Ang lahat ay nakarating sa canteen ng walang ibang problema. Dumami ang nakaligtas dahil sa pagtutulungan nilang maitago ang ilang mga infected sa mga bakanteng silid. Nagtipon-tipon ang mga survivor sa loob ng canteen. “Nandito na ba ang lahat?” tanong ng Student Council President na si Kai. “Nandito na.” sagot ni Hillen. Si Kai ang kagalang-galang at responsableng presidente ng Student Council sa school nila Haruhi. Kaya naman, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para matulungan ang mga estudyante na makaligtas sa sakunang ito. Pinagsama ni Kai ang ideya ni Haruhi at ideya niya para maisagawa ang operasyon na lahat ng infected ay kanilang ikukulong sa kabilang side ng school. Nalaman niya kasi kay Haruhi na posibleng makahanap sila ng lunas para sa mga infected kaya hangga't maaari