“Sabihin na nating galing ako sa mundo mo at labis akong natutuwa na nahihirapan ka mag-isip.” sabi ng boses sa kabilang linya matapos sagutin ni Muyou ang tawag. “Magpakilala ka. Ngayon na.” utos ni Muyou. “Katulad mo, binigyan din ako ng pagkakataon na mabuhay ulit. Binigyan ako ng pagkakataon na gawin ang mga bagay na gusto ko.” sabi ng boses sa kabilang linya at bigla na lang siyang tumawa. “Ako ito, ang lalakeng pumatay sa mahal mong Bianca at ang pumatay sa 'yo.” Bigla naman naalala ni Muyou ang sinapit ni Bianca. Nagalit siya lalo sa kanyang sarili dahil kausap na niya ang taong pumatay kay Bianca pero hindi man lang siya makaganti. “Hindi ka ba masaya na hindi lang ikaw ang nabuhay muli? Ah tsaka naalala kong buhay rin sa mundong ito si Bianca pero wala siyang maalala.” sabi ng