Napaupo na lamang si Fuyumi sa lapag dahil hindi siya makapaniwalang mga magulang niya ang nakikita niya at ang pinakamalala pa ay infected na ang mga magulang niya. “Mama, Papa. Paano kayo naging infected? Sinong may gawa nito sa inyo? Sinong pumasok dito sa bahay?!” pasigaw na tanong ni Fuyumi habang umiiyak na siya. Pumasok naman na ang mga kasama nila at nakita nilang nakagapos ang mga magulang ni Fuyumi sa isang poste ng balkonahe nila at pilit gustong kumawala para kumain ng tao. Ang ilan ay nagtakip pa ng kanilang mga ilong dahil masangsang na ang amoy ng mga infected na magulang ni Fuyumi. Napakunot naman ang noo ni Muyou nung makita niya iyon. Muli na namang nagbago ang mga pangyayari sa kwento. “Hindi dapat sila infected.” sabi ni Muyou sa kanyang sarili. “Sa orihinal na kwent