Eighteen: Police Station

1484 Words

Alas-onse ng gabi. Lahat ay handa na sa kanilang pag-alis. Si Muyou ay nanggaling sa kusina nila Fuyumi habang si Fuyumi naman ay galing sa banyo nung bumalik sila sa may balkonahe. “Kulang ang supply natin. Kulang rin tayo sa mga armas. Kaunti lang din ang pagkain n'yo dito.” sabi ni Muyou kay Fuyumi. Nakikinig naman ang lahat sa pinag-uusapan nila Fuyumi. “Kailangan natin dumaan sa pinakamalapit na landmark. Baka may makuha tayong supply ng pagkain at mga armas.” sabi naman ni Fuyumi. “Saan naman tayo makakakita ng ganon na malapit dito?” tanong ni Vanessa. “Sa estasyon ng pulis. May malapit na estasyon dito. May sinasagawa silang charity ngayon kaya siguradong may supply ng pagkain don.” sabi naman ni Greg. Lahat ay tahimik na nakatingin sa kanya at naghihintay ng idadagdaig nya. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD