Lahat ay humanda nung binuksan ni Muyou ang pinto. Paglabas nila ay talaga ngang walang tayo at infected sa paligid. “Ibig sabihin nagtipon nga sila sa may eskinita.” sabi ni Greg. “Maging alerto pa rin kayo.” paalala ni Muyou at maglalakad na sana siya nung pinigilan siya ni Fuyumi. “Kailangan natin umakyat sa bubong.” pabulong na sinabi ni Fuyumi. “Ha?” “Hahabulin tayo ng lahat ng infected kung tatakbo tayo para makalagpas sa kanila. Mas mabuting dumaan tayo sa mga bubong. Hindi naman malake ang agwat ng mga bubong.” “Kung ganon... edi sa bubong tayo dadaan.” Lahat ay agad umakyat sa bubong. Si Fuyumi ang nasa harapan habang si Muyou naman ang nasa dulo. Lahat ay nagdadahan-dahan sa pagtawid sa mga bubong. Lahat ay kinakabahan sa kanilang ginagawang mga hakbang. Nakaramdam naman a