung saan ko siya makikita kaya hindi natin mapipigilan ang pagdating ng apocalypse." "Sunod?" "Sunod ay ang 'Muscle'. Isang mutated zombie katulad ng Father pero mas mababa ito ng isang lebel sa Father. Hindi tao ang kinakain niya kundi kapwa infected pero kung makikita ka niya, hindi ka makakaligtas sa kamao niyang pupulbos sa 'yo." "S-sunod." sabi ni Craig habang nararamdaman na niya ang kaba sa kanyang dibdib. "Black Blade." "Ano?" "Yan ang pinaka dapat nating iwasan na mutated zombie. Nararamdaman ka niya agad dahil nakikita niya ang body heat temperature mo. Hindi ka makakapagtago sa kanya sa loob ng area niya. Ang buong katawan niya ay matigas at ang tanging malabot na bahagi ay ang kanyang mga mata." "Sunod." "Crimson Claw. Mas mababa ang uri kaysa sa mga unang nabanggit kong mutated zombie. Mahilig siyang gumawa ng sarili niyang pugad at halos ginagaya niya ang kilos ng Father. Bibitagin niya ang mga taong mapunta sa teritoryo niya at saka nila pagsasaluhan ang mga taong nabiktima ng patibong nila." "Ka-kaya ba natin silang labanan?" kinakabahang tinanong ni Craig. "Kaya natin kung magtitipon ang lahat... pero kung hindi tayo marami... malabong manalo tayo sa kanila." "Hindi mo pa sinasabi yung dalawang mas mababa sa lahat ng nabanggit mo." "Corrupted plants. Makikita sila madalas sa gubat. Mga halamang nadapuan ng parasite na nanggaling pa sa Father. Ang mga corrupted plants ay mas malake kaysa sa normal na mga halaman. Katulad ng iba, madali kang maiinfect kapag natusok ka ng mga tinik ng corrupted plants. Pagkatapos ay unti-unti kang matutuyot at magiging bahagi ng palamuti sa lungga niya." Napalunok na lang bigla si Craig sa kanyang narinig. "Ang huli?" "Infected Humans. Alam mo na kung anong kaya nilang gawin pero hindi dapat sila maliitin kahit na sila ang pinakamababa sa limang nabanggit ko." "Kung totoo nga yan, ngayon pa lang patay na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko." sinabi ni Craig at halatang natataranta na siya sa mga impormasyong narinig niya kay Muyou. "Hoy, Craig. Umayos ka nga. Hindi ka dapat ganyan. Ikaw lang ang inaasahan kong sasama sa kapatid ko sa oras na wala ako para iligtas siya." "O-oo. Sabi ko nga." Habang nag-uusap sina Muyou at Craig ay narinig ni Muyou na bumukas ang pinto nung diner. Napalingon sila parehas at nakitang papasok ang tatlong babae. Bigla namang kumunot ang noo ni Muyou, sobrang kunot at hindi niya kayang itago ang kanyang pagkadismaya. Napansin ni Craig ang mukha ni Muyou na hindi na maipinta. "Kilala mo ba siya? Mukhang parehas sila ng school na pinapasukan ni Fuyumi." "Kilalang-kilala ko siya. May posibilidad rin na unti-unti nang nagbabago ang istorya." sabi ni Muyou habang nakatingin pa rin sa direksyon ng mga babaeng pumasok."Kosame." Mula naman sa kinatatayuan nina Kosame ay napansin niyang nakatingin sa kanya sina Muyou at Craig. Ngumiti siya sabay pumunta sa lamesa nila Muyou. "Excuse me, may kailangan ba kayo sa akin?" tanong ni Kosame sabay hawi ng ilang buhok na nakaharang sa mukha niya at iniipit niya ito sa likod ng tenga niya. Napaisip naman si Muyou sa gustong mangyare ni Kosame. "Sa totoo lang, wala kaming kailangan sa 'yo at mas lalong hindi kami nakatingin sa 'yo." Kumunot ang noo ni Kosame at agad niyang pinaalis si Craig sa kanyang kinauupuan at saka niya pinagpag iyon bago umupo. Matapos niyang umupo, nagtanong siya. "Kung wala pala kayong kailangan sa akin, bakit kayo nakatitig sa akin?" Nagpangalumbaba naman si Muyou at ngumisi. "Sinabi kong hindi kami nakatitig sa iyo sa halip, doon kami nakatingin sa malaking poster ng mga pagkain." Napalingon naman si Kosame at nakita niya nga ang malaking poster na nasa kanyang gilid kanina. Napatayo siya at namumula na siya dahil sa nangyari. "Ugh, di ako makapaniwala." sabi ni Kosame at aalis na sana siya nung nagsalita si Muyou. "Napaisip lang ako, saan kaya nanggaling ang kompyansa mo sa sarili para mang-akit ng lalake? Sa itsura ba o sa ibang paraan?" tanong ni Muyou habang nakangisi. Maglalakad na si Kosame palayo ulit nung hinawakan ni Muyou ang kamay niya. "Bitawan mo ang kamay ko." Agad binitawan ni Muyou ang kamay niya. "Nakapagtatakang hindi mo kayang gawin iyan sa taong talagang gusto mo." "Tsk." naiinis na umalis si Kosame. Pag-alis ni Kosame ay bigla na lang tumawa si Muyou sa unang pagkakataon mula nung magising siya sa mundong iyon. "Muyou, pinagtitinginan tayo." bulong ni Craig. "Ha? Oh. Haha. Umalis na rin tayo." sabi ni Muyou habang may saya sa kanyang labi. "Ano bang nasa isip mo at ginawa mo iyon sa babae?" tanong ni Craig habang palabas sila ng diner. "Gusto niyang agawin si Haruhi kay Fuyumi. Malakas si Fuyumi, hindi siya kaya ni Kosame." sabi ni Muyou habang naglalakad palayo. "Eh bakit ginawa mo pa iyon sa kanya?" "Ah. Gusto ko lang gawin ang pagiging matuwid na pagsasalita ni Echo." "Echo?" "Isang babaeng assassin. Gustong-gusto ko talaga ang ugali niya." "Isa ba yang karakter sa mga librong nabasa mo na?" "Oo at dapat mabasa mo rin yun." Bigla namang napatigil sa paglalakad si Craig. Napatigil din si Muyou sa paglalakad. "May problema ba?" tanong ni Muyou. "Bigla ko lang na isip na may pagkakatulad din kayo ng kakilala kong Muyou. Hilig niyang gayahin ang mga karakter sa mga napanonood niyang mga palabas. May pagkamadaldal din kapag napag-usapan ang mga paborito niyang mga bagay." nakangiting sinabi ni Craig pero alam ni Muyou na sabik si Craig sa totoong Muyou. Tumingin naman agad sa malayo si Muyou at napahawak sa batok niya. Iniisip rin niya na si Craig ang kauna-unahang naging kaibigan niya bukod kay Bianca. "Parang may sasabihin ka?" tanong ni Craig. "Gusto ko lang sabihin na para kang may death flag sa sinabi mo." sabi ni Muyou at naglakad na silang muli. "Baliw. Walang mamamatay. Kaya nga tayo nandito para makaligtas di ba?" Sa di kalayuan, may grupo ng mga babaeng naglalakad papasok sa isang grocery store na malapit sa diner. "Sasagutin mo na ba ang nangliligaw sa 'yo, Arashi?" tanong ng isanv babae. "Haha. Hindi ko pa naiisip ang mga ganyang bagay." sagot ng babaeng nagngangalang, Arashi. Pumasok na sila sa loob ng grocery store nung napatigil muli si Muyou sa boses na kanyang narinig. Lumingon siya sa kanyang likuran. "May problema ba, Muyou?" tanong ni Craig. "Ah. Wala naman." sabi ni Muyou at naglakad na sila muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD