Three: Ang Katapusan

1333 Words
Nasanay na si Miguel sa pagiging waiter niya sa kainan nila Bianca habang nagpupursigi siyang mag-aral sa kursong literatura. Nais niya kasing matutong sumulat ng isang libro katulad ng paborito niyang libro na 'Apocalypse'. Ngayon ay tatlong taon na siya sa kursong napili niya. "Miguel, tapos ka na ba sa trabaho mo?" tanong ni Bianca habang nakasilip sa may pinto ng locker room. "Ah, oo. Katatapos ko lang." sagot naman ni Miguel at kinuha na niya ang bag niya sa may locker niya. "Samahan mo akong bumili ng libro." sabi ni Bianca. "Hindi na ako tatanggi sa alok mo." sabi naman ni Miguel at lumabas na siya sa locker room. "Ma, Pa. Aalis lang kami ni Miguel." paalam nila sa mga magulang ni Bianca. "Mag-ingat kayo." sabi ng mama ni Bianca. "H'wag kayong magpapagabi, Miguel." paalala naman ng papa ni Bianca. "Alagaan mo anak ko." "Masusunod po, tito." * * * Nagpunta sa isang malakeng bilihan ng libro sina Bianca at Miguel, hindi kalayuan sa kainan nila Bianca. "Napakalayo naman ng pinuntahan natin." sabi ni Miguel. "Haha. Maganda naman dito eh." sabi naman ni Bianca. Nag-ikot-ikot sila sa loob at may ilang libro na balak nilang bilhin. "Ah!" sabi ni Bianca nung nakita niya ang isang pamilyar na libro. "Hindi ba, paborito mo itong libro na ito?" tanong ni Bianca at ipinakita niya kay Miguel ang libro. Ang librong hawak ni Bianca ay ang paboritong libro ni Miguel. Ang 'Apocalypse'. "Oo. Hindi ko pa rin makalimutan na namatay yung akala kong bida." sabi ni Miguel habang nakangiti. "Namatay? Bakit naman?" "Ahh. Naiwan kasi siya ng bus na magdadala sa kanya sa evacuation center. Hindi siya nakasurvive sa apocalypse." paliwanag ni Miguel. "Pagkatapos nun, inilabas ng author yung mga totoong bida. Sina Haruhi at Fuyumi." "Ganon pala yun." sabi ni Bianca at inilapag na niya ang libro. Napagtingin si Miguel sa isang libro na katabi nung libro. "Huh?" pagtataka ni Miguel at kinuha niya ang nakita niyang libro. "Ano yan?" tanong ni Bianca. "Hindi ko alam na may comics na pala ito." sagot ni Miguel at binuklat niya ang comics na iyon. "Prologue, huh. Ibig sabihin si Muyou lang ang makikita ko rito. Kailan kaya ang labas ng susunod na volume?" tanong ni Miguel sa kanyang sarili. "Tara na, Miguel." pag-aaya ni Bianca. "Ah. Oo." sagot naman ni Miguel. Binili ni Miguel ang comics na nakita niya at saka sila umalis. Kumain muna sila bago sila umuwi. * * * Isang gabi... "May gusto ka ba sa anak ko, Miguel?" tanong ng ama ni Bianca kay Miguel habang nasa kusina sila. "Matagal ko na pong gusto si Bianca, tito." sagot ni Miguel. "Aba, hindi na ako tututol. Alam ko namang isa kang mabait na bata, Miguel." "Salamat po sa suporta, tito. Makakaasa po kayong aalagaan ko po siyang mabuti." sabi ni Miguel. "Honey...?" tawag naman ng ina ni Bianca sa kanyang asawa. "Hindi pa bumabalik si Bianca mula sa inutos ko sa kanya. Nag-aalala na ako. Masyado na siyang matagal sa labas at malapit na lumalim ang gabi." "Lalabas po ako para hanapin si Bianca." pagpepresenta ni Miguel. "Balitaan mo kami agad, Miguel." sabi naman ng ama ni Bianca habang nakaakbay sa balikat ng kanyang asawa. "Opo." Naghanap kung saan-saan si Miguel hanggang sa may nakita siyang kumpulan sa isang eskinita. "Hm? Baka nand'yan si Bianca." sabi ni Miguel sa kanyang sarili. Nakisiksik si Miguel sa mga tao at napatigil siya sa kanyang paglalakad nung napansin niya ang isang babae na nakahiga sa kalsada at walang suot na pang-ibaba. Marami rin siyang sugat at halatang nanlaban siya sa mga gumawa sa kanya non. Napatakbo naman si Miguel nung nakita niya kung sino ang babaeng iyon. "Bianca!" tawag ni Miguel habang tumatakbo papunta kay Bianca. "Miguel." tawag din ni Bianca kay Miguel. Agad hinubad ni Miguel ang suot niyang hoodie at itinakip ito sa ibaba ni Bianca. "M-Magiging maayos ang lahat, Bianca." sabi ni Miguel habang tangan niya si Bianca. Ngumiti naman si Bianca sa kanya. "Mahal kita, Miguel." "Mahal din kita, Bianca." sabi ni Miguel at pinipilit niyang h'wag umiyak sa harapan ni Bianca. "Pangako na magiging maayos rin ang lahat." Napahawak siya sa tagiliran ni Bianca at saka lang niya napansin na grabe ang pagdudugo ni Bianca. Nanlumo si Miguel at niyakap ng mahigpit si Bianca. "Pakiusap, tumawag na kayo ng ambulansya." pakiusap ni Miguel. Nararamdaman na ni Miguel na konti na lang ang nalalabing sandali ni Bianca. Dumating ang ambulansya at sinamahan ni Miguel si Bianca hanggang sa makarating sila sa ospital. Agad inilagay si Bianca sa emergency room pero dead on arrival na ang hatol ng doctor. Maya-maya pa ay dumating ang mga magulang ni Bianca at naabutan nilang nakaupo sa gilid si Miguel. "Miguel, anong nangyari?!" tanong ng ama ni Bianca habang nagmamadali pumunta kay Miguel. Tumayo naman si Miguel at umatras ng kaunti. "Patawarin n'yo ako tito. Hindi ko siya inalagaan mabuti." sabi ni Miguel. "Miguel, anak. Wala kang kasalanan sa nangyari." "Tita... patay na si Bianca at kasalanan ko na hindi ko siya pinrotektahan at binantayan ng maayos." "Hindi natin inaasahan ang mangyayari." sabi ng ama ni Bianca. Napailing na lang si Miguel at napatakbo palabas ng ospital. "Bianca... sana nailigtas kita. Sana binatayan kita. Patawarin mo ako." sabi ni Miguel at mabilis ang takbo niya palayo ng ospital. Nang makalayo na siya ay naglakad na siya habang nakatulala. Maraming alaala ang bigla na lang nagbalik sa kanya. "Bianca..." tawag niya sa kawalan. "... kung pagbibigyan ako ng langit. Gusto kitang makita muli at sa pagkakataong iyon, hindi kita pababayaan. Sisiguraduhin kong magiging ligtas ka." sabi ni Miguel sa kanyang sarili habang umiiyak. Naglakad lang siya muli. Patawid na siya sa pedestrian lane nung nakita niyang nagkulay pula ang stoplight. Tumahimik ang gabi at pakiramdam ni Miguel ay payapa ang lahat. Hindi man siya nakapagpaalam sa mga magulang ni Bianca ng maayos, sa tingin niya ay magiging maayos din sila matapos ng pagsubok na ito. Iniisip niyang makikita niyang muli si Bianca. Hindi niya namalayan na may tumulak sa kanya paabante sa kalsada. Napalingon siya sa kanyang likuran at ang nakita lang niya ay ang isang anino ng taong tumatakbo palayo sa kanya. May ilang tao ang hinabol ang lalakeng iyon para sa kanya. Sa kanan niya naman ay malaking truck na pilit prumeno ngunit nasagasaan pa rin nito si Miguel. Tumalsik si Miguel at napahandusay sa kalsada. Ginugol na lang niya ang kanyang huling sandali na nakatitig sa kalangitan ng gabi. "Ganito rin ba ang nakita mo, Bianca?" tanong niya sa kanyang sarili habang umiiyak. Wala na siyang nararamdaman na kahit anong sakit. Maya-maya pa ay nagkumpulan ang mga tao sa paligid niya. Kagaya ng nangyari kay Bianca, pinaligiran siya ng mga taong takot siyang tulungan. Ipinikit na ni Miguel ang kanyang mga mata at nalagutan na siya ng hininga. "Miguel..." tawag sa kanya ng isang babae. Nagising si Miguel sa isang malawak na kapatagan at walang ibang makikita kundi ang puting kapaligiran. "Alam kong patay na ako. Langit na ba ito?" tanong niya at tumayo siya sa pagkakahiga niya. "Hindi." sagot ng babae aa kanya. Lumingon si Miguel at nakita ang isang babaeng napakaganda at nakadamit ng isang puting bistida na may kulay itim sa laylayan nito. "Kung ganon, bakit hindi pa ako bumababa sa impyerno?" tanong niya. Ngumiti lang naman ang babae kay Miguel. "Tayo ay nasa pagitan. Muli ka ring bibigyan ng pagkakataon mabuhay." "Para saan pa?" "Narinig ang hiling mo, kaya ka pagbibigyang mabuhay. Iligtas mo si Bianca." "Babalik ako sa nakaraan?" "Hindi, hindi naman ako anghel at hindi rin ako demonyo. Nais kong makita kung hanggang saan mo kakayanin ang pagsubok na ibibigay sa iyo." "Anong ibig mong sabihin? Saan mo ko dadalhin?" "Magugustuhan mo sa lugar na iyon. Yun nga lang, may kapalit ang pananatili mo sa lugar na iyon. Nais kong ihanda mo ang sarili mo." Itinaas ng babae ang kanyang kamay at itinulak ang noo ni Miguel. "Patnubayan ka nawa." Nahulog naman si Miguel mula sa kinatatayuan niya. "AAAAAAAAA!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD